Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga karapatan ng mga anak

Aalamin natin sa aralin na itpo ang mga karapatan ng mga anak sa mga magulang.

  • Paghahayag sa biyaya ng Allah sa mga magulang sa pagbigay sa kanila ng mga anak.
  • Paghahayag sa pagpapahalaga ng dalisay na relihiyon sa pagpapalaki sa mga anak.
  • Ang pag-alam sa pinakamahalagang mga karapatan ng mga anak sa mga magulang.

Nilikha ng Allah ang mga puso ng mga ama at mga ina sa pangangarap ng magkaroon ng supling, at na maging payapa at malusog, at ito ang naging pangarap ng ama natin na si Ãdam (adan) at ang kanyang asawa -sumakanila ang kapayapaan-, sinabi ng Allah: {Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa at gumawa Siya mula rito ng maybahay nito upang matiwasay ito roon. Kaya noong lumukob ito roon ay nagdala iyon ng isang magaang dala saka nagpatuloy iyon dito. Ngunit noong nabigatan iyon ay nanalangin ang dalawa sa Panginoon nilang dalawa: "Talagang kung magbibigay Ka sa amin ng isang [anak na] maayos, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat."} [Al-A'arãf: 189], at ang pagkamit sa pangarap na ito ay isang dalisay, kabutihan at biyaya mula sa Allah na nangangailangan ng palaging pagpapasalamat sa kanya dahil dito.

Binibigyang halaga ng islam ang usapin ng Supling (anak) at anumang kaugnay nito. at isa sa magpapahiwatig niyon ay ang Salita sa banal na Qur'ãn tungkol sa supling at biyaya ng mga anak kasunod ng salita tungkol sa pagmamay-ari ng Allah sa kalangitan at kalupaan, sinabi ng Allah: {Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya. Nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki {49} O ipinagpapares Niya sila bilang mga lalaki at mga babae. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog. Tunay na Siya ay Maalam, May-kakayahan} [Ash-Shõra: 49-50], at ibinilang ng Allah ang supling na isa sa palamuti ng buhay sa mundo, sinabi ng kataas-taasan at kapita-pitagan: {Ang yaman at ang mga anak ay isang palamuti sa buhay sa mundo} [Al-Kahf: 46].

Binigyan ng Islam ang mga anak at pagpapalaki sa kanila nang malaking pagpapahala, sapagkat sila ang haligi ng hinaharap, at sa pamamagitan ng kanilang pagiging matuwid ay magpapatuloy o mananatili ang pagsamba sa Allah sa ibabaw ng lupa, at matutupad ang pagtatayo nito sa paraang ikalulugod ng Allah na kataas-taasan, sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato} At-Tahreem: 6], sinabi ni 'Ali -kaluguran siya ng Allah-: ibig sabihin ay turuan ninyo sila at disiplinahin niyo sila. at siniba ng Propeta ﷺ: "Sinuman ang nagpalaki at nag-aruga sa dalawang batang ulila hanggang sa umabot sila sa tamang edad, darating siya sa kabilang buhay na kasama niya ako" at pinagtabi niya ang kanyang dalawang daliri (bilang halimbawa). (Muslim 2631).

Karapatan ng mga anak sa mga ama (mga magulang)

١
Materyal na mga karapatan
٢
Moral na mga karapatan

Ang mga karapatang materyal

At nasasaklawan ng mga karapatan na ito ang tirahan, pagkain, inumin, damit, ang pangkalusugang pag-aalaga at ang paggastos (sustento) sa mga anak sa paraang ipinag-utos ng islam, At ang mga karapatang ito ay ubligasyon ng ama base sa kanyang kakayahan.

Ang mga karapatang moral

Isa sa pinaka malaking karapatang moral na karapatan ng mga anak sa mga magulang ay; Ang pagpapalaki sa kanila ng matuwid na pagpapalaki kung saan nakabatay sa wastong pundasyon ng relihiyon, at tuturuan nila ng Banal na Qur'ãn, pampropetang Sunnah na napatunayan (wasto), at talambuhay ng Propeta ﷺ, at palalakihin sila sa mga turo ng Islam, sa pamamagitang ng paggawa ng mga ipinag-utos at pag-iwan sa mga ipinagbabawal, at pagsunod sa anumang may magagandang asal at ugali, lahat ng iyon ay sa lilim ng pagdadakila sa Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan, at pagmamahal sa kanya, at pagmamahal sa kanyang Propeta ﷺ at ang kanyang relihiyon at batas.

Ang pagmamahal at pagiging mabait sa mga anak ay may malaking epekto sa pagpapalaki sa kanila at pagbubukas ng kanilang kaisipan, sa kundisyon na hindi hahantong sa labis na pagpapalayaw na maaaring makaapekto sa kanilang seryosong pag-uugali sa buhay. At ang kawalan ng awa at pagmamahal sa mga anak, at matigas at malupit na pagtrato sa kanila, o ang pagkadama nila ng kawalan ng pagmamahal sa mga magulang, ay maaaring humantong sa pagdidilim ng kanilang mga sarili, at pagkawala ng talino sa kanilang mga isipan, at matutuso sila sa pagsuway at paghihimagsik, at baka umabot pa sa panlilinlang at katiwalian.

At isa rin sa mga karapatang moral: Ang pagbibigay ng magandang kapaligiran sa paggalang, katiwasayan, katahimikan at pagmamahal sa pamilya, at huwag manaig ang away ng mga magulang at ang mga nakakatandang mga kapatid, na maaaring makaapekto sa ugali ng mga maliliit na bata na gagawa sa kanila ng kapaligiran na puno ng tensyon.

At isa rin sa mga karapatang moral: ang pagsisikap ng mga magulang na magkaroon ang mga anak nang mabubuting kaibigan, at hindi sila papayagan na makisalamuha sa mga may masasamang ugali at masasamang gawain; dahil iyon ay makakaapekto sa kanilang ugali, at mahahawaan sila ng masamang asal mula sa mga iba.

Mga payo, gabay at turo

Dapat sa mga ama at mga ina na suriin ang mga kondisyon ng kanilang mga anak na lalaki at babae, at subaybayan ang kanilang mga ugali at mga kilos, at manghimasok sa kanila sa pamamagitan ng mga payo, gabay at turo sa tuwing kakailanganin yaon. subalit kailangan ang pagiging makatarungan dito, kaya hindi dapat sunod-sunod at palagian ang pagbibigay sa kanila ng payo, at hindi rin dapat pareho ang malaki at maliit, dahil maaaring mauumay sila sa pakikinig at pagsunod sa mga payo; kaya dapat sa ama at ina na piliin ang tamang oras at mga angkop na paraan sa pagpayo at paggabay.

Ang karapatan ng mga anak sa mga magulang

١
Mag-uumpisa ang karapatan ng mga anak bago pa ang kanilang kapanganakan; sa pamamagitan ng pagpili ng matuwid na asawang lalaki at babae.
٢
Karapatan ng mga anak sa pagkakaroon at buhay.
٣
Karapatan ng mga anak sa lahi.
٤
Karapatan ng mga anak sa pagpapasuso.
٥
Karapatan ng mga anak sa magandang pangalan.
٦
Karapatan ng mga anak sa Aqeeqah.
٧
Karapatan ng mga anak sa patas na pagtrato.
٨
Karapatan ng pananalangin para sa mga anak.

Ang pagpili ng mabuting asawa na lalaki (para sa mga babae), at mabuting asawa na babae (para sa mga lalaki)

At ang lalaki ay kailangan pumili ng sinumang sa tingin niya ay magiging mabuting ina, at kailangan din sa babae na pumili ng kung sinong sa tingin niya ay magiging mabuting ama.

Ang karapatan ng mga anak sa pakakaroon (pag-iral) at buhay

١
Ipinagbabawal ng islamikong batas ang pagkitil ng buhay ng mga anak, at iyon ay ang ang ginagawa ng mga mang-mang dati, dahil sa takot sa hirap at kahihiyan.
٢
Ipinagbabawal ng islam ang ganap na pagpigil sa panganganak.
٣
Ipinagbabawal ng islam ang pagpalaglag at pagtanggal ng bata pagkatapos na maihipan siya ng kaluluwa.

Ang karapatan ng mga anak sa lahi (o angkan)

At iyon ay ang karapatan ng bata sa pagpapaugnay sa kanyang ama (paggamit ng apilyedo ng kanyang ama), at yon ay dahil ang lahat ng kaugnay sa mga anak na mga karapatang materyal at moral ay konektado sa karapatan na ito; kaya hindi dapat sa lalaki na itakwil ang kanyang anak o tanggihan ang paggamit sa kanyang apilyedo maliban na ito ay may malinaw na patunay na walang alinlangan.

Ang karapatan ng mga anak sa natural na pagpapasuso

At napatunayan sa modernong kaalaman ang maraming mga benepisyong pangkalusugan, sikolohikal at panlipunan sa pagpapasusong ito; at iyon din ang pinaka-angkop at pinakakompleto sa pangangailangan ng bata at kaligtasan sa sakit, at sa pagiging magandang pagkabuo ng kanyang sikolohikal at kaispan, kung saan magbubunga ito sa hinaharap ng katalinuhan at ugali, Mabuti at wastong pakikipag-ugnayan sa mga saloobin at damdamin.

Ang karapatan ng mga anak sa magandang pangalan

at iyon ay hindi sekondaryang karapatan, bagkus isa ito sa pinakapangunahing ubligasyon na ipinag-utos ng Sugo ﷺ sa kanyang mga kasamahan -kaluguran sila ng Allah-. tulad ng pag-utos sa kanila sa pag-iwas ng mga pangalan na may masasamang kahulugan, at umabot ang sigasig ng Sugo ﷺ sa magagandang pangalan Sa iniba niya ang mga pangalan ng ilang mga Shahaba pagkatapos nilang yakapin ang islam, dahil yaon sa mga epekto nito sa personalidad at pag-uugali.

Ang karapatan ng mga anak sa 'Aqeeqah

Ito iyong kinakatay sa bagong panganak na bata -sa mga natatanging layunin at mga kundisyon- bilang pagpasalamat sa Allah, sinabi niya ﷺ: "lahat ng pinanganak ay nakasangla sa kanyang 'Aqeeqah, kakatayin ito sa pamamagitan niya sa ikapitong araw niya, aahitan siya at papangalanan" (Abu Dãwod 2838). at sinabi niya ﷺ: "para sa batang lalaki ay dalawang tupa na magkaparho, at sa batang babae ay isang Tupa" (Abu Dãwod 2834)

Ang karapatan ng mga anak sa patas na pagtrato

Ang sikolohikal at materyal na pagtrato, lalaki man o babae ay wala silang pagkakaiba, isinalaysay ni Nu'man bin basher -kaluguran silang dalawa ng Allah- sinabi niya: nagbigay sa akin ang aking ama ng ilan sa kanyang kayamanan o pera, kaya sinabi ng aking inang si Umrah bin rawwãha: hindi ako papayag hanggat hindi masaksihan ng Sugo ng Allah ﷺ, kaya pumunta ang aking ama sa Propeta ﷺ upang pasaksihan sa kanya ang ibinigay sa akin, at sinabi sa kanya ng Sugo ng Allah ﷺ: "ginawa mo ba ito sa lahat ng mga anak mo?" sinabi niya: Hindi. Sinabi ng Sugo ﷺ: "Matakot kayo sa Allah (mangilag kayong magkasala sa Allah), at maging patas kayo sa mga anak ninyo", kaya umuwi ang aking ama, at binawa ang ibinigay niya. (Al-Bukharie 2587, at Muslim 1623).

Ang karapatan ng pananalangin para sa kanila at hindi pananalangin laban sa kanila

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "tatlong mga panalangin ang tinutugunan, na walang pagdududa sa kanila: Ang panalangin ng inapi (o dinaya), ang panalangin ng naglalakbay, at panalangin ng magulang sa para sa kanyang anak". (Ibn Mãjah 3862). at sinabi niya: "Huwag kayong manalangin laban sa inyong mga sarili, at huwag kayong manalangin laban sa inyong mga anak, at huwag kayong manalangin laban sa inyong kayamanan, hindi ito matataon sa oras na humiling kayo dito mula sa Allah ng biyaya, at tutugonan ito sa inyo" (Muslim 3009).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit