Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala kay Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan

Sa pag-Sugo sa ating propeta na si Muhammad -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan- ay isinara ang lahat ng pintuan patungo sa Allah maliban sa kanyang (Muhammad) pintuan, at hindi tinatanggap ang pananampalataya ng sinuman hanggang sa hindi maniwala sa kanya at sa anumang ipinarating niya mula sa kanyang panginoon.

  • Ang pag-alam sa ilang mga tungkulin natin sa panig ng ating propeta na si Muhammad -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-.
  • Ang pag-alam sa mga katangian ng mensahe ni Muhammad.
  • Ang pag-alam sa ating mga tungkulin sa panig ng mga shahaba (kasamahan) ng propeta -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan- at ang kanyang mga pamiliya.
  • Isinasatungkulin sa atin sa panig ng ating Propeta Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ang ilang mga bagay, ang ilan sa mga ito ay:

    1- Pinaniniwalaan namin na si Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay siya ay alipin ng Allah at Kanyang Sugo, at siya ang pangulo ng mga una at huli, at siya ang sagka o pinakahuli sa mga Propeta, kaya wala nang propeta pagkatapos niya, at tunay na naihatid niya ang mensahe, at naipatupad niya ang ipinagkatiwala, at pinayuhan niya ang pamayanan, at nakipaglaban siya alang-alang sa Allah ng tunay na pakikipaglaban.

    2- At pinaniniwalaan namin siya sa anumang ibinalita niya tungkol dito, at sinusunod namin siya sa anumang ipinag-utos niya, at iniiwasan namin ang anumang ipinagbawal niya dito at isinuway, at sinasamba namin ang Allah ayon sa kanyang Sunnah o pamamaraan, at ginaya namin siya ng wala ng iba bukod sa kanya. Sinabi ng Kataas-taasan: {Sa katotohanan, mayroon para sa inyo sa Sugo ng Allah ang isang magandang huwaran sa sinumang hinahangad ang Allah at ang huling araw at ginunita ang Allah nang madalas}. (Al-Ahzab: 21)

    3- At dapat nating unahin ang pagmamahal sa Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, kaysa sa pagmamahal sa magulang, sa anak at sa lahat ng tao, tulad ng sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Hindi nananampalataya ang isa sa inyo hangga't hindi ako ang naging pinakamamahal sa kanya kaysa sa kanyang magulang, anak at sangkatauhan lahat." (Al-Bukhari: 15, Muslim: 44). At ang tunay na pagmamahal sa kanya ay ang pagsunod sa kanyang Sunnah o pamamaraan at paggaya sa kanyang pamamatnubay, at ang totoong kaligayahan at ganap na patnubay ay hindi mapapatunayan maliban sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya, tulad ng sinabi ng Maluwalhati: {At kung inyong susundin siya, kayo ay mapapatnubayan, at walang naiatas sa Sugo maliban sa maliwanag na paghahatid}. (An-Nur: 54).

    4- Dapat nating tanggapin ang anumang naiparating tungkol dito ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at sumunod tayo sa kanyang Sunnah (pamamaraan), at gawin nating lugar ng pagpitagan at pagdakila ang kanyang patnubay, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Hindi! Bagkus sumpa man sa iyong Rabb (Panginoon), hindi magkakaroon sila ng tunay na pananampalataya hangga’t hindi ka nila ginagawang hukom sa anumang hidwaang namamagitan sa kanila, at pagkatapos ay wala silang matagpuan sa kanilang mga sarili na pagtanggi sa anumang naging pasiya mo, at tanggapin nila ito nang ganap na pagtanggap}. (An-Nisa': 65).

    5- Dapat tayong mag-ingat sa pagsuway sa kanyang utos, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan; sapagkat ang pagsuway sa kanyang utos ay isang dahilan ng pagkakaroon ng sakuna, pagkaligaw at masakit na pagpaparusa. Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya’t dapat na mag-ingat yaong mga sumusuway sa kanyang pag-uutos, na baka dumatal sa kanila ang isang sakuna, o dumatal sa kanila ang isang masakit na pagpaparusa}. (An-Nur: 63).

    Mga katangian ng mensahe ni Muhammad

    Natatangi ang mensahe ni Muhammad sa mga nakaraang mensahe sa isang bilang ng mga katangian at kalamangan, kabilang dito ang:

    1- Ang mensahe ni Muhammad ay katapusan ng mga nakaraang mensahe. Sinabi ng Kataas-taasan: {Si Muhammad ay hindi naging ama ng alinman sa inyong mga kalalakihan, ngunit Sugo ng Allah at katapusan ng mga Propeta}. (Al-Ahzab: 40).

    2- Ang mensahe ni Muhammad ay nagpapawalang saysay sa mga nakaraang mensahe, kaya hindi tatanggapin ng Allah mula sa kaninuman ang anumang relihiyon pagkatapos ng pagsugo sa Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, maliban sa pagsunod kay Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at walang sinuman ang nakakaabot sa karangyaan ng Paraiso maliban sa pamamagitan ng kanyang landas, sapagkat siya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ang pinakamarangal sa mga Sugo, at ang kanyang mamamayan ang pinakamabuti sa mga pamayanan, at ang kanyang mga batas ang pinakaganap sa mga batas. Sinabi ng Kataas-taasan: {At sinuman ang maghangad ng relihiyon bukod sa Islam, magkagayon hindi kailanman tatanggapin ito mula sa kanya, at siya sa huling araw ay mapapabilang sa mga talunan}. (Al-Imran: 85). At sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "At ako ay nanunumpa sa Kanya na may hawak ng buhay ni Muhammad, walang sinuman ang makakarinig sa akin mula sa pamayanang ito na isang Hudyo o Kristiyano, pagkatapos ay mamatay siya at hindi naniwala sa isinugo sa akin maliban siya ay mapapabilang sa mga tao sa Apoy (sa empyerno)." (Muslim 153 - Ahmad 8609).

    3- Ang mensahe ni Muhammad ay pangkalahatan sa dalawang nagdadala ng mabigat na pasanin, ang jinn at ang tao. Ang Kataas-taasan ay nagsabi bilang pagkukuwento tungkol sa pagsasabi ng jinn: {O aming mamamayan, tugunan ninyo ang taga-anyaya ng Allah}. (Al-Ahqaf: 31). At sinabi ng Kataas-taasan: {At hindi ka Namin isinugo kundi para sa lahat ng sangkatauhan bilang tagahatid ng magandang balita at tagababala}. (Saba': 28). At nagsabi siya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Binigyan ako ng anim na kalamangan sa mga propeta: Binigyan ako ng mga makahulugang salita, at tinulungan ako sa pamamagitan ng sindak, at pinahintulutan sa akin ang mga labi ng digmaan, at ginawa sa akin ang kalupaan bilang panlinis at dasalan, at isinugo ako sa lahat ng nilalang at tinapos ang mga propeta sa pamamagitan ko." (Al-Bukhari: 2815 - Muslim: 523).

    Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah at ang kanyang marangal na pamilya.

    Hindi nagpadala ang Allah ng isang propeta maliban na ang kanyang mga kasama at mga alagad ay ang pinakamabuti sa kanyang mga tagasunod, at ang kanilang henerasyon ang pinakadakilang henerasyon sa kanyang pamayanan. Pinili ng Allah para sa samahan ng Kanyang Propeta ang pinakamabuti sa kanyang nilikha pagkatapos ng mga propeta at sugo, upang dalhin ang relihiyong ito at ihatid ito sa mga tao, na dalisay at malinis mula sa karumihan, tulad ng sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ang pinakamabuti sa aking pamayanan ay ang siglo kung saan ako ipinadala, pagkatapos ay yaong mga sumusunod sa kanila, at pagkatapos ay ang mga sumusunod sa kanila.” (Muslim: 2534).

    Ang pagpapakilala sa isang Sahabi

    Ang isang Sahabi ay yaong: nakasalamuha ang Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, bilang isang Muslim at namatay siya dito.

    Naitala ang pagpupuri sa mga kasamahan ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ang bilang ng kanilang mga katangian at ang kanilang kabutihan sa maraming mga bahagi mula sa Aklat ng Allah at sa Sunnah ng Kanyang Sugo, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at ang ilan sa mga ito ay:

    ١
    Nagpuri ang Allah sa mga Sahabah at nalugod Siya sa kanila at nangako Siya sa kanila ng mabuti, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {At ang mga naunang sinauna mula sa mga Muhajireen (taga-Makkah) at mga Ansar (taga-Madinah) at yaong mga sumunod sa kanila sa kabutihan, nalugod ang Allah sa kanila at nalugod din sila sa Kanya, at naghanda Siya para sa kanila ng mga Halamanan na dumadaloy sa ilalim nito ang mga ilog, mananatili sila rito magpakailanman, iyan ang dakilang tagumpay}. (At-Tawbah: 100).
    ٢
    Tunay na sila ang pinakamabuting henerasyon sa lahat ng mga pamayanan; at sila ang pinakamabuti sa pamayanang ito. Sapagkat nag-ulat si Abdullah bin Mas`ud, kalugdan siya ng Allah, na ang Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay nagsabi: "Ang pinakamabuti sa mga tao ay ang aking henerasyon, pagkatapos ay ang susunod sa kanila, at pagkatapos ay ang susunod sa kanila.” (Al-Bukhari at Muslim).
    ٣
    Ang kanilang mga gantimpala at gawa ay dinoduble, si Abu Sa`ed Al-Khudri, kalugdan siya ng Allah, ay nagsabi: Sinabi ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Huwag ninyong laitin ang aking mga kasamahan, sapagkat kahit na ang isa sa inyo ay naggugol ng ginto na tulad ng bundok ng Uhod ay hindi umabot sa isang dakot ng isa sa kanila, ni ang kalahati nito." (Sahih Al-Bukhari).

    Ang mga isinasatungkulin sa panig ng mga Sahabah at sa buong pamilya [ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan]

    Isinasatungkulin sa isang Muslim sa panig ng mga Sahabah at sa buong pamilya [ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan], ang isang bilang ng mga bagay:

    1- Ang pagmamahal sa kanila, ang paggalang sa kanila at ang pananalangin para sa kanila:

    Tunay na nagpuri ang Allah sa mga Muhajireen (taga-Makkah) na iniwan ang kanilang mga tahanan at ang kanilang mga kayamanan sa Makkah at lumipat sa Madinah dahil sa pag-aalala sa kanilang relihiyon at paghangad sa kaluguran ng Allah, at sinundan ito ng pagpupuri sa mga Ansar, ang mga tao sa Madinah, na sumuporta sa kanilang mga kapatid, at nagbahagi sa kanila kung ano ang mayroon sila na mga kayamanan at ari-arian, bagkus mas inuna nila ang kanilang mga kapatid kaysa sa kanilang mga sarili, pagkatapos ay pinuri Niya ang mga susunod sa kanila hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli mula sa sinumang nakilala sa mga Sahabah sa kanilang kabutihan at katayuan, nagmamahal sa kanila at nananalangin para sa kanila, at hindi nagkaroon ng poot o pagkamuhi sa kanyang puso sa alinman sa kanila.

    Sinabi ng Kataas-taasan: {Para sa mga mahihirap na Muhajireen (Taga-Makkah noon) na itinaboy mula sa kanilang mga tahanan at mga ari-arian, na naghahangad ng biyaya mula sa Allah at ng Kanyang kaluguran, at tumutulong sa Allah at sa Kanyang Sugo. Sila ang mga tunay na matapat [sa kanilang sinasabi]. At [may karapatang bahagi rin] yaong mga nanirahan sa tahanan [ng Madinah] at [pinagtibay] ang pananampalataya na una sa kanila, minamahal nila ang sinumang naglikas patungo sa kanila, at wala silang matagpuang paninibugho sa kanilang mga dibdib sa anumang ibinigay sa kanila [mula sa labi ng digmaan], at sila ay nagpaparaya nang higit sa kanilang mga sarili bagaman sila ay labis na may pangangailangan. At sinumang pigilin ang kasakiman ng kanyang sarili, sila yaong mga matagumpay. At sila na dumating pagkaraan nila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Patawarin Mo kami at ang aming mga kapatid na nangauna sa amin sa Pananampalataya, at huwag Mong ilagay sa aming mga puso ang damdamin ng pagkapoot sa mga sumampalataya. Aming Panginoon! Katotohanang Ikaw ay Puspos ng Kabaitan, Pinakamaawain}. (Al-Hash'r: 08-10).

    2- Ang pagkalugod sa lahat ng mga Sahabah:

    Dapat lamang para sa isang Muslim na kapag binanggit ang isa sa kanila ay magsasabi siya ng: Radiyallahu anhu (Kalugdan siya ng Allah), sapagka't ipinabatid ng Allah na Kataas-taasan na Siya ay nalugod sa kanila, at tinanggap Niya ang kanilang mga gawaing pagsunod at ang kanilang mga gawa, at sila ay nalugod din sa Kanya dahil sa ipinagkaloob Niya sa kanila mula sa mga biyaya ng relihiyon at mundo. Sapagka't sinabi ng Kataas-taasan: {At ang mga nanga-unang sinauna mula sa mga Muhajirun (Taga-Makkah noon), mga Ansar (Taga-Madinah noon), at sa mga yaong sumunod sa kanila sa kabutihan, nalugod ang Allah sa kanila at nalugod din sila sa Kanya, at Siya ay naghanda para sa kanila ng mga Halamanan na dumadaloy sa ilalim nito ang mga ilog, mananatili sila roon magpakailanman. Iyan ang dakilang tagumpay}. (At-tawbah: 100).

    1 - Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ay pawang mga tao ng kabutihan at kahusayan, ngunit ang pinakamabuti sa kanila ay ang apat na napatnubayang humalili, at sila ay ayon sa pagkakasunud-sunod: Abu Bakr Al-Siddiq, Umar bin Al-Khattab, Uthman bin Affan, at Ali bin Abu Thalib, kalugdan ng Allah silang lahat.

    2- Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay mga tao na hindi ligtas sa pagkakamali, sapagka't ang pagkakamali ay nagaganap sa kanila, nguni't ang kanilang pagkakamali ay mas mababa kaysa sa iba sa kanila, at ang kanilang tama ay higit pa sa kawastuhan ng iba sa kanila. Kaya tunay na pinili ng Allah para sa mga kasamahan ng Kanyang Propeta ang pinakamabuting mga tao upang pasanin ang Relihiyon na ito: "Ang pinakamabuti sa aking mga tagasunod ay ang henerasyon na pinadalhan sa akin, pagkatapos ay ang mga susunod sa kanila, at pagkatapos ay ang mga susunod sa kanila.” (Muslim: 2534).

    3- Nagpapatotoo kami sa lahat ng kagalang-galang na mga Sahabah sa pagkamakatarungan at kabutihan, at binabanggit namin ang kanilang mga katangian, at hindi namin sinisiyasat kung ano ang nangyari mula sa kanila na mga pagkakamali o interpretasyon na sumasalungat sa tama. Sapagka't mayroon silang katapatan ng pananampalataya, mabubuting gawa at pagsunod na nakakahigit pa rito, tulad ng sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Huwag ninyong murahin ang aking mga kasamahan, sapagka't kahit man ang isa sa inyo ay gumugol ng ginto na katulad ng Uhod ay hindi umabot sa isang dakot ng isa sa kanila o kahit kalahati nito.” (Al-Bukhari: 3470).

    Ang kapulungan ng Propesiya

    Ang pamilya ng Sugo ng Allah, sila ay ang kanyang mga asawa, mga anak at mga kamag-anak mula sa mga anak ng kanyang mga tiyuhin: ang pamilya ni Ali, pamilya ni Aqeel, pamilya ni Jaafar at ang pamilya ni Al-Abbas at ang kanilang mga supling.

    At ang pinakamainam sa kanila ay ang sinumang nakasalamuha sa Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, tulad nina Ali bin Abu Thalib at Fatimah, ang anak na babae ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, pati na rin ang kanilang mga anak na lalaki: Na sina Al-Hassan at Al-Hussain, na mga pinuno ng kabataan ng mga tao sa Paraiso, at ang mga asawa ng Sugo ng Allah na mga ina ng mga mananampalataya; tulad nina Khadijah bint Khuwaylid, at Aishah na tapat, kalugdan ng Allah silang lahat.

    At sa katunayan ang Kataas-taasan ay nagsabi tungkol sa mga asawa ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, pagkatapos na mapaalalaanan sila sa pinakamagandang mga ugali at pinakamahusay na mga asal: {...Ang tanging gusto lamang ng Allah ay upang mawala sa inyo ang dumi (kasalanan), O kayong sambahayan, at upang dalisayin kayo ng pagkadali-dalisay}. (Al-Ahzab: 33).

    Ang pagmamahal sa buong pamilya:

    Ang isang Muslim ay nagmamahal sa miyembro ng sambahayan ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, na mga mananampalataya, na sumusunod sa kanyang Sunnah, at itinuturing iyon na kabilang sa pagmamahal sa Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, bilang pagpapatupad sa Hadith ng Sugo ng Allah patungkol sa habilin at pangangalaga sa kanyang pamilya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at pagmamagandang ugali sa kanila: "At ang aking sambahayan, pinapaalala ko sa inyo ang Allah tungkol sa aking sambahayan, pinapaalala ko sa inyo ang Allah tungkol sa aking sambahayan.” (Muslim: 2408). Tulad ng pagsasabi ng isang maawain na ama: Ang Allah, ang Allah sa karapatan ng aking mga anak.

    At ang isang Muslim ay kumakalas sa dalawang uri na ito:

    ١
    Isang uri na nagmamalabis sa kasambahay, at itinataas sila sa antas ng pagpapakabanal.
    ٢
    Isang uri na nagtatakwil sa kanila, nagagalit sa kanila at namumuhi sa kanila.

    Ang buong kasambahay ay hindi ligtas sa pagkakamali:

    Ang miyembro ng kasambahay ay katulad ng iba sa kanila na mga tribo, mayroon sa kanila ang Muslim, ang nagtatakwil, ang matuwid at suwail, kaya minamahal namin ang masunurin sa kanila at inaasahan namin para sa kanya ang gantimpala, at natatakot kami para sa mga suwail sa kanila at ipinagdarasal namin para sa kanya ang kapatnubayan. At ang kabutihan ng buong kasambahay ay hindi nangangahulugan na sila ay nakahihigit sa lahat ng mga kalagayan, at sa lahat ng mga tao sa kanilang mga karangalan, kaya ang mga tao ay nagkakahigitan sa maraming aspeto, at maaaring matagpuan sa iba sa kanila ang siyang higit na mabuti at kapita-pitagan.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit