Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang islamikong moralidad sa pinansyal na mga transaksyon

Aalamin natin sa aralin na ito ang ilang kaugnay sa mga moralidad na kailangan sa pinansyal na mga transaksyon.

  • Ang pag-alam sa konsepto ng pinansyal na mga transaksyon sa islam.
  • Pagpapakita ng kahusayan (at kaibahan) ng batas ng islam sa kabanata ng pinansyal na mga transaksyon.
  • Pagpapakita sa islamikong moralidad kung saan kailangan ito isaalang-alang sa mga transaksyong pinansyal.
  • Nakaugnay ang magagandang asal ng mahigpit na pagkaugnay sa lahat ng bagay sa buhay ng tao, at maaaring isa sa pinakamahalag nagpapahigit sa sistema ng pinansiyal sa islam ay ang marangal na mga magandang asal kung saan dito ito nagmumula at isinaalang-alang ito; at ito ang dahilan na nagpapaiba sa sistema ng pananalapi sa islam mula sa ibang mga sistema ng pananalapi.

    Ang pinansyal na mga taransaksyon (transaksyon sa pananalapi) sa islam

    Ito ay ang lahat ng anumang pinahihintulutan ng islam na trabaho para kumita ng halal, at nasasaklawan ng pinansyal na transaksyon ang lahat ng kasunduan na nakabatay sa pera, o magreresulta ng mga karapatan sa pera; tulad ng pagbebenta, pagbili, pagrerenta, kooperatiba at iba pang mga kasunduan. At ang mga alituntunin na kaugnay sa islamikong mga transaksyon ay ang mga batas ng islam na inoorganisa para sa pakikitungo ng mga tao sa pananalapi at ekonomiya sa pagitan nila.

    Mga hangarin at layunin ng pinansyal na mga transaksyon sa islam

    ١
    Pagpapatupad sa mga ikalulugod ng Allah na kataas-taasan; sa paggawa ng ipinag-uutos niya pamamagitan ng pagsisikap sa ibabaw ng lupa, sinabi ng maluwalhating Allah: {Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay muli} [Al-Mulk: 15]
    ٢
    Pagkamit ng pera, at ang pagkuha ng kabuhayan na makagarantiya sa pagtataguyod ng pamumuhay, at pagdadagdag ng pera para sa mga kapaki-pakinabang, kabutihan at mga makamundong kasiyahan na pinahihintulutan ng islam.
    ٣
    Pagkamit ng mataas na antas sa Paraiso, sa pamamagitan ng pagtuon sa halal (pinahihintulutan) at pag-iwas sa harãm (ipinagbabawal) sa lahat ng mga transaksyon, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang tapat na mangangalakal na mapagkakatiwalaan ay kasama ng mga propeta, ng mga tapat at ng mga martir (sa paraiso)" (At-Tirmizie 1209).
    ٤
    Ang paggamit ng pera sang-ayun sa mga ipinag-utos ng isIam kung saan gumagarantiya sa pagtatag ng mabuting komunidad, na maaaring umunlad at lumawak.
    ٥
    Pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal sa komunidad, kung saan makakatulong sa kanila sa pagpapatupad ng ninanais ng Allah sa kanila, at pagsamba sa Kanya Luwalhati sa Kanya sa kanilang mga gawain at mga salita.
    ٦
    Ang paghahalili sa lupa, at pagtatayo nito sa ilalim ng batas ng Allah na kataas-taasan, sinabi ng Allah: {Siya ay ang gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa. Nag-angat Siya sa iba sa inyo higit sa iba sa mga antas upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon mo ay mabilis ang parusa at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain} [Al-An'Ãm: 165].

    Ang pagbabalanse sa mga transaksyon sa Islam

    Ang Islam ay ang tunay na relihiyon, tunay na nagdala ito ng mga bagay na makabubuti sa mga tao at magpapabuti sa kanila; dahil ito ay galing sa kanya na lumikha sa mga tao, kaya siya ang higit na nakakaalam sa kanila at sa anumang kapaki-pakinabang sa kanila, sinabi ng Allah: {Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid} [Al-Mulk: 14], at ito ay salungat sa ibang mga batas at mga sistema, dahil ang islam ay tunay na nagdala ng sistema sa pananalapi na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng katawan at sa mga bagay sa mundo, at gayun din na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng kaluluwa at sa mga bagay sa kabilang buhay.

    Una- Ang makamundong panig: Isinasaayus ng islamikong batas ang mga transaksyong pinansyal ng mga tao, sa anumang magpapatupad ng pagiging patas sa pagitan ng lahat ng nakikipagtransaksyon, at magbibigay ng karapatan sa lahat ng may karapatan nito, at magpapatupad ng kasapatan para sa lahat, gayundin na pinapalawak nito ang pintuan ng halal (pinahihintulutan) sa mga transaksyon, at ipinagbabawal ang lahat ng maaaring magdulot ng pinsala sa isa sa mga nakikipagtransaksyon.

    Ikalawa - Ang makarelihiyong panig: Ang pinakamalaking layunin sa lahat ng islamikong mga batas ay ang pagkamit ng kaluguran ng Allah at pagkamit ng paraiso, at maidagdag pa doon na ang mga batas ng islamikong mga transaksyon ay magpapatupad ng kapatiran sa pagitan ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pagiging patas, at panghihikayat sa pagiging mabuti; gaya ng pagtulong sa mga nangangailangan, at pagbabawal sa lahat ng mga nakakatukso o nakalilinlang sa mga puso; kagaya ng riba (pagpapatubo) at ang pagsusugal.

    Mga larawan ng transaksyong pinansyal ayun sa mga karapatan

    Una- Ang pagiging pata: at ito ay ang anumang magsasaalang-alang sa karapatan ng dalawang panig ng transaksyong pinansyal nang walang labis walang kulang; Gaya ng pagbibinta, pagpaparenta o upa sa parehong halaga, at iba pa doon. sinabi ng Allah: {At Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda (o pagbibinta)...} [Al-Baqarah: 275] Ikalawa- Ang pagbibigay ng palugit: ito ay ang pagiging mabuti; tulad ng pagpapaluwag sa nagigipit o pag-alis (ng ubligasyon sa pagbayad) ng utang mula sa kanya, sinabi ng Allah: {At Kung may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam} [Al-Baqarah: 280], at halimbawa na nagkasundo ang isang tao sa isang trabahador sa halaga ng bayad, pagkatapos ay babayaran niya ito ng higit pa sa napagkasunduan, sinabi ng Allah: {... At Gumawa kayo ng maganda (mabuti); tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda (mabuti} [Al-Baqarah: 195].

    Ikatlo- Ang pandadaya: at ito ay ang pagkuha ng tao ng higit pa sa kanyang karapatan, at pagkain ng yaman ng mga tao nang hindi makatarungang paraan; kagaya ng pagpapatubo, pagsusugal, at ang pagpigil sa karapatan ng manggagawa, at iba pa. sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan at hindi kayo lalabagin sa katarungan} [Al-Baqarah: 278-279], at sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sinabi ng Allah: Tatlo ang kaaway ko sa araw ng pagbangon muli: Isang tao na nangako at nanumpa sa akin pagkatapos ay hindi tumupad sa kanyang pangako, at isang tao na nagbinta ng isang malayang tao pagkatapos ay kinain (o pinakinabangan) niya ang halaga nito, at isang tao na kumuha ng isang trabahador at nagtrabaho ito sa kanya pagkatapos ay hindi niya ibinigay ang bayad nito", (Al-Bukharie 2227).

    Ilan sa islamikong mga asal sa mga transaksyon (1)

    ١
    Ang pagpapanatili sa mga pinahihintulutang mga kasunduan at ang pagtupad nito, sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata (kasunduan)} [Al-Mã'idah: 1].
    ٢
    Ang pagsagawa sa ipinagkatiwala, sinabi ng Allah: {... at magsagawa ang pinagkatiwalaan ng ipinagkatiwala sa kanya at mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya...} [Al-Baqarah: 283].
    ٣
    Ang hindi paglihim sa pagtistigo, sinabi ng Allah: {... At Huwag kayong maglingid ng pagsasaksi. Ang sinumang maglingid niyon, tunay na siya ay nagkakasala ang puso niya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam} [Al-Baqarah: 283].
    ٤
    Ang pagiging tapat at ang pagpapayo, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ tungkol sa nakipagbintahan: "Samakatuwid kung silang dalawa ay naging tapat at nagpakatotoo ang kanilang pagbibintahan ay pagpalain sa kanilang dalawa, at kung silang dalawa ay naglihiman at nagsinungaling sa bawat isa ay aalisin ang pagpapala sa kanilang bintahan", (Al-Bukharie 2079, Muslim 1532).
    ٥
    Ang paghayag (nang kalagayan ng paninda) at ang hindi pandaraya at panlilinlang, sinabi niya ﷺ: "... At ang sinumang mandaya sa amin ay hindi kasama sa amin", (Muslim 101).

    Ilan sa islamikong mga asal sa mga transaksyon (2)

    ١
    Pag-iwas sa mga walang katiyakan, at ito ay ang mga bagay kung saan nag-aalanganin dito ang tao sa halal (pinahihintulutan) at sa haram (ipinagbabawal), sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Katotohanan na ang halal ay malinaw, at ang harãm ay malinaw, at sa pagitan ng dalawang ito ay may mga bagay na walang katiyakan (kung halal o harãm) na hindi alam ng karamihan sa mga tao, kaya ang sinumang umiwas sa mga walang katiyakan (kung halal o harãm) ay iniligtas niya ang kanyang sarili para sa kanyang relihiyon at sa kanyang dangal, at ang sinumang nahulog sa mga walang katiyakan ay nahulog siya sa harãm...", (Al-Bukharie 52, at Muslim 1599).
    ٢
    Ang hindi pagkain ng pera o yaman ng mga tao ng hindi makatarungan, sinabi ng Allah: {Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa hindi makatarungang paraan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam} [Al-Baqarah: 188].
    ٣
    Na maiibigan ng isang muslim para sa kanyang kapatid kung ano ang maibigan niya para sa kanyang sarili, sinabi ng Propeta ﷺ: "Hindi ganap na nananampalataya ang isa sa inyo hanggang sa magustuhan niya para sa kanyang kapatid ang anumang gusto niya para sa kanyang sarili", (Al-Bukharie 13, at Muslim 45).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit