Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang kabutihan ng banal na Qur'ãn

Ang banal na Qur'ãn ay may maraming mga kabutihan na nagpapakita ng karangalan ng dakilang aklat na ito at katayuan nito. at tiyak na malalaman mo sa aralin na ito ang ilan dito.

Ang pag-alam sa ilang mga kabutihan ng banal na Qur'ãn.

Ang kabutihan ng banal na Qur'ãn

Ang banal na Qur'ãn ay may maraming dakilang kabutihan, ilan dito ang mga sumusunod:

1- Ang kabutihan sa pag-aaral ng Qur'ãn at pagtuturo nito

si Uthman bin Affan -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nag salaysay mula sa propeta ﷺ na sinabi niya: "ang pinakamahusay sa inyo ay kung sino ang nag-aral ng Qur'ãn at inituro niya ito". (Al-bukharie: 5027).

2- Ang mga nagbabasa at nagsasaulo ng Qur'ãn; sila yaong mga kakampi ng Allah at itinatangi niya sa kanyang pagmamahal

Si anas bin malik -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nagsalaysay na ang propeta ﷺ ay nagsabi: "katotohanan na ang Allah ay may kakampi at minamahal mula sa mga tao", sinabi nila (ang mga shahaba): O Sugo ng Allah, sino sila? sinabi niya: "sila yaong mga nagbabasa at nagsasaulo ng Qur'ãn, mga kakampi ng Allah at itinatangi sila ng Allah sa kanyang pagmamahal". [Ibn Mãjah: 215).

3- Ang pagpaparami O pagduduble ng gantimpala ng pagbabasa ng isang letra mula sa Qur'ãn ng maraming beses

Si Abdullah bin mas-od -kaluguran nawa siya ng Allah ay nagsalaysay, sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sinuman ang nagbasa ng isang letra mula sa Aklat ng Allah ay mapapasakanya dahil dito ang mabuting gantimpala, At ang isang mabuting gantimpala ay dudublihin nang sampung beses, hindi ko sinabi na ang ALIF LÃM MEEM ay isang letra, bagkus ang ALIF ay isang letra, ang LÃm ay letra, at ang MEEM ay letra". [At-Tirmizie: 2910].

4- Ang pagbaba ng mga anghel, ang kapanatagan, at ang habag (ng Allah) sa mga pagtitipon sa pagbabasa ng Qur'ãn at pag-aaral nito:

Si Abi Hurairah -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nagsalaysay Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "walang pagtitipon ng mga mamamayan sa isang bahay mula sa mga bahay ng Allah (mga musque) na binabasa nila ang Aklat ng Allah at pinag-aaralan nila ito sa kanilang pagitan Maliban sa Bababa sa kanila ang kapanatagan, matakpan sila ng habag (ng Allah), papalibutan sila ng mga anghel, at ipagmamalaki sila ng Allah sa mga anghel sa langit". [muslim: 2699].

5- Ang pamamagitan ng Qur'ãn sa nagbabasa at nagsasaulo nito

Si abi Umamah Al-bãhilie ay nagsabi: narinig ko ang Sugo ng Allah ﷺ na sinabi niya: "basahin ninyo ang Qur'ãn Dahil ang Qur-ãn ay darating sa araw ng paghuhukom na mamamagitan sa mga nagbabasa at nagsasaulo nito". [Muslim: 804].

6- Ang mahusay sa pagbabasa ng Qur'ãn ay makakasama ng mga anghel samantalang ang nauutal dito ay magkakamit ng dalawang gantimpala

Si `Ā'ishah, -kaluguran nawa siya ng Allah, ay nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ng Allah, ﷺ: "Ang bumibigkas ng Qur'an habang siya ay mahusay rito ay makakasama ng mga tagapagtalang mararangal na masusunurin. at Ang bumibigkas ng Qur'an at nauutal dito habang siya rito ay nahihirapan ay magkakamit ng dalawang gantimpala". [Muslim: 798].

7- Ang Qur'ãn ay itataas niya ang antas ng nagbabasa at nagsasaulo nito

Si Umar bin Al-Khattab -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nagsalaysay Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito". [Muslim: 817].

8- Ang Hafez (nakasaulo) ng Qur’an ay aangat sa mga hanay ng Paraiso basi sa kanyang nakuha mula sa Qur’an

isinalaysay ni Abdullah bin 'Amr bin Al-Ãsh -kalugurana nawa silang dalawa ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sabihin sa mga nagtangkilik ng Qur'ãn: magbasa ka, umangat ka, at magbasa ka tulad ng pagbabasa mo nong ika'y nasa mundo, dihil tunay na ang iyong antas ay sa pinakahuling talata na binasa mo". [Abu Dãwod: 1464].

9- Ang tumatangkilik ng Qur’an ay magsusuot ng suit at korona ng karangalan sa Araw ng Muling Pagkabuhay

isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran nawa siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "darating ang Qur'ãn sa araw ng muling pagkabuhay at kanyang sabihin: O panginoon (Allah) bihisan mo siya, kaya isusuot sa kanya ang korona ng karangalan, paktapos ay sabihin niya: O panginoon, dagdagan mo siya, kaya isusuot sa kanya ang kasuotan ng karangalan, pagkatapos ay sabihin niya: O panginoon, malugud ka sa kanya, kaya kaluguran siya, at sabihin sa kanya: magbasa ka at umangat ka, at daragdagan siya sa lahat ng talata ng mabuting gantimpala". [At-Tirmizie: 2915].

10- paparangalan ng Allah ang dalawang magulang ng nag-aaral, nagbabasa, at nagsasaulo ng Qur'ãn ng maraming dakilang uri ng parangal.

isinalaysay ni Sahl bin mu'az mula sa kanya ama -kaluguran nawa siya ng Allah- Na ag sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "sinuman ang magbasa ng Qur'ãn at sinusunod niya ang anumang napapaloob dito, susuotan ang kanyang dalawang magulang ng korona sa kabilang buhay, ang liwanag niya ay mas mainam kaysa sa liwanag ng araw sa mga tahanan sa mundo kung mayroon lamang sa inyo, kaya't ano sa tingin niyo ang taong gumawa nito". [Abu Dãwod: 1453].

11- Ang pagsasaulo at pag-aaral ng Qur’ãn ay mas mabuti kaysa sa mundo at kung anong nasa loob nito.

isinalaysay ni 'uqbah bin 'Ãmir -kaluguran nawa siya ng Allah- sinabi niya: lumabas ang Sugo ng Allah ﷺ habang kami ay nasa Shuffah (Lugar sa loob ng musque na my bubong) at sinabi niya: "Sino sa inyo ang gustong pumunta buong maghapon sa Bat'hãn O sa Al-Aqeeq, at kumuha siya doon ng dalawang dakilang umbok na kamelyo ng walang pagkakasala, at walang pagputol ng pagkakamag-anak (ibig sabihin ay wala nang agawan sa pagitan ng pamilya)?", sinabi namin (mga kasamahan ng propeta ﷺ): O Sugo ng Allah, gusto namin iyon, sinabi niya: "hindi ba pupunta ang isa sa inyo sa masjid (musque) at magturo, O magbasa ng (kahit) dalawang talata mula sa Aklat ng Allah, Mas mainam iyon sa kanya kaysa sa dalawang kamelyo, Ang tatlong (talata) ay mas mainam din sa kanya kaysa sa talong (kamelyo). at ang apat (na talata) ay mas mainam sa kanya kaysa sa apat (na kamelyo), at bawat bilang ng talata na kanyang binabasa ay mas mainam iyon kaysa sa mga kamelyo na katulad ng bilang nito". [Muslim: 803]

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit