Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Salah (pagdarasal) at ang pag-aayuno sa mga paglalakbay

Ang pagdarasal at pag-aayuno ay may natatanging mga alituntunin na nauugnay sa paglalakbay, tiyak na mapag-aralan mo sa araling ito ang ilan sa mga alituntunin na ito.

Ang pag-alam sa mga alituntunin na may kaugnayan sa pagdarasal at pag-aayuno sa paglalakbay.

Ang Azãn (tawag sa pagdarasal) sa mga paglalakbay

Pag dumating ang Oras ng Salah (pagdarasal) sa Parke (pasyalan) na walang mosque sa tabi nito, kinakailangan na mag Azãn ng malakas na Boses sa bawat pagdarasal.

Ayun sa isinalaysay ni Abdullah bin abdir-Rahmãn bin abi Sha'sha'ah Na si abi sa'id al-khudry -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nagsabi sa kanya: Nakikita kong mahal mo ang tupa at ang bukid, Kung ikaw ay nasa iyong mga tupa o iyong bukid, at nag Azãn ka (tumag ka ng tawag sa padarasal), Taasan mo ang iyong boses sa pagtawag; dahil ito: "walang makakarinig sa abot ng boses ng Tumatawag ng Azãn na jinn mga tao at anupaman, maliban sa nagsasaksi sa kanya ang mga iyon sa araw ng muling pagkabuhay". sinabi ni Abu Sa'id: narinig ko ito sa Sugo ng Allah ﷺ. (Al-bukharie 609).

At mula dito ay malalaman ang kabutihan ng Azãn, at na dapat sa mga nasa paglalakbay ay hindi nila ito ikahiya, O maliitin ito, at sa ibang hadith: "Ang taga tawag ng Azãn ay ipapatawad sa kanya ang abot ng kanyang boses, At lahat ng basa at tuyo ay hihingi ng kapatawaran para sa kanya". (ibn Mãjah 724).

Ang pagharap sa Qiblah (direksiyon ng Makkah)

Obligado sa sinumang nasa biyahe O paglalakbay na magsikap sa pag-alam sa direksiyon ng Qiblah, at ang tinutukoy dito ay ang direksyon ng makkah, kapag hindi niya ito nakikita ay sapat na ang direksiyon nito, At hindi na kailangan na humarap pa ng ganap sa mismong ka'abah, dahil mahirap at hindi ito napatunayan mula sa mga Shahaba (mga kasamahan ng propeta ﷺ).

Kung nagsikap at nagsalah at hinanap niya ang Qiblah; ang kanyang salah (pagdarasal) ay tama, kahit pa nalaman niya pagkatapos niya magsalah na hindi pala siya nakaharap sa Qiblah sa kanyang salah, at hindi rin niya ito kailangan ulitin, At kung nalaman niya habang siya ay nagdarasal, siya ay lumilihis patungo sa direksyon ng qiblah, Ngunit kung hindi siya nagsusumikap nang husto at nalaman niya na siya ay nagdasal ng hindi nakaharap sa qiblah, dapat niyang ulitin ang pagdarasal.

Sapat nang malaman ang qiblah gamit ang mga modernong kagamitan, O sa pamamagitan ng maaasahang mga indikasyon mula sa araw at iba pa, O isang pahayag ng mapagkakatiwalaang mga tao mula sa bansa at sa kagaya nila, O ang pagkakaroon ng mga niches ng panalangin na tumuturo patungo sa qiblah.

Ang kabutihan ng pagdarasal sa Ilang

Ang pagpapanatili ng pagdarasal sa mga paglalakbay ay isa sa mga pinakadakilang tungkulin. at Ito ay katibayan ng katapatan ng pananampalataya ng alipin (tao).

Naitala sa hadith: "Ang pagdarasal sa kongregasyon (samasama) ay katumbas ng dalawampu't limang pagdarasal, at Kung dinasalan niya ito sa disyerto at ganap ang pagyuko at pagpapatirapa nito, umabot ito sa limampung pagdarasal". (Abu Dawod 560).

At Ito ay maaari, dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagkakaugnay sa Allah na Makapangyarihan sa lahat. at takot sa kanya; Kahit na malayo sa mga tao at sa kanilang mga paningin, At dahil diyan ay naitala sa hadith: "Ang inyong Panginoon ay namamangha sa isang pastol na nasa tuktok ng isang burol sa isang bundok, na tumatawag ng Azãn (tawag) sa pagdarasal at nagdasal, Pagkatapos ay sinabi ng Allah: Tingnan niyo itong aking alipin, tumawag siya ng Azãn (tawag) sa pagdarasal at itinayo ang pagdarasal, na natatakot sa Akin, tunay na pinatawad ko sa Aking alipin (ang kanyang mga kasalanan) at pinapasok ko siya sa paraiso". (Abu dawod 1203).

Ang pagdarasal (na nakaharap) sa direksiyon ng Apoy

Nagsisindi ang mga tao ng apoy sa kanilang mga paglalakbay sa malalamig na mga lugar, at maaaring nasa direksyon ng Qiblah sa pagdarasal, At mas mabuti na ang pagdarasal ay hindi nakaharap sa Apoy, lalo na ang Imam (namumuno sa pagdarasal), upang makaiwas na matulad sa mga Mango na sumasamba sa apoy, At dahil na rin sa nakakaabala ito sa nagdarasal, at Kung kailangan nila ito para sa pagpapainit o kahirapan sa pagpapalit ng lugar, okay lang.

Ang pagsasama (sa dalawang pagdarasal) at ang pagpapaikli nito sa mga biyahe at paglalakbay

Ang tinutukoy sa pagsasama sa pagitan ng dalawang pagdarasal ay ang pagdasalan ang dasal sa tanghali (zuhr) at pagsamahin sa dasal sa hapon (Ashr), O ang Pagdasalan ang magrib (dasal sa paglubog ng Araw) at pagsamahin sa 'ishã' (dasal sa gabi), kaya ang dalawang pagdarasal ay isasagawa sa iisang oras, (maging pasulong man O pagkaantala na pagsasama), at iyon ay kung mangyari ang isang dahilan mula sa mga dahilan na nagpapahintulot na pagsamahin (ang dalawang salah).

at ang tinutukoy sa pagpapaikli ay ang pagdasalan ang isang apatan (apat na rak'ah) na pagdarasal ng dalawang rak'ah lamang, ibig sabihin ay ang dasal sa tanghali (zuhr) ang dasal sa hapon ('ashr), at Ang dasal sa gabi ('Ishã'), patungkol naman sa pagdarasal ng magrib (sa paglubog ng araw) at ang faj'r (dasal sa madaling araw) ay hindi sila pinai-ikli.

Ilan sa mga dahilan na nagpapahintulot na pagsamahin ang dalawang salah at pagpapaikli nito sa paglalakbay: Ang pagbibiyahe, at ang tinutukoy dito ay paglisan sa bayan patungo sa lugar na malayo dito, na malayo ang distansiya na matatawag na paglalakbay, at Tinantiya ito ng ilang iskolar ayon sa modernong mga pamantayan sa mahigit kumulang 80km. at Alinsunod dito, kung lalabas siya para sa isang pamamasyal na paglalakbay malapit sa kanyang lungsod, hindi niya dapat paikliin ang kanyang mga pagdarasal, at kung lalabas siya sa distasiya na matatawag na paglalakbay ay paikliin niya ang pagdarasal, kahit pa lumabas siya sa pagpipiknik.

Ang pagpapaikli ng pagdarasal ay sunnah sa naglalakbay, tungkol naman sa pagsasama ng dalawang salah; kung siya ay nasa daan ng paglalakbay maaari niyang pagsamahin ang dalawang salah ng pasulong O pagkaantala ayon sa kung ano ang nababagay sa kanyang paglalakbay, At kung siya ay nananahan sa isang lugar, mas mabuting magdasal siya sa oras ng bawat pagdarasal, lalo na kung puwedi siyang magdasal na kasama sa maraming nagdarasal sa mosque.

Ang manlalakbay at ang mga tao sa mga paglalakbay ay hindi dapat pabayaan ang mga pagdarasal na lumampas sa mga oras nito nang dahil lang sa pagkaabala sa paglalakbay, sinabi ng kataas-taasan (Allah) pagkatapos banggitin ang kalagayan ng digmaan: {Kaya kapag napanatag kayo ay itayo ninyo ang pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling tinakdaan ng panahon} [An-nisã': 103].

sapat na sa sandaling pinagsama ang dalawang salah sa paglalakbay ang mag Azãn ng isang Azãn, pagkatapos ay mag Qamat ng isang Qamat sa bawat salah, tungkol naman sa mga dalangin at pagsasanguni ay babanggitin ito pagkatapos ng ikalawang salah.

Maaaring mangyari ang hindi pagkakasundo sa pagkakaroon ng dahilan na magpapahintulot na pagsamahin at paikliin ang pagdarasal, at ang pangunahing masusunod ay ang imam at ang pinuno ng groupo (tulad halimbawa ng Ama) siya ang masusunod, kaya magsumikap siya kung may alam siya, at humingi siya ng openyon sa mga may alam, kapag hindi manaig sa kanyang hinala ang pagpahintulot ay huwag niyang pagsamahin, at hindi dapat magtatalo ang karamihan, dahil ang pagkakaisa ay pagsamba rin.

Ang mga paglalakbay at Ang pag-aayuno

hindi tinutukoy ang mismong pag-aayuno sa paglalakbay, subalit kung ang kanyang nakasanayan ang pag-aayuno sa mga araw -kagaya ng lunes at Huwebes halimbawa- at nagkatugma ito sa kanyang paglalakbay ay walang pagbabawal sa kanyang pag-aayuno.

batay sa salaysay ni anas -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "naglalakbay kami noon kasama ang propeta ﷺ at hindi pinagsabihan ng nag-aayuno ang di-nag-aayuno, at gayun din ang di-nag-aayuno sa nag-aayuno". (Al-bukharie 1947, at Muslim 1118).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit