Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Salah na sama-samang isinasagawa

Isinasatungkulin ng Allah ang sama-samang pagdarasal sa mga Muslim dahil sa mga dakilang layunin at maraming mga pakinabang, sa aralin na ito ay malalaman mo ang pamamaraan sa sama-samang pagdarasal at mga alituntunin nito.

  • Pag-alam sa kabutihan ng Salah na sama-samang isinasagawa.
  • Ang pag-alam sa kahulugan ng pagsunod sa Imam (namumuno sa Salah).
  • Ang pag-alam sa mga alituntunin ng Imam at ng sumusunod.

Ipinag-utos ng Allah sa mga kalalakihan ang sama-samang pagsasagawa sa limang Salah, at sa katunayan ay naitala sa kabutihan nito ang dakilang gantimpala, at sinabi niya ﷺ: "Ang Salah na sama-samang isinasagawa ay mas mabuti kaysa sa Salah na nag-iisa ng dalawampu't pito na antas." (Al-Bukhari: 645 – Muslim: 650).

Ang pinakamababa na bilang ng sama-samang pagdarasal ay dalawang tao: Isang Imam (namumuno sa Salah) at isang tagasunod, at sa tuwing ang bilang ng sama-samang pagdarasal ay lalong dumarami, ito ay higit na minamahal sa Allah.

Ang kahulugan ng pagsunod sa Imam (namumuno sa Salah)

Na iugnay ng isang nagdarasal na tagasunod ang kanyang Salah sa kanyang Imam, kaya't siya ay susunod sa kanya, sa kanyang pagyuko at pagpapatirapa, at makikinig sa kanyang pagbigkas, at hindi siya mangunguna sa kanya o sumalungat sa alinman sa mga iyon, sa halip ay gagawin niya kaagad ang gawain pagkatapos ng kanyang Imam.

Ang pagsunod sa Imam

Sinabi niya ﷺ: "Itinalaga lamang ang Imam upang sundin siya dito, kaya kapag siya ay nagbigkas ng Takbeer (Allahu Akbar), bumigkas na rin kayo ng Takbeer, at huwag kayong magbigkas ng Takbeer hangga't hindi siya nagbibigkas ng Takbeer, at kapag siya ay yumuko, yuyuko na rin kayo, at huwag kayong yumuko hangga't hindi siya yumuyuko, at kapag binigkas niya ang: "Sami Allahu liman hamidah", bumigkas kayo ng: "Rabbana wa lakal hamd". At kapag siya ay nagpatirapa, magpatirapa na rin kayo, at huwag kayong magpapatirapa hangga't hindi siya nagpapatirapa.." (Al-Bukhari: 734 – Muslim: 411 – Abu Dawud: 603).

Sino ang magpasimuno para sa pag-imam (sa pagdarasal)?

At ang magpasimuno para sa pag-imam ay ang higit na naisaulo ang Aklat ng Allah at higit na mahusay sa pagbabasa, pagkatapos ay ang pinaka dalubhasa at susundan ng pinaka dalubhasa, tulad ng sinabi niya ﷺ: "Mangunguna sa mga tao sa pagdarasal ang higit na mahusay sa kanila sa pagbabasa sa Aklat ng Allah, at kung sila ay magkakapantay sa pagbabasa, sa gayon ang higit na maalam sa kanila sa Sunnah (Hadith)." (Muslim: 673).

Saan tatayo ang Imam at ang mga tagasunod?

Dapat na umabante ang Imam, at hanayin ang mga tagasunod sa likuran niya sa isang hanay, at kumpletuhin nila ang unang hanay, pagkatapos ay ang kasunod, at kung ang tagasunod ay nag-iisa, siya ay tatayo sa kanan ng Imam.

Paano niya kumpletuhin ang mga nakaligtaan niya (mga rak'ah na hindi niya inabutan) sa Imam?

Ang sinumang pumasok na kasama ng Imam pagkatapos niyang nakaligtaan ang ilan sa bahagi ng Salah, siya ay papasok na kasama niya hanggang sa bigkasin ng Imam ang Salam, at pagkatapos ay kanyang kumpletuhin ang natitira sa kanyang Salah. At kuwentahin niya kung ilan ang inabot niya sa Imam sa simula ng kanyang Salah, at kung ilan ang isasagawa niya pagkatapos noon sa hulihan ng kanyang Salah.

Sa paano mo maabutan ang Rak'ah?

Sinuman ang nakaabot ng pagyuko kasama ng Imam, ay naabutan niya ang buong Rak'ah, at sinuman ang nakaligtaan ang pagyuko, ay hindi na niya naabutan ang rak'ah na ito at ang mga nauna pa rito na mga rak'ah, ngunit dapat siyang pumasok sa pagdarasal kasama ang imam, at kapag nagsalam na ang imam, tatayo siya at pagdasalan niya kung ano ang hindi niya naabutan sa salah ng imam.

Mga halimbawa para sa sinumang nakaligtaan ang unang bahagi ng Salah kasama ng Imam

Ang sinumang nakaabot sa Imam sa Salah sa Fajr ng ikalawang Rak’ah, kailangan niyang bumangon, pagkatapos magbigkas ng Salam ang Imam, upang kumpletuhin ang natitirang Rak’ah sa kanya at hindi siya magbibigkas ng Salam hanggang sa matapos niya ito; dahil ang Salah sa Fajr ay binubuo ng dalawang Rak'ah, at siya ay walang inabot kundi isa lamang.

Ang sinumang nakaabot sa Imam habang siya ay nasa huling Tashahhud sa Salah sa Maghrib, kailangan niyang magsagawa ng Salah ng tatlong kumpletong Rak'ah pagkatapos magbigkas ng Salam ang Imam; dahil naabutan niya ang Imam sa huling Tashahhud, sapagka't inaabot lamang ang Rak'ah sa pamamagitan ng pag-abot sa Ruku' kasama ang Imam.

Ang sinumang nakaabot sa Imam habang siya ay nakayuko sa ikatlong Rak'ah ng Salah sa Dhuhr, kanyang naabutan ang dalawang Rak'ah kasama ang Imam (at ito para sa tagasunod ay ang unang dalawang Rak'ah sa Dhuhr), at kapag nabigkas ng Imam ang Salam, kailangan niyang tumayo at kumpletuhin niya ang natitira sa kanya, at ito para dito ay ang dalawang Rak'ah, ang ikatlo at ang ikaapat, dahil ang Dhuhr ay Salah na apatan.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit