Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa mga Pangalan ng Allah at mga Katangian Niya

Ang pagkilala sa Allah na kataas-taasa sa pamamagitan ng kanyang magagandang mga pangalan at mga dakilang katangian niya, At ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng mga napapaluob nito ay isa sa pinakadakilang mga gawain na siyang nakakadagdag ng pananampalataya. malalaman mo sa aralin na ito ang ilan sa mga iyon.

  • Ang pag-alam sa Kaisahan ng (ng Allah sa kanyang) mga Pangalan at mga Katangian
  • Ang pag-alam sa paniniwala ng Ahlis Sunnah wal Jama-ah sa mga Pangalan at mga Katangian (ng Allah)
  • Ang pag-alam sa mga kahulugan ng ilan sa mga Pangalan ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan
  • Ang paniniwala sa mga Pangalan ng Allah at mga Katangian Niya

    Binibigyang diin ng Qur'an na ipaunawa sa mga alipin ang kanilang Panginoon at lumikha sa kanila at inulit iyon sa maraming Talata: Sapagkat kailangan sa isang Muslim ang makilala ang kanyang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang naggagandahang mga Pangalan at mga Katangiang Perpekto at Kamahalan na siyang inilalarawan ng Maluwalhati upang sambahin ang Allah batay sa kaalaman at isakatuparan ang mga nilalaman ng mga Pangalan at Katangiang iyon at ang mga epekto nito sa kanyang buhay at mga pagsamba.

    Samakatuwid ang isang Muslim ay naniniwala sa kung ano ang pinatunayan ng Allah para sa Kanyang Sarili sa Kanyang Aklat o sa Sunnah ng Kanyang Sugo - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - sa mga Pangalan at mga Katangian sa paraang angkop sa Allah na Kataas-taasan.

    At taglay ng Allah na Maluwalhati ang pinakamagandang mga Pangalan at Pinakaganap na mga Katangian, at walang makatutulad sa Kanya sa Kanyang mga Pangalan at sa Kanyang mga Katangian. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Walang makatutulad sa Kanya na anumang bagay at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita}. (Ash-Shura: 11). Samakatuwid ang Allah na Kataas-taasan ay malayo sa pagkakahawig ng alinman sa Kanyang mga nilikha sa lahat ng Kanyang mga Pangalan at sa Kanyang mga Katangian.

    {Sabihin mo: "Tumawag sa Allah, o tumawag sa Pinakamahabagin." Alinman ang tatawagin mo, taglay Niya ang Pinakamagagandang mga Pangalan}

    At dito ay maglalahad tayo ng ilan sa mga Pangalan ng Allah na Kataas-taasan

    Ar-Rahman Ar-Rahim (Ang Mahabagin, ang Maawain)

    At ang dalawang pangalan na ito na kung saan ay sinimulan ng Allah ang pagbubukas ng Kanyang Aklat at ang unang bagay na ipinakilala ng Allah, luwalhati sa Kanya, ang Kanyang Sarili sa Kanyang mga alipin at ginawang kilalang pamagat para sa simula ng bawat Surah ng patnubay at pahayag ng Qur'an sa ating sinasabi: Bismillaahir Rahmanir Rahim (Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain).

    At tunay na mas ginusto ng ating Panginoon na magtakda ng awa sa Kanyang Sarili, at ang Kanyang awa, luwalhati sa Kanya ay sumaklaw sa lahat ng bagay, hanggang sa ang kahabagan ng mga nilalang sa isa't isa, ang awa ng isang ina sa kanyang anak, at ang pagpapadali ng pagkain para sa mga nilalang ay wala ito kundi isang epekto lamang sa mga epekto ng awa ng Allah sa Kanyang mga nilalang, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Kung gayon ay pagmasdan ang epekto ng Awa ng Allah, kung paano Niya binubuhay ang lupa pagkatapos ng pagkamatay nito}. (Ar-Rum: 50).

    At nang makita ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at ng kanyang mga kasama ang isang babae na naghahanap ng isang batang anak na nawala sa kanya - at nang matagpuan niya ito, niyakap niya ito sa kanyang dibdib at kanyang pinasuso ito. Sinabi niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Nakikita ba ninyo ang babaeng ito na nagtatapon ng kanyang anak sa apoy? Sinabi nila: hindi, At kaya niya na hindi itapon ito. Kaya sinabi ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Ang Allah ay pinakamaawain sa Kanyang mga alipin kaysa sa ito sa kanyang sanggol." (Al-Bukhari 5653 at Muslim 2754).

    Kaya ang Awa ng Tagapaglikha luwalhati sa Kanya at Kataas-taasan ay ibang bagay, higit na Dakila at Kapita-pitagan, samakatuwid ito ay pumapaibabaw sa lahat ng pagpapahalaga, pag-iisip o paglalarawan, at kung batid lamang ng mga alipin ang sukat ng Awa ng Allah na Makapangyarihan at Kapitapitagan ay walang sinuman ang mawawalan ng pag-asa mula sa Kanyang Awa.

    At ang Awa ng Allah, luwalhati sa Kanya ay dalawang uri:

    ١
    Awa sa lahat ng mga nilalang, tao, hayop at walang buhay na mga bagay, na kung saan igagawad sa kanila sa pamamagitan nito ang makamundong pagpapadali. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan bilang pagbabalita tungkol sa panalangin ng Kanyang mga anghel: {Panginoon namin! Nasaklawan Mo ang lahat ng bagay ng awa at kaalaman}. (Ghafir: 07)
    ٢
    Isang espesyal na awa para sa Kanyang mga tapat na lingkod, kaya pinapatnubayan Niya sila sa pagsunod, pinapabilis ang kabutihan para sa kanila, pinatatag sila sa Kanya ng Kanyang awa, at kinukumpleto ang Kanyang awa sa kanila ng pagpapaumanhin at kapatawaran, ang kanilang pagpasok sa Paraiso at ang kanilang paglaya mula sa Impiyerno. tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {At lagi Siyang maawain sa mga mananampalataya, ang kanilang pagbati sa isat isa sa Araw na makakatagpo nila Siya ay Salam (kapayapaan), at Kanyang inilaan para sa kanila ang isang marangal na gantimpala}. (Al-Ahzab: 43-44).

    At sa katunayan ay sinabi niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Dapat ninyong malaman na kailanman ay hindi makakapasok sa Paraiso ang isa sa inyo dahil sa kanyang gawa." Sinabi nila: "At pati ikaw ay hindi rin, O Sugo ng Allah?" Sinabi Niya: "At pati ako ay hindi rin, maliban kung pagpalain ako ng Allah ng Kanyang Awa.” (Muslim 2816)

    At ang alipin sa bawat paglaki ng kanyang pagsunod, pagdagdag ng kanyang pagiging malapit at pagpapakumbaba niya sa kanyang Panginoon, nadadagdagan ang kanyang bahagi sa pagiging karapat-dapat sa awa na ito, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katotohanan, ang Awa ng Allah ay malapit sa mga Muhsinun (mapaggawa ng kabutihan}. (Al-A`raf: 56).

    Ang Nakaririnig, ang Nakakikita:

    Sapagkat ang Allah, luwalhati sa Kanya ay naririnig ang lahat ng mga tinig sa iba't ibang mga wika at pag-iiba ng mga pangangailangan, parehas sa Kanya ang lihim na salita at lantad nito, at nang isipin ng ilang mga mangmang na tao na ang Allah, luwalhati sa Kanya ay hindi naririnig ang kanilang mga lihim at ang kanilang mga nakatagong usapan, bumaba ang Salita ng Allah na Tigib ng Biyaya at Kataas-taasan bilang paninisi at panunumbat sa kanila: {O iniisip nila na Kami ay hindi nakakarinig ng kanilang bulungan at salitaan. Hindi, bagkus ang mga Sugo Namin sa kanila ay nagsusulat}. (Az-Zukhruf: 80).

    At ang Allah, Luwalhati sa Kanya ay nakikita ang lahat ng bagay, kahit munti at maliit ay walang maitatago sa Kanya na lingid, Luwalhati sa Kanya. At sa katunayan, pinigilan ni Ibrahim - sumakanya ang kapayapaan - ang kanyang ama na sumamba sa rebulto na hindi nakakarinig at hindi nakakakita, kaya sinabi niya tulad ng nakasaad sa Quran: {O, aking ama! Bakit mo sinasamba ang hindi nakakarinig at hindi nakakakita at hindi makapagdudulot sa iyo ng kapakinabangan kahit kaunti}. (Maryam: 42).

    Kaya kapag nabatid ng isang alipin na ang Allah ay Nakaririnig, Nakakikita, walang maitatago sa Kanya na kahit kasing timbang ng isang pakaliit na bagay sa mga kalangitan, at ni sa kalupaan at tunay na Siya ay Nakaaalam ng lihim at tago, magbubunga iyon ng pagiging Tagapagmasid ng Allah,Luwalhati sa Kanya, kaya protektahan niya ang kanyang dila na masadlak sa pagsisinungaling at panlilibak, at protektahan niya ang kanyang mga paa't kamay at mga direksyon ng kanyang puso mula sa lahat ng bagay na ikinagagalit ng Allah, at pinailalim niya ang mga biyayang iyon at kakayahan sa kung ano ang kinagigiliwan ng Allah at kinalulugdan; sapagkat tunay na Siya ay may kamalayan sa kanyang nakatago at nakalantad, sa labas at sa loob, at dahil dito sinabi niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Ang Ihsan (tugatog ng kabutihan) ay ang pagsamba mo sa Allah na para mo Siyang nakikita, at kahit na hindi mo Siya nakita, tunay na Siya ay Nakakikita sa iyo. (Al-Bukhari 50 at Muslim 9).

    Ang May Ganap na Buhay, ang Tunay na Tagapagtaguyod:

    At taglay ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan ang ganap na buhay na hindi pa naunahan ng walang pag-iral at hindi sinundan ng paglaho o pagkawasak, ni hindi rin ito kinapapalooban ng anumang kakulangan o depekto, kapita-pitagan ang ating Panginoon sapagkat malayo sa Kanyang Kabanalan iyon, buhay na napapaloob ang pagiging ganap ng Kanyang mga katangian mula kaalaman, pandinig, paningin, kakayahan at kalooban, at iba pang mga katangian Niya, Luwalhati sa Kanya, at sinuman ang may ganitong kalagayan ay karapat-dapat na sinasamba, niyuyukuran, at pinagkakatiwalaan. Tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {At magtiwala ka sa May Ganap na Buhay na hindi namamatay}. (Al-Furqan: 58)

    At ang kahulugan ng Pangalan ng Allah na Qayyum, ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay:

    ١
    Ganap ang Kanyang Kasaganaan, Luwalhati sa Kanya, sapagkat Siya ang Nagtataguyod sa Kanyang Sarili, ang Tigib ng Kasaganaan mula sa Kanyang mga nilalang, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {O sangkatauhan, kayo ang mga nangangailangan sa Allah, at ang Allah ang Siyang Tigib ng Kasaganaan, ang Kapuri-puri}. (Fatir: 15). Samakatuwid Siya na Maluwalhati ay Tigib ng Kasaganaan sa Kanyang mga nilalang sa lahat ng anggulo, kaya hindi magbibigay ng pakinabang sa Kanya ang pagsunod ng masunurin at hindi Siya mapipinsala ng pagsuway ng makasalanan, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: (At sinuman ang nagsumikap, tunay na siya ay nagsusumikap para sa sarili niyang kapakanan, katotohanan ang Allah ay tunay na Masagana sa mga nilalang}. (Al-Ankabut: 6), at sinabi Niya sa pamamagitan ng salita ni Musa - sumakanya ang kapayapaan: {Kung magsitalikod man kayo sa pananampalataya, kayo at ng sinumang nasa lupa lahat, sa gayon tunay na Allah ay Masagana, Kapuri-puri}. (Ibrahim: 8).
    ٢
    Ganap ang Kanyang kakayahan at ang Kanyang pamamahala sa mga nilalang, sapagkat Siya ang nagtaguyod sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan, Luwalhati sa Kanya, at lahat ng mga nilalang ay naghihikahos, nangangailangan sa Kanya, hindi Siya nangangailangan sa mga ito sa isang kislap ng mata, at ang anumang nakikita natin na kaayusan ng uniberso at takbo ng buhay ay walang iba kundi mga epekto ng Kanyang pagtaguyod, Luwalhati sa Kanya, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan bilang pagtatwa sa sinumang nagtatambal sa Allah ng iba {Siya ba na nagtataguyod sa bawat may buhay na mga kinita nito)}. (Ar-Ra`d: 33) at sinabi ng Kataas-taasan: (Katotohanan ang Allah ang nagtatangan sa mga kalangitan at kalupaan, sa hindi paglihis ng mga ito (sa kinalalagyan nito), sapagka’t kung ang mga ito ay lumihis, walang sinuman ang magtatangan sa mga ito pagkatapos Niya}. (Fatir: 41).

    At ito ang dahilan kung bakit kapag pinagsama ang dalawang dakilang pangalan ay may isang espesyal na lugar sa panalangin at pagsusumamo, at ang ilan sa laging panalangin niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ya Hayyu Ya Qayyum bi rahmatika astaghith (O May Ganap na Buhay, O Tunay na Tagapagtaguyod sa pamamagitan ng Iyong Habag ako ay nagsusumamo sa Iyo)." (At-Tirmidhi 3524).

    Ang mga bunga ng paniniwala sa mga Pangalan ng Allah at Katangian Niya

    ١
    Ang pagkakilala sa Allah na Kataas-taasan, kaya sinumang naniwala sa mga Pangalan ng Allah at mga Katangian Niya ay madadagdagan ang kaalaman sa Allah na Kataas-taasan, kaya madadagdagan ang kanyang pananampalataya sa Allah na may kasiguruhan, at lalakas ang pagtatangi niya sa Allah na Kataas-taasan, at maging karapat-dapat sa sinumang nakaalam ng mga Pangalan ng Allah at Katangian Niya na mapuno ang kanyang puso ng pagdakila, pagmamahal at pagpapakumbaba sa Kanya, Luwalhati sa Kanya at Kataas-taasan.
    ٢
    Purihin ang Allah sa pamamagitan ng Kanyang Naggagandahang mga Pangalan, at ito ang isa sa pinakamahusay na uri ng pag-alaala. Sinabi ng Kataas-taasan: {O kayong mga naniwala, alalahanin ninyo ang Allah nang madalas na pag-alaala) (Al-Ahzab: 41).
    ٣
    Ang paghiling sa Allah at pagsusumamo sa pamamagitan ng Kanyang mga Pangalan at ng Kanyang mga Katangian, tulad ng sinabi Niya, Luwalhati sa Kanya: {At taglay ng Allah ang Naggagandahang mga Pangalan, kaya manalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito}. (Al-A’raf: 180), at ang halimbawa nito ay ang pagsasabi ng: O Tagatustos, tustusan Mo ako, at O Tumatanggap ng pagsisisi, tanggapin mo ang pagsisisi ko, at O Mahabagin, kahabagan Mo ako.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit