Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang taglamig, Ang pagdarasal, at Ang pag-aayuno
kapag tumindi ang lamig sa taglamig ay titingnan: Kung ang lamig ay hindi makakapigil sa mga tao sa paglabas para sa pagdarasal, Ang Azãn (tawag ng pagdarasal) ay mananatili sa kalagayan nito.
kung ang lamig ay matindi sa kalagayang masyadong mahirap sa lahat ng mga tao ang paglabas, Ang sabihin ng tumatawag ng Azãn sa kanyang pagAzãn ay: "Alã shalloo fee rihãlikom", O "Ash-Shalãto fee-r Rihãl". O "Shalloo fee buyootikom", sa kadahilanang pinahihintulutan silang iwan ang pagdarasal sa Musque.
Sinabi ni Nãfi': Nag Azãn si ibn Umar sa malamig na gabi sa Dajnãn [bundok na malapit sa makkah], pagkatapos ay sinabi niya: Shalloo fee rihãlikom, kaya sinabi sa amin ng Sugo ng Allah ﷺ na inutosan niya ang tumatawag ng Azãn na mag Azãn, pagkatapos ay sabihin niya sa huli nito: "Alã Shalloo fee-r Rihãl", sa malamig na gabi, O umuulan sa paglalakbay. (Al-bukharie 632, At Muslim 697).
Nagsisindi ang mga tao ng apoy sa taglamig, at maaring nasa direksyon ito ng Qiblah, at ang pinakamainam ay hindi makaharap sa apoy ang pagdarasal, upang mapalayo sa paggaya sa mga majoos ang mga taong sumasamba sa apoy, at nakakaabala rin sa nagdarasal. ngunit kung kailangan nila ang pampainit O mahirap ito ilipat sa ibang lugar, ay walang problema.
Tungkol naman sa pampainit na walang apoy, ay walang pagkamuhi sa pagdarasal na nakaharap dito.
Ang pagsamahin ang dalawang pagdarasal
Ang pagsamahin ang dalawang pagdarasal: ito ay ang pagdasalan ang zuhor (dasal sa tanghali) at pagsamahin sa Ash'r (dasal sa hapon), O ang pagdasalan ang magrib at pagsamahin sa "ishã', kaya mapagdasalan ang dalawang pagdarasal sa Oras ng isa sa kanila (maging ito man ay advance O late), at iyon ay kung nangyari ang dahilan mula sa mga pinahihintulutang dahilan ng pagsasama (sa dalawang pagdarasal).
Ilan sa mga pinahihintulutang mga dahilan para pagsamahin (ang dalawang Salah) na madalas sa taglamig: Ang Ulan, at ang ibang mga pantas (Ulamã') ay idinagdag: Ang malakas at malamig na hangin, O matinding lamig, O Snow na nakakaharang sa mga daanan, O mga putik na pumupuno sa mga daanan.
at ang tinutukoy sa mga pinahihintulutang dahilan upang pagsamahin (ang dalawang salah) ay: Ang Mga sitwasyon kung saan mahirap para sa mga tao na paulit-ulit na lumabas papunta sa mosque para sa samasamang pagdarasal, kaya Pinapayagan silang pagsamahin (ang dalawang salah). Hindi tulad ng mahinang ulan, na hindi pumipigil sa mga tao na lumabas para sa paglalakad o upang asikasuhin ang kanilang mga pangangailangan.
Ang pangunahin (na Obligasyon) sa mga Muslim ay magdasal sa Oras nito, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {... Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling tinakdaan ng panahon} [An-nisã': 103], at dahil diyan hindi tama na pagsamahin (ang dalawang salah) maliban kung napatunayan ang pagkakaroon ng dahilan na nagpapahintulot na pagsamahin (ang dalawang salah), Nai-ulat mula kay Umar bin Al-khattãb at ibn abbãs -kaluguran nawa sila ng Allah-: Na ang pagsasama sa dalawang Salah ng walang dahilan ay kasama sa mga malalaking kasalanan.
Sa sinumang hindi nagdarasal ng samasama (sa musque) -kagaya ng babae, may sakit, at tamad sa pagsasalah ng samasama- ay hindi niya pagsamahin (ang dalawang salah), dahil hindi naman niya ito kailangan, at ang pagdarasal sa tamang Oras ay kailangan, at gayun din na hindi rin puweding pagsamahin (ang dalawang Salah) pag natapos na ang dahilan bago pa maisagawa ang ikalawang Salah.
Sapat na sa Muslim sa situwasyon na pagsamahin (ang dalawang salah) na isang beses lang mag Azãn, at mag Qamat siya sa bawat salah, at pagdasalan niya ang mga Sunan rawatib pagkatapos nito, at banggitin ang mga pagsasangguni ng Salah pagkatapos nito.
Nangyayari sa maraming mga mosque ang pagtatalo tungkol sa pagkakaroon ng dahilan na magpapahintulot na pagsamahin (ang dalawang salah), At ang pangunahing utos ay, Ang imam ang masusunod, kaya magsumikap siya (sa pagdidisisyon) kung siya ay may alam, at sumangguni siya sa sinumang may Alam, At kung hindi mananaig sa kanyang hinala ang pagpapahintulot ay hindi niya pagsamahin, at nararapat sa mga tao sa mosque na hindi sila magtatalo.
Nabanggit sa mga sinaunang kasabihan: "Ang taglamig ay tagsibol (panahon ng pagtatanim) ng mga mananampalataya; Bumaba ang maghapon nito kaya nag-ayuno siya, at humaba ang gabi nito kaya nagdarasal siya (tahajjud- kusang loob na salah sa gabi)", Al-bayhaqi (8456), at tinawag itong tagsibol dahil nagpapahinga dito sa hardin ng pagsamba, At nakakaya niya sa taglamig na mag-ayuno sa araw nito ng walang paghihirap sa gutom at uhaw dahil sa mababa ang maghapon nito, At sa pagdarasal sa gabi dahil sa haba ng gabi nito, kaya nakakaya niyang pagsamahin ang pagdarasal at pagtulog.
At sa ibang kasabihan: "Ang pag-aayuno sa taglamig ang malamig na pananamsam" Ahmad (18959), sinabi ni Umar -kaluguran nawa siya ng Allah-: "Ang taglalamig ay pananamsam ng mga mananamba" Abu Nu'aim sa "Al-hilya" (1/51).