Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Pagbisita sa Al-madinah Al-munawwarah

Ang Madinah An-nabawiya ay pinakamagandang lugar sa mundo kasunod ng makkah almukarramah, matututunan mo sa aralin na ito ang ilan sa mga kabutihan nito at mga magagandang asal sa pagbisita nito.

  • Ang pag-alam sa mga kabutihan ng Al-Madinah Al-Munawwarah.
  • Ang pag-alam sa mga magagandang asal sa pagbisita sa Al-Madinah Al-munawwarah.
  • Mga kabutihan ng Al-Madinah An-Nabawiyyah

    Tumaas ang karangalan ng pinagpalang Al-madinah An-nabawiyyah sa paglikas ng propeta ﷺ dito, hanggang sa naging mas mabuting lugar sa kalupaan kasunod ng makkah Al-mukarramah, at ang pagbisita rito ay ipinag-utos sa lahat ng oras, at hindi ito nauugnay sa pagiging ubligado ng Hajj, sinabi ng propeta ﷺ: "Walang pagtitiyak sa paglalakbay maliban sa tatlong Masjid, Ang masjid alharam (sa makkah), at Masjid Al-Aqsa at sa Masjid kong ito" (Al-Bukharie 1189, Muslim 1397), At ang Al-Madinah ay may maraming kabutihan, ilan dito:

    1. pagkakaroon ng masjid nabawi (mosque ng propeta) rito:

    Ang unang ginawa ng propeta ﷺ noong dumating siya sa Madinah ay ang pagtatayo ng banal na masjid nabawi (mosque ng propeta) kung saan naging sentro ng (pag-aaral ng) kaalaman at panghihikayat at pagpalaganap ng kabutihan sa pagitan ng mga tao. At ang pinagpalang mosque na ito ay may dakilang kabutihan, sinabi niya ﷺ: "Ang isang pagdarasal dito sa mosque ko na ito ay mas mainam kaysa sa isanlibong pagdarasal sa ibang mosque maliban sa masjid alharam sa makkah" (Al-Bukharie 1190, Muslim 1394).

    2. ito ay sagradong ligtas

    Ginawa itong sagrado ng propeta ﷺ sa pamamagitan ng kapahayagan mula sa Allah, kaya hindi puweding magpadanak ng dugo dito, hindi puwedi magdala ng armas dito, at hindi puweding takutin ang sinuman dito, at hindi puweding putolin ang mga puno dito at iba pa na kasama sa pagiging sagrado nito, siniyabi niya ﷺ: "Hindi puweding patayin ang mga damo o mga halaman nito, at hindi puweding itaboy (o patayin) ang mga hayop nito, at hindi puweding kunin ang mga bagay na natagpoan dito (mga nawala ng ibang tao na nahanap mo) maliban sa sinumang may pahintulot dito, at hindi puweding putulin ang puno nito maliban sa ipapakain ng isang tao sa kanyang kamelyo, at hindi puweding magdala rito ng pandigmang armas" (Abu Dãwod 2035, at Ahmad 959).

    3. Pinagpala sa kabuhayan, mga bunga at magandang pamumuhay:

    Sinabi niya ﷺ: "O Allah! pagpalain Mo kami sa bunga ng aming palmera, pagpalin Mo ang aming bayan, pagpalain ang aming “Sa’a” (Ang isang Sa’a ay katumbas ng 4 ka Mudd) at pagpalain ang aming “Mudd (Ang Mudd at Sa’a ay parehong timbangan na ginagamit sa mga tuyong produkto sa lupa sa panahon ng Propeta (ﷺ), O Allah katotohang si ibrãhim ay iyong alipin, iyon kaibigan, at iyong propeta, at ako ay iyong alipin at propeta, at siya ay nanalangin sa iyo para sa makkah, at ako ay nananalangin saiyo para sa madinah nang kagaya ng anumang ipinanalangin niya saiyo para sa makkah, at katulad din sa kanya" (Muslim 1373).

    4. Ang pangangalaga ng Allah dito mula sa salot at kay dajjãl (bulaang kristo):

    Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sa kasulok-sulukan ng madinah ay may mga anghel (na nagbabantay) na hindi mapapasukan ng salot at ni dajjãl (bulaang kristo)" (Al-Bukharie 1880, Muslim 1379).

    5. Ang kabutihan ng paninirahan, pamumuhay at pagkamatay dito:

    Ang Propeta, ﷺ, ay nangako sa mga nagtitiis sa kahirapan ng Madinah at sa kakitiran ng buhay nito, nang kanyang pamamagitan sa Araw ng Muling Pagkabuhay, batay sa salaysay ni sa'ad bin abi waqãs -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang madinah ay mas mainam sa kanila kung nababatid lamang nila, walang sinuman na iniwan ang pagnanais sa ibang (lugar) para sa madinah maliban sa susuklian ito sa kanya ng Allah ng mas mainam kaysa rito (sa iniwan niya), At walang sinuman na nagpakatatag sa kabila ng kahirapan at kakitiran ng buhay rito maliban sa ako ay mamagitan o sasaksi para sa kanya sa araw ng muling pagkabuhay" (Muslim 1363).

    At sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang sinumang may kakayahan na matataon ang kanyang pagkamatay sa madinah ay gawin niya na dito siya mamatay, dahil ako ay mamamagitan sa sinumang namatay dito" (At-Tirmizie 3917, ibn mãjah 3112).

    6. Ito ay yungib ng pananampalataya, At inaalis nito ang kasamaan at karumihan mula rito:

    Ang pananampalataya ay sumisilong dito gaano man kakitid ang bansa, Ang mga kahalayan at ang mga masasama ay walang lugar dito at walang pagpapatuloy, Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "katotohanan na ang pananampalataya ay mananatili sa madinah, tulad ng pananatili ng ahas sa kanyang lungga" (Al-Bukharie 1876, Muslim 147), At sinabi niya ﷺ: "Sumpaman sa kanya na may tangan ng aking kaluluwa, walang ni isa sa kanila na lumabas (iniwan ang dating bayan) dahil sa pagkagusto sa madina, maliban sa palitan iyon sa kanila ng Allah ng mas mainam kaysa rito (kaysa sa dating bayan niya), hindi ba't ang madinah ay parang bellow (gamit ng panday ng bakal na pang-ihip sa apoy); Inaalis niya ang mantsa, hindi magaganap ang Oras (ng pagguho ng mundo) hanggang sa alisin ng madinah ang mga masasama rito tulad ng pag-alis ng bellow sa kalawang ng bakal" (Muslim 1381).

    7. Inaalis nito ang mga kasalanan at mga pasanin (na kamalian o pagkakasala):

    Isinalaysay ni zaid bin thãbit -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "katotohanan na ito ay malinis -ang tinutukoy ay ang madinah- at katotohanan na inaalis nito ang mga masama, tulad ng pag-alis ng apoy sa mantsa ng pilak" (Al-Bukharie 4589, Muslim 1384).

    Ang mga magagandang asal (na dapat isaalang-alang) sa pagbisita sa Almadinah An-Nabawiyyah

    Dapat na isaalang-alang ng bumisita sa madinah ang mga magagandang asal, ilan dito:

    1. Ang ipinag-utos sa sinumang nais makarating sa madinah Na ilagay niya sa kanyang layunin sa paglalakbay dito ang pagbisita sa mosque ng Sugo ﷺ at paghahanda ng paglalakbay para dito, hindi para bisitahin ang puntod ng propeta -ﷺ-; batay sa kanyang sinabi ﷺ: "At Walang pagtitiyak sa paglalakbay (kung ang layunin ay pagsamba at pagpapalapit sa Allah) maliban sa tatlong Masjid; Masjid sa Makkah, at Masjid Al-Aqsa at sa Masjid kong ito" (Al-Bukharie 1189, at Muslim 1397).

    2. Kapag dumating na ang bibisita sa mosque ay Sunnah sa kanya na unahin ang kanang paa (sa pagpasok), at bigkasin niya ang: "ALLA-HUMMAFTA’HLI ABWA-BA RA’HMATIK" (O Allah, buksan Mo sa akin ang pintuan ng Iyong habag). (Muslim 713).

    3. Magdasal (salah) siya ng dalawang rak'ah bilang pagbati sa mosque, at kung pagdasalan niya ito sa rawdha ay mas mainam.

    4. Sunnah na bisitahin ang puntod ng propeta at ng kanyang dalawang kasamahan, at tumindig na nakaharap sa puntod ng propeta ng mahinahon, hinaan ang boses, at may paggalang, at sabihin: "As-Salãmo 'Alayka ayyuhan-nabi warahmatollahi wabarakãtuho, Ash-hado annaka rasoolollah wa annaka qad ballagta ar-risãlah wa addayta al-amãnah wa nasah'ta al-ummah wa jãhadta fillahi haqqa jihãdih, fajazãkallaho an ummatika afdalo mã jazã nabiyyan 'an ummatihi". (Ang kapayapaan ay sumaiyo o propeta at habag at pagpapala ng Allah, Ako ay sumasaksi na ikaw ay tunay na Sugo ng Allah, at tunay na naiparating mo ang mensahe (ng Allah), tinupad mo ang ipinagkatiwala sa iyo (ng Allah), pinayuhan mo ang mamamayan at nakikipaglaban ka sa landas ng Allah ng tunay na pakikipaglaban, kaya gantimpalaan ka nawa ng Allah sa iyong mga mamamayan ng pinakamainam na gantimpala ng isang propeta sa kanyang mamamayan).

    Pagkatapos ay humakbang siya ng isa o dalawang hakbang sa kanyang kanan para tumayo sa harap ng libingan ni Abu Bakr -kalugdan nawa siya ng Allah-, at batiin niya ito at ipanalangin ng kaluguran sa Allah, Pagkatapos ay humakbang siya ng isa o dalawang hakbang sa kanyang kanan para tumayo sa harap ng libingan ni Omar -kalugdan nawa siya ng Allah-, at batiin niya ito at ipanalangin ng kaluguran sa Allah.

    5. Kaaya-aya para sa bumisita ng Masjid nabawi na magparami ng pagdarasal sa mosque ng propeta ﷺ, upang makamit ang ipinangakong malaking gantimpala na sinabi niya -ﷺ-: "Isang pagdarasal sa masjid ko na ito ay mas mainam kaysa sa isanlibong pagdarasal sa iba rito maliban sa masjid harãm" (Al-Bukharie 1190, at Muslim 1394).

    6. Sunnah na bisitahin ang masjid Qubã' upang magdasal dito, ayun sa naitala na kabutihan niyaon na sinabi ng Sugo ng Allah -ﷺ-: "Ang sinumang lumabas hanggang sa dumating siya sa mosque na ito -masjid Qubã'- at nagdasal siya dito ay makakamit niya ang (gantimpala na) katumbas ng isang Umrah". (An-Nasã-e: 699).

    7. Sunnah ang pagbisita sa sementeryo ng Al-Baqi', at sementeryo ng Shuhadã'-o Uhud (Mga Martir sa Uhud) dahil ang propeta ﷺ ay binibisita niya sila at ipinagdarasal sila, at isa sa kanyang mga panalangin para sa mga tao ng mga libingan: "Assalãmo alaykom ahlad-diyãri minal-mu'mineena wal-muslimeen, wa-innã in shaa' Allaho lalãhikoon, hinihiling ko sa Allah para sa amin at sa inyo ang (mabuting) kalusugan" (Muslim 975).

    8. Ang sikapin ng isang muslim sa lungsod na ito ang matuwid na pagsunod sa utos ng Allah, nakatuon sa pagsunod sa Allah at pagsunod sa kanyang Sugo -ﷺ, matinding pag-iingat na mahulog sa mga bid'ah (maling pamamaraan ng pagsamba) at mga pagsuway (sa utos ng Allah at ng kanyang Sugo).

    9. Na hindi siya makagawa ng pagputol ng mga puno o paghuli ng hayop sa lungsod; ayun sa naitala ukol diyan na mga hadith mula sa Sugo -ﷺ-, tulad ng sinabi niya -ﷺ-: "katotohan na si ibrãhim ay ginawang sagrado ang makkah, at ako ginawa kong sagrado ang madinah sa pagitan ng mga nasakop nito, hindi puwding putolin ang mga puno nito, at hindi puweding hulihin ang mga hayop nito", (Muslim 1362).

    10. Ang madama ng Muslim habang siya ay nasa madinah na siya ay nasa bansa na kung saan suminag mula rito ang liwanag, at lumaganap mula rito ang kapaki-pakinabang na kaalaman sa lahat ng sulok ng mundo, kaya magsumikap siya na makamit ang kaalaman sa islam na aakay sa kanya sa Allah nang may kaunawaan, Lalo na kung ang paghahanap ng kaalaman ay sa mosque ng Sugo ng Allah -ﷺ- batay sa hadith ni abi hurairah -kaluguran ng Allah- na narinig niya ang Sugo ng Allah -ﷺ: "Ang sinumang pumasok na mosque naming ito na nananaliksik ng kaalaman O itinuturo niya ito ay katulad siya ng isang nakikipaglaban sa landas ng Allah, at ang sinumang pumasok dito para sa ibang bagay maliban doon ay katulad siya ng nakatingin sa bagay na hindi sa kanya". (Ahmad 10814, at ibn hibbãn 87).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit