Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang paniniwala sa Pagkadiyos ng Allah
Ang kahulugan ng tawheed Al-Ulohiyyah (pagbubukod-tangi sa Allah sa pagkadiyos):
Ang matatag na paniniwala na ang Allah na Kataas-taasan ang Siyang Nag-iisang karapat-dapat pag-ukulan ng lahat ng mga uri ng pagsamba, ang nakalantad at nakatago, kaya ibukod lamang sa Allah ang lahat ng mga uri ng pagsamba, tulad ng panalangin, pagkatakot, pagtitiwala, paghingi ng tulong, pagdarasal, pagkakawanggawa at pag-aayuno. Samakatuwid walang karapat-dapat na sinasamba maliban sa Allah na Kataas-taasan. Batay sa sinabi Niya na Maluwalhati: {Sabihin mo, O Sugo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Inihahayag sa akin na ang inyong tunay na diyos ay nag-iisa lamang (walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh). Kaya ang sinumang nangangamba sa kaparusahan at nagnanais ng gantimpala sa araw na makaharap niya ang kanyang panginoon ay gumawa siya ng matutuwid na gawain at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man}. (Al-kahf: 110)
Samakatuwid ipinabatid ng Kataas-taasan na ang Diyos ay nag-iisang Diyos, ibig sabihin ay nag-iisang sinasamba, kaya hindi pinahihintulutan na magtakda ng diyos bukod sa Kanya, at sasambahin maliban sa Kanya.
Ang kahalagahan ng paniniwala sa tawheed al-ulohiyyah (pagbubukod-tangi sa Allah sa Pagkadiyos):
Ang kahalagahan ng paniniwala sa tawheed al-ulohiyyah (pagbubukod-tangi sa Allah sa Pagkadiyos) ay lumilitaw sa maraming mga aspeto:
1. Tunay na ito ang layunin sa paglikha ng Jinn at tao
Sila ay hindi nilikha maliban upang sambahin ang Allah lamang ng walang pagtatambal sa Kanya. Kung saan ay sinabi ng Maluwalhati: {At hindi Ko nilikha ang Jinn at tao kundi upang sambahin nila Ako}. (Adh-Dhariyat: 56)
2. Tunay na ito ang pinakalayunin sa pagpapadala ng mga Sugo At pagbaba ng mga aklat
Ang pinakalayunin doon ay ang pag-aanyaya sa mga nilalang sa pagsamba sa Allah lamang, at ang pagtakwil sa anumang sinasamba bukod sa Allah. Batay sa sinabi ng Maluwalhati: {At sa katotohanan, nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng Sugo [na nagsasabi:] Sambahin ninyo ang Allah at layuan ninyo ang mga Taghut (diyus-diyosan)}. (An-Nahl: 36).
3. Tunay na ito ang unang tungkulin ng tao
Tulad ng naitala sa habilin ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - kay Muadh bin Jabal - kalugdan siya ng Allah - nang ipadala niya ito sa Yemen na sinasabi sa kanya: "Tunay na ikaw ay darating sa mga taong angkan ng Kasulatan, kaya mangyaring ang una sa mga paanyaya mo sa kanila ay ang pagsasaksi na walang diyos -na karapat-dapat sambahin- maliban sa Allah." (Al-Bukhari 1389 - Muslim 19). Ibig sabihin ay anyayahan mo sila sa pagiging isa ng Allah sa lahat ng mga uri ng pagsamba.
4. Katotohanan, ang paniniwala sa pagkadiyos ang siyang tunay na kahulugan ng La ila-ha illallah (Walang diyos -nakarapat-dapat sambahin- maliban sa Allah)
Samakatuwid ang Diyos ay nangangahulugan ng Ang sinasamba, kaya walang karapat-dapat na sinasamba maliban sa Allah, at huwag nating ibaling ang anuman sa mga uri ng pagsamba bukod sa Kanya.
5. Tunay na ang paniniwala sa pagkadiyos ang siyang lohikal na bunga ng pananampalataya, na ang Allah ang Siyang Tagapaglikha, ang May-ari, ang Tagapamahala.