Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pagdarasal sa patay at paglibing nito

Ang pagdarasal sa patay ay isang karapatan mula sa mga karapatan ng muslim sa kanyang mga kapatid, at ito ay isa sa pagpapakita ng paggalang sa muslim sa islam. matututunan mo sa aralin na ito ang ilan sa mga alituntunin ng pagdarasal sa patay at paglibing.

  • Pag-alam sa paraan ng pagdarasal sa patay.
  • Pag-alam sa ilang mga alituntunin ng paglibing.
  • Ang hatol sa pagdarasal sa patay

    Ubligado ang pagdarasal sa patay sa lahat ng mga muslim na naroroon, Hindi sa bawat isa sa kanila, at ito ay Ubligadong sapatan na kung saan ay pag may sapat nang gumawa ay mawawala na ang kasalanan sa mga iba na hindi gumawa nito, at tunay na nagbigay ng magandang balita ang propeta ﷺ sa nagdarasal sa patay na mapapasakanya ang katumbas ng isang dakilang bundok na gantimpala ayun sa kanyang sinabi: "Ang sinumang nakasaksi ng patay hanggang sa pagdarasal dito ay makakamit niya ang katumbas ng Qeerãt, at Ang sinumang masaksi nito hanggang sa paglibing nito ay makakamit niya ang dalawang Qeerãt", may nagsabi: Ano ba ang dalawang Qeerãt? sinabi niya: "katulad ng dalawang malaking bundok" (Al-Bukharie 1325, Muslim 945).

    Kabutihan ng pagdalo sa janãzah (paglibing sa patay)

    Ang pagdalo sa libing at pagsama rito ay may mahahalagang mga kapakinabangan na ang pinakamahalaga nito ay: Pagpatupad sa karapatan ng namatay sa pamamagita ng pagdarasal sa kanya, at pamamagitan dito at pananalangin para sa kanya, at pagtupad sa karapatan ng kanyang pamiliya, at paglibang sa kanilang mga isip sa malaking sakuna na tumama sa kanila sa pagkamatay ng isa sa kanilang mahal sa buhay, at pagkamit ng malaking gantimpala sa nagdadalamhati, at pagkamit ng turo at aral sa pamamagitan ng pagsaksi sa libing at mga libingan at iba pa.

    Ang paraan ng pagdarasal sa patay:

    1. kaaya-aya na isagawa ang pagdarasal sa patay ng sama-sama, at na pangunahan ng imam ang mga tagasunod katulad ng pagdarasal ng sama-sama.

    2. Ilagay ang patay sa pagitan ng mga nagdarasal at Qiblah, at tatayo ang imam sa bandang ulo ng patay na lalaki, at sa bandang gitna ng patay na babae, batay sa napatunayan mula sa propeta ﷺ (Abu Dãwod 3194).

    4. Ang pagdarasal sa patay ay Apat ang mga takbeer, kagaya ng sumusunod:

    -

    Ang Unang takbeer (Allaho Akbar)

    Tumakbeer (magsabi ng Allaho Akbar) ang nagdarasal ng unang takbeer na nakataas ang mga kamay sa tapat ng kanyang mga balikat, o sa pinakababa ng kanyang tainga, pagkatapos ay ilagay niya ang kanyang kanang kamay sa likod ng kanyang kaliwang kamay sa kanyang dibdib, at hindi siya mag du'a ng istiftãh, pagkatapos ay bigkasin niya ang A'uuzo billahi minash-shaitãnir-rajeem, at mag bismillah siya, at bigkasin ng mahina ang Surah Al-Fãtihah.

    Ang ikalawang Takbeer

    Pagkatapos ay magtakbeer siya ng ikalawa at magshalawat (manalingin ng pagpapala) siya sa propeta ﷺ sa kahit anong paraan, kagaya ng pagsabi niya ng: Allahomma Shalli wasallim 'alã nabiynã Muhammad, at kung gagawin naman niya ang pinaka kumpletong pagshalawat at ito iyong sinasabi ng nagdarasal sa huling tashahhod ay mas ganap, at ang paraan nito ay: (Allahomma Shalli 'alã Muhammad wa'alã Ãli Muhammad kamã Shallayta 'alã ibrãheem wa'alã Ãli ibrãheem innaka hameedon majeed, Allahomma bãrik 'alã Muhammad wa'alã Ãli Muhammad kamã bãrakta 'alã ibrãheem wa'alã Ãli ibrãheem innaka hameedon majeed).

    Ang ikatlong takbeer

    Pagkatapos ay magtakbeer siya ng ikatlo, at manalangin siya para sa patay ng habag, kapatawaran, paraiso, at pag-angat sa kung ano ang buksan ng Allah sa kanyang puso at dila, at kung may naisaulo siyang ilang mga du'a (panalangin) na napatunayan mula sa propeta ﷺ para doon ay mas mainam.

    At isa sa mga napatunayang mga Du'a (panalangin) na iyon ay: "ALLA-HUMMAGFIR LAHU, WAR’HAMHU, WA ‘A-FIHI, WA-‘FU ‘ANHU, WA AKRIM NUZULAHU, WA WASSI’ MUD’KHALAHU, WA’GSILHU BILMA-I WA’TH-THALJI WAL BARADI, WA NAQQIHI MINAL ‘KHA’TA-YA KAMA NAQQAYTATH THAWBAL ABYA’DA MINAD DANASI, WA ABDILHU DA-RAN ‘KHAYRAN MIN DA-RIHI, WA AHLAN ‘KHAYRAN MIN AHLIHI, WA ZAWJAN .KHAYRAN MIN ZAWJIHI, WA AD’KHILHUL JANNATA, WA A’ID-HU MIN ‘A’THA-BIL QABRI (WA ‘A’THA-BIN NAAR)" (Muslim 963).

    Ang ikaapat na takbeer

    Pagkatapos ay magtakbeer siya ng ikaapat at tumahimik saglit pagkatapos nito, pagkatapos ay magsalam siya sa kanyang kanan lamang.

    Ang lugar ng pagdarasal sa patay:

    Maaaring isagawa ang pagdarasal sa patay sa mosque, O sa partikular na lugar na inihahanda para doon sa labas ng mosque, o isasagawa sa lugar ng mga libingan, lahat ng iyon ay napatunayan mula sa propeta ﷺ.

    Ang pagdadala (O pagbuhat) sa patay at paglibing sa kanya.

    Ang Sunnah ay ang pagmamadali sa paghahanda sa bangkay, at pagdarasal dito, at pagdala nito sa libingan at paglibing nito, isinalay-say ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- mula sa propeta ﷺ na sinabi niya: "Madaliin ninyo ang (paglibing sa) patay, sapagkat kung ito ay mabuti,ito ay kabutihan na ibinibigay ninyo para sa kanya,at kung ito ay maliban dito; ito ay masama na ilalagay ninyo sa mga leeg ninyo", (Al-Bukharie 1315, at Muslim 944).

    Kaaya-aya sa sinumang sumama sa paglibing na sumali siya sa pagbuhat (pagdadala) sa bangkay, at ang magbuhat sa patay ay ang mga lalaki lang, hindi puwedi sa babae. at Sunnah din na iyong mga naglalakad ay sa unahan at sa hulihan ng bangkay, at kung ang libingan ay malayo o mahirap ang pagbubuhat, walang problema na isakay sa mga sasakyan.

    Ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paglibing ng bangkay

    ١
    Kaaya-aya ang pagmamadali sa paglibing ng bangkay pagkatapos mapaliguan, mabalot at mapagdasalan ito,
    ٢
    Mas mainam din na palalimin ang hukay at palawakin ito ayun sa pangangailangan dito, at maaaring maglagay ng anumang makakapigil sa amoy, at makakapigil sa paghukay ng leon, at pagdaan ng baha sa libingan at bangkay.
    ٣
    Maaaring ang hukay ay nasa anyo ng isang libingan (halimbawa yong hukay ay huhukayan pa ng medyo maliit na kasya lang ang bangkay sa gilid, sa bandang qiblah ng hukay,) O sa anyo ng isang biyak (ito naman ay yong paghukay ng maliit sa gitna ng hukay na kasya lang ang bangkay), at Ang bawat bansa ay may nababagay dito ayon sa kalikasan at tigas ng lupain.
    ٤
    Kanais-nais na nakatagilid ang bangkaya sa kanyang kanang tagiliran at iharap siya sa qiblah.
    ٥
    Kaaya-aya na sabihin ng naglilibing habang nilalatag niya ang bangkay ang: "Bismillahi wa'alã millati rasulillah" (At-Tirmizie 1046, ibn mãjah 1550).
    ١
    Dapat na takpan ang lugar ng bangkay (ito yong lugar ng bangkay na nabanggit sa una) -sa gili man ito banda o sa ginta ng hukay- ng labin (Isa itong ladrilyo na gawa sa luwad at dayami at hinahayaang tumigas) o tambo o bato o iba pa bukod doon, bago tabunan ng lupa ang patay.
    ٢
    Kaaya-aya sa sinumang naroon na sumali sa pagtabun ng lupa sa patay, sa katunayan ay sumali ang propeta ﷺ sa pagtabun sa isang patay ng tatlong hakot ng kanyang kamay" (Ad-Dãrqutnie 1565).
    ٣
    Kaaya-aya na paangatin ang ibabaw ng libingan ng katumbas ng isang shibr (mahigit kumulang anim na pulgada) upang malaman na ito ay libingan, nang maiwasan ng mga tao na mapinsala nila ito o maapakan nila ito sa ibabaw, at ipinagbabawal ang subrahan iyon tulad ng pagbakod nito ng mataas o pagtayo ng parang bahay na sa ibabaw nito, at napatunayn ang pagiging bawal niyaon; dahil iyon ay pag-iwas na baka dakilain ng mga tao ang patay at itambal nila ito sa pagsamba sa Allah.

    Pagkatapos ng libing

    Kaaya-aya sa sinumang naroon sa libing na ipanalangin nila ang patay pagkatapos ng libing ng pagiging matatag at ng kapatawaran, dahil maging ang propeta ﷺ pag natapos niyang ilibing ang patay ay tumatayo siya at sinasabi niya: "ipanalangin ninyo ng kapatawaran ang kapatid ninyo, at ihingi niyo siya ng katatagan, dahil siya ngayon ay tinatanong" (Abu Dãwod 3221).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit