Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Shirk (pagtatambal sa Allah)

Ang Shirk (pagtatambal sa Allah) ay sumasalungat sa paniniwala sa kaisahan ng pagka-Diyos ng Allah. at ito ang pinakamalaking kasalanan. matututunan mo sa araling ito ang kahulugan ng Shirk (pagtatambal sa Allah), panganib nito at mga uri nito.

  • Pag-alam sa ibig sabihin ng Shirk.
  • Pag-alam sa panganib ng Shirk.
  • Pag-alam sa mga uri ng Shirk.
  • Ang kahulugan ng Shirk

    Ang Shirk (Pagtatambal): Ito ay ang pagtakda ng katambal sa Allah na Kataas-taasan sa Kanyang pagka-Panginoon, sa Kanyang pagka-Diyos, o sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian.

    Ang mga halimbawa ng Shirk

    ١
    Ang Shirk sa pagka-Panginoon: Tulad ng sinumang nag-aakala na mayroong isang lumikha ng sansinukob maliban sa Allah, o namamahala nito kasama ng Allah, luwalhati sa Kanya.
    ٢
    Ang Shirk sa pagka-Diyos: Tulad ng sinumang sumasamba o nananalangin sa iba bukod sa Allah na Kataas-taasan.
    ٣
    Ang Shirk sa mga Pangalan at Katangian: Tulad ng sinumang inihahalintulad ang Allah, luwalhati sa Kanya, sa isang bagay mula sa Kanyang mga nilalang.

    Ang panganib ng Shirk

    Ang Shirk ay sumasalungat sa paniniwala sa kaisahan ng pagka-Diyos ng Allah. At kapag ang paniniwala sa kaisahan ng pagka-Diyos ng Allah na Kataas-taasan at ang pag-iisa ng Allah sa pagsamba ang pinakamahalaga sa mga tungkulin at pinakadakila nito, magkagayon ang Shirk ang pinakamalaking kasalanan sa paningin ng Allah na Kataas-taasan, samakatuwid ito ang tanging kasalanan na hindi pinapatawad ng Allah maliban sa pamamagitan ng pagsisisi, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah na tambalan Siya, at pinatatawad Niya ang bukod doon sa sinumang naisin Niya}. (An-Nisa': 48). At nang tanungin ang Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, tungkol sa kung ano ang pinakamalaking kasalanan sa Allah? Sinabi niya: "Na ikaw ay makapagbigay sa Allah ng isang kawangis, samantalang Siya ang lumikha saiyo." (Al-Bukhari: 4207 – Muslim: 86).

    Ang Shirk ay sumisira sa mga gawaing pagsunod at nagpapawalang-bisa nito, tulad ng sinabi Niya, Luwalhati sa Kanya: {At kung sila ay nakagawa ng pagtatambal, katiyakan na nawalan ng saysay ang anumang dati nilang ginagawa}. (Al-An’am: 88).

    Ang Shirk ay nangangailangan para sa gumagawa nito ng pananatili sa Apoy ng Impiyerno, kung saan ay sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, sinuman ang nagtatambal sa Allah, kung gayon tunay na ipinagbawal ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang kanyang tahanan ay ang Apoy}. (Al-Maidah: 72).

    Mga uri ng Shirk

    ١
    Malaking Shirk
    ٢
    Maliit na Shirk

    1- Ang malaking Shirk

    Ito ay ang pag-aalay ng isang alipin ng isang pagsamba mula sa mga gawaing pagsamba sa iba bukod sa Allah na Kataas-taasan, kaya bawa't salita o gawain na mula sa mga gawaing pagsamba na minamahal ng Allah na Kataas-taasan, kapag ito ay ganap na naibaling sa iba bukod sa Allah, samakatuwid ito ay Shirk (politeismo) at Kufr (kawalan ng pananampalataya). At ang isang halimbawa ng malaking Shirk: Ang humingi ang isang tao sa iba bukod sa Allah at manalangin sa Kanya na pagalingin siya mula sa kanyang karamdaman, o palawakin ang kanyang kabuhayan, at gayundin kapag ang isang tao ay umasa sa iba bukod sa Allah, o nagpatirapa sa iba bukod sa Allah.

