Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pakikiramay at pagluluksa sa namatay

Ang pakikiramay, pagdadalamhati sa namatay, at pagbisita sa libingan ay may mga alituntunin at mga magandang asal na dapat isaalang-alang ng isang muslim, at malalaman mo sa aralin na ito ang ilan sa mga ito.

Ang pag-alam sa mga alituntunin, mga asal ng pakikiramay at pagbisita sa libingan.

Ang pakikiramay

Kanais-nais ang pakikiramay sa pamiliya ng namatay at paglibang sa mga kaanak nito, at pagpapalakas ng kanilang kalooban sa bagay na tumama sa kanila sa anumang magandang salita, Naglalaman ito ng panalangin para sa patay, pagpapatatag at pagpatiis sa kanyang pamilya at mga kamag-anak, at pagpapaalaala sa kanila sa pag-asa ng gantimpala mula sa Allah, sa katunayan sinabi niya ﷺ bilang pakikiramay sa kanyang anak na si zainab sa pagkamatay ng anaki niya: "Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon,magtiis ka at humiling ng gantimpala ni Allah" (Al-Bukhãrie 1284, Muslim 923).

Maaaring makiramay sa mga kaanak ng namatay bago ang libing at pagkatapos nito, sa kahit saang lugar, maging iyon ay sa mosque, O sa libingan, O sa bahay, O sa trabaho, at iba pa,

Ang mga seremonya ng pagluluksa ay hindi maaaring palakihin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tolda. O ang gumawa ng mga piging at ang pagtitipon ng mga tao para dito, dahil hindi iyon kasama sa Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ at ng mga mararangal niyang kasamahan, gayundin na hindi ito isang okasyon ng kagalakan at kasiyahan upang gawin ang mga katulad niyaon.

Ang Kalungkutan at pagluluksa sa namatay

Ang pag-iyak ay isang likas na awa at Isang pagpapahayag ng damdamin dahil sa pagkawala at kalungkutan, sa katunayan ay lumuha ang mata ng propeta ﷺ sa pagkamatay ng kanyang anak na si ibrãhim (Al-Bukharie 1303, Muslim 2315).

Ang Islam ay nagtatakda ng ilang mga tuntunin para sa pagluluksa sa patay:

١
Ipinagbabawal ng Islam ang matinding pag-iyak at pagtataas ng boses dito, at pagsundan nito ng mga gawain na salungat sa batas ng islam tulad ng pagsampal pagpalo sa sarili, at pagpunit ng mga damit, at katulad niyaon.
٢
Pagbabawal sa babae na iwanan ang mga dekorasyon (mga palamuti) nang dahil lang sa pagkamatay ng isa sa kanyang kamag-anak ng higit sa tatlong araw, maliban lang kung asawa niya ang namatay.
٣
Ang pagluluksa ng asawang babae (pag-iwan niya sa paggamit ng mga palamuti O pagpapaganda) sa pagkamatay ng kanyang asawa: Ubligado sa isang babaing namatayan ng Asawa na sundin ang ilang mga bagay sa loob ng kanyang iddah (panahon ng paghihintay dahil) sa pagkamatay ng asawa.

Ang panahon ng paghihintay ng babaing namatayan ng asawa (hindi siya puweding mag asawa ng iba sa loob ng panahon na ito)

Ito ay apat na buwan at sampong araw, O ang maipanganak niya ang kanyang ipinagbubuntis kung sakaling siya ay buntis.

Ano ba ang nararapat sa babaing nasa iddah (panahon ng paghihintay dahil) sa pagkamatay ng kanyang asawa?

١
Dapat niyang iwasan ang paggamit ng pabango, mga perfume, mga palamuti, mga kasuotan na may mga dekorasyon, hinna at lahat ng mga kagamitan na pampaganda.
٢
Maaaring magsuot siya ng karaniwang damit Sa anumang kulay o hugis, hindi lang mga damit na pampaganda at may mga dekorasyon, gayundin na hindi ipinagbabawal sa kanya na maligo at magsuklay ng buhok, at pinahihintulutan din siya na lumabas kung kailangan sa araw at hindi sa gabi, At makipag-usap sa mga dayuhang lalaki nang walang hinala.

Ang pagbisita sa mga libingan: Ang pagbisita sa mga libingan ay nahahati sa tatlong seksyon:

١
Kanais-nais na pagbisita
٢
pinahihintulutan na pagbisita
٣
Ipinagbabawal na pagbisita

1. kanais-nais na pagbisita

Ito ay ang pagbisita sa mga libingan para sa pag-alaala sa kamatayan at libingan at ang tahanan ng kabilang buhay. sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "binawalan ko kayo (noon) sa pagbisita sa mga libingan, (ngayon ay) bisitahin niyo ito", at sa isang ulat: "dahil ito ay magpapaalaala sa kabilang buhay" (Muslim 977, At-Tirmizie 1054). Ito ay pagbisita sa mga libingan na nasa parehong bayan, at walang paglalakbay at pabibiyahe para lang sa pagbisita, na kung saan ito ay hindi magiging pagpapalapit sa Allah maliban sa tatlong mga mosque.

2. pinahihintulutang pagbisita

Ito ay ang pagbisita para sa pinahihintulutan na layunin at hindi para sa pag-alaala sa kamatayan, at hindi nakakasaklaw sa ipinagbabawal, katulad halimbawa ng pagbisita sa libingan ng kamag-anak niya o kaibigan niya, at wala sa kanyang layunin at hangarin ang pag-alaala sa tahanan ng kabilang buhay.

3. Ipinagbabawal na pagbisita

Ito ay ang pagbisita na kung saan may kasamang ilang mga ipinagbabawal: tulad ng pag-upo sa ibabaw ng libingan at paglalakad dito, pananampal, pananaghoy, at pagtataas ng boses sa pag-iyak, o my kasamang mga gawaing bid'ah; tulad ng pagmamakaawa sa nakalibing, O paghingi ng pagpapala sa libingan at pagpupunas nito, O mga pagtatambal (sa pagsamba sa Allah); Tulad ng paghiling sa nasa libingan na tuparin ang kanyang mga pangangailangan, at paghingi ng tulong dito.

At Ang pagbisita ng isang Muslim sa mga libingan ay dapat magkaroon ng ilang mga layunin:

١
Una: Pag-alaala sa kabilang buhay, pagkuha ng aral, at pagkatuto sa mga patay.
٢
Ikalawa: Ang pagiging mabuti sa patay sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanya ng kapatawaran at habag; dahil magagalak doon at sasaya tulad ng kasiyahan ng buhay sa bumisita sa kanya at nagbigay ng regalo.
٣
Ikatlo: Pagiging mabuti ng bumisita sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa sunnah ng islam sa pagbisita sa mga libingan, at pagkamit ng gantimpala.

Kailangan sa pagbisita sa mga libingan ang pag-iingat na huwag umupo o maglakad sa ibabaw ng libingan bilang paggalang sa patay, at pagpapahalaga sa kanya, at dahil diyan ipinaliwanag ng propeta ﷺ ang parusa sa gumawa niyaon at sinabi niya: "Ang umupo ang isa sa inyo sa apoy at masunog ang kanyang damit at tatama sa kanyang balat, ay mas mainam sa kanya kaysa sa umupo siya sa ibabaw ng libingan" (Muslim 971).

Ang pananalangin sa mga libingan

Ilan sa mga napatunayan na mga panalangin sa pagbisita sa mga libingan ay: "Assalãmo alaykom dãra qawmin mu'mineen, wa innã in shaa' Allaho bikom lãhikoon" (Muslim 249). O: "Assalãmo 'alã ahlid-diyãr minal-mu'mineen wal muslimeen, wa yarhamollaho al-mustaqdimeen wal musta'khireen, wa innãn in Shaa' Allaho bikom lãhikoon" (Muslim 974). "Assalãmo alaykom ahlad-diyãr minal-mu'mineen wal muslimeen, wa innã in shaa' Allaho lalãhikoon, As-alollaha lanã wa lakom al-'ãfiyah" (Muslim 975).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit