Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang epidemya ay aral at payo

Sa pagbaba ng mga sakit at mga epidemya ay may maraming mga aral at mga payo na walang nakakapansin maliban sa sinumang liniwanagan ng Allah ang kanyang paningin (kaalaman) mula sa mga mananampalataya. malalaman mo sa araling ito ang ilan sa mga payo na ito na magpapatibay sa pananampalataya ng mga mananampalataya.

Pag-alam sa anumang mga aral at mga payo ang mayroon sa mga epidemya na magpapalapit (o magpapa-ugnay) ng mga puso sa Allah na kataas-taasan.

Ang pagkakaroon ng mga epidemya ay isa sa mga kakayahan (itinakda) ng Allah na bumababa sa mga tao, Muslim at di-Muslim. Ngunit ang kalagayan ng isang Muslim na may paghihirap ay hindi katulad ng sa iba. at pinakikitungoan niya ito sa kung ano ang ipinag-utos sa kanya ng kanyang Panginoon na maging matiyaga at magsagawa ng mga lehitimong dahilan upang maitaboy ito bago ito mangyari at maghahanap ng lunas nito kung ito ay dumapo sa kanya.

{Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga ...} [Al-An'ãm: 91]:

Sa paglaganap ng epidemya dahil sa mahinang nilalang na hindi nakikita maliban sa pamamagitan ng mikroskopyo, At pagdudulot ng gulat at takot sa mga kaluluwa -katulad ng mga sakit na dala ng Covid- Ay isang patunay sa kadakilaan ng Kanyang (Allah) kapangyarihan, at kahinaan ng mga nilalang kahit Gaano man sila ka-advance at kung anong teknolohiya ang mayroon sila, at Hindi sila makakalampas sa guhit ng kahinaan at kawalan ng kakayahan ng tao. at isang patunay na ang Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan ang siyang nagtataglay ng lakas na pinakamatibay, Na hindi nawawalan ng kakayahan sa lupa at sa langit.

Ang pagtakda at tadhana ay totoo

Samakatuwid anumang naisin ng Allah ay mangyayari, at anuman ang hindi niya nais ay hindi mangyari, at isa na doon ang mga kalamidad at epidemya, batay sa sinabi Niya na kataas-taasan (Allah): {Walang tumamang anumang kasawian sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon sa Allāh ay madali} [Al-Hadīd: 22].

At Naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng bagay sa sansinukob ay itinakda at isinulat ng Allah bago Niya nilikha ang nilalang, at Ang paniniwalang ito ay nagbibigay sa kanila ng katiyakan at katatagan kapag sila ay natatakot, Tinatanggap nila ang itinakda ng Allah nang may bukas na puso.

Ang pagkatuto at pagsasaalang-alang:

Kabilang sa mga kabiguan kapag dumating ang sakuna, ay ang pagkaabala ng mga tao sa pagpapalaganap ng mga balita nang walang pag-iisip at pagsasaalang-alang; Ang pagsasaalang-alang at pagkatuto mula sa pagkalat ng epidemya at ang paglitaw ng paghihirap ay isang napag-iwanan na Sunnah at isang dakilang pagsamba, nabanggit sa (aklat na) "hilyatul awliyã'" ayun kay Abi ad-dardã' -kaluguran siya ng Allah-: "Ang isang oras na pagmumuni-muni ay mas mainam sa pagdarasal sa gabi".

Ang mga kalamida at kahirapan sa Muslim ay sa mg Kalagayan ng:

١
Pagpapatawad sa mga kamalian at pag-angat sa mga antas: at kailangan dito ng tao ang pananampalataya, katiyakan, pasensya, at katatagan.
٢
Paalaala; at kailangan dito ng Muslim ang Pagmulat mula sa pagkalimot, paggagala at pagkalayo mula sa Allah.
٣
Parusa: kaya kailangan sa pagkakataon na ito ang pagbabalik-loob, pagpapakumbaba at pagpaparami sa mga gawaing pagsunod (sa Allah).

Ang Pagpapakumbaba at pagpapasakop sa Allah na Makapangyarihan sa lahat sa pagsusumamo:

Kabilang sa mga dakilang gawaing pagsamba kapag dumating ang mga kalamidad: Ang pagsambang pagpapakumbaba, pagiging masunurin, at pagpapasakop sa Allah na Makapangyarihan sa lahat, At pagsambang paghingi ng tulong, at paghingi na maalis ang kagipitan at kahirapan mula sa Allah na nag-iisa, sinabi ng Allah: {At nang ang Aming kaparusahan ay sumapit na sa kanila, dapat sana sila ay nagpakumbaba, Subalit tumigas ang mga puso nila at ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang dati nilang ginagawa} [Al-An'ãm: 43], At ang taimtim na pagsusumamo ay nagbubukas ng mga pintuan ng langit, At tumagos sa mga harang, at natitiklop ang mga distansya, At mapalapit sa (Allah na) Pinakamaawain {At Kapag nagtanong sa iyo ang aking mga alipin tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin...} [Al-Baqarah: 186], sinabi ni wahab bin munabbih -kaawaan siya ng Allah-: "bumababa ang mga kahirapan (pagsubok) upang mailabas ang panalangin".

Sinabi ni ibn kathir -kaawaan siya ng Allah- : "{At nang Ang aming kaparusahan ay sumapit sa kanila dapat sana ay nagpapakumbaba sila...}; ibig sabihin: hindi ba't kapag sinubukan Namin sila sa pamamagitan nito, magmamakaawa ba sila para sa amin at kumapit nang mahigpit sa amin?, {...Subalit tumigas ang kanilang mga puso...}; ibig sabhin: hindi sumuko at hindi nagpakumbaba, {... at ipinang-akit sa kanila ng demonyo (satanas) ang dati nilang ginagawa}; ibig sabihin: mula sa pagtatambal (sa Allah) at mga kasalanan".

{dahil sa nakamit ng inyong mga kamay}:

Isa sa pinakadakilang pagkalinlang, at pagkaligtas mula sa mga balak ng Allah na kataas-taasan. ay ang paniniwala natin na tayo ay ligtas mula sa mga kalamidad at mga sakit na iyon, at ang huling naiisip natin ay pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng kahirapan (mga pagsubok) at mga kasalanan, samantalang kasama ito sa mga kakompletuhan ng Qur'ãn kung saan napatunayan sa higit sa isang talata, sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Noon bang may tumama sa inyo na isang kasawian (pagkatalo sa kanila sa digmaan sa uhod kung saan may naShaheed na mahigit kumulang pitumpu) gayong nakatama na kayo ng dalawang tulad nito (sa digmaan sa bad'r, nakapatay kayo ng pitumpu sa mga pinuno nila at nakabihag kayo ng pitumpu) ay nagsabi kayo: "Mula saan ito?" Sabihin mo: "Ito ay mula sa inyong mga sarili (dahil sa mga kasalanan ninyo)."} 'Ãl 'Imraan: 165], At sinabi Niya (Allah): {Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami} [Ash-Shūra: 30].

{Ang Allāh ay Mabait sa mga alipin Niya...} [Ash-Shūra: 19]:

Kapag dumating ang sakuna at kasunod ang mga krisis, mangingibabaw ang kagandahang-loob ng Allah sa mga taong mananampalataya, sa pamamagitan ng pagpapagaan sa kanila, pangangalaga sa kanila mula sa masama, pagpapaiwas sa kanila sa anumang tumama sa iba sa kanila, at paggabay sa kanila upang maging matiyaga at makontento sa mga itinakda ng Allah sa panahon ng kahirapan, At kung hindi dahil sa kagandahang-loob ng Makapangyarihang Allah, ang mga puso ay mapupuno ng kalungkutan, pangamba at takot.

Sinabi ni As-sa'di -kaawaan siya ng Allah- sa pagpapaliwanag sa talatang: {Tunay na ang aking Panginoon ay Mabait sa sinumang nais Niya} [Yūsuf: 100]: Inihahatid Niya ang Kanyang kabaitan at kabutihan sa alipin (tao) kung saan hindi niya nararamdaman, At akayin siya sa matataas na tahanan mula sa mga bagay na kinasusuklaman niya".

Ang pagtitiwala sa Allah na Makapangyarihan sa lahat:

Ang pagtitiwala sa Allah at ang mabuting pag-asa sa Kanya ay isa sa mga pinakadakilang paraan upang malampasan ang mga pagsubok at paghihirap, kaya maging sigurado ka sa malapit na kaluwagan, at ipalaganap mo sa sinumang nasa iyong paligid ang magandang hinala (optimismo), at iwasan ang pag-aalala at ang masamang hinala (pesimismo), at hindi mananaig ang isang mahirap sa dalawang madali {Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa, Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa} [Ash-Sharh: 5-6].

{O kayong mga sumampalataya, magsipag-ingat kayo} [An-Nisã': 71]

Isa sa mga kalikasan na inilagay ng Allah sa sansinukob ay ang paghahanap ng mga posibleng lehitimong materyal na mga dahilan mula sa mga dahilan ng pagtaboy ng mga masasama, at yan ang kinuha ng mga Sugo at ang mga matutuwid, Ito ay bahagi ng ganap na pag-asa sa Allah at ang pagsasakatuparan ng pagkaalipin sa kanya.

Ang katotohanan ng pagtitiwala (pag-asa sa Allah) ay: Ang pag-asa ng puso sa Allah nang may kalakip na paghahanap ng dahilan, dahil Ang pag-asa sa Allah at pagtalikod sa mga dahilan ay isang insulto sa Sharia (islam) at kawalan ng katuwiran, at ang pagtitiwala lamang sa mga dahilan nang walang pag-asa ang puso sa Allah Ay labag sa tawheed (monoteismo O pagbubukod tangi sa Allah), at pagtatambal ito (sa Allah) sa mga dahilan.

{... ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang na (pansamantalang) kasiyahan...} [Ghāfir: 39]:

Isang nakatagong nilalang na nakapiring sa (mga mata ng) mga tao sa mundong ito Ay ang kanilang kaligayahan, kasiyahan, seguridad, katahimikan at kabuhayan, Naaangkop ba para sa isang matino na tao, lalo na sa isang mananampalataya, na kunin ito bilang tahanan at tuloyan na payapa siya dito, pagpapatayan at makipagkumpitensya para sa mga nabubulok dito?!

{...at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay mga mananampalataya} [Āl-‘Imrān: 175]:

Walang alinlangan na ang mga virus na ito ay kabilang sa mga unibersal na palatandaan ng Allah kung saan tinatakot ng Allah dito ang Kanyang mga alipin, at tinutulak Niya sila sa pamamagitan nito sa pagkatuto at pagsasaalang-alang, at pagbuhay sa pagsambang pagkatakot sa Allah, sinabi ng Allah: {at Hindi Kami nagsusugo ng mga tanda kundi bilang pagpapangamba} [Al-Isrā’: 59].

Muling pagbuhay sa pagsambang pagkatakot sa mga palatandaan ng Allah:

Isa sa mga patnubay ng propeta ﷺ Ang pagkatakot sa mga palatandaan ng Allah, batay sa salaysay ni anas -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "kapag umihip ang malakas na hangin ay nalalaman iyon sa mukha ng Propeta ﷺ", (Al-bukharie 1034).

{Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain o paghahanap buhay] ay tumindig ka [sa pagsamba sa Allah]} [Ash-Sharh: 7]:

Ang oras ay puhunan ng isang Muslim sa mundong ito, at Ito ay mas mahalaga kaysa sa pera at mas mahal kaysa sa anumang presyo; iniulat ni ibn abbãs -kaluguran silang dalawa ng Allah- isinalaysay ng propeta ﷺ na sinabi niya: "Dalawang biyaya na lugi dito ang maraming tao: Ang Kalusugan at ang bakanting Oras". (Al-bukharie 6412).

kaya ang matinong tao ay laging sinasamantala ang kanyang Oras, at Ito ay natitiyak sa panahon ng krisis at kahirapan, kaya Ginugugol niya ang kanyang oras sa lahat ng bagay na naglalapit sa kanya sa Allah na Makapangyarihan sa lahat, sinabi ni ibn al-Qayyim -kaawaan siya ng Allah-: "Ang pag-aaksaya ng oras ay mas masahol pa sa kamatayan; Dahil ang pag-aaksaya ng oras ay humihiwalay sa iyo sa Allah at sa kabilang buhay, samantalang ang kamatayan ay maghihiwalay sa iyo sa mundo at sa mga tao nito...".

Sa sinabi ng Allah na kataas-taasan: {Kapag natapos ka (sa mga gawain O paghahanap buhay) ay punoan mo (nang pagsamba sa Allah ang iyong Oras)} [Ash-Sharh: 7], Isang solusyon sa problema ng kawalan ng ginagawa na Umabala sa mundo, dahil hindi nito iniwan ang Muslim na may bakante sa kanyang panahon; Dahil maaaring dahil sa makamundong gawain O gawain para sa kabilang buhay".

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit