Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Paghugas at pagbalot sa patay

Ginagalang ng batas ng islam ang muslim pagkatapos ng kanyang kamatayan tulad ng paggalang nito sa kanya noong siya ay buhay pa, mapag-aralan mo sa aralin na ito ang ilan sa mga alituntunin na may kaugnayan sa paghugas ng patay at pagbalot nito.

  • Pag-alam sa mga kaaya-ayang gawin pagkatapos ng kamatayan ng isang muslim.
  • Pag-alam sa paraan ng paghugas sa patay.
  • Pag-alam sa ilang mga alituntunin ng pagbalot sa patay.
  • Ang mga bagay na kaaya-ayang gawin pag namatay ang muslim

    Pag natiyak na ang pagkamatay at humiwalay ang kaluluwa sa katawan, kaaya-ayang gawin ang ilang mga bagay

    1. Ipikit ang mga mata ng patay ng marahan bilang paggalang sa kanya

    At nang pumasok ang propeta ﷺ kay abi salamah at nakadilat ang kanyang mata ay ipinikit niya ito at sinabi niya: "kung nadatnan ninyo ang mga namatay sa inyo ay ipikit ninyo ang mga mata" (ibn mãjah 1455).

    2. Ang pagtitiis at pagpigil sa sarili

    At hindi pagtaas ng boses sa pag-iyak at pagnanangis, at pagsabi sa pamiliya at mga kamag-anak ng namatay na magtiis sila, sa katunayan ay inutusan ng propeta ﷺ ang isa sa kanyang mga anak na babae nang namatay ang anak nito na bagong panganak ng pagtitiis at pag-asa ng gantimpala (Al-bukharie 1284, at Muslim 923).

    3. Ang pananalangin para sa kanya ng awa at kapatawaran, at para sa kanyang pamilya ng pagtitiis at pagkalibang.

    Tulad ng ginawa ng propeta ﷺ kay abi salamah -isa sa kanyang mga marangal na kasamahan- noong siya ay namatay, sinabi niya: "katotohanan na ang kaluluwa kapag ito ay kinuha susundan ito ng paningin" pagkatapos ay sinabi niya: "Allahomma-igfir li-abi salamah, wa-rfa' darajataho fil-mahdiyyin, wa-khlofho fi 'aqibihi fil-gãbirin, wagfir lanã walaho yaa rabbal 'Ãlameen, wa-fsah laho qabraho, wanawwir laho feehi" (Muslim 920). (O Allah, patawarin mo si abi salamah, at itaas mo ang kanyang antas sa mga pinatnubayan, at ikaw ang kahalili sa kanyang mga naiwan, at patawarin mo kami at siya O panginoon ng sangkatauhan, at palawakin mo sa kanya ang kanyang libingan, at liwanagan mo ito para sa kanya).

    4. Ang pagmamadali sa paghahanda sa patay, pagligo sa kanya, pagdarasal sa kanya at paglibing sa kanya.

    Sinabi niya ﷺ: "madaliin ninyo ang paglibing, dahil kung siya ay naging mabuti, ito ay mabuti na ibinibigay ninyo, at kung hindi naman siya naging ganon, ito ay masama na inilalagay ninyo sa inyong mga balikat" (Al-Bukharie 1315, Muslim 944).

    5. Pagtulong sa pamiliya ng namatay

    At pagtulong sa kanila na maitaguyod ang ilan sa kanilang mga pasanin, at katotohanan na ipinag-utos ng propeta ﷺ na gumawa ng pagkain para sa pamiliya ng kanyang pinsan na si ja'far bin abi tãlib nong siya ay napatay -kaluguran siya ng Allah- at sinabi niya ﷺ: "gumawa kayo ng pagkain para sa pamiliya ni ja'far dahil tunay na dumating sa kanila ang bagay na nakaabala sa kanila" (abu dãwod 3132, At-tirmizie 998, ibn mãjah 1610).

    Pagligo sa patay

    Ubligado ang pagligo sa patay bago ang pagbalot at paglibing sa kanya, at ang gagawa sa pagligo ay isa sa kanyang pamiliya at mga kamag-anak O iba sa kanila mula sa mga muslim, at tunay na pinaliguan din ang propeta ﷺ nong siya ay namatay at siya ay dalisay at nakakadalisay.

    Paraan ng pagligo (sa patay):

    Sapat na sa pagligo sa patay na mabasa ng tubig ang buong katawan niya, at maalis mula sa kanya ang mga dumi kung mayroon, habang iniingatan din ang pagtakip sa kanyang mga maselang bahagi sa pagligo, at kanais-nais na pangalagaan ang mga bagay na sumusunod:

    1. Ang matakpan ang kanyang maselang bahagi sa pagitan ng kanyang pusod at tuhod, at iyon ay pagkatapos na maalis sa kanya ang kanyang mga damit.

    2. Ang maglagay ang tagapagligo ng guwantes O basahan sa kanyang kamay habang hinuhugasan niya ang pribadong bahagi ng patay.

    3. Ang mag-umpisa sa pag-alis ng mga pinsala at dumi sa patay.

    4. Pagkatapos ay hugasan niya ang mga bahagi ng wudu (mga bahagi na hinuhugasan sa pagwuwudo) ng magkasunod-sunod ayun sa nakasanayan.

    5. Pagkatapos ay hugasan niya ang ulo at mga natira pang bahagi ng katawan, at kanais-nais na paliguan niya ito ng sidr (Ito ay dahon ng buckthorn), O sabon pagkatapos ay buhusan niya ng tubig pagkatapos niyaon.

    6. kanais-nais na hugasan ang kanang tagiliran, pagkatapos ay ang kaliwa.

    7. kanais-nais ang pag-ulit ng tatlong beses o mas marami kung kinakailangan iyon.

    tulad ng sinabi niya ﷺ sa mga babae na tagapagligo ng kanyang anak na si zainab -kaluguran siya ng Allah-: "hugasan (paliguan) niyo siya ng tatlong beses o lima o mas marami kung sa tingin ninyo ay kailangan" (Al-Bukharie 1253, at Muslim 939).

    8. Puweding maglagay ng tela at koton at katulad niyon

    Sa puwet, ari, mga tenga, ilong at bibig: upang hindi makalabas mula sa kanya ang dumi o dugo.

    9. Kanais-nais ang paglagay ng pabango sa patay

    Habang pinapaliguan at pagkatapos paliguan, sa katunayan ay inutusan ng Sugo ng Allah ﷺ ang mga babae na tagapagligo ng kanyang anak na gawin nila sa pinakahuling pagligo ang kãfoora (ito ay isang uri ng pabango) (Al-bukharie 1253, Muslim 939).

    Sino ang magsasagawa ng pagligo (sa patay)?

    ١
    Kung ipinagbilin ng namatay na ang maligo sa kanya ay si ginoo dapat iyon ipatupad.
    ٢
    Ang lalaki at babae na hindi pa umabot ang edad sa pitong taon, pinahihintulutan na paliguan sila ng mga lalaki o mga babae, bagamat mas mainam na ang batang lalaki ay paliguan ng mga lalaki, at ang batang babae ay mga babae rin.
    ٣
    Kung ang namatay ay mahigit pitong taon na ang edad pataas, ay hindi puweding paliguan ang lalaki maliban sa mga lalaki rin, at ang babae ay mga babae rin.
    ٤
    Pinahihintulutan sa asawang lalaki na paliguan niya ang kanyang asawa, at sa babaing asawa na paliguan niya ang kanyang asawa, sa katunayan ay pinaliguan ni 'Ali bin abi tãlib si fatimah (nong siya ay namatay) -kaluguran siya ng Allah-.

    At Sinabi ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-: "kung hinarap ko lang sana ang isang bagay sa akin at hindi ko tinalikuran, walang makapagligo sa propeta ﷺ maliban sa kanyang mga asawa" (Abu Dãwod 3141, ibn mãjah 1464).

    Pagbabalot sa patay

    Ang pagbalot sa patay sa kung anong makatakip sa kanya ay Ubligasyon sa kanya ng kanyang pamiliya at ng mga muslim, at ito ay sapatan na ubligasyon (ibig sabihin: kung may sapat nang mga tao na gumagawa, ay hindi na magkasala ang iba, at hindi na rin ubligado sa kanila), batay sa sinabi ng propeta ﷺ: "magsuot kayo mula sa inyong mga damit ng puti, dahil iyan ang pinakamagandang damit ninyo, at balutin ninyo nito ang mga patay sa inyo" (Abu Dãwod 3878).

    At kukunin ang mga gastos ng pagbalot mula sa naiwan ng patay kung may pera siya, at kung wala naman siyang naiwan na pera ay ubligasyon ng sinumang dapat na gagastos sa kanya nong siya ay buhay, tulad ng kanyang ama, ang kanyang lolo, ang kanyang anak, at ang kanyang apo, at kung ito ay hindi parin kaya, ay sa mga mayayamang muslim ito dapat makuha.

    Sapat na sa ubligadong balot ang anumang makatakip sa buong katawan ng patay mula sa malinis na damit, lalaki man o babae.

    Kanais-nais sa pagbalot sa patay

    ١
    Na balutin ang lalaki sa tatlong mga puting damit (tela), tulad ng pagbalot sa Sugo ng Allah, at kanais-nais sa babae na balutin sa limang damit (tela) bilag dagdag na takip sa kanya.
    ٢
    Kanais-nais na ang kulay ng pambalot ay puti kung ito ay kaya, sa katunayan ay sinabi niya ﷺ: "magsuot kayo mula sa inyong mga damit ng puti, dahil iyan ang pinakamaganda na mga damit ninyo, at balutin ninyo nito ang mga patay sa niyo" (Abu Dãwod 4061, At-Tirmizie 994, ibn mãjah 3566).
    ٣
    Kanais-nais na lagyan ng pabango ang pambalot ng anumang uri ng pinahihintulutang pabango.
    ٤
    Dapat masusing iniingatan ang pambalot, at kung nakabalot ba ng maayus sa kanyang ulo at paa, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "kung balutin ng isa sa inyo ang kanyang kapatid ay pagbutihin niya ang pagbalot" (Muslim 943).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit