Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Eid (anibersaryo)

Ang mga anibersaryo ay kabilang sa mga hayag na simbolo ng relihiyon, at sa katunayan ay gumawa ang Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan para bawat mamamayan ng mga anibersaryo na partikular lang sa kanila. mapag-aaralan mo sa aralin na ito ang ilang mga bagay na may kinalaman sa mga anibersaryo sa islam.

  • Ang pag-alam sa mga (Eid) anibersaryo ng mga muslim.
  • Ang pag-alam sa paraan ng pagdarasal sa Eid.
  • Ang pag-alam sa ilang mga alituntunin at mga magagandang asal na may kinalaman sa Eid.
  • Ang mga Eid o anibersaryo ay kabilang sa mga hayag na simbolo ng Relihiyon:

    Nang dumating ang Propeta ﷺ, sa Madinah at kanyang natagpuan ang mga Ansar – Sila ang mga Muslim na taga-Madinah – na naglalaro at nagsasaya ng dalawang araw sa isang taon, kaya sinabi niya: "Ano ang dalawang araw na ito."? Sila ay nagsabi: Dati na kaming naglalaro dito sa panahon ng Kamangmangan, at ang Sugo ng Allah ﷺ, ay nagsabi: "Katotohanan, pinalitan ito ng Allah para sa inyo ng dalawa na mas mabuti kaysa sa dalawang ito: Ang araw ng Eid Al-Adha, at ang araw ng Eid Al-Fitr." (Abu Daud: 1134), at sinabi pa niya ﷺ, bilang paglilinaw na ang mga anibersaryo ay siyang simbolo ng mga relihiyon: "Katotohanan, ang bawa't mamamayan ay may anibersaryo, at ito ang ating anibersaryo." (Al-Bukhari: 952 – Muslim: 892).

    Ang Eid sa Islam

    Ang Eid sa Islam ay siyang araw na inihahayag dito ng mga Muslim ang kasiyahan dahil sa pagkakumpleto ng Ibaadah (gawaing pagsamba) bilang pasasalamat sa Allah na Kataas-taasan, sa Kanyang pamamatnubay at paggabay para sa pagsamba, at lehitimong ipinag-uutos dito ang pagpasok ng kaligayahan sa mga puso ng mga tao lahat, at ang pagsuot ng pinakamagandang damit, at ang pagmamagandang-loob sa mga nangangailangan, at paglibang sa mga sarili sa lahat ng mga paraan na ipinahihintulot, tulad ng mga pagdiriwang at mga palaro na nagpapapasok ng kaligayahan sa mga puso ng lahat, at ipinaaalala sa kanila ang tungkol sa biyaya ng Allah sa kanila.

    Ang mga Muslim ay may dalawang Eid (anibersaryo) sa isang taon na kanilang ipinagdiriwang, at hindi pinahihintulutang maglaan ng isang araw na gagawin ito ng mga tao na anibersaryo bukod sa dalawang ito, at ang mga ito:

    ١
    Ang Eid Al-Fitr: At ito ang siyang unang araw sa buwan ng Shawwal
    ٢
    Ang Eid Al-Adha: At ito ang siyang ikasampung araw sa buwan ng Dhul-Hijjah

    Ang Salat Al-Eid

    Ito ay isang Salah na pinagtibay ng Islam at ipinanghihikayat sa mga Muslim na lumabas upang isagawa ito kasama ang mga kababaihan at mga kabataan, at ang oras nito ay magsisimula sa pagtaas ng araw sa sukat ng isang sibat sa kalawakan pagkatapos ng pagsikat ng araw sa araw ng Eid hanggang sa paglihis ng araw sa katanghalian.

    Ang pamamaraan ng Salat Al-Eid

    Ang Salat Al-Eid ay binubuo ng dalawang Rak'ah, pinapalakas dito ng Imam (namumuno sa Salah) ang pagbibigkas, at magbibigay siya ng dalawang Khutbah (sermon) pagkatapos ng Salah, at lehitimong ipinag-uutos sa Salat Al-Eid ang pagdaragdag sa Takbeer sa umpisa ng bawa't Rak'ah, kaya magsasagawa siya ng Takbeer sa unang Rak'ah bago ang pagbigkas, ng anim na Takbeer bukod sa Takbiratul Ihram, at magsasagawa siya ng Takbeer sa ikalawa ng limang Takbeer bukod sa Takbeer ng pagtayo mula sa pagpapatirapa.

    Iniuutos na ipalaganap ang kasiyahan at kaligayahan sa pamilya

    Sa mga maliliit at malalaki, sa mga kalalakihan at kababaihan sa lahat ng paraan na pinahihintulutan, at pagsuot ng pinakamagarang damit at pinakamaganda, at ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagtigil sa pag-aayuno at pagkain sa maghapon sa araw na iyon, at dahil doon ay ipinagbabawal ang pag-aayuno sa Eid.

    Ang pagsasagawa ng Takbeer sa dalawang Eid

    Iniuutos ang pagsasagawa ng Takbeer sa Eid Al-Fitr: Bilang paghahayag sa pagsasaya sa Eid, at pagkakumpleto ng pag-aayuno sa mapagpalang Ramadan, at pasasalamat sa biyaya ng Allah sa atin at sa pagpatnubay Niya sa atin sa pag-aayuno, sinabi ng Kataas-taasan: {At upang inyong makumpleto ang mga bilang, at inyong madakila ang Allah sa pagpatnubay sa inyo, at baka sakaling makapagpasalamat kayo}. (Al-Baqarah: 185). Gayundin na iniuutos ang pagsasagawa ng Takbeer sa Eid Al-Adha: Bilang paghahayag sa pagsasaya sa Eid, at sa pagsasagawa ng Hajj na ubligado sa mga nagha-hajj, at sa paggabay sa matuwid na gawain sa ikasampu ng Dhul-Hijjah sa kanila at sa iba pang natitirang mga Muslim, sinabi ng Kataas-taasan sa pagbanggit sa mga Udhiyah: {Hindi kailanman maabot ang Allah ng mga karne nito, ni ang mga dugo nito, nguni't ang makakaabot sa Kanya ay ang may takot sa inyo, sa gayon isinailalim ang mga ito para sa inyo, upang dakilain ninyo ang Allah sa pagpatnubay Niya sa inyo, at balitaan mo ng magandang balita ang mga Muhsinun (mapaggawa ng kabutihan}. (Al-Hajj: 37).

    Ang pamamaraan ng pagsasagawa sa mga Takbeer ng Eid

    Allaahu akbar Allaahu akbar, laa ilaaha illallaah, Allaahu akbar Allaahu akbar wa lillaahil hamd (Ang Allah ang Pinakadakila, ang Allah ang Pinakadakila, walang Diyos maliban sa Allah, ang Allah ang Pinakadakila, ang Allah ang Pinakadakila at ang pagpupuri ay sa Allah). At sasabihin din niya: Allaahu akbar kabeera, wal hamdu lillaahi katheera, wa subhaanallaahi bukrataw wa aseela (ang Allah ang Pinakadakila na Dakila, at ang maraming pagpupuri ay sa Allah, luwalhatiin ang Allah sa umaga at hapon).

    At iniuutos na pataasin dito ng mga kalalakihan ang kanilang mga boses, sa paraang hindi nakakaperwisyo sa mga tao o nakakabulabog sa kanila, at pababain dito ng mga kababaihan ang kanilang mga boses.

    Mangyaring makinig sa mga Takbeer ng Eid sa Al-Masjid Al-Haram sa Makkah Al-Mukarramah

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit