Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga makarelihiyon (pananampalataya) na pagmamasid sa taglamig

Dapat sa isang muslim na magmamasid sa mga kosmiko na mga palatandaan Nang pagmamasid na may pagmumuni-muni at pagninilay-nilay, at huwag siyang mapabilang sa mga pabaya. at sa araling ito ay pagmasdan natin ang ilang makarelihiyon na pagmamasid sa panahon ng taglamig.

  • Ang pag-alam sa wagas na layunin ng Allah sa taglamig at sa pag-iikot ng mga panahon sa isang taon.
  • Ang damdamin ang kadalian ng islam sa mga alituntunin nito.
  • Ang taglamig ay isang panahon (o season) mula sa mga panahon ng taon, itinakda ito ng Allah na may wagas at dakilang layunin.

    Ang taglamig (na nabanggit) sa Qur'ãn

    Nabanggit ang salitang Ash-shitã' (taglamig) sa banal na Qur'ãn nang isang beses lamang sa Surah Quryash, sinabi ng Kataas-taasan (Allah): {Dahil sa pagkahirati sa Quraysh. sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init} [Quraysh: 1-2], at ang paglalakbay sa taglamig ay: Ang paglalakbay sa pangangalakal ng mga Quraysh sa taglamig; at sila noon ay tumutungo sa paglalakbay na iyon papuntang Yemen, At ang paglalakbay sa tag-init ay tumutungo sila nito papunta sa Syria.

    At ang taglamig ay sumasalubong sa tag-init, At ang panahon ng taglagas at tagsibol ay tumatayong pagitan ng dalawa, kaya dahil diyan sinabi ng ilan sa mga pantas ('Ulamã'): tunay na Ang isang taon ay dalawang panahon: tag-init at taglamig.

    Ang taglamig ay isa sa pagpapakita ng kapangyarihan at kakayahan ng Allah, at ng kanyang kaalaman at habag:

    Samakatuwid siya (Ang Allah)-Luwalhati sa kanya- Ang nagpapaikot sa gabi at sa maghapon, sa init at sa lamig, sa tag-init at sa taglamig, sinabi ng Allah: {Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon ay talagang (ito ay) mga tanda ukol sa mga (taong) may pang-unawa} [Ãl Imãn: 190], at kahitpaman ang pagsasalit-salitan na ito ay may natural na mga dahilan, gayunpaman ang Allah parin ang siyang lumikha sa mga dahilan na ito.

    Ang taglamig ay isang pagkakataon upang samantalahin ang mga edad (buhay) at alalahanin ang mga biyaya.

    Ang taglamig at ang pagbabago ng panahon ay isang pagkakataon upang alalahanin ang paglipas ng mga edad (o buhay), sa kabila ng kabiguan ng tao na samantalahin sila. kung saan ay maaalala ng isang tao ang nakaraang taglamig at kung gaano ito kabilis lumipas, at maisip niya sa bagong panahon ang isang pagkakataon upang makabawi sa kabiguan sa nakaraang panahon.

    Sinabi ng kataas-taasan Allah: {At Siya ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na magsaalaala o nagnais ng pasasalamat} [Al-Furqãn: 62], sinabi ni Umar bin Al-khattãb -kaluguran nawa siya ng Allah-: "Punoan mo kung ano ang napalampas mo mula sa iyong gabi, sa iyong araw, dahil ang Allah ay ginawa niya ang gabi at araw na magkasalitan para sa sinumang nagnanais na makaalaala O nagnanais ng pasasalamat".

    Ang taglamig ay isang pagkakataon upang alalahanin ang biyaya ng Allah na mga dahilan ng pagpapainit na pinadali ng Allah (ang pagkamit nito) mula sa mga balahibo ng tupa at mga kagamitan na nagpapainit at ibapa, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {At Ang mga hayupan na nilikha Niya ang mga ito para sa inyo; sa mga ito ay may init at mga pakinabang, at mula sa mga ito ay kumakain kayo} [An-nahl: 5], at nararapat sa mga biyayang ito ang pasasalamat, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {At (gunitain) nang ipahayag ng inyong panginoon: "kung tunay na nagpapasalamat kayo, tunay na ako ay magdaragdag sa inyo, subalit kung kayo ay nagkaila (hindi nagpapasalamat) katotohanan, ang aking parusa ay tunay na matindi} [Ibrāhīm: 7].

    Ang taglamig ay isang pagkakataon upang alalahanin ang kabilang buhay.

    Sa tindi ng lamig, may nakukuhang halimbawa at katuroan na nakuha natin mula sa hadith ng Sugo ng Allah ﷺ: "nagreklamo ang apoy (sa Impiyerno) sa kanyang panginoon (Allah), at sinabi niya: O aking panginoon, kinakain na ng aking mga bahagi ang isa't isa, kung kaya't pinahintulutan siya ng (Allah ng) dalawang beses na paghinga, isang paghinga sa taglamig, at isang paghinga sa tag-init, at iyon ang mararanasan ninyo na pinakamatinding init, at pinakamatinding maranasan ninyo na lamig". (Al-bukharie 3260, at Muslim 617).

    At ang mga tao ng Impiyerno ay pinaparusahan sa Lamig kagaya ng pagpaparusa sa kanila sa Init, sinabi ng kataasa-taasan (Allah): {Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin, maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana, bilang ganting angkop} [An-naba': 24-26], At ang Nana na tumutulo na subrang lamig na nakakasunog sa subrag lamig nito; humihingi ang mga tao ng Impiyerno ng init, at bibigyan sila ng hangin na napakalamig, matutunaw ang buto sa lamig nito, kaya hihilingin na nila ang init ng Impiyerno.., manalangin tayo sa Allah na bigyan Niya tayo ng mabuting kalusugan at kaligtasan sa Impiyerno.

    Sabi ng ilang mananamba: Walang (pagkakataon) na nakikita ko ang mga Snow na bumabagsak maliban sa naalaala ko ang paglilipana ng mga pahayagan sa araw ng pagtitipon at paglalathala.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit