Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang kalinisan ng babaeng muslim
Ginawa ng islam na ubligado sa babaeng muslim ang pag-aaral ng anumang kailangan niya sa mga alituntunin ng paglilinis na partikular sa kanya; gaya ng regla, tuloy-tuloy na paglabas ng dugo at bagong panganak.
Kasama sa mga bagay na ubligado sa babae na malaman at gawin ito
Ang pagligo mula sa Janãba (nagtalik o nilabasan ng semilya)
Ang kahulugan ng janãba sa wika ay: ang paglayo, at ang (kahulugan ng) Junob sa islam ay: ang sinumang nilabasan ng semilya o nagtalik, at itinatawag ito maging sa lalaki o sa babae, at tinatawag itong junob dahil pinagbawalan siya na lumapit sa mga lugar ng pinagdarasalan hanggang sa makapaglinis siya. at ang pagligo mula sa janãba (nagtalik o nilabasan ng semilya) ay ubligado batay sa sinabi ng Allah: {At kung kayo ay kailangang-maligo (dahil sa junob -pakikipagtalik o nilabasan ng semilya) ay maligo kayo} [Al-Mã'idah: 06].
Ang pagligo pagkatapos ng Regla
Ubligado sa babaeng muslim ang pagligo sa pagtigil ng dugo ng regla; batay sa sinabi ng Allah: {Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: "Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa regla at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa dumalisay sila, at kapag nagpakadalisay sila ay pumunta kayo sa kanila mula sa kung saan nag-utos sa inyo si Allāh. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga mapagbalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay."} [Al-Baqarah: 222] at ang sinabi niya na: (at kapag nagpakadalisay sila) ibig sabihin: sa pamamagitan ng pagligo.
Ang regla at ang pagdurugo (o tuloy-tuloy na paglabas ng dugo)
Ang Regla: ito ay ang dugo na lumalabas mula sa matris ng babae nang hindi dahil sa panganganak at sakit. tungkol naman sa pagdurugo: ito ay ang pagtulo ng dugo mula sa matris ng babae nang hindi sa nurmal na mga oras nito dahil sa sakit o pinsala.
Magkakaiba ang tagal ng regla sa mga babae, at walang limit ang pinakamababang panahon nito ayun sa pinakatumpak na sinabi ng mga Ulama, at Ang karamihan ay naniniwala na ang pinakamahaba na panahon nito ay labinlimang araw. at ang anumang lumagpas dito ay itinuturing na dugo ng pagdurugo! hindi dugo ng regla, at ang karaniwan sa mga babae na panahon ng regla ay anim na araw o pito.
Ang pagligo pagkatapos ng dugo ng panganganak
Nagkakasundo ang mga ulama na ubligado sa mga babaeng bagong panganak na maligo pagkatapos ng kanyang dugo.
Ang kahulugan ng Dugo ng panganganak
Ito ay ang dugo na inilalabas ng matris kasabay ng panganganak at bago ito nang dalawa o tatlong araw -na parang sakit- at pagkatapos nito hanggang sa matapos ang apatnapong araw, at walang limit ang pinakamamabang panahon nito, kaya kung kailan makita ng babae ang kalinisan (o pagtigil ng dugo) ay maligo siya at magdasal.
Mga bagay na kasama (o kasabay) ng regla at bagong panganak
Pagbabawal ng pakikipagtalik
Ipinagbabawal na italik ng lalaki ang kanyang asawang may regla, at yon ay batay sa sinabi ng Allah: {Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: "Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa regla at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa dumalisay sila, at kapag nagpakadalisay sila ay pumunta kayo sa kanila mula sa kung saan nag-utos sa inyo si Allāh. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga mapagbalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay."} [Al-Baqarah: 222], at gayundin na ipinagbabawal ang pagtalik ng bagong panganak ayun sa napagkasunduan ng mga ulama.
Pagbabawal ng Diborsyo
At yon ay batay sa sinabi ng Allah: {O Propeta, kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila} [At-talãq: 1], at ang kahulugan ng sinabi ng Allah na: (magdiborsiyo kayo sa kanila sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila) ibig sabihin: hindi niya ito pweding idiborsyo na siya ay may regla o bagung panganak, o sa kalinisan na naitalik niya ito dito at hindi alam kung mabubuntis siya.
Pagbabawal ng pagdarasal at pag-aayuno
At yon ay batay sa sinabi ng Propeta ﷺ: <
Pagbabawal ng pagtawaf
Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ kay 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- nang siya ay niregla sa panahon ng paghahajj: <
Pagbabawal ng paghawak ng Qur'ãn
At iyon ay bilang pagsunod sa sinabi ng Allah: {} [Al-wãqi'ah: 79] at pinahintulutan siyang magbasa ng Qur'ãn mula sa kanyang mga nasaulo ayun sa pinakatumpak na sinabi ng mga ulama, salungat sa Junob dahil hindi siya pwedeng magbasa ng Qur'ãn hanggang sa makaligo siya. at kapag kailangan ng may regla o bagung panganak na suriin ang isang talata o ituro sa iba at katulad niyon, ay pwede niyang hawakan ang Qur'ãn ng may harang ang kanyang kamay; gaya ng guwantes o anumang katulad nito.
Pagbabawal ng pananatili sa mosque
Batay sa sinabi niya ﷺ: <
Ang mga bagay na kinakailangan dahil sa Regla
Ang (pagsapit ng) tamag edad
Nagaganap o nakakamit ang tungkulin sa pagsapit ng tamang edad, at ang regla ay isa sa pinaka tiyak na mga tanda sa pagdadalaga ng babae.
Ang pag-uumpisa ng panahon ng pahihintay dito para sa babaeng diniborsiyo
Ibig sabihin Ang Panahon ng pahihintay ay matatapos sa babaeng diniborsiyo sa pamamagitan ng talong beses na regla sa sinumang nireregla pa, batay sa sinabi ng Allah: {Ang mga babaing diniborsiyo ay mag-aantabay sa mga sarili nila ng tatlong buwanang dalaw} [Al-baqarah: 228].
Mga bagay na magpapahiwatig sa kalinisan ng babae mula sa regla (pagtatapos ng regla)
Ang puting tumutulo
Isang bagay na maihahalintulad sa puting sinulid, lalabas ito sa ari ng babae sa huling mga araw ng kanyang regla, at magiging tanda ito sa kanyang kalinisan.
Ang pagtigil ng dugo at panunuyo
Ito ay ang paglagay ng babae sa kanyang ari ng kapirasong tela at ilabas niya ito ng hindi nadumihan ng dugo, o kulay kayumanggi o dilaw.
Ang pagligo ay may dalawang Ubligado: Ang intensyon, at ang pagbasa ng buhok at lahat ng bahagi ng balat Ng tubi, at ubligado na paabutin ang tubig sa mga tinutubuan ng buhok, sa pamamagitan ng pagabot ng tubig sa balat ng ulo sa ilalim ng buhok, makapal man o manipis ang buhok.
Ang paraan ng pagligo ng babae mula sa regla at janãba (nagtalik o nilabasan ng semilya)
Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-, Na si Asmã' ay nagtanong sa Propeta ﷺ tungkol sa paghugas ng niregla? at sinabi niya: "Kumuha ang isa sa kanila ng tubig sabon, at maglinis siya at pagbutihin ang paglilinis, pagkatapos ay buhusan niya ng tubig ang kanyang ulo at himas-himasin niya ito ng malakas hanggang sa umabot ang tubig sa buong ulo niya, pagkatapos ay buhusan niya ito ng tubig, pagkatapos ay kumuha siya ng cotton o anumang pwedeng ipunas at linisin niya nito (Ang kanyang ari)", at sinabi ni Asmã': paano siya maglinis nito? sinabi ng Propeta: "Subhãnallah!!! linisin mo nito" sinabi ni 'Ãisha: parang hindi niya iyon masabi na punasan ang mga bakas ng dugo. at tinanong niya ito tungkol sa paghugas ng Janaba? at sinabi niya: "kumuha ng tubig at maglinis at pagbutihin ang paglinis o sagarin ang paglilinis, pagkatapos ay buhusan niya ng tubig ang kanyang ulo at himas-himasin niya ito hanggang sa maabot ng tubig ang buong ulo niya, pagkatapos ay buhusan na niya ng maraming tubig", at sinabi ni 'Ãisha: Napakahusay na kababaihan, ang mga kababaihan ng Ansar, hindi sila nahahadlangan ng hiya na makaroon ng kaalaman sa relihiyon. (Al-Bukharie 314, at Muslim 332).
Ang anumang harang na makahadlang sa pag-abot ng tubig sa anumang parte ng katawan ay makakasira sa pagligo at hindi ito matatanggap, tulad ng paglagay ng babae ng Nail Polish na pumipigil sa pag-abot ng tubig sa mga kuko, O ang pagkakaroon ng anumang kagamitan na nakakatakip sa anumang nasa ilalim nito.
Ang Kulay dilaw o kayumanggi
Lumalabas ang ilanga mga secretions sa puwerta ng babae -bago ang regla o pagkatapos nito- at kung ito ay kaugnay sa regla, sa gayon ay kasama ito rito, kaya dapat siyang tumigil sa pagdarasal at lahat ng ipinagbabawal sa kanya dahil sa regla, ngunit kung ito ay hiwalay sa regla ay wala itong epekto; ayun sa hadith ni umm 'atiyya -kaluguran siya ng Allah-: "kami noon ay hindi namin itinuturing ang kayumanggi o dilaw na lumalabas pagkatapos ng kalinisan mula sa regla bilang isang bagay", (Al-Bukharie 326, Abu Dãwod 307 at ang birsyon ay sa kanya).