Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pamamaraan ng Salah (pagdarasal)
1. Ang layunin
Ang layunin ay isang kundisyon para sa kawastuhan ng Salah, na ang ibig sabihin ay kailangan niyang hangarin sa kanyang puso ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng Salah at batid niya na ito ay Salah sa Maghrib halimbawa o Isha'. At hindi ipinag-uutos ang pagbanggit sa layunin na ito, bagkus ang hangarin sa puso at isipan ang siyang kailangan, at ang pagbanggit doon ay mali; sapagka't hindi ito naiulat mula sa Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, at gayundin sa kanyang mga marangal na kasamahan.
Tatayo siyang nakatindig para sa Salah, at sasabihin niya: "Allahu akbar" at itataas niya ang kanyang mga kamay hanggang sa tapat ng kanyang mga balikat o hanggang sa mga sangay ng kanyang mga tainga, habang nakaunat ang kanyang mga daliri na nakaharap ang palad ng kamay sa direksyon ng Qiblah.
Ang kahulugan ng At-Takbeer
At hindi matatanggap ang Takbeer maliban sa salitang ito "Allahu Akbar" at ang kahulugan nito ay ang pagdakila at pagluwalhati sa Allah, sapagka't ang Allah ay higit na Dakila sa lahat ng iba pa bukod sa Kanya, higit na dakila kaysa sa mundo sa lahat ng anumang napapaloob dito na mga pagnanasa at mga kasiyahan, kaya itapon natin ang lahat ng ari-arian na iyon sa tabi at dumulog tayo sa Allah, ang Dakila, ang Kataas-taasan, sa Salah sa ating mga puso at isipan nang may ganap na pagpapakumbaba.
3. Ilalagay niya pagkatapos magbigkas ng Takbeer (Allahu Akbar), ang kanyang kanang kamay sa (ibabaw ng) kaliwang kamay sa kanyang dibdib, at gagawin niya iyon palagi sa kanyang pagtayo.
4. Magbibigkas siya ng pambungad sa Salah sa kung ano ang napatunayan mula sa Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, mula sa mga panalangin na pambungad, at kabilang na rito ang: "Subha-nakal la-humma wa bihamdika, wa taba-rakasmuka wa ta`a-la jadduka wa la ila-ha ghayruka (Luwalhati sa iyo, O Allah, at papuri sa Iyo, tigib ng pagpapala ang Iyong Pangalan, at Kataas-taasan ang Kamahalan, at walang Diyos bukod sa Iyo)".
5. Bibigkasin niya ang: "A`udhu billa-hi minash shayta-nir rajeem (Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban kay Satanas na isinumpa)" at ito ang siyang paghahanap ng kanlungan, at ang kahulugan nito: Ako ay nagpapakupkop at kumakanlong sa Allah mula sa kasamaan ni Satanas.
6. Bibigkasin niya ang: "Bismillahir rahmanir raheem (Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain)", at ang kahulugan ng Basmalah: Nagsisimula akong humingi ng tulong at pagpapala sa pamamagitan ng Ngalan ng Allah.
7. Bibigkasin niya ang Surah Al-Fatihah, at ang Al-Fatihah ay ang pinakadakilang Surah sa Aklat ng Allah. At sa katunayan nagkaloob ng biyaya ang Allah sa Kanyang Sugo sa pamamagitan ng paghahayag nito, at Kanyang sinabi: {At sa katunayan ay ibinigay Namin sa iyo ang pitong Al-Mathani at ang Dakilang Qur’an}. (Al-Hijr: 87). At ang pitong Al-Mathani ay ang Al-Fatihah, at tinawag ito nang gayon, dahil ito ay pitong Talata na inuulit ng mga tao ng ilang beses sa araw-araw.
ubligado sa isang muslim na maisaulo ang Surah Al-fatihah; dahil ang pagbigkas nito ay isang haligi ng Salah para sa sinumang nagdarasal nang mag-isa o sumusunod sa imam sa Salah na kung saan ay hindi pinapalakas ng Imam (namumuno sa Salah) ang pagbigkas.
Surah Al-Fatihah
8. Ipinag-uutos sa kanya pagkatapos bigkasin ang Al-Fatihah o pakinggan ito sa pagbigkas ng Imam (namumuno sa Salah), na magbigkas ng: (Ameen), at ang kahulugan nito ay: O Allah, tugunan Mo.
9. Magbibigkas siya pagkatapos ng Al-Fatihah, sa una at ikalawang Rak’ah, ng isa pang Surah o mga Talata mula sa isang Surah.Tungkol naman sa ikatlo at ikaapat na Rak’ah, limitado siya rito sa Al-Fatihah.
At ang pagbigkas ng Al-Fatihah at ang kasunod nito ay dapat na malakas sa Salah ng Fajr at sa una at ikalawang Rak'ah ng Maghrib at Isha'. At dapat na mahina sa Dhuhr at Asr, at sa ikatlong rak'ah ng magrib, at ikatlo't ikaapat ng isha.
10. Pagkatapos ay magbibigkas siya ng Takbeer (Allahu Akbar) para sa Ruku', habang itinataas ang kanyang mga kamay hanggang sa kanyang mga balikat o mas mataas, na ang palad ng kanyang mga kamay ay nakaharap sa direksyon ng Qiblah tulad ng ginawa niya sa unang Takbeer.
11. Siya ay yuyuko, sa pamamagitan ng pagyuko ng kanyang likod sa dakong Qiblah, na ang kanyang likod at ulo ay patag, at ilalagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mga tuhod, at paghihiwalayin niya ang pagitan ng mga daliri, at bibigkasin niya ang: "Subhana rabbiyal `adheem (Luwalhati sa aking Panginoong Dakila), at nakabubuting ulitin ang Tasbeeh (pagluluwalhati) ng tatlong beses, subali't ang ubligado ay isang beses lamang, at ang pagyuko ay isang lugar ng pagdakila at pagluwalhati sa Allah na Kataas-taasan.
Ang kahulugan ng "Subhana rabbiyal `adheem": Ibig sabihin, inilalayo ko ang Allah na Dakila at pinababanal ko Siya mula sa mga pagkukulang, sasabihin ito ng nagdarasal habang siya ay nakayuko.
12. Aangat siya mula sa Ruku' hanggang sa kalagayan ng pagkatayo. At itinataas niya ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang mga balikat at ang mga palad nito ay nakaharap sa direksyon ng Qiblah, tulad sa una habang binibigkas ang: "Sami`allahu liman hamidah (Narinig ng Allah ang sinumang pumuri sa Kanya)" kung siya ay isang Imam (namumuno sa Salah) o nag-iisa. Pagkatapos ay bibigkasin ng lahat ang: "Rabbana wa lakal hamd (Panginoon Namin at sa Iyo ang lahat ng papuri)."
At kaaya-aya sa kanya na dagdagan at sabihin niya pagkatapos nito ang: "…Hamdan kathiran tayyiban mubarakan fihi, mil-as-samai wa mil-al ardi wa mil-a ma shi'ta min shay-in ba`du (maraming pagpupuri na naglalaman ng mabubuting pagpapala, na pumupuno sa langit at pumupuno sa lupa at pumupuno sa anumang bagay na naisin mo pagkatapos)."
13. Luluhod siya pagkatapos noon sa lupa habang binibigkas ang Takbeer (Allahu Akbar) at magpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan niya, at ito ay: Ang noo kasama ang ilong, ang mga kamay, ang mga tuhod, at ang mga paa. At kaaya-aya para sa kanya na ilayo ang mga kamay sa tagiliran, at ilayo ang tiyan sa mga hita, at ilayo ang mga hita sa mga paa sa kanyang pagpapatirapa, at itataas niya ang kanyang mga bisig mula sa lupa.
