Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang katotohanan ng pagsamba

Ang pagsamba ay may dakilang katayuan sa relihiyong islam. at tatalakayin sa aralin na ito ang kahulugan nito, katotohanan nito, mga haligi nito, at ang wagas na layunin sa pagpaparami ng mga uri ng mga pagsamba.

  • Pag-alam sa kahulugan ng pagsamba at katotohanan nito.
  • Pag-alam sa mga haligi nito at mga uri nito.
  • Pag-alam sa ilan sa mga layunin sa pagkakaiba-iba ng mga uri nito.
  • Ang kahulugan ng pagsamba

    Ang pagsamba: Ito ay isang pangkalahatan na pangalan sa lahat lahat ng anumang naiibigan ng Allah na Kataas-taasan at Kanyang kinalulugdan mula sa mga salita at mga gawa, ang panloob at panlabas. Kaya lahat ng anumang naiibigan ng Allah na Kataas-taasan mula sa mga gawa at mga salita ay itinuturing na pagsamba.

    Ang katotohanan ng pagsamba

    Ang pagsamba ay ang: Ganap na pagsunod na may pagmamahal, pagdakila at pagpapakumbaba, at ito ay karapatan ng Allah sa Kanyang mga lingkod, natatangi lamang ito sa Kanya na wala sa iba, at nasasaklawan nito ang lahat ng anumang naiibigan ng Allah at kinalulugdan mula sa mga salita at mga gawa na siyang ipinag-utos at ipinanghikayat Niya sa sangkatauhan, maging ito ay mula sa panlabas na mga gawa tulad ng pagdarasal, kawanggawa at peregrinasyon, o mula sa panloob na mga gawa tulad ng pag-alaala sa Allah sa puso, pagkatakot sa Kanya, pagtitiwala sa Kanya, paghingi ng tulong sa Kanya, at iba dito.

    Kabilang sa Habag ng Allah sa Kanyang mga lingkod ay pinag-iba-iba Niya para sa kanila ang mga gawaing pagsamba, at ang ilan sa mga ito ay:

    ١
    Mga pagsamba ng puso: Tulad ng pag-ibig sa Allah, pagkatakot sa Kanya, at pagtitiwala sa Kanya, at ang mga ito ang pinakakapita-pitagan sa mga pagsamba at pinakamabuti nito.
    ٢
    Mga pisikal na gawain ng pagsamba: Kabilang dito ang mga nauugnay sa dila, tulad ng pag-alaala sa Allah, pagbabasa ng Qur’an at pagsasalita nang maganda. At kabilang din dito ang anumang nauugnay sa natitirang bahagi ng katawan, tulad ng paghuhugas, pag-aayuno, pagdarasal, at pag-alis ng mga nakakapinsalang bagay sa daan.
    ٣
    Mga gawaing pagsamba sa pananalapi: Tulad ng kawanggawa, limos at paggastos sa mga gawaing kabutihan.
    ٤
    At kabilang dito ang pinagsasama lahat ng iyon, tulad ng Hajj at Umrah.

    Ang layunin sa pagkakaiba-iba ng pagsamba

    Kabilang sa sukdulang layunin ng Allah na Kataas-taasan na ginawa Niya ang mga gawa ng pagsamba sa iba't ibang uri at marami ay upang mahanap ng isang tao sa kanyang sarili ang aktibidad at pagnanais sa pagsamba nang sa gayon ay hindi siya mainip at hindi siya magsawa, at gayundin, upang tanggapin ng isang tao ang pagsamba na masusumpungan niya sa kanyang sarili ang pagnanais para dito.

    At kung paanong ang mga pagsamba ay paiba-iba, gayon din naman ang mga tao ay magkaiba-iba rin sa kanilang mga hilig at sa kanilang kakayahan. Kaya ang ilan sa kanila ay higit na nakakakita ng aktibidad at kataimtiman sa pagsamba kaysa sa iba, at marahil mas gusto ng isa sa kanila na maging mabait sa mga tao, ang iba naman ay naging madali para sa kanya na magparami ng boluntaryong pag-aayuno, at ang ikatlo ay konektado ang kanyang puso sa pagbabasa ng Qur'an at pagsasaulo nito.

    Sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Kaya sinuman ang kabilang sa mga tao ng pagdarasal ay tinawag (ibig sabihin: Sa pagpasok sa Paraiso) mula sa pintuan ng Salah, at sinuman ang kabilang sa mga tao ng pakikipaglaban ay tinawag mula sa pintuan ng Jihad, at sinuman ang kabilang sa mga tao ng pagkakawanggawa ay tinawag mula sa pintuan ng Sadaqah, at sinuman ang kabilang sa mga tao ng pag-aayuno ay tinawag mula sa pintuan ng Al-Rayyan." Sinabi ni Abu Bakr: O Sugo ng Allah, may isa bang tatawagin mula sa lahat ng mga pintuang iyon? Sinabi ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Oo, at inaasahan ko na isa ka sa kanila." (Al-Bukhari: 1798 - Muslim: 1027).

    Ang pagsamba ay sumasaklaw sa lahat ng larangan ng buhay

    Ang pagsamba ay sumasaklaw sa lahat ng kilos ng isang mananampalataya, kapag nilayon niya dito ang mapalapit sa Allah na Kataas-taasan, samakatuwid ang pagsamba sa Islam ay hindi limitado sa mga kilalang seremonyang debosyonal tulad ng pagdarasal, pag-aayuno at iba pa. Bagkus, ang lahat ng kapaki-pakinabang na mga gawa na may mabuting layunin at wastong hangarin ay nagiging mga gawang pagsamba na gagantimpalaan dito, kaya kung ang isang Muslim ay kumain, uminom o natulog na may hangarin ng kabanalan sa pagsunod sa Allah na Kataas-taasan; sa gayon ito ay gagantimpalaan para doon.

    Nabubuhay ang isang Muslim sa buong buhay niya para sa Allah, samakatuwid siya ay kumakain upang maging malakas sa pagsunod sa Allah, kaya ang kanyang pagkain sa ganitong intensyon ay isang pagsamba, at siya ay nag-aasawa upang protektahan ang kanyang sarili mula sa ipinagbabawal, kaya ang kanyang pag-aasawa ay isang pagsamba, at sa ganoong intensyon, ang kanyang pangangalakal, ang kanyang trabaho, at ang kanyang kinitang pera ay isang pagsamba, at ang pagkamit niya ng kaalaman, ng diploma, ng kanyang pananaliksik, ng kanyang pagtuklas at ng kanyang pag-imbento ay isang pagsamba, at ang pangangalaga ng babae sa kanyang asawa, sa kanyang mga anak at sa kanyang tahanan ay isang pagsamba, at gayundin ang lahat ng mga larangan ng buhay, ang kapaki-pakinabang na mga gawa at mga gawain nito, hangga't ang lahat ng iyon ay sinamahan ng mabuting layunin at magandang hangarin.

    Ang pagsamba ang siyang layunin sa paglikha:

    Sinabi ng Kataas-taasan: {At hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kundi upang sila ay sumamba sa Akin, hindi Ko hinahangad mula sa kanila ang anumang panustos, at hindi Ko rin hinahangad na pakainin nila Ako, Katotohanan, ang Allah ang Siyang Tagapanustos, ang May-ari ng Kapangyarihan, ang Matatag}. (Adh-Dhariyat: 56-58)

    Ipinabatid ng Maluwalhati na ang layunin ng paglikha sa Jinn at Tao ay ang pagtaguyod nila sa pagsamba sa Allah, sapagka't ang Allah na Kataas-taasan ay sagana sa kanilang pagsamba. Bagkus, sila ang nangangailangan sa pagsamba sa Kanya, dahil sa kanilang pangangailangan sa Allah na Kataas-taasan.

    At kapag ang isang tao ay nagpabaya sa layuning iyon at nalubog sa mga kasiyahan ng mundong ito nang hindi naaalala ang makadiyos na layunin ng kanyang pag-iral; siya ay nag-ibang-anyo sa isang nilalang na walang kalamangan sa iba pang mga nilalang sa planetang ito. Kaya ang mga hayop ay kumakain at naglalaro din, kahit na hindi sila pananagutin sa Kabilang Buhay, hindi katulad ng tao. At sa katunayan, sinabi ng Kataas-taasan: {At yaong mga hindi naniwala ay nagtatamasa at kumakain tulad ng pagkain ng mga hayop, at ang Apoy ang magiging tahanan nila}. (Muhammad: 12). Samakatuwid, sila ay kahawig ng mga hayop sa kanilang mga gawa at layunin, datapuwa't makakamit nila ang kanilang gantimpala para doon; dahil mayroon silang mga isip na nakakaunawa at nakakaintindi dito, hindi tulad ng mga hayop na hindi nakakaisip.

    Ang mga haligi ng pagsamba

    Tumatayo ang pagsamba na iniutos ng Allah batay sa tatlong mahahalagang haligi, ang bawa't isa sa mga ito ay bumubuo sa isa't isa

    Ang mga haligi ng pagsamba

    ١
    Ang pagmamahal sa Kanya, Kaluwalhatian sa Kanya
    ٢
    Ang pagpapakumbaba at pagkatakot sa Kanya
    ٣
    Ang pag-asa at mabuting pag-isip tungkol sa Kanya

    Ang pagsamba na ipinataw ng Allah sa Kanyang mga lingkod ay nangangailangan ito ng ganap na kababaang-loob at kapakumbabaan sa Allah at pagkatakot sa Kanya, kalakip ang ganap na pagmamahal, paglalayon sa Kanya, pagnanais sa Kanya at pag-asa sa Kanya.

    At batay dito, ang pagmamahal na hindi sinasamahan ng takot o kababaang-loob - tulad ng pagmamahal sa pagkain at pera - ay hindi isang pagsamba, at gayundin, ang takot na walang pagmamahal - tulad ng pagkatakot sa isang mandaragit na hayop at isang hindi makatarungang pinuno - ay hindi itinuturing na isang pagsamba. Kaya kapag pinagsama ang takot, pagmamahal at pag-asa sa isang gawain ay naging isang pagsamba, at ang pagsamba ay hindi magaganap maliban para sa Allah lamang.

    Kaya kapag nagdasal ang isang Muslim o nag-ayuno at ang nag-udyok sa kanya para doon ay ang pagmamahal sa Allah, pag-asa sa Kanyang gantimpala at pagkatakot sa Kanyang kaparusahan, siya ay nasa pagsamba.

    Nagsabi ang Allah na Kataas-taasan bilang papuri sa Kanyang mga Propeta: {Katotohanan, sila ay laging nagmamadali sa pag-unahan sa mga kabutihan at nananalangin sila sa Amin nang may pagnanais at takot, at lagi na silang nagpapakumbaba ng takot sa Amin}. (Al-Anbiya’: 90).

    Mga uri ng pagsamba

    ١
    Mga dalisay na pagsamba
    ٢
    Ang mga bagay na nagiging pagsamba batay sa layunin

    1- Mga dalisay na pagsamba:

    At ito ang iniutos ng Allah at ng Kanyang Sugo upang maisagawa sa isang partikular na paraan, at hindi ito maaaring maganap maliban sa isang pagsamba, tulad ng: Pagdarasal, pag-aayuno, pagsasagawa ng Hajj, pagsusumamo at pagsasagawa ng Tawaf (pag-ikot sa palibot ng Ka'bah), at hindi maaaring ibaling ang mga ito sa iba maliban sa Allah.

    2- Mga bagay na nagiging pagsamba batay sa layunin:

    Kabilang dito ang mga mararangal na asal na Iniutos ng Allah ang mga ito o ipinanghikayat sa sangkatauhan, tulad ng pagtrato ng mabuti sa mga magulang, pagiging mabuti sa mga tao, at pagsuporta sa mga inaapi at iba pa bukod dito mula sa mga mararangal na kaugalian at moral na ipinag-utos ng Allah sa paraang pangkalahatan, at nagkakasala ang isang Muslim sa pag-iwan sa mga ito. At hindi kinakailangan sa ganitong uri ng pagsamba, ang detalyado na pagsunod sa Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, bagkus, sapat na dito ang huwag lumabag at mahulog sa ipinagbabawal.

    At ang mga gawaing ito, kapag pinagbuti ng gumagawa nito ang layunin, at hinangad na akayin ang mga ito sa pagsunod sa Allah, nakamit ng gumawa nito ang gantimpala, at kapag ginawa ang mga ito ng hindi hinangad sa pamamagitan ng mga ito ang Mukha ng Allah, hindi gagantimpalaan ang gumawa nito, nguni't siya ay hindi nagkakasala. At isinasama doon ang mga makamundong bagay sa buhay, tulad ng pagtulog, trabaho, pangangalakal, paglalaro, at tulad nito. Samakatuwid, ang lahat ng kapaki-pakinabang na gawain na nilalayon dito ang Mukha ng Allah na Kataas-taasan, makakamit ng gumawa nito ang gantimpala {Katotohanan, hindi Namin sinasayang ang gantimpala ng sinumang nagpakahusay sa gawa}. (Al-Kahf: 30).

    Isinasakondisyon para sa kawastuhan ng pagsamba at pagtanggap nito ang dalawang kondisyon:

    ١
    Ang katapatan ng pagsamba sa Allah lamang, walang katambal sa Kanya.
    ٢
    Ang pagsang-ayon at pagsunod sa Sunnah ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

    Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya't sinuman ang umaasa na makatagpo ang kanyang Panginoon, kung gayon hayaan siyang gumawa ng mabuting gawa at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon ng kahit isa}. (Al-Kahf: 110).

    At ang sinumang ninais ang Allah at ang huling tahanan, sa gayon dapat niyang sambahin ang Allah ayon sa dalawang kondisyong ito na binanggit sa talata. Samakatuwid nagpahiwatig ang Kanyang sinabi: {At huwag siyang magtambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon ng kahit isa} ng katapatan sa pagsamba sa Allah lamang, ng walang iba maliban sa Kanya. At nagpahiwatig ang Kanyang sinabi: {Matuwid na gawain}, ibig sabihin ay wasto, at hindi kailanman maging ganoon iyon maliban kung iyon ay naaayon sa kung ano ang naitala sa Aklat ng Allah at sa Sunnah ng Kanyang Sugo, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit