Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang babae at ang kontemporaryong mga paanyaya
Hindi nagkaroon ang babae sa mga lumipas na panahon at sa karamihan ng mga sinaunang sibilisasyon Nang anumang makatao at marangal na pananaw, at sa halip ay pinababayaan at hindi siya isinaalang-alang, at sa halip ay wala siyang anumang karapatan o kakayahan, ibinibenta at binibili nang hindi isinaalang-alang ang kayang pagkatao, at itinuturing siya na mas mababa ang antas kaysa sa lalaki.
At nagpapatuloy ang ganong paraan sa pagmamaliit sa katayuan ng babae sa iba't ibang mga sibilisasyon at mga kultura hanggang kamakailan lang, Bagama't ang Kanlurang daigdig -bilang halimbawa- sa kalaunan ay nagsimula ng isang yugto ng pagbabago at paglaya mula sa pang-aapi ng mga imperyo at kawalang katarungan ng simbahan, Gayunpaman, ang pagbabagong ito ay hindi umabot sa kababaihan at sa mga usapin nito Maliban sa huli.
At ang baluktot na kaisipan na ito sa pagtrato sa babae ay maaaring Ito ay sinusuportahan ng dalawang pangunahing aspeto:
Ang mga pilosopo sa sinaunang siglo ay Hinahamak nila ang mga babae, at minamaliit nila ang katayuan nito, at wala silang nakikitang katayuan at mga karapatan para sa babae, at kabilang sa mga pilosopo na ito ay si: Socrates, Plato, at Aristotle.
Sa Hinduismo ay walang karapatan ang babae na magmana sa kanyang mga magulang, at sinuman ang babaeng namatayan ng asawa ay dapat sunugin kasama niya, dahil mas mabuti sa kanya na hindi siya mabuhay pagkatapos mamatay ng kanyang asawa! Tungkol naman sa mga Hudyo at Kristiyano; ang mga babae sa kanila ay may mababang katayuan, at Inaakusahan itong ugat ng kasamaan, imoralidad at mga kasalanan, at itinuring siya na marumi. Ang mga ideyang ito ay hinango sa kanilang mga baluktot na aklat, At nagmumula sa mga relihiyosong kumperensya na ginanap, at sinusuportahan ng awtoridad ng mga pastor at ng simbahan.
Lumitaw sa modernong panahon ang maraming mga paniniwala, mga ideya at mga pananaw kung saan nakaapekto ito -at patuloy na nakakaapekto- sa mga kaisipan, pananaw, at pag-uugali ng karamihan sa mga kalipunan sa mga bagay na kaugnay sa kababaihan.
1- Ang modernismo at pagkatapos ng modernismo
Ginagawa ng modernidad ang tao bilang sentro ng sansinukob, at tinitiyak ang kalayaan nito mula sa kapahayagan (mula sa tagapaglikha), At na sa pamamagitan (daw) ng kanyang pag-iisip ay nagagawa niyang magbigay ng mga paliwanag sa kanyang sarili, sa kanyang kapaligiran, at sa uniberso. at na ang karamihan (daw) sa mga ideya, pananaw, at pagsusuri na lumabas pagkatapos noon ay nagmula sa modernidad.
2- Ang pagbabase sa isipan
Ito ay ang pagmamalabis sa kakayahan ng isip at mga naaabot nito (bilang pinagmumulan ng kaalaman o katwiran); Batay sa pagsasaalang-alang sa tao na sentro ng sansinukob.
3- Ang Kalayaan at sariling katangian
Nangangahulugan ito ng pagbibigay-diin sa karapatang pantao sa pagpapasya sa kahahantungan ng kanyang mga gawaing sibil sa paraan na nakikita niyang nababagay sa kanya.
At ito ay Ang teorya na tumatalakay tungkol sa pinagmulan ng tao at pag-unlad nito sa paglipas ng milyun-milyong taon Hanggang sa naging (umabot) sa kasalukuyan nitong anyo.
5- Ang pagpapalaya ng kababaihan
Ang ideya ng pagpapalaya ng kababaihan ay lumitaw sa Europa, Kung saan ang mga kababaihan ay dumaranas ng mga uri ng pang-aapi at kawalan ng katarungan, kaya Itinaas ang mga islogan ng kalayaan at paglaya mula sa mga lumang pamana. at Ang mga kababaihan doon ay nakakuha ng maraming karapatang pantao, panlipunan, pampulitika at pang-ekonomiya, bagama't ang kahilingan nito ay walang relihiyosong regulasyon o maayus na reputasyon, kaya naging panawagan ito sa pagpapalaya mula sa relihiyon at reputasyon, at hindi ang paglaya mula sa kawalan ng katarungan at pang-aapi, at nababalot ang lahat ng iyon sa pag-aangkin ng paglaya mula sa pamamahala ng kalalakihan o ama.
Sekularismo at pagpapalaya ng kababaihan
Isa sa mga Ideya at mga panghihikayat na kaugnay sa konsepto o kahulugan ng pagpapalaya sa babae ay: Ang ihiwalay ang relihiyon sa lahat ng aspeto ng buhay, At paggamit ng sekularismo bilang isang sistema ng buhay, at nauugnay ang konsepto na ito sa sekularismo sa pamamagitan ng panghihikayat sa pagpapalaya sa babae mula sa lahat ng anumang bagay na humahadlang sa kanyang mga mithiin; Lalo na ang mga relihiyosong mga turo at mga limitasyon (o regulasyon).
Nagkakahulugan ito ng Pag-hiwalay sa anumang may kaugnayan sa pamamahala sa lahat ng aspeto ng buhay mula sa relihiyon, at pagsimula sa tao bilang sangguniang konsepto sa mga gawain ng tao sa iba't ibang larangan nito; pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan at iba pa.
7- Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian
Tumatayo ang paanyaya na ito sa prinsipyo na pagkakapantay-pantay sa pagitan ng lalaki at babae sa karapatan sa Pag-aaral, trabaho, mga karapatang sibil at politika at iba pa, at pagtanggal sa lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan. Gayunpaman, ang mga kahilingan para sa pantay na karapatan ay lumihis sa pangunahing konteksto nito. Upang maging insensitive sa mga pagkakaiba at pagkakasalungat sa pagitan ng lalaki at babae, at naging isang paanyaya sa pagpapantay-pantay sa pagitan ng magkasalungat.
Tinatawag ang ideolohiyang nananawagan para sa pagpapalaya ng kababaihan, at pagpapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian na: "kaisipang pambabae
Mga prinsipyo ng feminist thought
Ang Kasunduan (CEDAW)
Nagsusumikap ang mga organisasyon ng karapatan ng babae at ang organisasyon ng kababaihan sa pagkamit ng suportang pampolitika, Sa pamamagitan ng ratipikasyon ng mga bansa sa internasyonal na kasunduan na Pinagtibay ng United Nations General Assembly sa taong 1979G Upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, at ito ay ang kasunduan na (CEDAW).
Ang Diwa ng Kasunduan (CEDAW)
Tumatayo ang kasunduan sa ganap na pagkakapantay-pantay, at pagkakapareho sa pagitan ng lalaki at babae sa lahat ng aspeto; pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pang-sports, patakaran at iba pa, at ito ay prinsipyo na hindi tama (mali), sumasalungat sa makalangit na mga batas, sumasalungat sa maliwanag na kahulugan ng aklat at ng Sunnah at anumang pinapaboran ng mabuting pag-iisip, at pinatunayan ng matuwid na kalikasan. tungkol naman sa pagsalungat niya sa Aklat (Qur'ãn) ay sa sinabi ng Allah: {at ang lalaki ay hindi gaya ng babae} [Ãl 'Imrãn: 36] at sa sinabi Niya: {Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae...} [An-Nisã': 34], at sa sinabi Niya: {May ukol sa mga lalaki na isang antas na higit na mataas sa kanila} [Al-Baqarah: 228], at tungkol naman sa pagsalungat nito sa Sunnah, ay sa sinabi niya ﷺ: "bawat isa sa inyo ay may (tungkulin na) dapat bantayan, at lbawat isa sa inyo ay may pananagutan sa kanyang binabantayan (na tungkulin), at ang lalaki ay tagabantay o tagapangalaga ng kanyang pamilya at siya ay may pananagutan sa kanyang binabantayan, at ang babae ay tagabantay o pinagkakatiwalaan sa bahay ng kanyang asawa at siya ay may pananagutan sa kanyang binabantayan", (Al-Bukharie 893, at Muslim 1829), at tungkol naman sa pagtutol nito sa tamang pagkaunawa, ito ay hindi na nangangailangan ng maraming paliwanag dahil sa malinaw na ang pagkakaiba sa pagkalikha sa katawan at kaluluwa ay dapat na ito ay magresulta ng pagkakaiba sa kakayahan, at mga tungkulin sa buhay, kaya ang pagpatupad ng ganap pakakapantay-pantay at pagkakapareho ay Taliwas sa pinagmulan ng paglikha ng lalaki at babae.
Ang CEDAW at ang poot sa pagitan ng lalaki at babae
Inilalarawan ng (CEDAW) at ng mga kilusang pambabae (feminismo) ang ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae na Ito ay isang makasaysayan na ugnayang kompetisyon at tunggalian gusto nilang matigil, at ang kanilang paraan doon ay ang ganap na pagkakapantay-pantay sa pagitan ng lalaki at babae, na Diumano, ang anumang karagdagang bentahe para sa isang lalaki ay kapinsalaan ng isang babae, at Ito ay isang makitid at napakahinang pananaw; sapagkat Ang ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae ay isang ugnayang complementarity at pagtutulungan, hindi (ugnayang) kompetisyon at poot, at ang bawat isa sa kanila ay may sariling papel at tungkulin, sa pagkakaisa at pagsasama; para sa pagpapayaman sa buhay, at pagpapatupad sa pagkikilala, pagmamahal, awa at pag-aalaga sa uri, sinabi ng Allah: {O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid} [Al-Hujrãt: 13], at sinabi ng Allah: {Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip} [Ar-Rūm: 21], sa huli ang pagkakasalungat sa mga papel sa buhay ay Nangangailangan ito ng pagkakaiba sa mga karapatan at tungkulin Nang walang pandaraya (pang-aapi) o pagtatangi, kaya Ang bawat karagdagang tungkulin ay may katumbas na karagdagang karapatan, at ito ang patas.
Ang Sharia ba (Islamikong batas) ay nanghihikayat para sa pagkakapantay-pantay sa pagitan nglalaki at babae?
Itinatag ng Sharia ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan sa kalalakihan sa mga tuntunin ng pinagmulan ng tao at dignidad sa pagkalikha. Sa pananagutan at pagdadala ng ipinagkatiwala, sa kabayaran (gantimpala) sa mundo at kabilang buhay, sa pagiging karapat-dapat ng bawat isa sa kanila sa kanyang karapatan, sa pagtataguyod sa mga simbulo at pagpapahatol sa mga batas ng islam at kataasan ng moral, at sa huli ang batas ng islam ay sumasang-ayon sa positibong pagkakaiba sa pagitan nila; dahil sa pagkakaiba nila sa Pisikal at sikolohikal; kaya ang babae ay hindi inuubliga na makikipaglaban sa landas ng Allah dahil sa mahina nitong istraktura. at hindi siya nagdarasal at nag-aayuno sa kanyang regla at pagkatapos manganak, at hindi siya ubligadong gumasto sa bahay kahit na mayaman pa siya, at sa kabilang banda itinakdang tungkolin ng batas ng islam ang pakikipaglaban sa landas ng Allah sa lalaki, at ubligado sa kanya na gumasto sa babae at mga anak nito, isang ubligasyon na maparurusahan siya kung tanggihan o hindi niya ito gawin ng tama, at ginawa sa kanya sa kabila ng mga karagdagang ubligasyon na ito na karagdagang karapatan, at ito ang katotohanan ng pagiging patas o hustisya.
Pagiging patas ng Shari'a (batas ng islam) sa mana
Walang pandaraya (o kawalan ng katarungan) sa babae sa mana sa islamikong batas; sapagkat minsan ay nakakakuha siya ng mas kaunti kaysa sa bahagi ng lalaki, at minsan pareho sila, at minsan mas malaki pa ang kanyang nakukuha kaysa sa lalaki, at minsan nakakakuha siya at hindi nakakakuha ang lalaki, lahat ng yaon ay dahil sa mga layunin na alam ng Allah, at ang paglilinaw niyaon ay sa mga aklat ng mga iskolar (ulama').
Isa sa mga larawan ng panggalang ng Sharia (islam) sa babae
Ang babae ay protektado at pinarangalan sa batas ng Islam, kaya ang Allah na kataas-taasan ay nagsabi: {Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin (paraiso), na tutustusan doon nang walang pagtutuos} [Ghãfir: 40], at ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "katotohanan na ang mga babae ay kapareho ng mga lalaki", (At-Tirmizie 113), At ang tagapag-alaga ng babae (Ang Ama at Asawa) ay may ubligasyon sa tirahan ng niya at pagsustento sa kanya, at hindi niya kailangan gumasto ng kahit isang dinar; maliban kung ano ang maluwag sa kanyang puso, kahit siya ay mayaman pa, at siya ay may karapatan sa kanyang pera katulad ng lalaki, at walang siyang ni isang kailangan gastusan maging ito man ay kanyang ama o asawa, at malaya rin ang babae na kumilos o mamahala sa pagbenta, pagbili, pag-upa, pakikipagsosyo, pagsangla, paghahati, pagdedesisyon, magpiyansa, makipagkasundo at iba pa sa lahat ng mga kasunduan at mga obligasyon.