14. At bibigkasin niya sa kanyang pagpapatirapa ang: "Subhana rabbiyal a`la." (luwalhati sa aking panginoon na kataas-taasan) Isang beses ang ubligado, at kaaya-aya na ulitin ito ng tatlong beses. At ang kahulugan ng "Subhana rabbiyal a`la": Aking pinababanal ang Allah, ang Kataas-taasan, sa Kanyang kadakilaan at kapangyarihan, at ang Kataas-taasan sa ibabaw ng mga kalangitan, mula sa lahat ng mga pagkukulang at mga kapintasan. At dito ay mayroong babala sa isang nagpapatirapa na nakalapat sa lupa ng buong kapakumbabaan at kababaang-loob, upang maalala ang pagkakaiba sa pagitan niya at ng kanyang Tagapaglikha na Kataas-taasan, nang sa gayon ay magpaka-aba siya sa kanyang Panginoon at magpakumbaba sa Kanyang Poon.
Ang pagpapatirapa ay isa sa pinakadakilang mga lugar ng pananalangin sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, kaya nananalangin dito ang isang Muslim pagkatapos ng ubligadong paggunita sa kung ano ang kanyang nais mula sa kabutihan ng mundo at huling araw. Siya ﷺ ay nagsabi: "Ang pinakamalapit na kalagayan ng isang alipin sa kanyang Panginoon, siya ay habang nakapatirapa, kaya paramihin ninyo ang panalangin." (Muslim: 482).
15. Pagkatapos ay bibigkasin niya ang: "Allahu Akbar", at uupo siya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa. At kaaya-aya para sa kanya na umupo sa kanyang kaliwang paa at itayo ang kanan, at ilalagay ang kanyang mga kamay sa unahan ng kanyang mga hita, na kasunod ng mga tuhod.
Ang pamamaraan ng pag-upo sa Salah
At ang lahat ng pag-upo sa Salah kaaya-aya dito ang naunang (ang nabanggit sa unang pahina na) paraan sa pag-upo, maliban sa huling Tashahhud, dahil kaaya-aya para sa kanya na itayo rin ang kanan, nguni't ilalabas niya ang kaliwa mula sa ilalim nito (ng kanan) at ang kanyang upuan ay sa lupa.
16. Bibigkasin niya sa kanyang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ang: "Rabbi-ghfir li (Panginoon ko, patawarin Mo ako)." At kaaya-aya na ulitin ito nang tatlong beses.
17. Pagkatapos ay magpapatirapa siya sa ikalawang pagkakataon, tulad ng kanyang unang pagpapatirapa.
18. Pagkatapos ay babangon siya mula sa pangalawang pagpapatirapa hanggang sa kalagayan ng pagtayo habang binibigkas ang: "Allahu Akbar."
19. At isasagawa niya ang Salah sa pangalawang Rak`ah, tulad sa una ng walang pagkakaiba.
20. Pagkatapos ng kanyang ikalawang pagpatirapa sa ikalawang rak'ah ay uupo siya para sa unang tashahhud tulad ng pag-upo niya sa pagitan nang dalawang pagpapatirapa, at Ituro niya ang hintuturo ng kanyang kanang kamay sa direksiyon ng qiblah At bibigkasin niya ang: "Attahiyyatu lillahi was salawatu wat tayyibatu, assalamu alaika ayyuhan nabiyyu wa rahmatullahi wa barakatuhu, assalamu alaina wa ala ibadillahis salihina, ashhadu alla ilaha illallah wa ashhadu anna muhammadan abduhu wa rasooluhu". (Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah, ang mga dasal at ang mabubuting bagay. Sumaiyo nawa ang kapayapaan o Propeta at ang habag ng Allah at ang Kanyang pagpapala. Ang kapayapaan ay mapasa-amin at mapasa mga lingkod ng Allah na matutuwid. Ako ay sumasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang sugo at lingkod)."
21. At Kung ang Salah ay dalawang rak'ah; tulad ng Faj'r (pagdarasal sa bukang-liwayway), sa gayon ay isunod niya ang Ash-shalawãtul ibrahimiya (ito iyong panalangin ng pagpapala sa propeta - tulad ng: Allãhomma shalli alã Muhammad ......), pagkatapos ay mag salam siya, at darating din ang paglilinaw niyaon. at tungkol naman sa kung ang salah ay tatluan (tatlong rak'ah) o apatan (apat na rak'ah), samakatuwid siya ay tatayo para sa natira sa kanyang pagdarasal maliban sa limitahan lang niya ang kanyang pagbigkas sa dalawang rak'ah na ikatlo at ikaapat sa Al-Fatihah lamang.
22. pagkatapos ay sa huling rak'ah pagkatapos ng ikalawang pagpapatirapa ay uupo siya para sa huling tashahhud, at ang paraan nito ay ang umupo siya sa kanyang upoan at itayo niya ang kanyang kanang paa (i-angat niya ang kanang binti) at ilabas niya sa ilalim nito ang kaliwa (kaliwang paa), at bigkasin niya kung ano ang kanyang sinabi sa unang tashahhud, pagkatapos ay bigkasin niya ang Shalawat ibrãhimiyyah: "Allahumma shalli ala muhammadin wa ala ali muhammadin, kama sallayta ala ibraheema wa ala ali ibraheema innaka hamidun majeed, wa barik ala muhammadin wa ala ali muhammadin, kama barakta ala ibraheema wa ala ali ibraheema innaka hamidun majeed", (O Allah, pagpalain Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad tulad ng iyong pagpapala kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim, tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati, at biyayaan Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad tulad ng iyong pagbiyaya kay Ibrahim at sa pamilya ni Ibrahim, tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati)."
At kaaya-aya para sa kanya na bigkasin pagkatapos noon: ""Audhu billahi min athabi Jahannam, wa min athabil qabri, wa min fitnatil mahya wal mamat, wa min fitnatil masihid dajjal (Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa kaparusahan ng Impiyerno, at mula sa kaparusahan ng libingan, at mula sa mga pagsubok ng buhay at kamatayan, at mula sa pagsubok ng bulaang kristo)." at manalangin siya ng anumang ibig niya.
23. pagkatapos ay lilingon siya sa bandang kanan habang sinasabi ang: (Assalamu alaikum wa rahmatullah) pagkatapos ay sa bandang kaliwa at sabihin niya ang katulad niya, at sa pamamagitan ng tasleem (Assalamu alaikum wa rahmatullah) ay ganap na natapos ng isang Muslim ang kanyang Salah, tulad ng sinabi niya, ﷺ: "Ang simula nito ay ang Takbeer (Allahu akbar) at ang pagtatapos nito ay ang Tasleem." (Abu Dawud: 618, At-Tirmidhi: 3). Ibig sabihin: Tunay na ang Salah ay nakakapasok dito sa pamamagitan ng Takbeer at nakakalabas mula rito sa pamamagitan ng Tasleem.
24. Kaaya-aya pagkatapos magsalam (Assalamu alaikum wa rahmatullah) mula sa ubligadong Salah, na bigkasin niya ang:
Kailangan niyang sikapin ang pag-saulo sa mga ubligadong Dhikr sa Salah, dahil hindi ito matatanggap maliban sa wikang arabik, at ito ay ang: Al-Fatihah, Allahu Akbar, Subhana rabbiyal `adheem, sami`allahu liman hamidah, Rabbana wa lakal hamd, Subhana rabbiyal a`la, Rabbigh fir li, At-Tashahhud, ang paghiling ng pagpapala para sa Propeta, at ang Assalamu alaikum wa rahmatullah.
Dapat sa isang Muslim sa kanyang mga pagdarasal, bago niya makumpleto ang pagsasaulo, na ulitin niya ang anumang alam mula sa mga Tasbeeh (pagluwalhati), Tahmeed (pagpupuri) at Takbeer (pagdakila) habang nagsasagawa ng Salah, o ulitin niya ang Talata na kanyang naisaulo habang nakatayo. batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya matakot kayo sa Allah sa abot ng inyong makakaya}. (At-Taghabun: 16).
Dapat sa kanya sa panahong ito na maging ganap na masigasig (sa abot ng kanyang makakaya) sa sama-samang pagdarasal upang mainsakto niya ang kanyang pagdarasal, at dahil ang Imam (namumuno) ang may pananagutan sa ilang pagkukulang ng mga Ma'mum (sumusunod).