Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pagsasaksi na walang Diyos -na may karapatan sambahin- mailban sa Allah

Nagtakda ang Islam para sa dalawang pagsasaksi "Ash-hado an-laa ilaaha illa Allah wa ash-hado anna muhammadan rasoolullah" ng pinakadakila na kalagayan at pinakamarangal nito, matututunan mo sa aralin na ito ang kahulugan ng Shahãdato An-"laa ilaaha illa Allah", at katayuan at mga haligi nito.

  • Ang pag-aalam sa kahulugan ng pagsasaksi na walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah.
  • Ang pag-aalam sa kalagayan (katayuan) ng pagsasaksi na walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah.
  • Pag-aalam sa mga Haligi ng pagsasaksi na walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah.
  • Nagtakda ang Islam para sa Salita ng Kaisahan na laa ilaaha illa Allah -walang diyos na may karapatan sambahin maliban sa Allah- ng pinakadakila na katayuan at pinakamarangal nito

    Ang katayuan ng La ilaaha illa Allah (Walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah)

    ١
    Ito ang unang obligasyon na isinatungkulin sa isang Muslim, kaya ang sinumang nais pumasok sa Islam, samakatuwid kailangan niyang paniwalaan at sambitin ito.
    ٢
    Sinuman ang nagsabi nito ng may paniniwala rito, hinahangad niya dito ang mukha ng Allah, ito ang magsisilbing dahilan sa kaligtasan niya mula sa Apoy gaya ng sinabi ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Sa gayon tunay na si Allah ay ipagkakait Niya sa Apoy ang sinumang nagsabi ng La ilaaha illa Allah (Walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah) na hinahangad niya dito ang Mukha ng Allah. (Al-Bukhari 415)
    ٣
    Sinuman ang namatay sa Salitang ito na naniniwala rito, samakatuwid siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, batay sa sinabi ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Sinuman ang namatay habang naniniwala na walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah, siya ay makakapasok sa Paraiso. (Ahmad 464)

    At dahil doon! katotohanang ang pagsasaksi na walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah ay siyang pinakadakila at pinakamahalaga sa mga obligasyon.

    Ang kahulugan ng La ilaaha illa Allah (Walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah)

    Ibig sabihin: Walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah lamang na Nag-iisa, samakatuwid ito ay pagtatakwil sa mga diyos bukod sa Allah na Tigib ng Pagpapala at Kataas-taasan, at pagpapatunay sa kabuoan nito sa Allah lamang na Nag-iisa, wala Siyang katambal.

    At ang Diyos: Ang ibig sabihin nito ay ang sinasamba na siyang pinagkukumbabaan ng mga puso, samakatuwid ay dinadakila niya ito, dinadalanginan, kinatatakutan at inaasam-asam, kaya ang sinumang nagpakumbaba sa isang bagay at nagpaka-aba dito at minahal ito at inasam, sa gayon tunay na itinuring niya itong isang diyos at sinasamba, at ang lahat ng mga sinasamba na iyon ay walang kabuluhan maliban sa isang Diyos, at ito ay ang Panginoon, ang Tagapaglikha na Tigib ng Biyaya at Kataas-taasan.

    Samakatuwid Siya na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan ang karapat-dapat sa pagsamba walang iba bukod sa Kanya, at Siya ang sinasamba ng mga puso bilang pagmamahal, pagpipitagan at pagdakila, at bilang pagkaaba, pagpapakumbaba, pagkatakot at pag-aasa sa Kanya, at pagpapanalangin sa Kanya, kaya walang dinadalanginan maliban sa Allah, at walang hinihingan ng saklolo maliban sa Kanya, at walang inaasahan kundi Siya, at walang iniaalay na pagdarasal maliban para sa Kanya, at walang kinakatay na hayop bilang sakripisyo kundi para sa Kanya, kaya kinakailangang iukol ang katapatan ng pagsamba para sa Kanya lamang na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {At walang ipinag-utos sa kanila kundi upang sumamba sa Allah ng buong katapatan sa Kanya sa pananampalataya}. (Al-Bayyinah: 04)

    At sinuman ang sumamba sa Allah na Kataas-taasan ng may katapatan sa Kanya, nagpapatotoo sa kahulugan ng La ilaaha illallah (Walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah), sa gayon magtatamasa siya ng dakilang kaligayahan, kaluwagan, kasiyahan at marangal na buhay na masagana, samakatuwid ang mga puso ay walang totoong katahimikan, ni kapanatagan at kapayapaan ng isip maliban sa pagbubukod-tangi sa Allah na Kataas-taasan sa pagsamba. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Ang sinumang gumawa ng matuwid maging lalaki man o babae habang siya ay mananampalataya, sa gayon pagkakalooban Namin siya ng magandang buhay}. (An-Nahl: 97)

    Ang mga Haligi ng La ilaaha illallah (Walang Diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah)

    ١
    Ang Unang haligi: (Lã ilãha) na siyang pagtalikod o pagtakwil sa pagsamba sa anuman bukod sa Allah na kataas-taasan, at pagpawalang kabuluhan sa pagtatambal (polytheismo), at pagka-obliga sa pagtanggi o pagtalikod sa lahat ng anumang ibang sinasamba bukod sa Allah, maging itoman ay tao, hayop, rebulto, planeta o iba pa doon.
    ٢
    Ang Ikalawang haligi: (illa-Allah) na siya pagpatotoo o pagpapanatili ng pagsamba sa Allah lamang na nag-iisa, at pagbubukod tangi sa kanya -luwalhati sa kanya- sa lahat ng uri ng gawaing pagsamba tulad ng pagdarasal, pananalangin, at pagtitiwala o pag-asa.

    At ang lahat ng uri ng Ibaadah (Pagsamba) ay dapat ibaling sa Allah lamang ng walang pagtatambal sa Kanya, samakatuwid sinuman ang nagbaling ng isa sa mga ito ng kahit katiting sa iba bukod sa Allah, sa katotohanan siya ay nakapagtambal sa Allah. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {At ang sinumang nananalangin sa ibang diyos bilang katambal ng Allah ng walang patunay siya tungkol dito, tunay na ang kanyang pagsusulit ay tanging nasa kanyang Panginoon lamang. Katotohanang hindi nagtatagumpay ang mga hindi naniniwala}. (Al-Mu'minun: 117).

    At sa katunayan ay nabanggit ang kahulugan ng La ilaaha illallah (Walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah) at ang mga Haligi nito sa sinabi Niya na Kataas-taasan: {Kaya ang sinumang nagtatakwil sa mga Thagut (diyus-diyusan) at naniniwala sa Allah, samakatuwid tunay na kanyang nahawakan ang matibay na hawakan}. (Al-Baqarah: 256) at sa sinabi Niya: {Kaya ang sinumang nagtatakwil sa mga Thagut}: Ito ang kahulugan ng unang Haligi (La ilaaha - walang diyos -na karapat-dapat sambahin-) at sa sinabi Niya: {At naniniwala sa Allah): Ito ang kahulugan ng ikalawang Haligi (illallah - maliban sa Allah).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit