Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang kompanya

Aalamin natin sa aralin na ito ang konsepto ng Kompanya, at anumang kaugnay nito na mga alituntunin sa islamikong batas.

  • Pag-alam sa tinutukoy sa Kompanya sa batas ng Islam.
  • Pag-alam sa mga Uri ng Kompanya.
  • Pag-alam sa mga Uri ng Kasunduan (sa pera).
  • Pag-alam sa ilang mga alituntunin o hatol sa Kompanya.

Ang kahulugan ng Kompanya

Ito ay isang pagtitipon sa karapatan o pamamahala, sa pagitan ng dalawa o higit pa: Unang halimbawa: Na magsasama ang dalawa sa isang mana o handog, Ikalawang halimbawa: Na magsasama silang dalawa sa pagbibenta at pagbili.

Ang hatol sa kompanya

Ang Kompanya ay pinahihintulutan; sapagkat ang pangunahing hatol sa mga transaksyon ay pagpapahintulot. at tunay na pinahihintulutan ito ng Allah bilang pagpapadali sa mga alipin (mga tao) sa pagkamit ng mga biyaya, at pwedeng magsama ang muslim at iba, kaya pinahihintulutan na makasama ang di-muslim sa kundisyon na hindi lang siya ang mamahala na hindi kasama ang muslim.

Ang layunin sa pag-uutos (o sa pagiging legal) sa kompanya

Nangangailangan ang tao sa pagpapalago ng kanyang kayamanan o pera, at maaaring hindi niya iyon kayang gawin na mag-isa; pwedeng dahil sa kawalan ng kakayahan at karanasan, o dahil sa hindi sapat ang kanyang kapital. gayundin na ang lipunan ay nangangailangan ng mga malalaking proyekto, na bihira lang makahanap ng isang tao na kayang gawin ang alin man dito ng siya lang mag-isa, At ang kompanya ay padadaliin ang lahat ng iyon.

Mga Uri ng Kompanya

١
Kompanya ng mga pag-aari. (pagkasosyo sa mga ari-arian)
٢
Kompanya ng mga kasunduan.

Ang Kompanya ng mga pag-aari (pagsasama sa mga ari-arian) ay may dalawang uri:

١
Ang kompanya ng pagpili (malayang magdisisyon kung sasali o hindi).
٢
Ang kompanya na sapilitan (walang pagpipilian).

Kompanya ng pagpili (malayang pumili ang tao kung sasali o hindi)

Ito ay binubuo ng dalawang magkasosyo, katulad halimbawa Na bumili silang dalawa ng isang real state, kaya maging magkasama o magkasosyo sila sa pamamagitan ng kompanya ng ari-arian.

Kompanya na sapilitan

Ito ay mangyayari sa pagitan ng dalawang tao o higit pa ng hindi nila ginagawa o ginusto, halimbawa may namanang isang bagay ang dalawang tao, sa pamamagitan nito ang kanilang minana ay nagkasama sila sa isang pag-aari.

Pamamahala ng mga kasosyo sa kompanya ng mga ari-arian

Ang bawat isa sa dalawang magkasosyo ay katulad ng isang dayohan sa bahagi ng kanyang kasama, kaya hindi niya ito pwedeng pamahalaan ng wala ang kanyang pahintulot, Kung pamahalaan niya ay gagawin lamang niya ito sa kanyang bahagi, maliban na pinahintulutan siya ng kanyang kasosyo, sa gayun ay gagawin niya ito sa lahat.

Kompanya ng mga kasunduan

Ito ay ang pagsamasama sa pamamahala; gaya ng pagsamasama sa pagbenta, pagbili, pagrenta o upa at iba pa.

Mga uri ng Kompanya ng mga kasunduan

١
Kompanyang Al-Mudarabah.
٢
Kompanyang Al-wojõh.
٣
Kompanyang Al-"Inãn.
٤
Kompanyang Al-Abdãn.
٥
Kompanyang Al-Mufãwadah

Ang Kompanyang Al-Mudãrabah

Ito ay ang magbigay ang isa sa dalawang magkasosyo ng pera sa kanyang kasama, at ipagninegosyo nila ang isang tukoy na bahagi nito na kukunin mula sa kinita; halimbawa ang 1/4 o 1/3 at katulad nito, at ang matitira ay makukuha ulit ng may-ari. at kung sakaling malugi ang pera pagkatapos itong pamahalaan ay papalitan mula sa kita, at walang pananagutan ang namamahala, at kung sakaling mawala naman ang pera ng hindi dahil sa kapabayaan o sinadya ay hindi into pananagotan ng namamahala, dahil ang namamahala ay pinagkatiwalaan sa paghawak ng pera, at ipinauubaya sa kanya ang pamamahala, at binabayaran sa kanyang trabaho, at kahati siya sa kita.

Ang Kompanyang Al-Wujõh

Ito ay ang magkasosyo ang dalawa, nang wala silang kapital, ngunit bibili sila ng mga paninda ng ipinagpapaliban ang pagbayad (parang utang din) sa mga kilalang tao, at ibibenta nila ito ng Cash, at kung may kitain sila ay paghatian nila ito, at kung malugi sila ay mananagot silang dalawa, at ang bawat isa sa kanila ay kinatawan ng isa sa kanila, at garator sa kanya sa pagbibenta, pagbili at pamamahala, at tinatawag itong Kompanyang Wujõh dahil hindi ito ipinagbibili ng ipinagpapaliban ang bayad malibat sa mga kilalang tao.

Ang Kompanyang Al-'Inãn

Ito ay ang Magsosyo ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga katawan at ng kanilang tukoy na pera, kahit pa ito ay magkaiba, upang silang dalawa ay magtrabaho sa kanilang sarili mismo. at isinasakundisyon na ang kapital ng bawat isa sa kanila ay tukoy, at ang kita at pagkalugi ay nakasalalay ayun sa napagkasunduang kundesyon.

Ang Kompanyang Al-Abdãn

Ito ay Ang magsosyo ang dalawa sa anumang kitain nila sa pamamagitan ng kanilang katawan (pagtatrabaho), maging ang kanilang pagsosyo ay sa gawa at sa propesyon, tulad ng pagpandaya, pagkarpintero at katulad nito, o sa mga pinahihintulutan na mga gawain o trabaho; gaya ng pangsibak ng mga kahoy na panggatong, at ang anumang ibigay ng Allah sa kanila na biyaya o kita ay paghahatian nila ayun sa napagkasunduan nila.

Kompanyang Al-Mifãwadah

Ito ay ang ipagkatiwala ng bawat isa mula sa mga kasosyo sa kanyang kasama ang lahat ng pamamahala sa pera at pisikal sa kompanya; kaya ang bawat kasosyo ay may layang mamahala sa pagbibenta at pagbili, sa pagkuha at pagbigay, sa paggarantiya at pagtitiwala, sa pag-utang at donasyon at katulad nito na kinakailangan ng negosyo na pamahalaan.

At Kinakailangan ang bawat kasosyo sa anumang gawin ng kanyang kasosyo. at ang kompanya ay magaganap sa anumang napagkasunduan mula sa kanilang mga pera, at ang kita sa pagitan nila ay naayun sa anumang kindisyon nila, at ang pagkalugi ay katumbas ng pag-aari ng bawat isa sa kanila sa kompanya, at ang ganitong kompanya ay pinahihintulutan, dahil pasok dito ang lahat ng apat na mga uri ng kompanya na naunang nabanggit, at ang lahat ng ito ay pinahihintulutan; dahil sa napapaloob nito na pagtutulungan sa pagkamit ng biyaya, at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao, at ipinapatupad nito ang pagiging patas at nakabubuti.

Mga benepisyo ng kumpanya

1- Ito ay mabuting paraan para palaguin ang pera, at bigyan ng trabaho ang mga manggagawa, at magbigay ng pakinabang sa mamamayan, at padaliin ang pagkamit ng biyaya, at pagpapatupad ng pagiging patas.

2- Ang paglayo sa ipinagbabawal na hanapbuhay; gaya ng Riba (pagpapatubo), pagsusugal at iba pa.

3- Pagpapalawak sa mga paraan ng pinahihintulutan (halal) na hanapbuhay; sa katunayan ay pinahintulutan ng islam ang tao na maghanapbuhay nang mag-isa o magkasosyo kasama ang iba.

Mga nakasisira sa kontrata ng kompanya

١
Pagbuwag sa kumpanya ng isa sa mga kasosyo.
٢
Pagkamatay ng isa sa mga kasosyo.
٣
Pagkabalyo ng isa sa mga kasosyo.
٤
Pagkawala ng isa sa mga kasosyo nang mahabang panahon; dahil iyon ay katumbas ng pagkamatay.

Ang mga haligi ng Kompanya

١
Ang dalawang magkasosyo.
٢
Ang napagkasunduan dito (sa kompanya); at ito ay ang pera o trabaho o magkasama ang pera at trabaho.
٣
Ang paraan ng pagkakasundo sa kompanya; at ito ay ang pag-alok at pagtanggap ayun sa nakasanayan.

Mga kundisyon ng Kompanya

١
Na ang bawat kapital at trabaho ay tukoy sa bawat kasosyo.
٢
Na ang bawat kasosyo ay may isang tukoy na bahagi at alam ng lahat; maging ito man ay sa pamamagitan ng porsyento, o sa bawat isa sa kanila ay may 1/4 o 1/3 at ganyan. at para sa isa naman ay ang matitira at katulad niyon, at hindi pwede na hindi iyon malaman ng lahat; gaya ng bigyan ng sanlibo ang isa tapos ang lahat ng matira ay makukuha ng iba.
٣
Na ang trabaho ng kompanya ay sa mga bagay na pinahihintulutan ng islam, kaya hindi pinahihintulutan ang isang muslim na sumali sa kompanya na gumagawa ng ipinagbabawal na mga gawain; tulad ng paggawa ng sigarilyo, droga o alak, ang nagbibenta nito, o nagpapatakbo ng pasugalan, o kompanya ng mga musika at paggawa ng mga maduming mga pilikula. sa ang nagpapaikot ng pera sa pagpapatubo, at katulad niyon na ipinagbabawal ng Allah at ng kanyang Sugo.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit