Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pagsasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah
Ang paniniwala sa kanyang mga ibinabalita, pagsunod sa kanyang mga utos at pag-iwas sa kanyang mga ipinagbabawal, at sambahin ang Allah alinsunod sa kung ano ang isinabatas sa atin ng Sugo ng Allah at itinuro sa atin. At nasasaklawan ng mga iyon ang mga sumusunod:
1- Ang paniniwala sa mga balita na ibinalita niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - sa lahat ng mga larangan, at isa na rito ang:
2- Pagpapatupad sa mga utos niya at pagbabawal niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at nasasaklawan nito ang:
3- Na huwag nating sambahin ang Allah maliban sa kung ano ang isinabatas dito sa atin ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at napapaloob dito ang isang bilang ng mga bagay na kailangang bigyang-diin:
Ang pagsunod at paggaya sa kanya
Ang Sunnah (kaparaanan) ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at ang kanyang patnubay at ang kanyang buhay, sa bawat anumang napapaloob dito na mga salita, gawa, pag-apruba at pagpapasiya, ito ang nagsisilbing huwaran natin sa lahat ng bagay ng buhay natin, at nakakalapit ang isang alipin sa kanyang Panginoon at tumataas siya sa mga antas sa harap ng kanyang poon sa tuwing higit na marami ang paggaya niya sa Sunnah ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at sa kanyang patnubay. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Sabihin mo: Kung kayo nga ay nagmamahal sa Allah ay sumunod kayo sa akin, kayo ay mamahalin ng Allah, at patatawarin Niya sa inyo ang mga kasalanan ninyo, sapagkat ang Allah ay Mapagpatawad, Mahabagin}. (Al-Imran: 31)
Ang batas ng Islam ay kumpleto
Naipalaganap ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ang relihiyon at ang mga batas nang kumpleto at walang kulang, kaya't hindi pinapayagan ang sinuman na magtakda ng isang makabagong pagsamba na hindi ito naisabatas para sa atin ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.
Ang batas ng Allah ay may bisa sa lahat ng panahon at lugar
Ang mga alituntunin ng Relihiyon at ang mga batas na dumating sa Aklat ng Allah at sa Sunnah ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ay may bisa sa lahat ng panahon at lugar, sapagkat walang ni isa man na higit pang nakakaalam sa mga kabutihan at kapakanan ng tao kaysa sa Kanya na lumikha sa kanila at naglalang mula sa wala.
Ang pagsang-ayon sa Sunnah ng Propeta
Kinakailangan para sa pagtanggap ng mga pagsamba na maging taos-puso sa hangarin sa Allah na Kataas-taasan at ang pagsamba na ito ay alinsunod sa kung ano ang isinabatas para sa atin ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya sinuman ang nagnanais na makatagpo ang kanyang Panginoon, magkagayon ay kailangan niyang gumawa ng mabuting gawain at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon ng kahit isa}. (Al-Kahf: 110). at ibig sabihin ng (saliha- mabuting gawain) ay-: tama naaayon sa sunnah
Ang kabawalan ng pagbabago
Ang sinumang magparating ng isang makabagong gawain at pagsamba na hindi mula sa Sunnah ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at nais niyang mag-alay ng pagsamba sa Allah sa pamamagitan nito, tulad ng taong nagsasagawa ng isang pagdarasal na hindi sa paraang isinabatas ng Islam, samakatuwid siya ay sumasalungat sa kanyang pag-uutos, nagkakasala sa gawaing iyon, at ang gawain niyang iyon ay hindi tatanggapin sa kanya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya maging maingat yaong sumasalungat sa kanyang pag-uutos na dumatal sa kanila ang isang sakuna o dumatal sa kanila ang isang masakit na parusa}. (An-Nur: 63) at sa sinabi niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ang sinumang magparating ng pagbabago sa pag-uutos naming ito na hindi bahagi nito, sa gayon ito ay tatanggihan." (Al-Bukhari 2550 Muslim 1718)
Samakatuwid sinuman ang manatiling maniwala sa kanya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - na ang Allah at ang Kanyang Sugo ay maging higit na karapat-dapat sa pagmamahal para sa kanya kaysa sa lahat ng bagay. Batay sa sinabi ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Hindi maging ganap ang paniniwala ng isa sa inyo hanggat hindi ako ang naging pinakamamahal para sa kanya kaysa sa kanyang magulang, sa kanyang anak at sa sangkatauhan lahat-lahat." (Al-Bukhari 15 Muslim 44)