Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pamana sa Islam
Ang pamana ay isang pandaigdig na sistemang pantao, kinuha ito ng nakaraang mamamayan at kasalukuyan, dahil nababagay ito sa kalikasan ng tao sa kagustuhang mag mamay-ari at sa pagsisikap para dito, at inaayos nito ang problema sa pamamahala sa pera ng namatay pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Naiiba (nakakahigit) ang mga alituntunin (probisyon) ng pamana sa islamikong batas dahil sa pagkuha nito ng maraming detalye, na may kaugnayan sa mga kalagayan ng nagpapamana, mga taong tagapagmana, at bahagi ng bawat isa sa kanila, Sa isang kumpleto at kahanga-hangang sistema. at isa sa mga kahigitan ng detalye sa sistema ng pamana sa islam ay; Ang paglutas ng mga sanhi ng salungatan sa pagitan ng mga kamag-anak ng nagpapamana; dahil kapag nalaman ng mga tagapagmana na ang pamana ay ipinamahagi sa kanila ayon sa utos ng Allah na kataas-taasan, mapapanatag ang kanilang kalooban, at masisiyahan sila sa paghahati ng Allah -luwalhati sa kanya-, at isa rin sa kahigitan nito ay ang pagprotekta sa mga karapatan ng lahat ng tagapagmana, kaya hindi maiiwan ang isang bahay sa opinyon at sigasig ng ilan sa kanila, kung saan hindi nila bibigyan ang sinumang nais nila, at bibigyan naman ang sinumang nais nila, at magiging sanhi yaon ng pagtatalo at pagkakawatak-watak.
Mga haligi ng pamana
Siya iyong namatay o -maibibilang sa mga patay (ayon sa hukom)- na nakaiwan ng anumang pwedeng manahin.
Siya iyong buhay pagkatapos (mamatay) ng nagpapamana -o maituturing na isa sa mga buhay- na may karapatan na magmana mula sa nagpapamana dahil sa isa sa mga dahilan ng pagmana.
Ang naiwan, mananahin o ang ipapamana; ito yong mga naiwan ng nagpapamana (namatay) na pera o karapatan ng maaaring manahin.
Mga kundisyon ng pamana
Pagkakasunod-sunod ng paghahati ng pamana
Mga kahigitan ng mga alituntunin (probisyon) ng pamana sa islamikong batas
Ang mga tagapagmana mula sa kalalakihan
Ang mga tagapagmana mula sa mga lalaki na napagkasunduan ang kanilang pagmana ay sampu, at sila bilang pagbubuod: Ang anak na lalaki, pagkatapos ay anak ng anak na lalaki hanggang sa pagbaba, Ang ama, pagkatapos ay ang lolo hanggang sa pagtaas, Ang kapatid na lalaki, pagkatapos ay ang anak na lalaki ng kapatid na lalaki, Ang tiyuhin sa ama, pagkatapos ay anak na lalaki ng tiyuhin sa ama, Ang asawang lalaki at Ang tapat na alipin na lalaki na pinalaya.
Ang mga tagapagmana mula sa kababaihan
Ang tagapagmana mula sa mga babae na napagkasunduan ang kanilang pagmana ay pito; at sila pagpapaikli ay: Ang anak na babae, Ang anak na lalaki ng anak na babae hanggang sa pagbaba, Ang ina, Ang Lola hanggang sa pagtaas, Ang kapatid na babae, ang asawang babae, Ang alipin na babae na pinalaya.