    ١
    Sinabi ng Kataas-taasan: {At nagsabi ang inyong Panginoon: Manalangin kayo sa Akin, tutugunan Ko kayo}. (Ghafir: 60).
    ٢
    Sinabi ng Kataas-taasan: {At sa Allah kayo magtiwala kung kayo ay mga mananampalataya}. (Al-Maidah: 23)
    ٣
    Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay ka (magkatay ka ng hayup bilag pag-aalay sa Allah)}. (Al-Kawthar: 2).

    Kaya ang pagbaling sa mga ganitong panalangin, gawain at iba pang mga katulad nito sa iba bukod sa Allah ay Shirk at Kufr; dahil ang pagpapagaling at ang kabuhayan ay kabilang sa mga katangian ng pagka-Panginoon, at ang pagtitiwala sa Allah at pagpapatirapa sa Kanya ay kabilang sa mga katotohanan ng Kaisahan ng pagka-Diyos.

    2- Ang maliit na Shirk

    Ito ay ang bawa't salita o gawain ay nagiging daan tungo sa malaking Shirk, at isang paraan upang mahulog dito

    Ang mga halimbawa ng maliit na Shirk

    ١
    Ang magaan na pagpapakitang-tao: Tulad ng pagpapahaba ng isang Muslim kung minsan sa pagdarasal para makita siya ng mga tao, o pagpapataas ng kanyang boses sa pagbabasa o sa paggunita kung minsan upang marinig siya ng mga tao at pupurihin siya. Sinabi ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Tunay na ang higit kong kinatatakutan para sa inyo ay ang maliit na Shirk.” Sila ay nagsabi: At ano ang maliit na Shirk, O Sugo ng Allah? Siya ay nagsabi: "Ang Riya' (pagpapakitang-tao)." (Ahmad: 23630).
    ٢
    Ang mga ipinagbabawal na salita dahil sa pagkasalungat ng mga ito sa pagiging ganap ng Tawheed (Kaisahan ng Allah): Tulad ng isang sumusumpa at nanunumpa sa iba bukod sa Allah at sinasabi, halimbawa: (At ako ay nanunumpa sa iyong buhay), o (at ako ay nanunumpa sa Propeta). At sa katunayan, nagbabala ang Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, tungkol diyan, at sinabi niya: "Sinuman ang nanumpa sa iba bukod sa Allah, magkagayon siya ay tumalikod sa kanyang pananampalataya o nakagawa ng Shirk." (At-Tirmidhi: 1335).

    Itinuturing ba na isang Shirk ang paghingi ng tulong sa mga tao at ang paghiling sa kanila?

    Sa katotohanan, dumating ang Islam upang palayain ang isip ng tao mula sa pamahiin at pagiging impostor at upang palayain ang kanyang sarili mula sa pagpapakumbaba sa iba bukod sa Allah na Kataas-taasan. Kaya hindi pinahihintulutan na hilingan ang patay o ang walang buhay, magpakumbaba at magpakaaba sa kanya ng walang pasubali, sapagka't ito ay mula sa pamahiin at Shirk (politeismo). Tungkol naman sa paghiling sa kasalukuyang buhay sa kung ano ang kanyang kaya, tulad ng pagtulong sa kanya o pagliligtas sa kanya mula sa pagkalunod, o ang paghiling sa kanya na magsumamo sa Allah para sa kanya, sa gayon ito ay pinahihintulutan

    Ang paghingi ng tulong at paghiling mula sa isang walang buhay o patay.

    Ang paghingi ng tulong at paghiling sa isang walang buhay o patay ay itinuturing na Shirk (politeismo) na sumasalungat sa Islam at pananampalataya. Dahil ang patay at ang walang buhay ay hindi kayang marinig ang kahilingan at hindi rin kayang tugunan ito, sapagka't ang pagsusumamo ay isang gawaing pagsamba, at ang pagbaling nito sa iba bukod sa Allah ay Shirk, at sa katunayan ang Shirk ng mga Arabo noon sa panahon ng pagsugo ay ang pagsusumamo sa mga walang buhay at mga patay.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit