Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paraan ng umrah

Ang umrah ay isang dakilang pagsamba, lalayunin ng mga mananampalataya para dito ang sagradong bahay, at makakamit sa pamamagitan ng paggawa nito ang malaking gantimpala, matututunan mo sa aralin na ito ang kahulugan nito, kabutihan, at paraan nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng umrah, alituntunin at kabutihan nito.
  • Ang pag-alam sa paraan ng umrah.
  • Ang kahulugan ng Umrah

    Ang Umrah: ito ay ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagtawaf (pag-ikot sa palibot ng ka'abah) sa bahay (ka'abah), at pagsa'ye (paglalakad) sa pagitan ng Shafa at marwah, pagkatapos ay ang pag-ahit o pagpagupit ng buhok.

    Ang hatol sa Umrah

    Ang Umrah ay obligado sa may kakayahan sa (pagsasagawa ng) Umrah nang isang beses sa buhay ng tao, at kaaya-aya pagkatapos niyaon ang pagsasagawa nito at pag-ulit nito ayun sa pagiging madali nito at kakayahan.

    Sinabi ng Allah: {Lubusin ninyo ang ḥajj at ang `umrah para kay Allāh...} [Al-Baqarah: 196].

    Isinalay-say ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ko: O Sugo ng Allah, may jihãd (pakikipaglaban sa landas ng Allah) ba ang mga babae? sinabi niya: "Oo may jihãd sila na walang pakikipaglaban dito; Ang pagha-hajj at pag-Umrah" (Ahmad 25322, ibn mãjah 2901).

    Ang kabutihan ng Umrah

    ١
    Isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Ang isang Umrah at sa isa pang Umrah ay pagpapatawad sa anumang (mga kasalanan sa) pagitan nila, at ang hajj na katanggaptanggap ay walang ibang gantimpala maliban sa paraiso". (Al-Bukharie 1773, at Muslim 1349).
    ٢
    Isinalaysay ni ibn 'abãs -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sundan ninyo ang pagitan ng Hajj at Umrah, sapagkat ito ay nag-aalis ng kahirapan at mga kasalanan tulad ng pag-alis ng bellow (gamit ng panday na pang ihip sa apoy) sa mantsa ng bakal". (An-Nasã-e 2630).

    Ang Oras ng Umrah

    Ang umrah ay ginagawa sa lahat ng oras ng taon. at ang pinakamainam ay isasagawa ito sa mga buwan ng hajj, at ang pag-umrah sa ramadhan ay doble ang gantimpala at katumbas ito ng hajj, isinalaysay ni ibn 'abbãs -kaluguran silang dalawa ng Allah- na sinabi ng propeta ﷺ: "katotohanan na ang pag-umrah sa ramadhan ay katumbas ng hajj O naghajj kasama ko". (Al-Bukharie 1863, Muslim 1256).

    Ang paraan ng Umrah

    ١
    Ang pag-iihram sa meeqãt
    ٢
    Ang pagtawaf (pag-ikot sa palibot ng ka'abah)
    ٣
    Ang pagsa'ye (paglalakad sa pagitan ng shafa at marwah)
    ٤
    Ang pag-ahit o paggupit ng buhok

    Una: Ang Ihram

    ipinag-utos sa sinumang nais mag-ihram para sa Umrah na hubarin niya ang kanyang mga damit, maligo, maglagay ng pabango sa kaniyag ulo at balbas, at mag-suot ng damit ng ihram.

    Pagkatapos ay magdasal siya sa meeqãt ng obligadong salah kung nagkataon sa oras ng ubligadong pagdarasal, at kung hindi ay magdasal siya ng dalawang rak'ah kung gusto niya, at pagkatapos niya magdasal, ay mag-ihram siya (papasok siya sa kalagayan ng ihram) at ilagay niya sa kanyang hangarin ang pagpasok sa Umrah sa kanyang puso, pagkatapos ay bigkasin niya: (Labbaika-Allahoma Umratan).

    -

    Ikalawa: Ang pagtawaf

    At kapag pumasok na sa masjid al-haram ay unahin niya ang kanyang kanang paa at bigkasin niya ang du'a ng pagpasok sa mosque, at kapag dumating na siya sa ka'abah; itigil na niya ang talbiyah bago mag-umpisa sa pagtawaf, at kaaya-aya ang pag-idtibã' sa lalaki, at ito ay ang gawin (ilagay) niya ang gitna ng kanyang pang-itaas na suot sa ilalim ng kanyang kanang kilikili, at ang dalawang dulo nito ay sa ibabaw ng kanyang kaliwang balikat.

    Magsimula ang pagtawaf sa itim na bato (alhajar al-aswad)

    Pagkatapos ay lumapit siya sa itim na bato para simulan ang pagtawaf at hawakan niya ang bato sa kanyang kanang kamay at halikan niya ito, at kung hindi ito madaling gawin ay humarap lang siya sa bato at magsinyas siya (itaas ang kamay na nakaharap sa bato) dito sa kanyang kamay, at gawin niyang sa bandang kaliwa niya ang ka'abah, at magtawaf (umikot) siya ng pitong ikot, at bilisan ng lalaki ang paglalakad sa unang tatlong ikot. At ang Al-raml (paglalakad ng mabilis): ay paglalakad ng mabilis habang pinapaikli ang pagitang ng mga hakbang.

    At kapag dumating siya sa rokn alyamani (yemen corner) ay hawakan niya ito ng walang paghalik sa kamay at hindi rin magsinyas dito kung hindi niya malapitan, at sabihin niya sa pagitan ng rokn al-yamani at itim na bato ang: {Rabbanã ãtinã fid-dunyã hasanah, wafil-ãkhirati hasanah waqinã azãban-nãr}.

    -

    At sa bawat pagdaan niya sa itim na bato ay mag-takbeer (sabihin ang Allaho Akbar) siya at sabihin niya sa natira pang tawaf niya ang anumang nais niyang pagsasangguni, panalangin at pagbabasa ng Qur'ãn.

    Ang dalawang rak'ah na sunnah pagkatapos ng tawaf

    At kapag natapos na ang tawaf na pitong ikot ay ibalik na niya ang kanyang suot pang-itaas, at ilagay niya sa ibabaw ng kanyang balikat at ang dalawang dulo ay sa kanyang dibdib, pagkatapos ay lumapit siya sa maqãm ibrãhim, at magdasal siya ng dalawang rak'ah sa likod nito kung madali ito sa kanya, o kahit saang lugar sa mosque, bigkasin niya sa unang rak'ah pagkatapos ng fãtihah ang: {Qul yã ayyuhal-kãfiroon....} at sa ikalawa: {Qul huwa-Allaho ahad...} pagkatapos ng fatihah.

    ikatlo: ang pagsa'ye

    Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa mas'a at pag malapit na siya sa Shafa bigkasin niya ang sinabi ng Allah: {Innash-shafa' wal-marwata min Sha'ã-irillah) at sabihin niya: Abda-o bimã bada'allaho bihi.

    Pagkatapos ay aakyat siya sa Shafa at humarap sa ka'abah, itaas niya ang kanyang mga kamay, purihin ang Allah at manalangin, at ang isa sa mga du'a (panalangin) ng propeta ﷺ: "“LA ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WA LAHUL ‘HAMDU WA HUWA ‘ALA KULLI SHAY-IN QADEER. LA ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, ANJAZA WA’HDAHU, WA NASARA ‘ABDAHU, WA ‘HAZAMAL A’HZA-BA WAHDAH", pagkatapos ay manalangin siya ng anumang gusto niya, at ulit ulitin niya iyon ng tatlong beses.

    -

    Pagkatapos ay bababa siya mula sa shafa patungo sa marwah, at maglakad siya hanggang sa makarating siya sa dalawang tanda; ito iyong mga ilaw na berde na nasa taas ng mas'ã at kaaya-aya sa lalaki na tumakbo ng malakas sa abot kaya niya, at sa mga babae naman ay hindi ipinag-utos sa kanila na magmadali sa pagitan ng dalawang tanda. bagkus maglalakad siya sa buong pagsa'ye.

    -

    Pagkatapos ay magpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa dumating siya sa marwah at umakyat siya dito, at humarap sa Qiblah at itaas niya ang kanyang mga kamay at sabihin niya ang tulad ng sinabi niya sa Shafa, maliban sa talata na binigkas niya bago dumating sa shafa, at hindi rin niya sabihin ang: Abda'u bima bada-allaho bihi.

    -

    Pagkatapos ay Bababa siya mula sa marwah patungo sa shafa, at maglakad siya hanggang sa kung dumating siya sa dalawang tanda ay tumakbo siya, at gawin niya sa shafa ang kanyang ginawa sa marwah, at ganon na hanggang sa matapos niya ang pitong ikot, ang kanyang pagpunta ay isang ikot, at ang pagbalik niya ay isang ikot, at Kaaya-aya na paramihin niya sa kanyang pagsa'ye ang pag-alaala sa Allah at pananalangin sa anumang madali sa kanya, at na siya ay malinis mula sa dalawang hadath na malaki at maliit.

    -

    Ikaapat: Ang pag-ahit O pagpagupit ng buhok

    Kapag nakumpleto na ng nag-uumrah ang sa'ye ay lalabas siya mula sa mas'ã at pumunta siya sa pagupitan upang ahitin o gupitin ang kanyang buhok, at ang pag-ahit ay mas mainam.

    Isinalaysay ni Abdillah bin omar -kaluguran silang dalawa ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Allahomma-r'ham al-muhalliqeen" (O Allah kaawaan mo ang mga nagpaahit ng buhok) sinabi nila: wal-muqassireen (pati mga nagpagupit) O Sugo ng Allah, sinabi niya: "Allahommar'ham al-muhallikeen" sinabi nila: wal-muqassireen o Sugo ng Allah, sinabi niya: "wal-muqassireen (pati mga nagpagupit lang)". (Al-Bukharie 1727, at Muslim 1301).

    Tungkol naman sa babae ay iiponin niya ang kanyang buhok at putulan niya ito ng katumbas ng isang pulgada, at kapag nagawa ng nakaihram ang mga nabanggit ay nakumpleto na niya ang kanyang Umrah, at pinahintulutan na sa kanya ang lahat ng ipinagbawal sa kanya no'ng siya ay nakaihram.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit