Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga Batayan ng pagpili ng asawang lalaki at asawang babae

Aalamin natin sa aralin na ito ang pinakamahalagang batayan ng pagpili ng asawa (lalaki at babae).

  • Ang pag-alam sa antas ng pagkasal sa islam.
  • Ang pag-alam sa pinakamahalagang mga regulasyon sa pagpili ng asawa.
  • Pagpapaliwanag sa pagiging patas ng islam sa babae sa gawain ng pagpili ng asawa.

Ang pagsasagawa ng kasal ay isa sa pinakamahalagang mga kasunduan (gawain) sa islam at may pinakamataas na antas sa Islam, at pinaligiran ito ng batas ng Islam ng mga pambungad o paunang hakbang; nagbibigay sa bawat isa sa magkabilang panig ng anumang magbibigay ng kabutihan sa kanya at pakinabang sa kasal, at tumutulong sa pagpapatuloy ng kasal at pagiging matatag ng tahanan ng muslim.

Ang dalawang haligi ng pamilya

Ang dalawang pangunahing haligi sa pagbuo ng pamilya ay ang asawang lalaki at asawang babae, at nagsisikap ang Islam sa pagpapabuti ng relasyon sa pagitan nila, at tinutupad niya iyon sa kanyang mga tanda at mga biyaya na ipinagkaluob niya sa kanyang mga alipin.

Sinabi ng Allah: {Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip} [Ar-Rõm: 21].

Ang mabuting pagpili ng asawa (sa lalaki at babae)

Ang mabuting pagpili ng kasama sa buhay, ay siyang pinakamahalagang hakbang sa pagkamit ng masayang pag-aasawa (o pagsasama) at pagbuo ng matatag na pamilya.

Pinakamahalagang mga regulasyon ng pagpili ng asawa

١
Ang mabuting relihiyon at magandang ugali.
٢
Ang sikolohikal na kaginhawaan.
٣
Ang kakayahan (o kahusayan).

Ang mabuting relihiyon at magandang ugali

Ito ang orihinal o pangunahin na dapat pagsikapan ng bawat lalaki at babae sa pagpili ng kabiyak o kasama sa buhay, sapagkat ang mabuting relihiyon at magandang ugali ay gumagarantiya -sa pahintulot ng Allah- sa pagkamit ng kaligayahan sa dalawang tahanan (sa mundo at sa kabilangbuhay).

Sa katunayan ay nag-uutos ang Propeta ﷺ sa pagpili ng (matuwid at) mabuting babaeng mapapangasawa na nagtataglay ng relihiyon, sinabi niya: "Papakasalan (pipiliiin) ang babae sa apat (na katangian): Sa kanyang pera o yaman, sa kanyang angkan (o katayuan), sa kanyang kagandahan at sa kanyang relihiyon, ngunit gawin mong prayoridad ang may relihiyon sapagkat doon mapapanatag ang iyong mga kamay (doon ka mapapanatag)", (Al-Bukharie 5090, at Muslim 1466), Ang babaeng may relihiyon ay matatakot sa Allah, at pangangalagaan niya ang karapatan ng kanyang bahay at asawa sa kanyang presensya at sa kanyang kawalan.

At sa pagpili ng lalaking mapapangasawa sinabi ng Propeta ﷺ: "Kapag lumapit o dumating sa inyo ang sinumang gusto ninyo ang kanyang ugali at relihiyon ay tanggapin niyong ipakasal (sa anak ninyong babae), kung hindi niyo iyon gawin ay magkakaroon ng fitnah sa lupa at malaking pinsala", (Ibn Mãjah 1967), kaya ang ilang mga salaf (sinaunang mga iskolar ng islam) ay nagsabi: "kapag ipakasal mo ang anak mo, ipakasal mo siya sa lalaking may relihiyon; sapagkat kung mamahalin niya ito ay igagalang niya, at kung hindi man ay hindi niya ito aapihin".

Ang sikolohikal na kaginhawaan

Sinabi niya ﷺ: "Ang mga kaluluwa ay conscripted na mga sundalo; kaya ang anumang makasanayan nito ay magugustuhan (o makakasundo) niya, at ang anumang ayawan nito ay hindi niya magugustuhan (o makakasundo)" (Al-Bukharie 3336, at Muslim 2638), at tinitiyak nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sikolohikal na kaginhawaan at pagkakasundo sa pagitan ng mag-asawa, upang makamit ang pagkakaunawaan, at magpapatuloy ang masayang buhay mag-asawa.

At dahil dyan nag-utos ang Propeta ﷺ sa sinumang gustong mamanhikan sa babae sa kanyang sinabi: "Tingnan mo siya dahil yon ang pinakamainam na magpapatatag sa pagsasama niyong dalawa", (At-Tirmizie 1087), Ang tinutukoy dito: ay mananatili sa pagitan nila ang pagmamahalan, at ang tingin na ito ay isa sa karapatan ng lalaki at babae, upang magkakilala ang bawat isa sa kanila, at mapanatag ang kanyang sarili dito.

Ang kahusayan (o kakayahan)

Ang tinutukoy sa kahusayan ay ang pagkakaroon ng pagkakalapit at pagkakasundo sa pagitan ng mag-asawa sa materyal at panlipunang kalagayan, at itinakdang kundisyon ito ng ilang mga iskolar, at sa pananaw naman ng ibang mga iskolar ang tinitingnan lamang ay ang Relihiyon at Ugali, ngunit walang duda na ang kawalan ng pagkakalapit sa isa't isa Sa antas ng panlipunan, pang-agham at pananalapi sa pagitan ng mag-asawa ay maaaring dahilan sa paggulo, at pagkagalit ng buhay mag-asawa, at banta ng pakahiwalay.

Ang pagkalugod at pagtanggap

Kasabay ng pag-iingat sa magandang pagpili, dapat din na maganap ang kasal o pag-aasawa sa pagkalugod at pagtanggap sa magkabilang panig, Nang walang pressure o pamimilit ng sinuman, kahit pa ito ay isa sa pinakamalapit na tao sa kanya.

At tunay na makatarungan ang islam sa babae, at ginawang kundisyon ang kanyang kagustohan at pagtanggap sa kasal o pag-aasawa, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Hindi ipinakakasal ang babaing dating nakapag-asawa hanggang sa nasangguni siya at hindi ipinakakasal ang birhen hanggang sa pinagpaalaman siya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, kaya papaano po ang pagpapahintulot niya?" Nagsabi siya: "Na manahimik siya." (Al-Bukharie 5136, at Muslim 1419). at sa kwento ni Khansa binti Khaddam Al-Anshariyyah "ipinakasal siya ng kanyang ama at siya ay diborsiyado, kaya kinamumuhian niya iyon, at pumunta siya sa Sugo ﷺ, kaya hindi natuloy ang kasal niya". (Al-Bukharie 5138).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit