Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga tuntunin at mga Asal o ugali sa pagbabasa ng Qur'ãn

Ang banal na Qur'ãn ay salita ng Allah na kataas-taasan at kapitapitagan, at nararapat sa sinumang magbabasa nito na malaman ang mga alituntunin ng pagbabasa at mga magagandang asal nito. mapag-aralan mo sa aralin na ito ang ilan sa mga alituntunin at mga magagandang asal na ito.

Ang pag-alam sa mga alituntunin at mga magagandang asal sa pagbabasa ng banal na Qur'ãn.

Ang hatol sa pagsasaulo ng Qur'ãn

١
Ang pagsasaulo ng buong Banal na Qur’an sa pamamagitan ng puso ay isang obligasyon ng kasapatan sa pamayanan ayun sa pinagkasunduan ng mga pantas ng islam. Kung ang isang sapat na bilang ng mga Muslim ay gumawa nito, ang kasalanan ay mawawala sa iba.
٢
at Obligado sa lahat ng Muslim ang pagsasaulo ng anumang magpapawasto sa kanyang pagdarasal mula sa Qur'ãn at yon ay Ang (Surah) Al-fãtihah.
٣
At kaibig-ibig para sa isang muslim na magsaulo ng anumang madali sa kanya mula sa Qur'ãn at paramihin niya ito, dahil Sa pagsasaulo ng banal na Qur’an ay mayroong malaking kabutihan at dakilang gantimpala.

Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran nawa siya ng Allah- na Ang propeta ﷺ ay nagsabi: "Katulad ng isang taong nagbabasa ng Qur'an, at isinasaulo niya ito, makakasama niya ang mga marangal at matuwid na mga anghel". [Al-bukharie: 4397].

Ang hatol sa pagbabasa ng banal na Qur'ãn

kaibig-ibig sa isang muslim na magbasa ng banal na Qur'ãn at paramihin niya sa abot ng kanyang makakaya; sinabi ng kataas-taasan (Allah); {Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni Allāh, nagpanatili (sa pagtataguyod) ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila (ng Allah) nang palihim at hayagan Ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara} [Fãtir: 29].

Ang hatol sa pakikinig at pananahimik sa pagbabasa ng Qur'ãn

Obligado sa isang Muslim ang pakikinig at pananahimik sa pagbabasa ng Qur'ãn kapag ito ay sa mga Obligadong pagdarasal at sa khutba (sermon) sa biyernes batay sa sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Kapag binigkas ang Qur’ān ay makinig kayo roon at manahimik kayo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan} [Al-A'rãf: 204].

At kanais-nais ang pakikinig at pananahimik sa Qur'ãn bukod doon (sa dalawang sitwasyon na iyon) sa ibang lugar dahil sa kagandahang asal at panggalang sa salita ng Allah na kataas-taasan.

Ang hatol sa paggawa o pagsunod sa (mga napapaloob sa) banal na Qur'ãn

Obligado sa bawat isa ang paniniwala sa banal na Qur'ãn, paggawa sa mga alituntunin nito, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga ipinahintulot nito, at pagbabawal sa ipinagbabawal nito, at pagtigil sa mga gawain na ipinagbawal nito, at pagsunod sa mga ipinag-utos nito, at paggawa o pagsunod nito.

sinabi ng Allah na kataas-taasan: {Ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng Kasulatan ay bumibigkas nito nang totoong pagbigkas...} [Al-baqarah: 121], sinabi ni ibn mas-od at si ibn abbãs kaluguran nawa sila ng Allah: ipahintulot nila ang mga ipinahintulot nito at ipagbawal nila ang ipinagbawal nito, at huwag nila itong ibaluktot mula sa mga kinalalagyan nito. (ibn kathir 1/403).

isinalaysay ni Abdullah bin mas-od -kaluguran nawa siya ng Allah-, sinabi niya: "kami noon kapag pinag-aralan namin sa propeta ﷺ ang sampung talata mula sa Qur'ãn, hindi muna namin pinag-aaralan ang sampu pang sumunod na ibinaba hangga't di namin nalalaman kung ano ang napapaloob dito", Al-hãkim (2047), sa sinabi niya na: "anumang napapaloob dito" ibig sabihin: Anumang napapaloob dito na mga gawain batay sa ipinaliwanag ng isa sa mga nag-ulat ng hadith na ito.

Ang pagtiya-tiyaga sa pagbabasa ng Qur'ãn at hindi pag-iwan nito

Nararapat sa isang Muslim na huwag niyang hiwalayan ang Qur'ãn sa pamamagitan ng pagtiya-tiyaga sa pagbabasa nito, At dapat hindi lumipas sa kanya ang isang Araw maliban sa nakapagbasa siya ng kaunti sa Qur'ãn upang hindi niya ito makalimutan at hindi niya ito maisantabi, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Nagsabi ang Sugo: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi} [Al-Furqãn: 30].

Isinalaysay ni Abe Musa -kaluguran nawa siya ng Allah- tungkol sa Propeta -ﷺ- Nagsabi siya: "Magkaroon kayo ng kasunduan sa Qur-an (sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasaulo nito), Sumpa man sa kanya na may tangan ng aking kaluluwa, ito ay mas-madaling makawala kaysa sa kamelyo sa pagkakagapos nito". Al-bukharie (5033).

Ang mga magagandang asal sa pagbabasa ng banal na Qur'ãn

Ang pagbabasa ng Qur'ãn ay may mga mabuting ugali at asal na dapat isaalang-alang upang ang pagbabasa ay maging katanggap-tanggap (sa Allah) at magantimpalaan dito, at ilan sa mga mabuting asal na ito ay mangyayari bago ang pagbabasa, at ilan naman dito ay mangyayari sa sandaling nababasa na.

Ang mga mabubuting asal bago ang pagbabasa ng banal na Qur'ãn:

١
Ang maging tapat at dalisay (ang layunin) para sa Allah sa kanyang pagbabasa, Na ang kanyang layunin dito ay kaluguran ng Allah at ang kanyang gantimpala, batay sa sinabi ng kataas-taasan(Allah): {Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas (dalisay at tapat) sa Kanya sa relihiyon...} [Al-bayyinah: 5]. At ang ugaling ito kung paanong nararapat ito bago ang pagbabasa, ay nararapat din ito sa sandaling nagbabasa na.
٢
Ang maglinis mula sa dalawang hadath (ritwal na karumihan) ang malaki at ang maliit na hadath, batay sa sinabi Ng Kataas-taasan (Allah): {na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay (gayundin sa mga tao na nasa kalagayan ng Wudu)} [Al-wãqi'ah: 79].
٣
Ang magsiwak (sipilyo) kaya lilinisin niya ang kanyang bibig dahil yan ang daanan ng Qur'ãn. ayun sa isinalaysay ni Huzayfah -kaluguran nawa siya ng Allah- : 'na Ang Propeta -ﷺ- Kapag siya ay tumayo para sa pagdarasal sa gabi, nagsisipilyo siya sa bibig niya gamit ang Siwak". Al-bukharie (1136) at Muslim (255).
٤
Ang humarap sa qiblah kapag binibigkas ito dahil ito ang pinakamarangal na direksyon, ayun sa naiulat mula kay abi hurairah -kaluguran nawa siya ng Allah- na sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "tunay na ang lahat ng bagay ay my pinuno, At ang pinuno ng mga pagtitipon ay pagharap sa qiblah (direkyon ng Makkah)". At-tabrãnie (2354) Sa magandang paraan.
٥
Ang pag-isti'ãzah (pagpapakopkop sa Allah) batay sa sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {Kaya kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa} [An-nahl: 98]. (ito iyong pagsabi ng "A'uwzo billãhi minash-shaitani-r rajeem").
٦
Ang bigkasin ang "Bismillahi-r rahmãni-r raheem" (sa ngalan ng Allah, ang mahabagin, ang Pinakamaawain) kapag nag umpisa sa simula ng Surah, Isinalaysay ni Anas -kaluguran nawa siya ng Allah- sinabi niya: kasama namin ang Sugo ng Allah ﷺ isang araw sa pagitan namin nang bigla siyang pumikit saglit pagkatapos ay iniangat niya ang kanyang ulo na nakangiti, kaya sinabi namin: ano ang nagpapatawa sayo o Sugo ng Allah? sinabi niya: "Ibinaba sa akin kani-kanina lang ang isang Surah" at binasa niya ang: Bismillãhi-r Rahmãni-r Raheem {إنا أعطيناك الكوثر. فصل لربك وانحر. إن شانئك هو الأبتر} [Al-Kawthar: 1-3]. {Tunay na Kami ay nagbigay sa iyo ng Kawthar. Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay ka. Tunay na ang nasusuklam sa iyo ay siya ang lagot}. Muslim (400).

Ang mga mabuting Asal habang binabasa ang banal na Qur'ãn:

١
Ang bigkasin ng maayus at tama ang Qur'ãn kaya basahin ito ng mahinahon at dahan-dahan, batay sa sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {... at bumigkas ka ng Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas} [Al-Muzzammil: 4].
٢
Ang Basahin ang Qur'ãn ng may tajweed (ibigay sa bawat letra ang tamang tuno at bigkas nito), sa katunayan tinanung si Anas -kaluguran nawa siya ng Allah- tungkol sa kung paano ang paraan ng pagbabasa ng propeta ﷺ (sa Qur"ãn)? at sinabi niya: "ito ay isang kahabaan, pakatapos ay binasa niya ang Bismillãhi-r Rahmãni-r Raheem, pihaba niya ang Bismillãh, pinahaba niya ang Ar-rahmãn, at pinahaba niya ang Ar-Raheem". Al-bukharie (5046).
٣
Ang pagpapaganda ng tinig sa pagbabasa, batay sa Isinalaysay ni Al-barrã' bin 'ãzib -kaluguran nawa siya ng Allah sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Palamutihan ninyo ang Qur'an gamit ang inyong mga boses". Abu dãwod (1468).
٤
Ang humiling sa Allah pag nakabasa ng mga talatang tumutukoy sa habag ng Allah, pagpakupkop sa Allah pag nabasa ang mga talata na may pagtukoy sa kaparusahan ng Allah, luwalhatiin ang Allah sa talata na may tasbeeh (pagluwalhati), at magpatirapa kapag nakadaan sa talata na may pagpatirapa. At sa hadith ni huzayfah noong nagdarasal siya kasama ng Sugo ng Allah ﷺ sinabi niya: "... Pagkatapos ay nagsimula siya sa Āl `Imrān at binigkas niya ito. Binibigkas niya ito nang marahan. Kapag napadaan siya sa isang talatang may pagluluwalhati [kay Alla], nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may paghiling, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa [talatang] may pagpapakupkop [kay Allāh], nagpapakupkop siya ...", Muslim (772).
٥
Kanais-nais ang pagpatirapa pag napadaan sa pagpatirapa sa pagbabasa, isinalaysay ni "Ãisha -kaluguran nawa siya ng Allah- sinabi niya: Ang propeta ﷺ ay sinasabi niya sa pagpatirapa (sa pagbabasa) ng Qur'ãn sa gabi, sinasabi niya ng paulit-ulit sa pagpatirapa "SAJADA WAJHIYA LILLATHEE ‘KHALAQAHO WASHAQQA SAM’AHO WABASARAHO BI’HAWLIHI WA QUWWATIHI", Abu Dãwod (1414). (Isinubsob ko ang aking mukha, sa Kanya na naglikha dito at pagkalooban Niya ito ng pandinig at paningin mula sa Kanyang Lakas at Kapangyarihan).
٦
Ang panatilihin ang pagpakumbaba, kapanatagan at paggalang habang binabasa ito, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip} [Sãd: 29].

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit