Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pananamit ng babaeng muslim
Ang pananamit (o mga kasuota) ay may napapaloob na dito dakilang biyaya ng Allah para sa mga tao; sa pamamagitan nito ay tinatakpan ng tao ang kanyang katawan at Pinoprotektahan ito mula sa init, lamig at iba pa, gayundin na Isa rin itong palamuti at kagandahan. sinabi ng Allah: {O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuotan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuotan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh, nang sa gayon sila ay magsasaalaala} [Al-A'rãf: 26] at ilan sa mga damit o kasuotan ay kailangan ng lahat ng lalaki at babae, at ito ay ang anumang makatakip sa kanyang pribadong parte ng katawan, at ilan dito pagpapaganda para sa palamuti at kagandahan para sa mga okasyon gaya ng kasal at Eid at iba pa.
Tinutupad ng Islamikong mga batas kaugnay sa pananamit o kasuotan ng babae ang dakilang mga layunin; at ito sa panig ng babae ay ibinibigay sa kanya ang parivacy, proteksyon mula sa paningin ng mga lalaki, at proteksyon mula sa mga gawain at mga salita ng mga mapaminsala, at nagbibigay din ang islamikong kasuotan sa babae ng Kapanatagan, katahimikan, dangal at dignidad, at bago ang lahat ng iyon, ang mahigpit na pagsunod ng babae sa islamikong kasuotan ay nagpapahayag ng kanyang pagpapakaalipin at pagpapakumbaba sa Allah na kataas-taasan, sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga utos at pag-iwas sa mga ipinagbabawal niya, kaya dahil doon ay karapat-dapat siya sa kanyang pagpapala, pagbibigay (ng biyaya) at awa ng Allah -luwalhati siya-.
Tungkol naman sa antas ng komunidad, ang pananamit ng babae sa islam o belo niya ay proteksyon para sa buong lipunan mula sa mga fitnah, At pagpapanatili ng katatagan at seguridad para sa lahat ng indibidwal nito, sapagkat ang mga fitnah kapag nangyari ito ay sinisira niya ang lipunan kasama ang lahat ng bahagi nito, lalaki at babae, at sa huli ang pagkakahabi ng pamilya, katatagan at katiyakan nito ay magugulo at maaaring mawala, at ito ay nakikita at napapansin sa maraming mga bansa.
Mga kondisyon sa hijab (belo) ng babaeng Muslim
1- Matatakpan ang katawan
Sinabi ng Allah: {O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaeng anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila mula sa bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain} [Al-Ahzãb: 59], at nagkakasalungat ang mga iskolar sa pagtakip ng mukha at mga kamay, at sabi ng ilan sa kanila: Ubligado, at sabi ng ilan sa kanila: Kanais-nais, ngunit nagkakasundo sila sa pagkaubligado ng pagtakip ng maliban doon.
2- Na hindi maging palamuti sa sarili nito (ang mismong hijab).
At ito ay kasama sa pangkalahanatan ng sinabi ng Allah: {...at huwag silang maglantad ng gayak nila...} [An-Nõr: 31].
3, 4- Na ito ay makapal at maluwag
Sinabi ng Propeta ﷺ: <
5- Na Hindi ito nilagyan ng pabango o bakhor
Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: <
6- Na hindi ito magaya sa damit ng mga lalaki
Isinalaysay ni ibn abbãs -kaluguran silang dalawa ng Allah- sinabi niya: <
7- Na hindi ito magaya sa damit ng mga babaeng walang pananampalataya
Naitakda sa islam na hindi pwede sa mga muslim -lalaki at babae- ang panggagaya sa mga walang pananampalataya sa kanilang mga pagsamba, mga anibersaryo o sa kanilang partikular na pananamit, batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: <
8- Na hindi ito maging damit ng kasikatan (pagpapasikat)
Batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: <
Ang mga nakaraan (o nauna) na mga kundisyon ay partikular sa kasuotan ng babaeng muslim sa kanyang paglabas mula sa bahay, o kapag nasa harap siya ng mga lalaking hindi niya mahram (Ang mga lalaking bawal na mapangasawa niya dahil sa pagkamag-anak), at hindi ubligado sa kanya na gawin ang mga kundisyon na ito sa harap ng kanyang mga mahram o kapag kaharap niya ang ibang mga babae, sapagkat pinahihintulutan sa kanya sa ganitong kalagayan ang paglagay ng pabango at pagpapakita ng ilang palamuti nang walang pagmamalabis sa mga regulasyon na itinakda (ng islam).
Ang pagpapasexy (paglalantad ng kagandahan)
Ito ay ang pagpapakita ng babae sa mga dayuhan (ang ibang mga lalaki na hindi niya kaanak) sa kanyang palamuti at kagandahan na ubligado sa kanyang takpan ito sa kanila.
Kasuotan ng babaeng muslim alang-alang sa sinumang nasa kanyang paligid
Ang kasuotan ng babaeng muslim sa harap ng dayuhan (Hindi niya mahram)
Ito ay ang islamikong hijab (belo) na ipinag-utos ng Allah at ng kanyang Sugo ﷺ, kung saan nauna nang nabanggit ang mga kundisyon nito.
Ang kasuotan ng babae sa harap ng kanyang mga mahram na mga lalaki
Ubligado sa kanya na takpan sa harap nila ang buong katawan niya, maliban sa karaniwan na nakikita; gaya ng leeg, buhok at mga paa, Pati mukha at mga kamay, sinabi ng Allah: {Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, mangalaga sila sa mga ari nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa nakalitaw na mula rito, magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila} [An-Nõr: 31].
Ang kasuotan ng babaeng muslim sa harap ng ibang mga babaeng muslim
Ubligado sa kanya -tulad ng kalagayan niya sa harap ng kanyang mga mahram- na takpan niya ang buong katawan niya maliban sa karaniwan na nakikita dito; tulad ng leeg, buhok at mga paa, kasama na ang mukha at mga kamay. sinabi ng Allah: {Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, mangalaga sila sa mga ari nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa nakalitaw na mula rito, magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nila} [An-Nõr: 31]. at sa sinabi niya na: (o mga kapwa babae nila): ibig sabihin Ang mga babaeng muslim.
Ang kasuotan ng babaeng muslim sa harap ng mga babae mula sa angkan ng kasulatan (hudyo at kristiyano)
Ubligado sa kanya -tulad ng kalagayan niya sa harap ng mga babaeng muslim- na takpan niya ang buong katawan niya maliban sa karaniwan na nakikita dito; gaya ng leeg, buhok, at mga paa; at iyon ay dahil ang mga babae ng angkan ng kasulatan noon ay pumapasok sila sa mga ina ng mga mananampalataya (mga asawa ng Propeta), at walang nai-ulat na inutusan sila ng Propeta ﷺ ng pasusuot ng hijab (belo) sa harap nila.
Ang mga uri ng kasuotan ng babae at palamuti nito Sa usapin ng pagpapahintulot at pagbabawal
Ang kasuotan ng babae at palamuti nito na pinahihintulutan
Ang pangunahin (orihinal) na hatol sa kasuotan at palamuti ay ang pagpapahintulot, at Walang pagbubukod mula dito maliban sa anumang napatunayan na ipinagbabawal ng islam; kaya pinahihintulutan sa babae na magsuot ng lahat ng uri ng mga kasuotan, sa lahat ng mga kulay at mga uri ng tela nito, at maglagay ng mga palamuti sa lahat ng uri ng palamuti na pinahihintulutan mula sa mga alahas, pabango at mga kagamitan ng pagpapaganda, sa kundisyon na wala itong maidudulot na pinsala, at walang panggagaya sa mga nagtakwel sa pananampalaya, at walang ipinagbabawal na ginamit sa paggawa nito, Tulad ng mantika (taba) ng baboy halimbawa.
Ang kasuotan at palamuti na kanais-nais
Ang tinutukoy dito ay lahat ng nakasaad sa batas ng islam ang pagiging kanais-nais nito, ngayundin ang lahat ng sinusuot ng babae at paglagay nito ng palamuti para masiyahan sa kanya ang kanyang asawa at mamahalin pa siya lalo. sa kundisyon na hindi magiging ipinagbabawal.
Ang Kasuotan at palamuti na ipinagbabawal
Ang tinutukoy dito ay lahat ng ipinagbabawal ng islam at pinapaiwasan nito na kasuotan at palamuti, maging ito man ay naitala sa batas ng islam ang pagbabawal nito, o labag sa mga panuntunan ng islam na ipinag-utos ang pagsunod nito, tulad ng pagsalungat sa mga hudyo at kristiyano, at ang hindi panggagaya sa mga lalaki, at iba pa.