Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Habilin at pamana

Ipinapahintulot ng batas ng islam sa isang muslim na magbilin ng isang habilin na ipapatupat pagkatapos niyang mamatay, At sa maluwalhating Shariah (batas ng islam), ay may kahanga-hangang pamamahagi ng pamana ng namatay. matututunan mo sa aralin na ito ang ilan sa mga alituntunin ng habilin at pamana

  • Pag-alam sa Ibig sabihin ng habilin.
  • Pag-alam sa mga uri ng mga habilin at mga alituntinin nito.
  • Pag-alam sa Ibig sabihin ng mana.
  • Ang kahulugan ng habilin

    Ang habilin: ito ay ang paghiling sa taong iniwanan ng habilin na gumawa ng isang bagay pagkatapos mamatay ng naghabilin; tulad ng sinumang naghabilin ng ilan sa kanyang kayamanan sa pagpatayo ng mosgue.

    Ang habilin

    Ipinag-uutos para sa isang Muslim na gumawa ng habilin bago siya mamatay sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang kayamanan, sinabi niya ﷺ: "Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi maliban na ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya" sinabi ni ibn omar: hindi lumipas sa akin ang isang gabi simula nong narinig ko ang Sugo ng Allah ﷺ na sinabi niya iyon maliban sa ang aking habilin ay nasa akin. (Al-bukharie 2738, Muslim 1627).

    At tunay na inuna ng Allah sa kanyang aklat ang pagpapatupad ng habilin at pagbabayad ng mga utang kaysa sa paghahati ng pamana, Sinabi niya tungkol sa mga pamana: {...matapos ng [pagkaltas ng] isang tagubiling isinasatagubilin niya o ng [pambayad sa] isang utang} [An-Nisã': 11].

    Mga kalagayan ng Habilin

    At ang habilin na ito ay may maraming mga kalagayan:

    1. Ubligadong habilin

    Kung ang isang muslim ay may utang O may mga karapatan sa kanya na pera at walang patunay O saksi na magpapakita niyaon, ay magiging Ubligado ang pagtagubilin upang gawing patunay sa mga karapatan na iyon sa kanya; iyon ay dahil sa ang pagbayad ng utang ay ubligado, dahil ang anumang bagay na hindi makokompleto ang isang ubligasyon maliban sa pamamagitan nito ay ubligado na rin.

    2. Kanais-nais na Habilin

    Ito ay ang pagbibigay ng isang muslim pagkatapos niyang mamatay Nang isang bahagi mula sa kanyang pera sa isang bagay mula sa mga larangan ng mabuti; tulad ng pagbibigay ng kawanggawa sa ilang mga kamag-anak na mahihirap at katulad nito, at kinakailangan dito ang ilang mga bagay:

    A. Na ang habilin ay hindi para sa isa sa mga tagapagmana, dahil hinati-hati na ng Allah sa kanila ang kanilang bahagi, at sinabi niya ﷺ: "walang habilin para sa tagapagmana"(Abu Dãwod 3565, At-Tirmizie 2120, ibn mãjah 2713).

    B. Ang habilin ay dapat mas mababa sa ikatlong bahagi ng kayamanan, at pinahihintulutan ang ikatlong bahagi ng kayamanan, at ipinagbabawal ang higit pa doon. Nong nais ng isa sa mga mararangal na kasamahan ng propeta na itagubilin ang mahigit sa ikatlong bahagi ng kanyang kayamanan ay pinigilan siya ng propeta ﷺ at sinabi niya: "Ang ikatlong bahagi, at ang ikatlong bahagi ay marami (sagad na)" (Al-Bukharie 2744, Muslim 1628).

    C. Na ang naghahabilin ay mayaman, at ang matira sa kayaman ay sapat sa mga tagapagmana, batay sa sinabi niya ﷺ sa isang shahaba na si Sa'ad bin abi waqãs -kaluguran siya ng Allah- nong nais niyang maghabilin: "katotohanan na ikaw, ang iwanan mong mayaman ang mga tagapagmana mo ay mas mainam kaisa sa iwanan mo silang mahirap na namamalimos sa mga tao" (Al-Bukharie 1295, Muslim 1628).

    3. Kinasusuklaman na habilin:

    Kung ang kayamanan ng naghabilin ay kaunti at ang kanyang mga tagapagmana ay nangangailangan, Dahil ito ay panggigipit sa kanyang mga tagapagmana, at dahil diyan, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ kay sa'ad -kaluguran siya ng Allah- : "katotohanan! ang iwanan mong mayaman ang iyong pamilya ay mas mainam kaysa sa iwanan mo silang mahirap na namamalimos sa mga tao" (Al-Bukharie 1295, Muslim 1628).

    4. Ipinagbabawal na Habilin

    At Ito ay ang habilin sa paggawa ng isang bagay na ipinagbabawal ng islam; tulad ng paghabilin niya sa isa sa kanyang mga tagapagmana kagaya ng kanyang panganay na anak, o sa kanyang asawa Nang kanyang yaman mula sa kanyang mga tagapagmana O itagubilin niya na magtayo ng isang simboryo sa ibabaw ng kanyang libingan.

    Ang halaga ng Habilin na pinapayagan ng islam

    Pinahihintulutan ang paghabilin ng ikatlong bahagi (ng kayamanan) at hindi pinahihintulutan ang higit pa rito, at mas mainam na mas mababa pa rito, dahil nang sabihin ni sa'ad bin abi waqãs -kaluguran siya ng Allah-na: O Sugo ng Allah, ihahabilin ko ba ang lahat ng pera (kayamanan) ko? sinabi niya: "Hindi" sinabi ko (sa'ad): Ang kalahati? sinabi niya: "hindi" sinabi ko: Ang ikatlong bahagi? sinabi niya: "ang ikatlong bahagi, at ang ikatlong bahagi ay marami (sagad na), katotohanan! ang iwanan mo ang iyong tagapagmana na mayaman ay mas mainam kaysa sa iwanan mo silang mahirap na namamalimos sa mga tao sa kanilang mga palad" (Al-Bukharie 2742).

    Pinahihintulutan na itagubilin ang lahat ng kayamanan kapalit ng ikatlong bahagi sa sinumang walang tagapagmana

    Ang hatol sa pagpatupad ng habilin

    Ang pagpatupad sa habilin ng namatay ay ubligado, magkasala ang pinagbilinan sa hindi pagpatupad nito kung nasunod ang mga kundisyon ng pagiging wasto nito, batay sa sinabi ng Allah: {Kaya ang sinumang nagpalit nito (Ang habilin) matapos na narinig ito, ang pagkakasala rito ay nasa mga nagpapalit nito lamang. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam} [Al-Baqarah: 181].

    Ang mana

    Pag namatay ang tao, hindi na siya ang nagmamay-ari ng kanyang mga kayamanan na kinita niya nong siya ay nabubuhay, at tunay na ipinag-utos ng islam sa atin ang paghahati sa mana at ipamahagi sa bawat my karapatan ang kanyang karapatan, at iyon ay pagkatapos mabayaran ang mga utang ng namatay, at maipatupad ang kanyang habilin.

    Sa katunayan ay ipinaliwanag sa atin ng Qur'ãn at Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ ang paraan ng paghahati sa mga mana, upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tagapagmana, At ang tagahatol sa pamana ay ang pinaka mahusay sa paghatol sa mga tagahatol, luwalhati sa kanya, kaya't hindi maaari sa isang tao na ibahin o palitan ito sa paniniwalang sumasalungat iyon sa kaugalian ng bayan at mga tao, at may sinabi ang Allah ukol diyan pagkatapos ng talata ng pamana: {Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang Sumunod sa Allāh at sa Sugo Niya ay ipapasok niya ito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan} [An-Nisã': 13].

    At ang mga anak ng namatay at ang mga kamag-anak nito ay dapat na tumungo sa mga maalam at mga hukom pagkatapos mamatay ang kanilang kaanak upang malaman nila ang paraan ng paghahati sa mana na naayun sa batas ng islam ng detalyado, at umiwas sa pagtatalo sa kayamanan at pag-aaway.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit