Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang kasab (pagkamit ng pera o kita) at paghanapbuhay

Aalamin natin sa aralin na ito ang kahulugan ng kasab (Kita o pagkamit) at paghanapbuhay at ang mga alituntunin at magagandang asal na kauganay nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng kasab (pagkamit ng pera o kita) at paghanapbuhay.
  • Pag-alam sa mga alituntunin at magagandang asal na kaugnay sa kasab (pagkamit ng pera o kita).

Ang kahalagahan ng pera (o kayamanan)

Nangangailangan ang tao ng pera para makuha ang kanyang mga pangunahing pangangailangan; Mula sa mga pagkain, inumin, tirahan, damit at iba pa, magagamit din niya ito sa pagkuha ng maraming pakinabang at kabutihan na magpapabuti sa normal niyang buhay. at tunay na binigyan ng islam ang pera (o kayamanan) ng malaking pagpapahalaga, at nagsabatas ng maraming mga alituntunin na may kaugnayan sa pagkamit at paggugol nito.

Pagpapaliwanag sa kahulugan ng kasab (pagkamit ng pera o kita) at hanapbuhay

Ang tinutukoy sa kasab (pagkamit ng pera o kita) at paghanapbuhay ay ang lahat ng paraan o trabaho kung saan gagawin ito ng tao upang makakuha ng pera o anumang magtataguyod sa mga bagay sa kanyang buhay, maging ito man ay sa pamamagitan ng pangangalakal, Industriya o pagtatanim at iba pa.

Ang hatol sa kasab (pagkamit ng pera o kita) at paghanapbuhay

١
Ang paghanapbuhay ay magiging wãjib (ubligado) sa bawat muslim sa mga ilang kalagayan; tulad ng (paghahanapbuhay para sa) pagkamit niya ng kung anong sasapat sa kanya at sasapat sa kanyang pamilya, at sa pagsostento sa sinumang kailangan niyang sostentohan, o para sa pagbayad ng mga utang, o para makaiwas sa pagkainggit sa pag-aari ng iba.
٢
Magiging mustahabb (kaaya-aya) ang paghahanapbuhay kung ito ay para sa paggawa ng mga kusangloob na pagsunod at pagapalapit sa Allah, tulad ng ginagamit para sa pagpapatuloy ng pagkakamag-anak o para maitulong sa mahirap.
٣
Magiging mubãh (pinahihintulutan) ang paghanapbuhay kung ito ay para sa pagsasaya at pag-eenjoy sa naumang pinahihintulutan ng Allah mula sa mga pagkain inumin at kasuotan, at iba niyaon na mga karagdagang pinahihintulutan mula sa mga pangunahing pangangailangan.
٤
Magiging haram (bawal) ang paghanapbuhay kung ito ay sa pamamagitan ng mga ipinagbabawal na paraan, o kung ito ay hahantong sa pag-iwan sa mga ubligado o sa paggawa ng mga ipinagbabawal.
٥
Magiging makrõh (kasuklamsuklam) ang paghanap buhay kung ito ay maliban sa mga naunang nabanggit, tulad ng pagiging abala mula sa mga bolontaryong pagsamba.

Kung ang hangad sa paghanapbuhay ay ang pagyayabang at pagpaparami; ito ay kasuklamsuklam, at sa ilang mga pantas ito ay ipinagbabawal nila.

Ubligado sa isang mulim na nagsisikap para kumita ng kabuhayan at maghanapbuhay Na manaliksik ng kaalaman na may kaugnayan doon, sa pamamagitan ng pag-alam sa mga alituntunin ng transaksiyong pinansiyal; tulad ng mga alituntunin ng pangangalakal, pagpaparenta, kompanya at ang riba (pagpapatubo), at iba pa dito na mga transaksiyon na gagawin niya, upang hindi siya malagay sa pagsisikap niya -sa paghanapbuhay- Sa mga ipinagbabawal ng Allah

Mga magagandang asal sa kasab (pagkamit ng pera o kita) at paghanapbuhay.

1- Isa sa mga magagandang asal sa na ubligado sa paghanapbuhay: Na hindi mahuli o makaiwan sa mga ubligadong isinasatungkulin ng Allah na kataas-taasan, at ang mga ubligado na ito ay dapat maging batayan kung saan aayusin ng isang muslim ang kanyang oras at pagsisikap bilang pagsunod dito.

2- Isa rin sa mga magagandang asal na ubligado: Na hindi magdudulot ang paghanapbuhay ng isang muslim sa pamiminsala at pagkasira ng iba, sapagkat "walang pinsala at walang pamiminsala".

3- Na ang hangarin ng tao sa paghanapbuhay ay ang magagandang hangarin; tulad ng pag-iwas niya ng kanyang sarili at sinumang kailangan niya tustusan Sa pagmamalimos sa mga tao, at paggamit ng pera sa paggawa ng mga pagsunod sa Allah, at hindi magiging hangarin dito ang pagkolekta, pagpaparami at pagmamayabang lang sa pera, at iba pa niyaon na mga masamang hangarin.

Kapag ang isang muslim ay ikhlãs (tapat at dalisay) sa kanyang paghanapbuhay at ang hangarin niya ay pagkamit ng anumang maibibigay niyang kawang-gawa sa mga tao at anumang makapagpaluwag sa kanila, samakatuwid siya sa paghanapbuhay niyang ito ay nasa gawaing pagsamba, at makakamit niya dahil dito ang mataas na antas, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang pinakamamahal na tao sa Allah ay ang pinaka-kapaki-pakinabang sa kanila sa mga tao". (Al-Awsat ni Tabarãni 6026)

4- Ang pagiging patas at balanse sa pagitan ng paghanapbuhay at sa iba pang mga kailangan ng tao, kaya hindi dapat mabago ang paghanap buhay mula sa pagiging paraan nito patungo sa pagiging pinakamataas na layunin. Sinabi ni salmãn kay abi Ad-dardã' -kaluguran silang dalawa ng Allah: "katotohanan na ang iyong panginoon ay may karapatan saiyo, ang iyong sarili ay may karapatan saiyo, at ang iyong pamilya ay may karapatan saiyo, kaya't ibigay mo sa bawat may karapatan ang kanyang karapatan, kaya nilapitan niya (ni abu Ad-dardã') ang propeta ﷺ, at binanggit niya ito iyon sa kanya, kaya sinabi ng propeta ﷺ: <> (Al-bukharie 1968).

5- Ang pagtitiwala (o pag-asa) sa Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan Sa paghanapbuhay, at ang katotohanan ng pagtitiwala (o pag-asa) sa Allah ay ang paggawa (o pagkuha) ng tao sa mga dahilan na pinahihintulutan ng islam habang ang puso ay laging nakaugnay sa Allah.

6- Na ang tao ay nakakatiyak na walang biyaya (kabuhayan) maliban na ito ay galing sa Allah lamang, at na ito ay hindi galing sa mismong paghanapbuhay, sa kadahilanang maaaring kunin o gawin din ang dahilan ngunit hindi rin nakukuha (ang biyaya); dahil sa layunin na tanging ang Allah lang ang nakakaalam.

7- Ang pagkalugod (kontento) sa anumang ibinigay ng Allah at Hindi nagpapabagal (iwasan ang pagsabi ng mabagal ang pagdating na biyaya) ng kabuhayan; dahil ito ay itinakda ng Allah ang pagdating at sukat nito. kaya maghanapabuhay ang isang muslim na isinaalang-alang ang magandang asal, kontento, at pagkalugod sa kung ano ang itinakda ng Allah sa kanya, na naghahanap ng halal at nilalayuan ang harãm, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: <> (Ibn Mãjah 2144).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit