Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang talambuhay ni propeta Muhammad ﷺ (1).
Dapat sa isang muslim na alamin ang detalye ng talambuhay ng propeta ﷺ upang maging madali ang paggaya sa kanya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, Kung saan ang kanyang talambuhay ay praktikal na aplikasyon ng mga alituntunin ng Islam at ang batas nito, sinabi ng Allah: {Talaga ngang nagkaroon kayo sa Sugo ni Allāh ng isang huwarang maganda para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw...} [Al-Ahzãb: 21].
1- Ang Kanyang ﷺ angkan
Ang angkan ng Propeta ﷺ ang siyang pinakamahusay at pinakamarangal sa mga angkan, Siya ay si: Muhammad bin Abdullah bin Abdulmuttalib bin hãshim bin Abdimanãf bin qushay bin kilãb bin murrah bin ka'ab bin lu'ay bin gãlib bin fahr bin mãlik bin an-nadhar bin kinãnah bin khuzaimah bin mudrika bin ilyãs bin madhar bin nizãr bin ma'ad bin adnãn, at si adnãn ay isa sa mga anak ni (propeta) Ismael -sumakanya ang kapayapaan-.
2- Ang kanyang ﷺ dalawang magulang
Ang kanyang ama ay si: Abdullah bin abdilmuttalib bin hãsim, siya (si abdullah) ay namatay habang siya (ang propeta ﷺ) ay ipinagbubuntis ng kanyang ina. At ang kanyang ina ay si: Ãminah binti wah'b bin abdimanãf bin zuhrah.
3- Ang kanyang kapanganakan ﷺ
Ipinanganak siya sa araw ng lunis sa buwan ng rabi' al-awwal, taon ng elepante, tumutugma sa (taon) 571 AD.
4. Ang pagpapasuso sa kanya ﷺ
Pinasuso siya ni Thuwaiba na alipin ni Abi Lahab nang ilang araw, pagkatapos ay hinanapan siya ng magpapasuso sa kanya sa pamilya sa'ad, kaya pinasuso siya ni halimah as-sa'adiyyah, At siya (ang propeta ﷺ) ay nanirahan doon sa pamilya Sa`ad nang mga apat na taon, at doon inilabas (ni anghel jibreel) ang kanyang puso, at inalis mula rito (sa puso niya) ang lugar ng kapritso (mga layaw at pagkainggit at iba pa na sakit ng puso) at lugar ng shaitan, kaya ibinalik siya ni halimah sa kanyang ina dahil doon.
5- Ang kanyang paglaki at pagbibinata ﷺ
Ang kanyang ﷺ trabaho bago ang propesiya (misyon)
Ang buhay ng Sugo ﷺ bago ang misyon (propesiya) ay isang marangal at banal na buhay. hindi siya nakitaan ng kawalang galang, at hindi rin nakitaan ng kamalian, tunay na lumaki ang Sugo ng Allah ﷺ na pinalibutan siya ng Allah ng kanyang pangangalaga, at pinoprotektahan ito mula sa karumihan ng kamangmangan, Hanggang sa naging pinakamahusay siya sa kanyang mamamayan, at pinakamaganda sa kanilang lahat ang Ugali, at pinakamarangal sa kanila ang angkan, at pinakamabuti sa kanila sa pakikitungo sa kapitbahay, pinakadakila sa kanila ang kababaang loob sa pangungusap, pinakatapat sa pananalita, pinakamapagkatiwalaan, pinakamalayo sa kahalayan, at sa mga ugaling puweding makasira sa mga kalalakihan, hanggang sa nakilala siya sa kanila bilang "Ang tapat na mapagkatiwalaan" ﷺ.
6- mga asawa ng propeta ﷺ
Napangasawa niya si khadijah -kaluguran siya ng Allah- sa edad na dalawampu't limang taon, Nang siya ay lumabas papunta sa Syria upang makipagkalakalan kasama ang aliping si Maisara, Nakita ni Maysarah ang bagay na ikinagulat niya, Ang Anumang katapatan at tiwala ang mayroon siya, Pagbalik niya (maisara); sinabi niya sa kanyang Amo ang kanyang nakita, kaya nagustohan niya (hadijah) itong (Ang propeta ﷺ) mapangasawa, at siya ang pinakaunang babaing napangasawa ng Sugo ng Allah ﷺ, at hindi siya nakapangasawa ng iba hangga't hindi siya namatay (si Khadijah), at siya ang ina ng lahat ng Kanyang (Ang propeta ﷺ) mga anak, maliban kay Ibrãhim, at namatay si khadijah -kaluguran siya ng Allah- tatlong taon bago ang paglikas.
Mga pangalan ng mga asawa ng propeta ﷺ
7- Mga anak ng propeta ﷺ
Ang kanyang mga anak ﷺ na napatunayan ay pito: (tatlong lalaki, at apat na babae).
At ang kanyang tatlong mga lalaking anak: si Al-qãsim at ito ang bansag sa kanya (abu Al-qãsim) at nabuhay siya ng ilang araw lang, at si Abdullah at ang kanyang palayaw ay At-tãhir (ang dalisay) at at-tayyib (Ang malinis), at si Ibrãhim.
At ang kanyang mga anak na babae ay apat: si Zainab na siyang pinakapanganay sa mga anak niyang babae, at si Ruqayyah, si Umm kulthoom, at si fãtimah. at ang mga anak ng propeta na mga babae at mga lalaki ay sa kanyang asawang ina ng mga mananampalaya na si khadijah -kaluguran siya ng Allah- lahat maliban kay ibrãhim dahil siya ay mula sa alipin ng propeta ﷺ na si Mãriyah Al-qibtiyyah na ibinigay bilang handog sa kanya ni al-Muqawqis.