Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin mga pangkalahatang alituntunin na dumadalas sa mga paglalakbay

Hindi lang nakatoon ang mga alituntunin na may kaugnayan sa paglalakbay sa pagdarasal at pag-aayuno lamang, samakatuwid ay mayroong mga ibang kalagayan na may mga alituntunin din. tiyak na mapag-aralan mo sa araling ito ang ilan dito.

Pag-alam sa mga pangkalahatang alituntunin na madalas kailangan sa mga paglalakbay.

Ang pagpatay ng apoy pag natutulog

kinakailangan bago matulog: ang patayin ang apoy kung saan madalas sinisindian sa taglamig na paglalakbay; lalo na sa mga tolda at mga katulad nito,

batay sa salaysay ni abi musa Al-Ash'arie -kaluguran siya ng Allah- na sinabi niya: nasunog ang isang bahay sa madinah sa mga tao nito sa gabi, naikuwento ang kalagayan nila sa propeta ﷺ, sinabi niya: "tunay na ang apoy na iyan ay kaaway ninyo, kaya kung matulog kayo ay patayin niyo mula sa inyo", (Al-bukharie 6294, at Muslim 2016), at sa ibang hadith: "huwag niyong iwanan ang apoy sa mga bahay niyo habang kayo ay natutulog", (Al-bukharie 6293, at Muslim 2015), at sa ibang hadith: "...dahil baka masagi ng daga ang apoy at masunog ang bahay at mga tao nito". (Al-bukharie 3316, at Muslim 2012).

Mga alituntunin ng pangangaso

Ang pangunahing hatol ay pagpapahintulot sa pangangaso, Ngunit hindi dapat maging dahilan ang pangangaso para ang puso ay mauugnay dito at maaabala mula sa paggawa ng mga kabutihan ng relihiyon at pamilya, O maging dahilan ng pag-aaksaya, kawalang-galang at pagmamayabang, sang-ayun sa hadith: "sinumang maninirahan sa disyerto ay matutuyo (mauhaw), at sinuman ang humabol sa pangangaso ay makalimot". (Abu dawod 2859).

Ang pangunahing hatol ay pagpapahintulot sa pangangaso ng lahat ng uri ng hayop at pagkain nito maliban sa anumang napatunayan sa (Qur'ãn at hadith) ang pagbabawal nito, Tulad ng lahat ng mga hayop na may mga pangil, kagaya ng mga lobo at fox, at lahat ng ibon na may matutulis na kuko tulad ng agila, at mga makamandag na hayop tulad ng ahas, at iba pa.

Pinahihintulutan ang pangangaso ng mga hayop sa ilang (mga ligaw na hayop sa kalupaan) at sa karagatan sa buong taon; Walang pagkakaiba doon sa pagitan ng Biyernes o buwan ng Ramadan o mga sagradong buwan at iba pa, Gayunpaman, ipinagbabawal ang pangangaso sa sagradong lugar ng Makkah o Madinah, at ipinagbabawal manghuli ng mga hayop na pag-aari ng iba, at Ipinagbabawal sa Muhrim (nasa kalagayan ng ihram sa hajj o umrah) ang manghuli ng mga ligaw na hayop.

kinakailangan na ang mangangaso ay isang muslim, at banggitin ang ngalan ng Allah (Bismillah), At mangaso gamit ang mga aso o ibong sinanay sa pangangaso, at Kung ang ibon ay lumipad nang mag-isa (hindi niya inutusan o pumutok ang baril nang hindi niya nalalaman (hindi sinadya); ay hindi puweding kainin ang nahuli nito maliban kung naabutan niyang buhay at binaggit ang ngalan ng Allah (bismillah) at kinatay niya.

kinakailangan din na ang dahilan ng pagkamatay ng nahuling hayop ay dahil sa tama niya o nasugatan niya dito, Hindi niya sinakal, nilunod, hinampas ng mabigat na bagay O hinulog mula sa itaas, at kung naabutan niya na ang nahuling hayop na buhay na buhay pa, kailangan niya itong katayin ng pagkatay sa islam.

Ipinagbabawal ang pagpatay ng hayop para lang sa paglalaro, tulad ng nangangaso na hindi naman kinakain ang nahuli, at gayun din na ipinagbabawal ang pananakot ng mga tao gamit ang mga kagamitan sa pangangaso, at Kasalanan din ang pagtali ng ibon para gawing gamit sa pagsasanay sa pangangaso.

Nadaanan ni ibn Umar ang dalawang binata mula sa (tribo ng) Quraysh na naglagay ng ibon at binabato nila ito, at ginagawa nila ang lahat ng maling pagbato nila sa may-ari ng ibon, at noong nakita nila si ibn Umar ay naghiwa-hiwalay sila, at sinabi ni ibn Umar: sino ang gumawa nito? isinumpa ng Allah ang sinumang gumawa nito. tunay na isinumpa ng Sugo ng Allah ﷺ ang sinumang gumawa ng isang bagay na my buhay na target. (Al-bukharie 5515, at Muslim 1958).

Ipinagbabawali ang panunutok ng Armas sa iba kahit sa pamamagitan pa ng paglalaro; batay sa hadith: "huwag tutukan ng isa sa inyo ang kanyang kapatid nang armas. Sapagkat walang nakakaalam sa inyo, baka agawin ni Satanas sa kanyang kamay, at mahulog siya sa Impiyerno". (Al-bukharie 7072, at Muslim 2617), at sa ibang hadith: "sinuman ang nanutok ng patalim sa kanyang kapatid, Isusumpa siya ng mga anghel hanggat hindi niya ito ibababa, kahit pa ito ay kanyang kapatid sa ama at ina", (Muslim 2616).

Dapat sa sinumang nangangaso na malaman ang mga patakaran ng pangangaso, at mga pag-iingat sa kaligtasan, upang mapangalagaan niya ang kanyang sarili at ang iba sa kanya, at may mga natatanging alituntunin sa paraan ng pagkatay (ang pagkatay ng hayop sa islam), At pakikitungo sa mga aso na ginagamit sa pangangaso, mga kalagayan ng pagkamatay ng nahuling hayop, at iba pa, kaya dapat itanong ito sa mga may Alam (mga Ulama).

mga alituntunin sa mga pagkain

Ang pangunahing hatol ay pagpapahintulot sa lahat ng pagkain, maliban sa anumang napatunayan (sa Qur'ãn at hadith) ang pagbabawal dito.

Ilan sa mga Ipinagbabawal na pagkain at inumin

١
Ang mga patay (na hayop) at mga katulad nito.
٢
Ang mga baboy
٣
Ang alak at shabo; lahat ng nakalalasing sa isip ang marami nito ay ipinagbabawal din ang kaunti nito.
٤
Anumang magdudulot ng pinsala sa katawan
٥
Anumang may pangil na ginagamit nito sa pangangaso, tulad ng isang leon, aso, at pusa, O isang matulis na kuko na nagagamit nito sa panghuhuli. tulad ng isang agila at isang lawin.
٦
Ang Mga ninakaw at inagaw na pagkain

kasama sa mga pinahihintulutan ang lahat ng mga halaman at mga bunga (prutas) na mahanap sa ilang (lupa) O sa mga palingki, subalit hindi dapat kainin ng isang muslim ang anumang puweding makapinsala sa kanya, O anumang hindi alam kung ligtas na kainin o hindi.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit