Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Paano pumapasok ang isang tao sa Islam?

Katotohanan, ang sandali ng pagpasok ng isang tao sa Islam ay ang pinakadakila sa mga sandali ng kanyang buhay, at ito ang kanyang tunay na kapanganakan, na kung saan ay nalaman pagkatapos nito ang dahilan ng kanyang pag-iral sa buhay na ito. Ang araling ito ay tumatalakay sa kung ano ang kailangan ng isang tao upang maging Muslim at makapasok sa dakilang relihiyong ito.

  • Ang pag-alam sa paraan kung paano makapasok sa islam.
  • Ang pag-alam sa kahalagahan ng pagbabalik-loob at mga kadahilanan ng katatagan dito.
  • Makakapasok ang isang tao sa Islam kapag binigkas niya ang Shahadatain (dalawang patotoo), na may kaalaman sa kahulugan nito, naniniwala dito at sunud-sunuran sa mga pahiwatig nito.

    Ang Shahadatain (dalawang patotoo):

    ١
    Sumasaksi ako na walang diyos maliban sa Allah (ibig sabihin, sumasaksi ako at naniniwala na walang sinasamba na tunay maliban sa Allah, kaya sumasamba ako sa Kanya lamang nang walang katambal).
    ٢
    At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah (ibig sabihin, sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ng Allah sa lahat ng tao, sumusunod sa kanyang mga utos at umiiwas sa kanyang mga ipinagbabawal, at na sambahin ko ang Allah ayon sa kanyang batas at pamamaraan).

    Ang pagpapaligo ng bagong Muslim:

    Katotohanan, ang sandali ng pagpasok ng isang tao sa Islam ang siyang pinakadakila sa mga sandali ng kanyang buhay, at ito ang tunay ng kanyang kapanganakan na kung saan ay nalaman pagkatapos nito ang dahilan ng kanyang pag-iral sa buhay na ito, at itinatagubilin kaalinsabay ng kanyang pagpasok sa relihiyon ang maligo siya at i-circulate ang kanyang katawan ng tubig, kung paanong nililinis niya ang kanyang loob mula sa politeismo (pagtatambal sa Kaisahan ng Allah) at mga kasalanan, kanais-nais para sa kanya na linisin ang kanyang panlabas sa pamamagitan ng pagligo ng tubig.

    At sa katunayan, ipinag-utos ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, sa isa sa mga Sahabah (kasamahan), at siya ay isa sa mga pinuno ng mga Arabo - nang nais niyang pumasok sa Islam na maligo. (Al-Baihaqi: 837).

    Ang pagsisisi

    Ang pagsisisi, ito ay ang panunumbalik at pagbabalik sa Allah, kaya't lahat ng sinumang tinalikuran ang kanyang pagsuway at kawalan ng pananampalataya niya at bumalik sa Allah nang tapat mula sa kanyang puso ay tunay na nagsisi sa Allah.

    Ang mga kundisyon para maging wasto ang pagsisisi (pagbabalik loob):

    ١
    Ang pagkalas mula sa pagsuway: sapagka't hindi wasto ang pagsisisi mula sa pagsuway habang patuloy na ginagawa ito sa sandali ng pagsisisi, samantalang kung inulit ang kasalanan pagkatapos ng tamang pagsisisi, sa gayon ay hindi mawawalan ng bisa ang kanyang naunang pagsisisi, ngunit kailangan niya ng bagong pagsisisi, at gayon nga.
    ٢
    ِAng panghihinayang sa mga nakaraang kasalanan at pagsuway: At hindi nailalarawan ang pagsisisi maliban mula sa isang taong nalulungkot at humingi ng kapatawaran sa mga pagsuway na kanyang nagawa, at hindi maituturing na nanghihinayang ang sinumang nagsasalita tungkol sa kanyang mga nakaraang pagsuway, ipinagmamalaki at ipinagmamayabang ito, at dahil dito ay sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: Ang panghihinayang ay pagsisisi. (Ibn Majah: 4252).
    ٣
    Ang matatag na pagpapasiya na hindi bumalik: Kaya hindi wasto ang pagsisisi mula sa isang alipin na nagnanais na bumalik sa kasalanan pagkatapos ng pagsisisi.
    ٤
    Ang pagbalik (o pagsauli) sa mga nakuha sa pandaraya sa mga tunay na nagmamay-ari nito, kung ang kasalanan ay may kinalaman sa mga karapatan ng tao.

    Ang mga hakbang upang makamit ang determinasyon sa pagsisisi

    ١
    Na mangako siya sa kanyang sarili na hindi na siya babalik sa anumang nakaraan niya sa isang kisap-mata, anuman ang maging mga pangyayari at mga kahihinatnan, sa katunayan sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: “Tatlong mayroon sa loob ng isang tao na masusumpungan ang tamis ng pananampalataya.” At binanggit niya ang isa rito: “At ang kamuhian niya na bumalik sa kawalan ng pananampalataya pagkatapos na iligtas siya ng Allah mula rito, tulad ng pagkamuhi niya na itapon siya sa Apoy.“ (Al-Bukhari: 21 - Muslim: 43).
    ٢
    Ang paglayo sa mga tao at mga lugar na nagpapahina sa kanyang pananampalataya at nag-uudyok sa kanya sa pagsuway.
    ٣
    Ang magparami ng pagsusumamo sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan para sa katatagan sa kanyang relihiyon hanggang kamatayan, sa anumang dyalogo at anumang wika, at ang ilan dito ay ang nakasaad sa Quran at Sunnah: {Panginoon namin! Huwag Mong ilihis ang aming mga puso pagkatapos Mo kaming gabayan}. (Al-Imran: 08). "O Tagapagpaikot ng mga puso, patatagin Mo ang aming mga puso sa Iyong relihiyon." (At-Tirmidhi: 2140).

    Ano pagkatapos ng pagsisisi?

    Kapag nagsisi ang isang tao at nagbalik-loob, sa gayon ang Allah na Kapita-pitagan at Kataas-taasan ay tunay na nagpapatawad ng lahat ng mga kasalanan, gaano man kalaki at kadakila ang mga ito, sapagka't ang Kanyang Habag, luwalhati sa Kanya ay nasaklawan ang lahat ng bagay, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Sabihin mo: O Aking mga alipin na nagmalabis sa kanilang mga sarili! Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Habag ng Allah. Katotohanan, ang Allah ay nagpapatawad ng mga kasalanan lahat. Tunay ngang Siya, Siya ang Mapagpatawad, ang Maawain}. (Az-Zumar: 53).

    Kaya lalabas ang isang Muslim pagkatapos ng taos-puso at wastong pagsisisi, at wala siyang kasalanan, bagkus tunay na ang Allah na Kataas-taasan ay ginagantimpalaan ang mga taong tapat, sumusunod nang may kapakumbabaan, nagsisisi ng tunay na pagsisisi ng malaking kalamangan: Kaya papalitan Niya ang kanilang mga masasamang gawa ng mga mabubuting gawa, tulad ng sinabi Niya na Maluwalhati at Kataas-taasan: {Maliban sa sinumang nagsisi at naniwala at gumawa ng mabuting gawa, sa mga iyon ay papalitan ng Allah ang kanilang mga masasamang gawa ng mga mabubuting gawa. At ang Allah ay lagi nang Mapagpatawad, Maawain}. (Al-Furqan: 70).

    At sinuman ang nasa ganitong kalagayan, mas mabuti para sa kanya na ingatan ang pagsisisi na iyon at pagsumikapan ang pinakamahalaga at pinakamamahal upang hindi siya mahulog sa mga bitag ni Satanas na humahantong sa pagbabalik sa dati niyang nakagawian.

    Ang katamisan ng pananampalataya

    Ang sinumang ang pagmamahal sa Allah at sa Kanyang Sugo ay naging pinakadakilang pagmamahal para sa kanya, at minamahal niya ang iba ayon sa kanilang pagiging malapit sa Allah at sa kawastuhan ng kanilang relihiyon at kanilang pagka-muslim, at kinasusuklaman niya ang pagbabalik sa kung ano siya dati sa kawalan ng pananampalataya, sa politeismo at pagkaligaw, tulad ng pagkamuhi niya na masunog sa apoy, sa ganoong sandali ay masusumpungan niya ang katamisan at lasa ng pananampalataya sa kanyang puso, dahil sa kung ano ang nakita niyang kapanatagan sa Allah, katahimikan at kaligayahan sa batas ng Allah at sa pagpapala Niya sa kanya sa pamamagitan ng patnubay, tulad ng sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: “Tatlo ang sinumang mayroon nito ay masusumpungan ang tamis ng pananampalataya: Na ang Allah at ang Kanyang Sugo ay higit na mahal sa kanya kaysa anupaman bukod sa kanilang dalawa, at ang mahalin niya ang isang tao, hindi niya minamahal ito maliban para sa Allah, at na kamuhian niya na bumalik sa kawalan ng pananampalataya matapos siyang iligtas ng Allah mula rito, tulad ng pagkamuhi niya na itapon sa apoy.” (Al-Bukhari: 21 - Muslim: 43).

    Ang pananatili sa relihiyon at pagiging matiyaga sa anumang makapinsala dito:

    Kaya ang sinumang nagmamay-ari ng isang mahalagang kayamanan ay masigasig na mapanatili ito mula sa mga kamay ng mga nang-aabuso at mga magnanakaw, at protektahan ito mula sa lahat ng makakaapekto dito. At ang Islam ang pinakadakilang regalo sa lahat ng sangkatauhan, at ito ay hindi isang intelektwal na oryentasyon lamang o isang libangan na ginagawa ng isang tao kung kailan niya gusto, bagkus ito ay isang relihiyon na namamahala sa kanyang buong buhay kalakip ang mga galaw at mga panahimik nito, at dahil dito ay sinabi ng Allah na Mapalad at Kataas-taasan, sa Kanyang Sugo, na nag-uutos sa kanya na humawak nang mahigpit sa Islam at sa Qur’an, at huwag makipagkompromiso sa bagay na iyon, sapagka't siya ay nasa matuwid na landas: {Kaya’t panghawakan mo nang mahigpit yaong ipinahayag sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa matuwid na landas}. (Az-Zukhruf: 43).

    At dapat ay hindi nalulungkot ang isang Muslim na siya ay nahaharap sa ilang kalamidad pagkatapos ng pagyakap niya sa Islam, sapagka't ito ang kaparaanan ng Allah sa pagdatal ng kalamidad, at sino sila na mas mabuti kaysa sa atin na dinapuan ng pinakamatinding kalamidad, sila ay nagtitiis at nakipaglaban, at nandiyan ang mga propeta ng Allah na isinalaysay ng Allah ang kanilang mga kuwento, at kung paano dumating sa kanila ang mga uri ng kalamidad mula sa mga malapit na kamag-anak bago ang mga malayo? Subali't hindi sila nanghina sa anumang tumama sa kanila sa landas ng Allah, at hindi sila nagpalit at hindi nagbago. Samakatuwid ito ay isang pagsubok mula sa Allah ng katapatan ng iyong pananampalataya at lakas ng iyong pananalig, kaya maging katapat sa antas ng pagsubok na ito, at humawak nang mahigpit sa relihiyon na ito, at magsumamo sa Allah, tulad ng nakagawian ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, na madalas sa pagsusumamo ayon sa kanyang sinabi: O nagpapaikot ng mga puso! Patatagin ang aking puso sa iyong relihiyon. (At-Tirmidhi: 2140).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit