Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa pagkapanginoon ng Allah

Si Allah luwalhati sa kanya at Kataas-taasan ang siyang panginoon ng lahat ng bagay, ang may-ari nito, ang may likha nito at ang nagtutustos nito, sa aralin na ito! malalaman mo ang kahulogan ng Tawheed Ar-robobiyyah (pagbubukod tangi sa Allah sa kanyang pagkapanginoon), at mga magagandang bunga nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng tawheed Ar-robobiyyah (ang kaisahan ng Allah sa kanyang pagkapanginoon).
  • Ang pag-alam sa magagandang mga bunga ng paniniwala sa tawheed Ar-robobiyyah (kaisahan ng Allah sa kanyang pagkapanginoon).
  • Ang ibig sabihin ng paniniwala sa pagkapanginoon ng Allah na Kataas-taasan:

    Ito ay ang pagkilala at matatag na paniniwala na ang Allah na Kataas-taasan ay Panginoon ng lahat ng bagay, ang Nagmamay-ari nito, ang Tagapaglikha nito at ang Tagatustos nito, at tunay na Siya ang Tagapagkaloob ng buhay, ang Tagabawi ng buhay, ang Tagapagkaloob ng kapakinabangan at Tagapagdulot ng kapinsalaan, na pagmamay-ari Niya ang lahat ng bagay, at nasa Kamay Niya ang kabutihan, at Siya ay May kakayahan sa lahat ng bagay, wala Siyang kasosyo dun. Samakatuwid kung gayon ito ay ang pagtatangi sa Allah sa pamamagitan ng Kanyang mga Gawa, at iyon ay ang paniniwala sa mga bagay:

    Tunay na ang Allah ang Siyang Nag-iisang Tagapaglikha ng lahat ng anumang nasa sansinukob at walang Tagapaglikha bukod sa Kanya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Ang Allah ay Tagapaglikha ng lahat ng bagay}. (Az-Zumar: 62). Tungkol naman sa nalilikha ng tao; ito ay isang pagbabago mula sa isa pang-uri patungo sa isa pa, o pagbuo at pag-install, at tulad nito, at hindi ito panibagong paglikha, at hindi paglikha mula sa wala, at hindi rin pagkakaloob ng buhay pagkatapos ng kamatayan.

    At tunay na Siya ang Tagatustos sa lahat ng mga nilalang at walang Tagatustos bukod sa Kanya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {At walang isa mang gumagalaw na nilalang sa kalupaan malibang sa nasa Allah ang panustos nito}. (Hud: 06)

    At tunay na Siya ang Nagmamay-ari ng lahat ng bagay, at walang May-ari sa katotohanan kundi Siya, kung saan sinabi ng Maluwalhati: {Sa Allah ang May-ari ng mga kalangitan, ng kalupaan at anumang napapaloob dito}. (Al-Maidah: 120)

    At tunay na Siya ang Tagapangasiwa ng lahat ng bagay at walang Tagapangasiwa maliban sa Allah. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Pinangangasiwaan Niya ang lahat ng bagay mula sa langit patungo sa lupa}. (As-Sajadah: 05)

    Ang pamamahala ng Allah at pamamahala ng tao

    Tungkol naman sa pamamahala ng tao sa kanyang mga gawain at buhay at ang pagsasaayos nito, ito ay limitado sa kung ano ang nasa ilalim ng kanyang kontrol at kung ano ang pagmamay-ari niya at maaaring gawin, at maaaring magtagumpay ang pamamahalang iyon at maaari ring mabigo, ngunit ang pamamahala ng Tagapaglikha na Maluwalhati at Kataas-taasan ay laganap, walang nakakalabas dito kahit anumang bagay, at Siya ay Tagapagpatupad, walang makapipigil sa anuman bukod sa Kanya, at walang anumang bagay na makasasalungat sa Kanya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Tandaan! Nasa Kanya ang paglikha at pag-uutos. Mapagpala ang Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang}. (Al-Araf: 54)

    Ang mga politeistang Arabo noon sa panahon ng Sugo ng Allah ay kumikilala sa Pagkapanginoon ng Allah:

    Pinatunayan ng mga di-nananampalataya sa panahon ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - na ang Allah ang Siyang Tagapaglikha, ang May-ari at ang Tagapamahala, subalit hindi sila naipasok nito mag-isa sa Islam. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {At kung tinanong mo sila kung sino ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, tiyak na kanilang sasabihin: Ang Allah}. (Luqman: 25). Sapagkat ang sinumang nagpatunay na ang Allah ay Panginoon ng mga nilalang, ibig sabihin, ang kanilang Tagapaglikha, ang May-ari at Tagapamahala sa pamamagitan ng Kanyang mga Biyaya: Kinakailangan para sa kanya na ibukod ang Allah sa pagsamba at ibaling ito sa Kanya lamang ng walang pagtatambal sa Kanya.

    Paano matatanggap ng isip para sa isang tao na kilalanin na ang Allah na Kataas-taasan ay Tagalikha ng lahat ng bagay at Tagapamahala ng sansinukob, ang nagbibigay-buhay at bumabawi ng buhay, at pagkatapos ay ibabaling niya ang ilang uri ng pagsamba sa iba? Ito ang pinakapangit na kawalan ng katarungan at ang pinakamalaki sa mga kasalanan, Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Luqman sa kanyang anak habang pinapayuhan siya at ginagabayan: {O aking anak! Huwag kang magtambal sa Allah, katotohanang ang pagtatambal ay tiyak na napakalaking kawalang katarungan}. (Luqman: 13)

    At nang tanungin ang Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Aling kasalanan ang pinakamalaki sa Allah? Sinabi niya: "Ang ikaw ay magtakda sa Allah ng katambal samantalang Siya ang lumikha sa iyo." (Al-Bukhari 4207 - Muslim 86).

    Ang paniniwala sa Pagkapanginoon ay nakakapanatag ng mga puso:

    Kapag nabatid ng isang alipin ng tiyak na pagkabatid na hindi maaari sa isa sa mga nilalang ang lumabas sa katakdaan ng Allah na Kataas-taasan: Sapagkat ang Allah na Kataas-taasan ang Siyang May-ari sa kanila, sila ay Kanyang pinangangasiwaan kung paano Niya naisin ayon sa Kanyang banal na layunin, at Siya ang lumikha sa kanilang lahat, at tunay na ang lahat ng pag-uutos ay nasa Kanyang Kamay na Tigib ng Kaluwalhatian, samakatuwid walang Tagapaglikha maliban sa Kanya, at walang Tagatustos maliban sa Kanya, At walang tagapamahala ng sansinukod maliban sa Kanya lamang, at walang gumagalaw na napakaliit na bagay maliban sa Kanyang pahintulot, at walang ibang natitigil maliban sa Kanyang utos. Ipamana Niya sa kanyang puso ang pagkakaugnay sa Allah lamang, ang pananalangin sa Kanya, ang pangangailangan sa Kanya at ang pagtiwala sa Kanya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit