Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga kundisyon ng Salah (pagdarasal) at ang mga alituntunin nito
Ang mga kundisyon ng Salah (pagdarasal)
Ang Taharah (paglilinis) mula sa Hadath (ritwal na karumihan) at sa marumi. Sa naiulat ni Abdullah bin Omar, kalugdan silang dalawa ng Allah, sinabi niya: Narinig ko ang Sugo ng Allah, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, na nagsasabi: "Hindi tinatanggap ng Allah ang anumang Salah (pagdarasal) nang walang paglilinis." (Muslim 224).
Kaya isinasakundisyon ang pagtakip sa Awrah (pribadong bahagi) sa pamamagitan ng damit na hindi nagpapakita ng mga detalye ng mga bahagi ng katawan dahil sa kaiklian o kanipisan nito.
Simula sa pusod hanggang tuhod
Ang buong katawan niya maliban sa kanyang mukha at mga kamay. Sa naiulat ni Aishah, kalugdan siya ng Allah, siya ay nagsabi: Sinabi ng Propeta ﷺ: "Hindi tinatanggap ng Allah ang Salah (pagdarasal) ng babaeng dinadatnan na ng regla," ibig sabihin: Nasa hustong gulang na, "Maliban na may belo." (Abu Dawud 641 at At -Tirmidhi 377).
Sinabi ng Kataas-taasan: {O mga Anak ni Adam (Adan), isuot ninyo ang inyong palamuti sa bawa't Masjid (Mosque)}. (Al-A’raf: 31). At ang pagtatakip sa awrah ang siyang pinakamababang uri ng palamuti, at ang kahulugan ng bawa't Masjid: Ibig sabihin ay bawa't Salah (pagdarasal).
Sinabi ng Kataas-taasan: {At sa kung saan ka man magpunta, iharap mo ang iyong mukha sa Sagradong Masjid (Mosque)}. (Al-Baqarah: 149).
Ang Qiblah (direksyon ng pagdarasal) ng mga Muslim ay ang marangal na Ka'bah na itinayo ng ama ng mga Propeta na si Ibrahim (Abraham), sumakanya ang kapayapaan, at nagsagawa ng Hajj dito ang mga Propeta, sumakanila ang kapayapaan. At alam natin na ito ay mga bato lamang na hindi nakapipinsala at hindi rin nakapagdudulot ng pakinabang, nguni't ang Allah na Kataas-taasan ay nag-utos sa atin na humarap dito sa pagdarasal upang ang lahat ng mga Muslim ay magkaisa sa isang direksyon, kaya sinasamba natin ang Allah sa direksyon na iyan.
Paano ang pagharap sa Qiblah (direksyon ng pagdarasal)
Ang dapat sa isang Muslim ay ang humarap sa Ka'bah kung nakikita niya ito sa kanyang harapan.Tungkol naman sa sinumang malayo rito, sapat na para sa kanya na humarap sa direksyon ng Makkah, at ang bahagyang paglihis sa direksyon ay hindi makapinsala, tulad ng sinabi ng Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Ang nasa pagitan ng silangan at kanluran ay Qiblah." (At-Tirmidhi: 342).
Mawawala ang pagka-obligado dahil sa kawalan ng kakayahan na ito, tulad ng pagkawala ng lahat ng mga ubligasyon dahil sa kawalan ng kakayahan na gawin ito. Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya't katakutan ninyo ang Allah sa abot ng inyong makakaya}. (At-Taghabun: 16).
At ito ay isang kundisyon para sa kawastuhan ng Salah (pagdarasal), at hindi tinatanggap ang Salah bago ang pagpasok ng oras nito, at ipinagbabawal na ipagpaliban ito nang lampas sa oras nito, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, ang Salah para sa mga mananampalataya ay may takdang oras}. (An-Nisa': 103).
Ang mas mainam ay isagawa ang Salah (pagdarasal) sa unang oras nito. Sa naiulat ni Umm Farwah, kalugdan siya ng Allah, sinabi niya: "Tinanong ang Sugo ng Allah, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, kung alin sa mga gawa ang pinakamainam? Sinabi niya: "Ang pagsasagawa ng Salah sa unang oras nito." Sunan Abu Dawud
Dapat isagawa ang Salah (pagdarasal) sa oras nito, at ipinagbabawal na ipagpaliban ito, maliban sa mga kalagayan na kung saan ay pinahihintulutan dito na pagsamahin ang dalawang Salah.
Dapat sa kanya ang magmadali sa pagbayad nito kung kailan niya ito naalala. Ayon sa naiulat ni Anas bin Malik, kalugdan siya ng Allah, sinabi niya: Ang Propeta ng Allah, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-, ay nagsabi: "Sinuman ang nakalimot ng isang Salah (pagdarasal), o nakatulugan niya ito, ang kabayaran nito ay isagawa niya ito kapag naalala niya ito.” Isinalaysay ni Muslim.
Ang pagka-ubligado ng Salah (pagdarasal)
Ipinag-uutos ang Salah (pagdarasal) sa bawa't Muslim na matino, na nasa hustong gulang, maliban sa nagreregla at kapapanganak, sa gayon hindi siya magsasagawa ng Salah sa panahon ng kanyang pagreregla o panganganak, at hindi rin siya magbabayad pagkatapos ng kanyang kalinisan at pagtigil ng dugo mula sa kanya.
At hinahatulan sa pagsapit ng hustong gulang kapag nagkaroon ang isa sa mga sumusunod na palatandaan:
Ang limang mga ubligadong Salah (pagdarasal) at ang mga oras nito
Ipinag-utos ng Allah sa isang Muslim ang limang Salah (pagdarasal) sa araw at gabi, na siyang mga haligi ng kanyang Relihiyon. At ang pinakamatibay na mga tungkulin na iniatas sa kanya at itinakda dito ang maliwanag na mga oras tulad ng sumusunod:
Ang Salah (pagdarasal) sa Fajr (madaling araw): Ito ay dalawang Rak'ah (yugto), at nag-uumpisa ang oras nito simula sa pagsapit ng ikalawang bukang-liwayway, at ito ay ang pagsimula ng liwanag sa kalawakan mula sa dakong silangan, at nagtatapos sa pagsikat ng araw
At ito ay binubuo ng apat na Rak'ah (yugto), at mag-uumpisa ang oras nito simula sa paglihis ng araw – paglihis ng araw patungo sa dakong kanluran pagkatapos ng paggitna nito sa kalangitan, at nagtatapos ito kapag ang anino ng lahat ng bagay ay naging kasukat ng haba nito.
At ito ay binubuo ng apat na Rak’ah (yugto), at mag-uumpisa ang oras nito simula sa pagtatapos ng oras ng dasal sa Dhuhr (tanghali), kapag ang anino ng lahat ng bagay ay magiging kaparehas nito, at magtatapos sa paglubog ng araw. At dapat sa isang Muslim na madaliin ang Salah (pagdarasal) bago humina ang sinag ng araw at maging dilaw ang kulay nito.
At ito ay binubuo ng tatlong Rak'ah (yugto), at mag-uumpisa ang oras nito simula sa paglubog ng araw at pagkawala ng sinag nito sa kalawakan, at nagtatapos sa pagkawala ng pulang takip-silim na lumilitaw pagkatapos ng paglubog ng araw.
At ito ay binubuo ng apat na Rak'ah (yugto), at mag-uumpisa ang oras nito simula sa pagkawala ng pulang takip-silim at nagtatapos sa kalagitnaan ng gabi, at maaaring isagawa ito kung kinakailangan hanggang sa pagsikat ng bukang-liwayway.
Ang lugar ng Salah (pagdarasal)
Ipinag-utos ng Islam ang pagsasagawa sa Salah (pagdarasal) nang sama-sama, at ipinanghikayat na gawin iyon sa Masjid (Mosque); upang maging isang lugar na pagtitipunan at pagpupulungan ng mga Muslim, at mapalawak ang mga buklod ng kapatiran at pagmamahalan sa pagitan nila, at ginawa iyon na mas mabuti kaysa sa Salah ng isang lalaki na mag-isa niya sa maraming mga antas, tulad ng sinabi niya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Ang Salah ng isang lalaki sa sama-samang pagdarasal ay nakahihigit sa Salah ng nag-iisa ng dalawampu't pitong antas." (Al-Bukhari: 645 – Muslim: 650 – Ahmad: 5921).
Mga panuntunan ng lugar na pinagsasagawaan ng Salah (pagdarasal)
Itinakdang kundisyon ng Islam para sa lugar na pinagsasagawaan ng Salah (pagdarasal) na ang lupa ay maging malinis, ang Allah na Kataas-taasan ay nagsasabi: {At Kami ay nakipagtipan kay Ibrahim (Abraham) at Ismail (Ismael) na linisin ang Aking Tahanan para sa mga nagsasagawa ng Tawaf (pag-ikot sa palibot ng Ka'bah), sa mga namamalagi rito (para sa kapakanan ng Allah) at sa mga nagsisiyuko na nakapatirapa}. (Al-Baqarah: 125).
Ang orihinal (o pangunahing hatol) ay ang kalinisan ng lugar
At ang orihinal (o pangunahing hatol) ay ang kalinisan, at ang karumihan ay biglaan (o dumarating pa), kaya kung wala kang alam sa pagkakaroon ng marumi, hatulan mo ito ng kalinisan, at pinahihintulutan na magsagawa ng Salah (pagdarasal) sa bawa't ibabaw (patag) na malinis, at hindi dapat magpakahirap sa pagkuha ng isang alpombra (karpet) o tela na hindi makapagsasagawa ng Salah maliban sa ibabaw nito.
May mga pangkalahatang tuntunin para sa lugar ng Salah (pagdarasal), na dapat sa nagsasagawa nito ay pangalagaan ang mga ito, at kabilang na dito ang:
1. Na huwag siyang maminsala (dapat hindi siya makaabala) ng mga tao sa lugar ng kanyang pinagsasagawaan ng Salah (pagdarasal), tulad ng sinumang nagsasagawa ng Salah sa mga kalsada at mga pasilyo at sa anumang ipinagbabawal ang pagtigil dito, na kung saan ay nagdudulot ng kaguluhan at pagsisiksikan ng mga tao, at ang Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay ipinagbabawal ang pananakit at pamiminsala, at kanyang sinasabi: "Walang pinsala at walang pamiminsala." (Ibn Majah: 2340 – Ahmad: 2865).
2. Na dapat ay hindi ito maglaman ng anumang bagay na nakakaabala sa nagsasagawa ng Salah (pagdarasal), tulad ng mga larawan, malalakas na mga tunog at musika.
3. Na dapat ang lugar ay hindi orihinal na inihanda para sa pagsuway sa Allah, tulad ng mga disco at nightclub, kung kaya't kasuklam-suklam ang pagsasagawa ng Salah (pagdarasal) dito.