Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga makarelihiyong pagmumuni-muni habang naglalakbay

Hindi pinagbawalan ng islam ang isang muslim na mamasyal at magsaya sa mga magagandang natural na nilikha ng Allah, ngunit kung pumunta ang isang muslim sa mga paglalakbay! dapat isaalang-alang niya ang mga alituntunin ng islam at mga kagandahang-asal nito, at ito ang tatalakayin ng araling ito sa pagpapaliwanag.

  • Ang pag-ugnayin ng isang muslim ang pagitan ng relihiyon at ng mga detalye ng buhay.
  • Ang  pagnilayan ang kapangyarihan ng Allah -na Makapangyarihan sa lahat- sa mga nilalang
  • Ang tinutukoy na Paglalakbay ay: Ang mga ginagawa ng mga tao na pagbiyahe sa paglalakbay at pamamasyal sa mga natural na Lugar, at mga katulad nito.

    Nabanggit sa Qur'ãn ang salitang Rihla (paglalakbay) sa sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {Dahil sa pagkabihasa ng Quraysh. sa pagkabihasa nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init} [Quraysh: 1-2], At ang paglalakbay sa taglamig; ay ang paglalakbay sa pangangalakal ng mga Quraysh sa taglamig; at sila noon ay tumutungo dito sa direksyon ng yemen, at ang paglalakbay sa tag-init ay tumutungo sila sa direksyon ng syria.

    Paano nadaragdagan ng ating mga paglalakbay ang ating pananampalataya?

    Ang buhay ng isang Muslim ay nakaugnay sa Allah -na Makapangyarihan sa lahat- at sa Kanyang batas sa lahat ng mga kalagayan nito, Ang pagbibiyahe at mga paglalakbay ay puno ng mga batas ng islam na itinalaga ng Allah para sa atin; Dahil sa dakilang mga kabutihan nito dito sa mundo at sa kabilang buhay, At iyon ay kung maganda ang pakikitungo ng mga tao dito.

    Maaaring gawin ng isang mananampalataya ang kanyang pagbibiyahe at paglalakbay bilang isang gawaing pagsamba, ito ang ang pumunta siya sa lugar na tumitiyak ng kanyang pagsamba, tulad ng pagsasagawa ng Hajj at Umrah, O ang pananaliksik ng kaalaman.., at maaari niyang pabutihin ang kanyang hangarin bilang pagpapatuloy ng pagkakamag-anak, O pagpapasaya sa kanyang pamilya, O maglibang-libang sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya sa mga pinahihintulutan na makakatulong sa pagsunod sa utos ng Allah O makatulong na iwanan ang anumang ipinagbabawal ng Allah.

    Sinabi ng Allah: {Sabihin mo (O Muhammad): "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko (sa pagkatay ng hayop), ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang} [Al-An'ãm: 162]

    Ang mga paglalakbay ay isang pagkakataon para sa kapaki-pakinabang na pag-iisip

    Ang sansinukob ay puno ng mga tanda ng Allah na nagpapahiwatig ng kanyang kadakilaan, awa at karunungan, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon ay tiyak na mga tanda ukol sa mga may pag-unawa} [Ãl 'Imrãn: 190]. at dahil dito maraming beses na ipinag-utos ang pagtanaw sa mga ito nang may pagsasa-alang-alang na pagtanaw, at hindi lang pag-e-enjoy, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Hindi ba sila tumingin sa kaharian ng mga langit at lupa at nilikha ni Allāh na bagay ...} [Al-A'rãf: 185].

    Gayundin, kung minsan ang pag-iisa ay nagbibigay ng pagkakataon para sa isang tao na suriin ang kanyang sarili at isaalang-alang kung ano ang inihanda niya para bukas, Lalo na kung mag-isa lang siya, At walang nagbabantay sa kanya maliban sa Allah na Makapangyarihan sa lahat.

    Ano ang gagawin mo kung dumating kana sa iyong tuloyan sa paglalakbay mo?

    Sinuman ang dumating sa kanyang tuloyan sa kanyang paglalakbay; maging sa diserto man O bukod dito, ipinag-utos sa kanya na bigkasin ang napatunayan na dalangin.

    Isinalaysay ni Khawlah binti hakim -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya; narinig ko ang Sugo ng Allah ﷺ na sinabi niya: "Sinuman ang dumating sa tahanan pagkatapos sinabi niya: “A’U’THO BIKALIMA-TILLA-HIT TÃMMA-TI MIN SHARRI MA ‘KHALAQ" <“Ako ay nagpapakupkop sa Ganap na mga Salita ng Allah mula sa kasamaan ng Kanyang mga nilikha> walang anumang makakapinsala sa kanya hanggang sa pag-alis niya mula sa tahanan na iyon", (Muslim 2708).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit