Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Talambuhay ni propeta Muhammad ﷺ, (2)

Sa pamamagitan ng pagbaba ng kapahayagan sa propeta ﷺ ay nag-iba ang kanyang buhay, at nag-iba ang ibabaw ng lupa hanggang sa araw ng paghuhukom. Sa araling ito, matututuhan mo ang ilan sa kanyang talambuhay ﷺ, pagkatapos ng misyon (propesiya).

Ang pag-alam sa pinakamahalagang mga kaganapan sa tamabuhay ng propeta, Mula sa pag-Sugo sa propeta ﷺ hanggang sa kanyang pagpanaw.

Ang pag-Sugo (pagpapadala) sa kanya ﷺ sa mensahe ng Islam

Ang unang inumpisahan sa sugo ng Allah ﷺ sa propesiya ay ang Tunay na panaginip, at wala siyang nakikitang panaginip sa kanyang pagtulog maliban sa ito ay dumating ng tulad ng bukang-liwayway sa umaga, hanggang sa nanatili iyon ng anim na buwan, pagkatapos ay nag-umpisa na ang kapahayagan.

Noong malapit na ang edad ng propeta ﷺ sa apatnapu ay ipinamahal sa kanya ang pag-iisa, at Dati niyang ginugugol ang buwan ng Ramadan sa yungib ng Hira, Siya ay nag-iisa at inialay ang kanyang sarili - sumasamba - dito, At ang Propeta ﷺ, ay nanatili sa ganon sa loob ng tatlong taon Hanggang sa dumating sa kanya ang kapahayagan habang siya ay nasa isa sa kanyang mga lugar na pinanahanan.

Nang nakompleto na sa kanya ﷺ ang apatnapung taon ay sumikat sa kanya ang liwanag ng propesiya, at pinarangalan siya ng Allah sa kanyang mensahe, at Isinugo niya siya sa kanyang nilalang, at itinatangi niya siya sa kanyang karangalan, at ginawa niya siyang katiwala sa pagitan niya at ng kanyang mga alipin, kaya dumating sa kanya si anghel jibreel -sumakanyan ang kapayapaan- sa utos ng Allah, at isinugo siya ng Allah bilang habag sa sangkatauhan, at sa lahat ng tao na tagahatid ng kagalakan at tagababala.

Ang paanyaya ng propeta ﷺ sa Makkah al-mukarramah

Mula noong natanggap ng Propeta ﷺ ang utos ng kanyang Panginoon, Luwalhati sa Kanya- sa pagpaparating ng mensahe sa sinabi ng Allah: {O ikaw na nagtatalukbong, bumangon ka at magbabala ka} [Al-Muddaththir: 1-2], Agad niyang pinaanyayahan ang mga tao sa pagsamba sa Allah lamang, at sa pagyakap sa relihiyon na isinugo siya ng Allah sa pamamagitan nito.

Ang Lihim na paanyaya

Nag-umpisa ang propeta ﷺ sa pag-aanyaya sa islam ng palihim upang hindi magulat ang tao ng Makkah nang anumang kakainisan nila, kaya ginawa niyang i-alok ang Islam sa pinakamalapit sa kanya sa kanyang pamilya, at sa kanyang mga kaibigan, at ini-aalok din niya ito sa lahan ng sinumang may magandang pakikitungo sa kanya sa sinumang kilala niya sa kanila na may gusto ng katotohanan at kabutihan.

Ang Unang nag-islam

At ang unang nagmuslim kasama niya ay ang kanyang asawang si khadijah bint khuwailid -kaluguran siya ng Allah-, at ang kanyang kasamang si abu bakr As-siddiq -kaluguran siya ng Allah-, at ang kanyang pinsan na si Ali bin abi tãlib -kaluguran siya ng Allah-, at ang kanyang alipin na si zaid bin hãritha -kaluguran siya ng Allah-.

Ang paglantad sa pag-aanyaya

Pagkatapos ay dumating ang utos mula sa Allah upang ilantad ang pag-aanyaya: {Kaya maglantad ka sa anumang ipinag-uutos sa iyo...} [Al-hijr: 94], kaya't inilantad ng Sugo ng Allah ﷺ ang pag-aanyaya sa Islam at pinalitaw niya ang katotohanan tulad ng ipinag-utos sa kanya ng Allah.

Nang ilantad na ng Sugo ng Allah ﷺ ang pag-aanyaya ay sinalubong ng mga pinuno ng Quraysh ang kanyang paanyaya sa pamamagitan ng pagtalikod at pagpigil sa paanyaya sa iba't ibang paraan, Sa panunuya at pangungutya, Pang-aalipusta at pagpapasinungaling, upang pagtaksilan ang mga muslim, at pahinain ang kanilang kalooban, at upang baluktotin ang mga turo ng relihiyong islam, at pataasin ang mga pag-aalinlangan, at pagpapakalat ng mga kasinungalingan na mga sabisabi, at pagsuhol sa propeta ﷺ sa pag-iwan ng pag-aanyaya kapalit ng mga ilang pakinabang.

Ang paglikas patungo sa habashah (Ethiopia sa kasalukoyan)

Noong nakita ng mga mushrik (mga mapagtambal sa pagsamba sa Allah) na ang mga paraang (mga paraan ng pagpigil sa paanyaya) ito ay walang silbi, At Na ang propeta ﷺ ay patuloy sa kanyang panawagan, Nagpasya silang labanan ang Islam, at sinimulan nila sa pananakit sa propeta ﷺ, pagpapahirap at pag-uusig sa mga kasamahan niya na naniwala sa kanya, kaya't nang tumindi ang pamiminsala ng mga mushrik (polytheist), Inutosan ng propeta ﷺ ang kanyang mga kasamahan na lumikas patungo sa habashah (Ethiopia sa kasalukoyan), kaya lumikas ang maraming mga muslim mula sa kalalakihan at kababaihan sa ikalimang taon mula noong pag-Sugo.

Ang Isrãa' (ang paglalakbay sa gabi papunta sa Al-Quds sa palestine) at me'raaj (pag-akyat sa langit)

At habang ang Propeta ﷺ ay nasa yugtong ito Kung saan ang kanyang paanyaya ay nasa mahirap na landas sa pagitan ng tagumpay at pag-uusig, Naganap ang insidente ng Al-Israa (ang paglalakbay sa gabi papunta sa Al-Quds sa palestine) Wal-Mi'raj (pag-akyat sa langit), dumating ang insidenting ito para patatagin ang Sugo ng Allah ﷺ at parangal sa kanya sa likod ng mahabang mga taon na kanyang pag-aanyaya, at pagtitiis sa pamiminsala ng mg mushrik at pag-uusig nila, at ang kanilang pagtanggi at pagtalikod.

Ang pag-aanyaya sa labas ng Makkah

At nagsimula ang propeta sa pag-aalok ng islam sa labas ng makkah, kaya pumunta siya sa tãif, Nang makita niya sa kanila ang pagtanggi at pagtalikod! bumalik siya sa makkah at nag-umpisa siya sa pag-aalok ng islam sa mga tribo at indibidwal sa panahon ng hajj (peregrinasyon).

Ang dalawang (beses na) panunumpa ng katapatan sa 'Aqabah

Sa ikalabing isang taon ng pag-Sugo nakatagpo ng propeta ﷺ sa panahon (ng hajj) ang anim na katao mula sa Yathrib -na tinawag niya sa kalaunan na Al-madinah- at inialok niya sa kanila ang islam at ipinaliwanag niya sa kanya ang katotohanan nito, at inanyayahan niya sila sa Allah, at binasa sa kanila ang Qur'ãn, kaya nag-islam sila pagkatapos ay umuwi sila sa madinah at inanyayahan nila ang kanilang mamamayan, hanggang sa lumaganap ang islam sa kanila, pahkatapos ay naganap ang unang panunumpa ng katapatan sa pahahon ng ikalabing dalawang taon, nasundan ito ng ikalawang panunumpa ng katapatan sa panahon ng ikalabing tatlong taon, at iyon ay palihim, at nang matapos ay inutosan ng Sugo ng Allah ang mga kasama niyang mga muslim na lumikas patungo sa madinah, kaya lumabas sila at sumama sa mga taga madinah.

Ang propeta ﷺ sa Al-madinah al-munawwarah

Pagkatapos na makalikas ang lahat ng mga muslim mula sa makkah, lumabas ang Sugo ng Allah ﷺ at si abu bakr -kaluguran siya ng Allah- para lumikas patungo sa madinah, Ngunit tumungo sila sa kabilang direksyon upang linlangin sa kanilang mga ginagawa ang mga Quraysh, at bumaba sila sa yungib ng Thoor at nanatili sila rito ng tatlong araw, pagkatapos ay lumabas sila patungong madinah sa pamamagitan ng daanan na hindi nakasanayan ng mga tao na malapit sa dalampasigan ng Red Sea, At nang ang Propeta ﷺ at ang kanyang kasama ay nakarating sa paligid ng Madinah, ay sinalubong siya ng mga muslim Sa isang maringal na prusisyon na puno ng saya at kagalakan.

Ang unang gawain na ginawa ng Propeta ﷺ, nang siya ay dumating sa Madinah ay ang pagtatayo ng Al-masjid An-nabawi (Mosque ng Propeta). at pagkakapatiran sa pagitan ng Muhajirun (ang mga lumikas mula sa makkah) at Ansar (ang mga taga madinah), upang ilatag sa pamamagitan niyaon ang mga pundasyon ng bagong lipunang Islam.

Matapos ang paglikas sa Madinah, ang mga batas ng Islam ay patuloy na bumaba, Gaya ng zakat (kawanggawa), pag-aayuno, Hajj (perigrinasyon), jihad (pakikipaglaban sa landas ng Allah), Azãn (ang tawag sa pagdarasal), at Pag-uutos ng Mabuti at Pagbabawal sa Kasamaan, at iba pa doon na mga batas ng Islam.

Ang kanyang mga digmaan ﷺ

Ibinaba ng Allah ang (kapahayagan ng) pagpapahintulot sa pakikipaglaban sa mga muslim, Upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at ang kanilang bansa, At makapagpatuloy sila sa pagpapalaganap ng walang hanggang mensahe ng Islam, Sinabi ng Allah: {Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan...} [Al-Hajj: 39], at ito ang unang talatang ibinaba sa pagpapahintulot sa pakikipaglaban, at sa katunayan nakipagdima ang Sugo ng Allah ng dalawampu't pitong digmaan, at nagpadala siya ng limampu't anim na kumpanya (ng mga kawal sa iba't ibang lugar).

Ang pinakamahalagang mga kaganapan na nangyari pagkatapos ng paglikas

Ang sumusunod ay isang maikling pagtatanghal ng pinakamahalagang pangyayari na naganap pagkatapos ng paglikas ng Propeta sa Madinah

Ang unang taon sa paglikas:

١
Ang paglikas
٢
Pagtatayo ng Mosque ng Propeta
٣
Paglalatag ng mga pundasyon ng unang bansang Islam

Ikalawang taon sa paglikas

Pag-Oobliga ng zakãt (kawang gawa), pag-aayuno, at Ang Dakilang Labanan ng Badr, at dito pinalakas ng Allah ang mga mananampalataya, at tinulungan sila laban sa mga walang pananampalatayang Quraysh.

Ikatlong taon sa paglikas

Ang labanan (digmaan) sa uhod, at dito naganap ang pagkatalo dahil sa pagsalungat sa mga payo ng propeta ﷺ sa pamamagitan ng pagbaba mula sa bundok ng mga mamamana, upang maglikom ng mga ganima (mga naiwang kagamitan ng mga kalaban).

Ikaapat na taon sa paglikas

Ang digmaan laban sa Bani An-nadir, at dito pinatalsik ng Sugo ng Allah ﷺ ang mga hudyo ng bani An-nadir mula sa madinah dahil sinira nila ang kasunduan sa pagitan nila at ng mga muslim.

Ikalimang taon sa paglikas

Ang digmaan laban sa Bani Al-mushtaliq at ang digmaan ng Al-Ahzãb at ang digmaan laban sa Bani Qurayzah.

Ikaanim na taon sa paglikas

Ang pakikipagkasunduan sa hudaybiyyah sa pagitan ng mga muslim at nang Quraysh

Ikapitong taon sa paglikas

Ang digmaan sa khaybar, at sa taong ito pumasok ang Sugo ng Allah ﷺ at ang mga muslim sa Makkah at nag-Umrah sila ng pambayad na Umrah. (kailangan nila magbayad ng Umrah dahil hindi natuloy ang unang pag-Umrah nila dahil pinigilan sila ng mg Quraysh).

Ikawalong taon sa paglikas

Ang digmaan sa Mu'tah sa pagitan ng mga muslim at mga romano, at pagsakop sa makkah, at digmaan sa hunayn laban sa mga tribong Hawazin at Thaqeef.

Ikasiyam na taon sa paglikas

Ang digmaan sa tabuk, at ito ang pinakahuling pakikipagdigma ng propeta ﷺ, at sa taon ding ito dumating ang mga delegasyon sa Sugo ng Allah ﷺ at pumasok ang mga tao sa relihiyon ng Allah ng pangkat-pangkat, at tinawag ang taon na ito na taon ng delegasyon.

Ikasampung taon sa paglikas

Ang hajj (peregrinasyon) ng pamamaalam, at naghajj kasama ng propeta ﷺ ang mahigit sandaan libong mga muslim.

Ang kanyang pagpanaw ﷺ

At nang nakompleto na ang paanyaya (panawagan sa islam), at lumaganap na ang islam sa palibot ng Arabian Peninsula, at pumasok ang mga tao sa relihiyon ng Allah nang pangkat-pangkat, at lumitaw na ang mga balita sa paglaganap nito sa buong mundo, at nangibabaw na sa lahat ng relihiyon, naramdaman ng Sugo ng Allah ﷺ na malapit na ang kanyang Oras (ng pagpanaw), siya ay naghanda sa pagharap sa kanyang panginoon, at lumilitaw mula sa kanya ﷺ ang ilang mga salita at mga gawa na nagpapahiwatig ng kanyang nalalapit na paglisan sa nabubulok na mundong ito.

At sa ikalabing isang taon sa paglikas: Pumanaw ang Sugo ng Allah ﷺ at iyon ay naganap sa araw ng Lunes, ikalabing dalawa sa buwan ng Rabi' Al-Awwal.

Namatay siya ﷺ sa edad na animnapu't tatlong taon, kasama rito ang Apatnapung taon bago ang propesiya, at Dalawampu't tatlong taon na propeta at Sugo. kasama dito ang labing tatlong taon sa makkah, at sampung taon sa Madinah.

Namatay siya ﷺ ngunit ang kanyang relihiyon ay nananatili; namatay siya na walang iniwan na mabuti maliban sa itinuro niya ito sa kanyang mamamayan, at walang masama maliban sa binalaan niya sila rito, At ang mabuti na itinuro niya ay ang Tawheed (monoteismo- pagbubukod tangi sa Allah sa pagsamba) at lahat ng kaibig-ibig sa Allah at ikalulugod niya, At ang kasamaan na kanyang binalaan (pinaiwasan) ay ang Shirk (politeismo- pagtatambal sa Allah) at lahat ng kinasusuklaman at tinatanggihan ng Allah.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit