Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang kahulugan ng Salah at ang kabutihan nito
Ang kahulugan ng Salah (pagdarasal)
Ang ng salah sa wika (na arabik) ay: Ang Du`a (panalangin), na siyang koneksyon ng isang alipin sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha, kung saan sumasaklaw sa pinakamataas na kahulugan ng pagka-alipin, pagdulog sa Allah at paghingi ng tulong sa Kanya. Kaya siya ay nananalangin sa Kanya dito, nagsusumamo at naggugunita sa Kanya, samakatuwid nadadalisay niya ang kanyang sarili, at naaalala niya ang katotohanan niya at ang katotohanan ng mundo na kung saan ay nabubuhay siya dito, at nadarama niya ang Kadakilaan ng kanyang Poon at ang Habag Nito sa kanya, at sa gayon, ibinabaling siya ng Salah na ito sa pagiging matuwid at matatag sa batas ng Allah at inilalayo siya sa kawalang-katarungan, kahalayan at pagsuway, gaya ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, ang Salah ay ipinagbabawal ang kahalayan at ang maling gawain}. (Al-Ankabut: 45).
Ang Salah (pagdarasal) ay ang pinakadakila sa mga pisikal na gawain ng pagsamba at pinakamahalaga nito sa kalagayan, at ito ay isang komprehensibong pagsamba ng puso, isip at dila, at makikita ang kahalagahan ng Salah sa maraming bagay, ilan dito:
1. Ito ang pangalawang haligi mula sa mga haligi ng Islam, tulad ng sinabi niya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: “Itinayo ang Islam sa lima: Ang pagsasaksi na walang Diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah, at ang pagsasagawa ng Salah...” (Al-Bukhari: 08 – Muslim: 16), at ang haligi ng pagtatayo ay siyang pundasyon na inaasahan nito at hindi kayang tumayo nang wala ito.
2. Ito ang nagpapahiwalay sa pagitan ng mga Muslim at ng mga walang pananampalataya, tulad ng sinabi ng Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Katotohanan, ang pagitan ng isang lalaki at ng Shirk (politeismo) at ng Kufr (kawalang pananampalataya) ay ang pagtalikod sa Salah (pagdarasal)." (Muslim: 82). At sinabi niya: "Ang kasunduan sa pagitan natin at sa kanila ay ang Salah (pagdarasal), kaya't sinuman ang tumalikod dito ay nagtakwil ng pananampalataya." (At-Tirmidhi: 2621 – An-Nasai: 463).
3. Ipinag-utos ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan ang pangangalaga dito sa lahat ng kalagayan, sa paglalakbay, sa kalunsuran, sa kapayapaan, sa digmaan, at sa kalagayan ng kalusugan at karamdaman, at isinasagawa ito sa abot ng makakaya, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {pangalagaan ninyo ang mga Salah (pagdarasal)}. (Al-Baqarah: 238), at inilarawan Niya ang Kanyang mga lingkod na mananampalataya ayon sa Kanyang sinabi: {At yaong sila sa kanilang mga pagdarasal ay inaalagaan}. (Al-Mu'minun: 09).
Ang mga kabutihan ng Salah (pagdarasal)
Maraming mga patunay ang naisalaysay tungkol sa kabutihan ng Salah mula sa Qur'an at sa Sunnah, at kabilang na doon ang:
1. Ito ay nagpapawalang-sala ng mga kasalanan, tulad ng sinabi ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ang limang mga Salah (pagdarasal), at ang Biyernes hanggang sa isa pang Biyernes, at ang ramadhan hanggang sa isa pang ramadhan, ay mga pagbabayad-sala sa pagitan ng mga ito, kung iniiwasan ang mga malalaking kasalanan." (Muslim: 233 – At-Tirmidhi: 214).
2. Ito ay isang nagniningning na liwanag para sa isang Muslim sa buong buhay niya, na nagtutulak sa kanya para sa kabutihan at naglalayo sa kanya sa kasamaan, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, ang Salah (pagdarasal) ay ipinagbabawal ang kahalayan at ang maling Gawain}. (Al-Ankabut: 45), at sinabi niya , -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Ang Salah ay isang liwanag." (Muslim: 223).
3. Ito ang unang kukwentahin sa isang lingkod sa Araw ng Pagbabangon Muli. Kaya kapag ito ay wasto at tinanggap, tatanggapin ang lahat ng gawa, at kapag ito ay tinanggihan, tatanggihan ang iba pang mga gawa, tulad ng sinabi niya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: “Ang unang kukwentahin sa isang lingkod sa Araw ng Pagbabangon Muli ay ang Salah (pagdarasal). Kapag ito ay wasto, magiging wasto ang lahat ng kanyang gawa." (Al-Mu`jam Al-Awsat ni At-Tabarani: 1859).
Ang Salah (pagdarasal) ang pinakamasarap na mga sandali para sa mananampalataya kapag nagsusumamo siya sa kanyang Panginoon dito, kaya nakakatagpo siya ng kaginhawaan, kapanatagan at katiwasayan sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan.
At ito ang pinakadakilang kasiyahan para sa Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, tulad ng sinabi niya: "At ginawa ang kaaliwan ng aking mga mata sa Salah (pagdarasal)." (An-Nasai: 3940).
Siya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, ay laging nagsasabi sa kanyang tagatawag na nananawagan para sa pagdarasal, si Bilal, kalugdan siya ng Allah: "O bilal, magqamat ka sa salah, Paginhawahin mo kami sa pamamagitan nito." (Abu Dawud: 4985).
At nakaugalian ng Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, na kapag nag-iisip siya ng isang bagay o naaabala siya nito, siya ay dumulog sa Salah (pagdarasal). (Abu Dawud: 1319).