Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa Kapalaran

Ang paniniwala sa tadhana (kapalaran) ay ang ikaanim na haligi mula sa mga haligi ng pananampalataya (paniniwala). at hindi wasto ang paniniwala ng isang alipin (tao) hangga't hindi siya naniniwala dito. matututunan mo sa aralin na ito ang katotohanan nito, at ilang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan dito.

  • Pag-alam sa katotohanan ng tadhana (o kapalaran) at kahalagahan ng paniniwala rito.
  • Pag-alam sa mga bunga ng paniniwala sa tadhana (kapalaran).
  • Ang kahulugan ng paniniwala sa katakdaan:

    Ito ay ang matibay na paniniwala na ang lahat ng mabuti at masama ay nasa kapasiyahan ng Allah at nasa Kanyang itinakdang kapalaran, at na Siya ang tagapagpatupad ng anumang Kanyang ibig, walang bagay na mangyayari maliban sa Kanyang nais, at walang bagay na lumalabas sa Kanyang kalooban, at walang anumang bagay sa daigdig na ito na lumalabas sa Kanyang pagtatakda, at walang lumilitaw maliban ayon sa Kanyang pamamahala, at sa kabila nun ay Kanyang inutusan ang mga lingkod at binawalan sila, at ginawa Niya silang malaya sa kanilang mga gawain, hindi sila pinipilit dito, bagkus ang mga ito ay nangyayari ayon sa kanilang kakayahan at kalooban, at ang Allah ang kanilang Tagapaglikha at ang Tagapaglikha ng kanilang kakayahan, ginagabayan Niya ang sinumang Kanyang naisin sa Kanyang habag, at Kanyang inililigaw ang sinumang Kanyang nais ayon sa Kanyang walang hanggang karunungan, hindi Siya tinatanong sa kung ano ang Kanyang gagawin, bagkus sila ang tinatanong.

    Ang pakahulugan ng katakdaan

    Ang Kapalaran: Ito ay ang kapalarang itinakda ng Allah na Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa nakaraan, at ang Kanyang kaalaman, luwalhati sa Kanya, na ang mga ito ay mangyayari sa mga natatakdaang panahon at sa mga natatanging katangian, at ang Kanyang pagsulat para doon, at ang Kanyang kalooban para dito, at ang kaganapan nito ayon sa Kanyang itinakda dito at nilikha para dito.

    Ang paniniwala sa kapalaran ay isa sa mga haligi ng pananampalataya.

    Ang paniniwala sa kapalaran na itinakda ng Allah na Kataas-taasan ay ubligado at ito ay isa sa mga haligi ng pananampalataya, tulad ng sagot ng Sugo, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, nang nagtanong sa kanya si Jibreel (Gabriel), sumakanya ang kapayapaan, tungkol sa pananampalataya, at sinabi niya: "Ang maniwala ka sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga aklat, sa Kanyang mga Sugo, at sa Huling Araw, at na maniwala ka sa kapalaran, ang mabuti at masama nito." (Muslim: 08).

    Ano ang napapaloob sa paniniwala sa kapalaran?

    Ang paniniwala sa kapalaran ay napapaloob ang apat na bagay:

    1. Ang kaalaman

    Ang paniniwala na ang Allah na Kataas-taasan ay nakaaalam ng lahat ng bagay, ang kabuuan at detalye nito, at na Siya na Kataas-taasan, ay nakakaalam ng lahat ng Kanyang nilalang bago Niya sila nilikha, at alam Niya ang kanilang mga panustos, ang kanilang taning, ang kanilang mga salita at ang kanilang mga gawa, at ang lahat ng kanilang mga galaw at katahimikan, at ang kanilang mga lihim at ang kanilang paglalantad, at ang sinuman sa kanila na nabibilang sa mga tao ng Paraiso, at ang sinuman sa kanila na nabibilang sa mga tao ng Impiyerno. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Siya ang Allah, na walang diyos maliban sa Kanya, batid ang nakatago at ang nakalantad}. (Al-Hashir: 22).

    2. Ang pagsulat

    Ang paniniwala na Siya na Maluwalhati, ay isinulat Niya ang lahat ng anumang nauna na dito ang Kanyang kaalaman sa Talaan na Iniingatan. At ang patunay nito ay ang sinabi ng Kataas-taasan: {Walang tumama na anumang sakuna sa lupa o sa inyong mga sarili maliban na nasa isang aklat bago Namin ito nilikha}. (Al-Hadid: 23). At ang sinabi ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Isinulat ng Allah ang mga kapalaran ng mga nilalang limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at lupa." (Muslim: 2653).

    3. Ang kalooban

    Ang paniniwala sa kalooban ng Allah na isasakatuparan, na walang anumang bagay ang maaaring pumigil nito, at sa Kanyang kapangyarihan na walang anumang bagay ang makaliligtas nito, samakatuwid ang lahat ng mga aksidente ay nagaganap ayon sa kalooban ng Allah at Kanyang kapangyarihan, anuman ang Kanyang naisin ay nagaganap, at ang anumang hindi Niya ninais ay hindi magaganap. Sinabi ng Kataas-taasan: {At wala kayong maipapatupad sa nais ninyo maliban na lamang kung ito ay ninais ng Allah}. (At-Takwir: 29).

    4. Ang paglikha

    Ang paniniwala na Siya na Maluwalhati, ang Siyang nagpa-iral ng lahat ng mga bagay, at Siya lamang ang Tagapaglikha, at lahat bukod sa Kanya ay kanyang nilikha, at Siya sa lahat ng bagay ay may kakayahan. Sinabi ng Maluwalhati at Kataas-taasan: {At nilikha Niya ang lahat ng bagay at itinakda Niya ito sa wastong pagtatakda}. (Al-Furqan: 02).

    Ang isang tao ay may pagpipilian, kakayahan at kalooban:

    Ang paniniwala sa kapalaran ay hindi tinatanggihan na ang isang lingkod ay may kalooban sa kanyang mga kusang gawain, at may kakayahan dito, sapagka't ang batas at ang realidad ay nagpahiwatig sa pagpapatunay nito sa kanya.

    Tungkol naman sa Batas, sa katunayan ang Allah na Kataas-taasan ay nagsabi ukol sa Kalooban: {Iyon ang Araw ng Katotohanan. Kaya't sinuman ang may kalooban, hayaan siyang gumawa ng daan patungo sa kanyang Panginoon}. (An-Naba': 39), at nagsabi ang Kataas-taasan ukol sa Kapangyarihan: {Hindi inuubliga ng Allah ang isang may buhay maliban sa abot ng kakayahan nito, makakamit nito ang anumang kinita nito (na kabutihan), at pananagutan nito ang anumang kinita nito (na kasamaan)}. (Al-Baqarah: 286). At ang kakayahan ay nangangahulugan ng kapangyarihan.

    At tungkol naman sa realidad, sa katotohanan, ang bawa't tao ay alam na mayroon siyang kalooban at kakayahan, sa pamamagitan ng mga ito ay nakakagawa siya, at sa pamamagitan ng mga ito ay nakakaiwan siya, at pinag-iiba niya ang pagitan ng nangyayari nang ayon sa kanyang kalooban, tulad ng paglalakad, at kung ano ang nangyayari nang wala sa kanyang kalooban, tulad ng panginginig at biglaang pagbagsak, nguni't ang kalooban ng lingkod at ang kanyang kakayahan ay natutupad sa pamamagitan ng kalooban ng Allah na Kataas-taasan at ng Kanyang Kakayahan, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Sa sinuman sa inyo na nagnanais na tumahak nang matuwid, At wala kayong magagawa maliban na lamang kung ito ay loobin ng Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang}. (At-Takwir: 28-29). Kaya pinatunayan Niya ang kalooban ng tao, at saka kinumpirma Niya na ito ay napapaloob sa Kanyang Kalooban, Luwalhati sa Kanya at Kataas-taasan; at dahil ang buong sansinukob ay pag-aari ng Allah na Kataas-taasan, walang anuman na magaganap sa Kanyang pag-aari nang walang Kaalaman Niya at Kalooban.

    Ang pangangatuwiran sa pamamagitan ng Kapalaran:

    Ang kakayahan ng tao at pagpili niya ay siyang nauugnay sa obligasyon, pag-uutos at pagbabawal, kaya ginagantimpalaan ang gumagawa ng mabuti sa pagpili niya sa landas ng patnubay, at pinarurusahan ang gumagawa ng masama sa pagpili niya ng landas ng pagkaligaw. Kaya ang Allah na Maluwalhati ay hindi tayo inubliga maliban sa kung ano ang ating makakaya, at hindi Niya tinatanggap mula sa kaninuman ang pagtalikod sa pagsamba sa Kanya na ipangatuwiran ang kapalaran.

    Bukod dito, ang tao bago ang pagsuway ay hindi niya alam kung ano ang nalaman ng Allah na Kataas-taasan at ang Kanyang itinakda? Samantalang ang Allah ay nagbigay sa kanya ng kakayahan at kalayaan sa pagpili, at ipinaliwanag sa kanya ang mga landas ng kabutihan at kasamaan, kaya kapag siya ay sumuway sa mga sandaling iyon, siya ang pumili sa pagsuway, siya ang may pabor dito kaysa sa pagsunod, kaya papasanin niya ang kaparusahan ng kanyang pagsuway.

    Ang magagandang mga bunga ng paniniwala sa Kapalaran:

    Ang magagandang mga bunga ng paniniwala sa kapasiyahan at kapalaran ay dakila sa buhay ng isang Muslim, kabilang dito ang:

    1- Ang wastong paniniwala sa Kapalaran ay magtutulak (sa tao) sa paggawa at pagkuha ng mga dahilan, at pipigilan nito ang pagiging pabaya

    Kaya ang mga mananampalataya ay inutusan na kumuha ng mga dahilan nang may pagtitiwala sa Allah na Kataas-taasan, at ang paniniwala na ang mga dahilan ay hindi nagbibigay ng mga resulta maliban sa pahintulot ng Allah, dahil ang Allah ay Siyang lumikha ng mga dahilan, at Siya rin ang lumikha ng mga resulta. Sinabi ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Maging masigasig ka sa kung ano ang kapaki-pakinabang sa iyo, at humingi ng tulong sa Allah at huwag kang panghinaan ng loob, at kung tumama sa iyo ang isang bagay, sa gayon ay huwag mong sabihin na Kung ginawa ko lang ang ganito at ganyan, nguni't ang sabihin mo: Itinakda ng Allah at anuman ang Kanyang ninais ay Kanyang ginawa, sapagka't ang KUNG ay nagbubukas sa gawain ni Shaitan (Satanas)." (Muslim: 2664). At nang inisip ng mga tao na hindi na kailang magtrabaho sa kadahilanang ang mga bagay naman ay itinakda na, Nilinaw ng propeta -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan- na iyon ay mali, at sinabi niya: "magtrabaho kayo, dahil ang lahat ay madali sa kung ano ang nilikha para sa kanya, pagkatapos ay binigkas niya: {Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay at nangilag magkasala, at nagpatotoo sa pinakamaganda; (magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali)} [Al-Layl: 6] hangang sa sinabi Allah: {magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap} [Al-Layl: 10]. (Al-bukharie 4949, at Muslim 2647).

    2- Na alam ng isang tao ang halaga ng kanyang sarili

    kaya hindi siya dapat magmalaki at magmataas, dahil siya ay walang kakayahan na malaman kung ano ang itinakda, at ang kinabukasan kung ano ang magaganap, at dahil dito ay kikilalanin ng tao palagi ang kanyang kawalan ng kakayahan at ang kanyang pangangailangan sa kanyang Panginoon na Kataas-taasan. Kaya't kapag ang isang tao ay dumatal sa kanya ang mabuti, siya ay nagyabang at nalinlang dahil dito, at kapag ang masama at sakuna ang tumama sa kanya, siya ay nabalisa at nalungkot, at hindi nakakaligtas ang isang tao mula sa pagmamataas at paniniil kapag dumatal sa kanya ang masama, maliban sa paniniwala sa katakdaan, at anumang pangyayari na naganap dito ay natupad ayon sa mga itinakda, at nauna dito ang Kaalaman ng Allah.

    3- Na wakasan niya ang bisyo ng inggit,

    Sapagka't ang mananampalataya ay hindi naiinggit sa mga tao sa kung ano ang ibinigay sa kanila ng Allah mula sa Kanyang kagandahang-loob; dahil ang Allah ang Siyang nagtustos at nagtakda nito para sa kanila, at nalalaman niya na kapag naiinggit siya sa iba, tanging ang kanyang tinututulan ay ang kapalaran na itinakda ng Allah at ang Kanyang kapasiyahan.

    4- Ang paniniwala sa Kapalaran ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga puso ng lakas ng loob para harapin ang mga kagipitan,

    at nagpapatibay ng mga pagpapasiya, dahil nakatitiyak siya na ang mga taning at mga panustos ay nakatakda, at ito ay hindi dadatal sa isang tao maliban sa kung ano ang isinulat para sa kanya.

    5- Ang paniniwala sa Kapalaran ay nagtatanim sa kalooban ng mananampalataya ng maraming katotohanan ng pananampalataya.

    Samakatuwid lagi siyang humihingi ng tulong sa Allah, siya ay umaasa sa Allah at nagtitiwala sa Kanya habang ginagawa niya ang mga kadahilanan, at siya rin ay patuloy na nangangailangan sa kanyang Panginoon na Kataas-taasan, nakakakuha siya mula sa Kanya ng tulong para sa katatagan.

    6- Ang paniniwala sa Kapalaran ay nag-uusbong ng kapayapaan ng isip sa kalooban,

    kaya alam ng isang mananampalataya na ang anumang tumama sa kanya ay hindi niya maaaring mailihis ito, at ang anumang nailihis niya dito ay hindi niya maaaring itama ito.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit