Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang khusho' (kataimtiman) sa Salah

Ang khusho' (kataimtiman) ay diwa ng Salah (pagdarasal) at siyang pinakamahalagang mga katangian nito. Malalaman natin sa aralin na ito, ang kahulugan ng kataimtiman at ang mga paraan na nakatutulong dito.

  • Pag-alam sa kahulugan ng khusho' (kataimtiman) sa Salah.
  • Ang pag-alam sa mga paraan na makatutulong sa khusho' (kataimtiman).
  • Ang khusho' (kataimtiman) sa Salah

    Ito ang katotohanan ng Salah at diwa nito, at ang kahulugan nito ay ang presensya ng puso nng nagdarasal sa harapan ng Allah sa Salah (pagdarasal) na may pagpapakumbaba at pagkaaba, na nadarama ang bawat binibigkas mula sa mga talata, mga panalangin at mga paggunita.

    Ang khusho' (kataimtiman) sa pagdarasal ay isa sa pinakamabuti na mga gawain ng pagsamba at ang pinakamarangal sa mga pagsunod; at dahil dito, tiniyak ng Allah sa Kanyang Aklat na ito ay kabilang sa mga katangian ng mga mananampalataya, tulad ng sinabi ng Kapita-pitagan at Kataas-taasan: {Tunay na nagtagumpay ang mga mananampalataya, sila yaong sa kanilang Salah ay ganap na mataimtim}. (Al-Mu'minun: 1-2) .

    At ang sinumang may kataimtiman sa Salah ay natikman niya ang kasiyahan sa pagsamba at pananampalataya, at sa kadahilanang ito, lagi nang sinasabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "At ginawa ang kaaliwan ng aking mata sa Salah." (An-Nasai: 3940). Ang kasiyahan ng mata, ibig sabihin nito ay ang malaking kasiyahan, kaligayahan, katahimikan at katiwasayan.

    Ang mga paraan na nakatutulong sa khuso' (kataimtiman) sa Salah

    1. Ang paghahanda para sa Salah at ang preparasyon para dito

    At magagawa iyon sa pamamagitan ng pagdating nang maaga sa Masjid para sa mga kalalakihan, pagsasagawa ng mga Sunnah na nauuna sa Salah, pagsusuot ng magandang damit na angkop, at paglakad patungo roon ng may dignidad at katahimikan.

    2. Ilayo ang lahat ng mga nakakaabala at nakalilinlang

    Kaya huwag siyang magsagawa ng Salah at sa harap niya ay may mga nakakaabala sa kanya na mga larawan at mga nakalilibang, o siya ay nakikinig ng mga nakakaabala sa kanya na mga tugtugin, at huwag siyang pumunta sa Salah kapag siya ay nangangailangan ng palikuran, o kapag siya ay nagugutom o nauuhaw sa paglapag ng pagkain at inumin, at ang lahat ng iyon ay upang linisin ang isipan ng isang nagsasagawa ng Salah at maging abala sa dakilang bagay na haharapin niya, at ito ay ang kanyang pagdarasal at pagsusumamo sa kanyang Panginoon.

    3. Ang kapanatagan sa Salah

    At sa katunayan ang Propeta ﷺ ay laging mahinahon sa kanyang pagyuko at pagpapatirapa hanggang sa ang bawa't buto ay bumabalik sa kinalalagyan nito, at inutusan niya ang isang hindi umayos ng mabuti sa Salah na maging mahinahon sa lahat ng mga gawa ng Salah, at ipinagbawal niya ang pagpapabilis at inihalintulad niya ito sa pagtuka ng isang uwak.

    At ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Ang pinakamasamang tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw sa kanyang Salah." Sinabi nila: O Sugo ng Allah, paano siya nakakapagnakaw sa kanyang Salah? Siya ay nagsabi: "Hindi nito kinukumpleto ang kanyang pagyuko o ang kanyang pagpapatirapa." (Ahmad: 22642). At yaong hindi mahinahon sa kanyang Salah ay hindi maaaring magkaroon ng kataimtiman; dahil ang bilis ay nag-aalis ng pagkataimtim, at ang pagtuka ng isang uwak ay nag-aalis ng gantimpala.

    4. Ang pagpukaw sa kadakilaan ng sinumang tatayo sa Kanyang harapan

    Kaya't maaalala niya ang Kadakilaan ng Tagapaglikha at ang Kanyang Kapita-pitagan, ang kahinaan ng kanyang sarili at karupukan nito, at na siya ay nakatayo sa harap ng kanyang Panginoon, nagsusumamo sa Kanya at nananalangin ng buong kapakumbabaan, karupukan at kahinaan, at maaalala niya ang anumang inihanda ng Allah sa Huling Araw para sa mga mananampalataya na gantimpala, at ang anumang inihanda Niya para sa mga mapagtambal sa Allah na kaparusahan, at maaalala niya ang kanyang kalagayan sa harap ng Allah sa Huling Araw.

    Kaya kapag napagtanto ng isang nagsasagawa ng Salah na ang Allah, kaluwalhatian sa Kanya, ay dinidinig siya, binibigyan siya at tinutugunan siya, natatamo niya ang kataimtiman ayon sa sukat ng kanyang pagkatanto. At siya ay malapit na makasama sa mga pinuri ng Allah sa kanyang Aklat sa kanyang sinabi: {At ito ay tunay na malaking pasanin, maliban sa mga mapagpakumbaba, sila yaong nag-aakalang sila ay makakatagpo nila ang kanilang Panginoon, at sila ay magbabalik sa Kanya}. (Al-Baqarah: 45-46).

    5. Ang pagninilay-nilay sa mga talata na binigkas at iba pang mga paggunita sa Salah, at ang pagtitiyaga sa mga ito

    Ang Qur’an ay ibinaba para sa pagninilay-nilay, sinabi ng kataas-taasan: {Isang pinagpalang Aklat na Aming ibinaba sa iyo, upang kanilang mapagnilay-nilay ang mga talata nito, at upang makaalaala ang mga taong may pang-unawa}. (Sad: 29)

    Paano nangyayari ang pagninilay-nilay?

    Hindi mangyayari ang pagninilay-nilay maliban kung alam ang kahulugan ng mga binibigkas na mga talata, mga paggunita at mga panalangin, kaya maaari niyang pagnilayan sa sandaling iyon ang kanyang kalagayan at realidad sa isang banda, at ang mga kahulugan ng mga talata at paggunita na iyon sa isang banda, kaya magbubunga ito ng kataimtiman, kapakumbabaan at pagepekto, at marahil ay lumuha ang kanyang mga mata, at walang dumaan sa kanya na mga talata nang hindi naaapektuhan, na parang hindi siya nakaririnig o nakakikita, tulad ng sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {At sila yaong kapag pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga talata ng kanilang Panginoon ay hindi lumulugmok na parang mga bingi at bulag}. (Al-Furqan: 73).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit