Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang paniniwala sa Huling Araw
Ang kahulugan ng paniniwala sa Huling Araw
Ang matatag na paniniwala na ang Allah ay pababangunin ang mga tao mula sa mga puntod, pagkatapos ay susulitin sila at gagantimpalaan sila sa kanilang mga gawain, hanggang sa manirahan ang mga tao ng Paraiso sa kanilang mga tahanan, at ang mga tao ng Impiyerno sa kanilang mga tahanan, at ang paniniwala sa huling araw ay isa sa mga haligi ng Pananampalataya, kaya hindi matatanggap ang pananampalataya maliban sa pamamagitan nito. Sinabi ng Kataas-taasan: {Nguni't ang kabutihan ay ang sinumang naniwala sa Allah at sa huling araw}. (Al-Baqarah: 177).
Ano ang Huling Araw?
Ang Huling Araw: Ito ay ang araw na pababangunin ang mga tao dito; para sa pagsusulit at paggawad ng gantimpala, at maninirahan ang mga tao sa Paraiso o sa Impiyerno, at tinawag itong gayon; dahil wala nang araw pagkatapos nito, at mayroon itong maraming mga pangalan na nabanggit sa Aklat at sa Sunnah, kaya tinawag itong araw ng pagbabangon muli; dahil sa mga dakilang bagay na ginagawa dito, at kabilang na dun ang pagbabangon ng mga tao para sa Panginoon ng mga nilalang, at tinatawag din itong ang Oras, ang Araw ng Pagkakabukod at Araw ng Pagbabayad; at iba pang mga pangalan bukod dito.
Bakit kinumpirma ng Qur'an ang paniniwala sa Huling Araw?
Kinumpirma ng marangal na Qur'an ang paniniwala sa Huling Araw, at nagbigay ng paalala dito sa bawa't okasyon, at kinumpirma ang pagganap nito sa iba't ibang mga Arabong paraan, at pinag-ugnay nito ang paniniwala dito sa paniniwala sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan sa higit sa isang lugar.
Ang paniniwala sa Huling Araw ay isang kinakailangang resulta ng paniniwala sa Allah at sa Kanyang katarungan, Maluwalhati Siya at Kataas-taasan, at ang paglilinaw nito:
Hindi kinikilala ng Allah ang pang-aapi at hindi iniiwan ang nang-aapi nang walang parusa, o ang inaapi nang walang hustisya, at hindi iniiwan ang mapaggawa ng kabutihan nang walang kabayaran at gantimpala, at ibinibigay Niya sa bawa't may karapatan ang kanyang karapatan, at nakikita natin sa buhay sa mundong ito ang isang taong nabubuhay na mapang-api at namamatay na mapang-api nguni't hindi pinarusahan, at ang isang taong nabubuhay na inaapi at namamatay na inaapi, nguni't hindi niya nakuha ang kanyang karapatan, kung gayon, ano ang kahulugan nito na ang Allah ay hindi tumatanggap ng pang-aapi? ang kahulugan nito ay dapat mayroong buhay na iba sa buhay na ito na ating kinabubuhayan, dapat mayroong ibang panahon na gagantimpalaan dito ang mapaggawa ng kabutihan at parurusahan dito ang makasalanan kaya makukuha ng bawa't isa na may karapatan ang kanyang karapatan.
Ang mga palatandaan ng Oras
Bahagi ng paniniwala sa Huling Araw ay ang paniniwala sa mga palatandaan ng Oras at mga babala nito, at ito ay ang mga pangyayaring magaganap bago ang Araw ng Pagbabangon Muli, na magiging hudyat sa nalalapit na kaganapan nito. At ang mga palatandaan ng Oras at ang mga babala nito ay nahahati sa dalawang bahagi:
1- Ang maliliit na mga Palatandaan
At ito ay ang mga palatandaan na mauuna bago ang Oras sa magkakaibang panahon, kabilang dito ang pakikipagtunggalian ng mga walang sapin ang paa, mga hubad na pastol para sa matataas na mga gusali, tulad ng naiulat sa isang Hadith na nagsasaad dito: "Sinabi niya: Kung gayon, ipabatid mo sa akin ang tungkol sa Oras? Nagsabi siya: Hindi ang tinatanong tungkol dito ang higit na nakakaalam kaysa sa nagtatanong. Sinabi niya: Kung gayon, ipabatid mo sa akin ang tungkol sa mga babala nito, nagsabi siya: Na ang isang alipin ay manganganak ng kanyang panginoon, at makita mo ang mga walang sapin ang paa, mga hubad, mga mahihirap na pastol na nakikipagtunggalian para sa matataas na mga gusali." (Isinalaysay ni Muslim).
2- Ang malalaking mga palatandaan
At ito ang dakilang mga bagay na lilitaw sa nalalapit na pagsapit ng Oras, at ang mga ito ay sampung mga palatandaan, tulad ng nakasaad sa isang Hadith na naiulat ni Hudhaifa bin Usaid, na nagsabing: "Lumabas sa amin ang Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, habang nagtatalakay kami, at sinabi niya: Ano ang tinatalakay ninyo? Sila ay nagsabi: Naaalala namin ang Oras. Sinabi Niya: Hindi ito dumatal kailanman hanggang sa makita ninyo ang sampung palatandaan bago ito: At binanggit niya ang usok, ang bulaang kristo, ang hayop, ang pagsikat ng araw mula sa kanluran, ang pagbaba ni Isa (Hesus), na anak ni Maryam (Maria), sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, si Gog at Magog, ang tatlong eklipse: isang eklipse sa silangan, isang eklipse sa kanluran, isang eklipse sa Arabian Peninsula, at ang huli nito ay isang apoy na lumabas mula sa Yemen na magtataboy sa mga tao patungo sa lugar ng kanilang pagkakatipon.” Isinalaysay ni Muslim.
Ano ang nasasaklawan ng paniniwala sa Huling Araw?
Nasasaklawan ng paniniwala ng isang Muslim sa Huling Araw ang ilang bilang na mga bagay, ang ilan sa mga ito ay ang:
1- Ang paniniwala sa pagkabuhay na muli at pagtitipon:
At ito ay ang pagkabuhay ng mga patay mula sa kanilang mga libingan, at ang pagbabalik ng mga kaluluwa sa kanilang mga katawan, kaya babangon ang mga tao para sa Panginoon ng mga nilalang, pagkatapos sila ay magtitipon at magsama-sama sa isang lugar, walang sapin ang paa at hubad, tulad ng paglikha sa kanila sa unang pagkakataon. At ang paniniwala sa Pagkabuhay na Muli ay ang anumang ipinahiwatig ng Aklat at ng Sunnah, ng isipan at ng sentido komun, kaya naniniwala kami na may katiyakan na bubuhaying muli ng Allah ang mga nasa libingan, at ibabalik ang mga kaluluwa sa mga katawan, at babangon ang mga tao para sa Panginoon ng mga nilalang.
Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Pagkatapos, katotohanang kayo pagkaraan nun ay tiyak na mamamatay, pagkatapos kayo sa Araw ng Pagbabangon Muli ay bubuhayin kayo}. (Al-Mu'minun: 15-16). At sa katunayan nagkaisa dito ang lahat ng mga Aklat na Makalangit, at iyon ang siyang hinihiling ng tunay na layunin, kung saan hinihiling na ang pagtakda ng Allah na Kataas-taasan para sa nilalang na ito ng isang takdang panahon ay upang gantimpalaan sila dito sa lahat ng bawa't ipinataw na tungkulin sa kanila sa pamamagitan ng mga dila ng Kanyang mga Sugo. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Kayo ba ay nag-aakala na kayo ay Aming nilikha lamang bilang paglalaro (nang walang dahilan), at kayo ay hindi muling ibabalik sa Amin?}. (Al-Mu'minun: 115)
2- Ang paniniwala sa pagkukuwenta at pagtitimbang:
kukwentahin ng Allah ang mga nilikha sa kanilang mga gawa na kanilang ginawa sa buhay sa mundong ito, kaya sinuman ang naging kabilang sa mga tao ng monoteismo at masunurin sa Allah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang pagtutuos ay madali, at sinuman ang naging kabilang sa mga tao ng politeismo at pagsuway, samakatuwid ang kanyang pagtutuos ay mahirap.
At ang mga gawa ay tinitimbang sa malaking timbangan, kaya't ang mabubuting gawa ay inilalagay sa isang panig, at ang masasamang gawa sa kabilang panig. Kaya ang sinumang nahigitan ng kanyang mabubuting gawa ang kanyang masasamang gawa, samakatuwid siya ay mapapabilang sa mga tao ng Paraiso, at ang sinumang nahigitan ng kanyang masasamang gawa ang kanyang mabubuting gawa, sa gayon siya ay mapapabilang sa mga tao ng Impiyerno, at hindi nandadaya ang iyong Panginoon ng sinuman. Sinabi ng Kataas-taasan: {At ilalagay Namin ang mga timbangang makatarungan sa Araw ng Pagbabangon Muli, kaya walang madaya [o malinlang] na isang kaluluwa kahit bahagya, at kung mayroon mang timbang ng kahit isang buto ng mustasa, dadalhin pa rin Namin ito, kaya sapat na Kami bilang mga maniningil}. (Al-Anbiya': 47)
3- Ang Paraiso at ang Apoy (Impiyerno):
Ang Paraiso ay ang tahanan ng walang hanggang karangyahan, inihanda ito ng Allah para sa mga banal na mananampalataya, ang mga masunurin sa Allah at sa Kanyang Sugo, naglalaman ito ng lahat ng uri ng permanenteng karangyahan, na ninanais ng mga kaluluwa, at ikinasisiya ng mga mata ng lahat ng uri ng mga mahal sa buhay. Sinabi ng Kataas-taasan, na hinihimok ang Kanyang mga lingkod na magmadali sa mga gawaing pagsunod at sa pagpasok sa Paraiso na ang lapad nito ay tulad ng lapad ng langit at lupa: {At magmadali kayo sa pagkamit ng kapatawaran mula sa inyong Rabb (Panginoon), at sa Paraiso na ang lapad nito ay kasing lawak ng mga kalangitan at kalupaan, na inihanda sa mga Banal (maka-diyos)}. (Al-Imran: 133).
At tungkol sa Apoy (sa empyerno), ito ang tahanan ng walang hanggang pagpapahirap, inihanda ito ng Allah para sa mga mapagtakwil ng pananampalataya na hindi naniwala sa Allah at sumuway sa Kanyang mga Sugo, naglalaman ito ng iba't ibang uri ng pagpaparusa, pasakit at pagpapahirap na hindi pa sumasagi sa isip. Nagsabi ang Maluwalhati bilang pagbabala sa Kanyang mga lingkod sa Apoy na inihanda Niya ito para sa mga mapagtakwil ng pananampalataya: {Kaya katakutan ninyo ang Apoy na ang panggatong nito ay mga tao at bato na inihanda para sa mga mapagtakwil ng pananampalataya}. (Al-Baqarah: 24).
O Allah, hinihiling namin sa Iyo ang Paraiso at kung ano ang naglalapit (sa amin) dito sa salita at gawa, at nagpapakupkop kami sa Iyo mula sa Apoy at sa kung ano ang naglalapit sa amin dito sa salita at gawa.
4- Ang kaparusahan ng libingan at ang karangyaan nito:
Naniniwala kami na ang kamatayan ay totoo. Sinabi ng Kataas-taasan: {Sabihin mo: Babawian kayo ng buhay ng anghel ng kamatayan, na siyang itinalaga sa inyo, pagkatapos, sa inyong Panginoon kayo ay ibabalik}. (As-Sajdah: 11). At ito ay walang alinlangan na isang bagay na nasasaksihan, at naniniwala kami na ang bawa't isa na namatay o pinatay sa anumang dahilan ng kanyang katapusan, na ang iyon ay dahil sa taning ng kanyang buhay, walang nabawas dito kahit bahagya. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {At kapag sumapit na ang taning ng kanilang buhay, sila ay hindi makakaantala nito kahit na sa isang oras at gayundin sila ay hindi makapagpapauna nito}. (Al-A`araf: 34). At na ang sinumang namatay ay tunay na sumapit na ang kanyang muling pagkabuhay at siya ay lumipat na sa huling tahanan.
Maraming mga Hadith ang napatunayan mula sa Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, sa pagpapatunay ng pagdurusa sa libingan para sa mga mapagtakwil ng pananampalataya at mga suwail, at ang karangyaan nito para sa mga mananampalataya at mga taong matuwid, kaya naniniwala kami dito at hindi namin sinisiyasat kung paano ito, sapagkat ang isip ay walang kakayahang malaman kung paano ito at kung ano ang katotohanan nito, dahil ito ay mula sa mundo ng hindi nakikita, tulad ng Paraiso at Impiyerno, hindi mula sa mundo na nakikita, at ang kakayahan ng isip sa pagsukat, paggawa ng resulta at paghatol, ito ay nasa kilalang katunggali nito at batas nito sa daigdig ng mundong nakikita.
Gayundin, ang mga kalagayan ng libingan ay ilan sa mga bagay na hindi nakikita, hindi natatalos ng pandama, at kung ang mga ito ay natatalos ng pandama, tiyak na mawawala ang pakinabang ng paniniwala sa hindi nakikita, at maglalaho ang layunin ng pag-uutos, at hindi maglilibing ang mga tao, tulad ng sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Kung hindi lang dahil sa kayo ay hindi maglilibingan, tiyak na nanalangin ako sa Allah na iparinig sa inyo ang ilan sa parusa ng libingan na aking naririnig." (Muslim: 2868, - An-Nasai: 2058). At dahil wala sa karapatan ng mga hayop ang layuning ito, naririnig nila ito at nauunawaan. {Hindi ba Siya na lumikha ng mga langit at lupa ay may kakayahang lumikha ng katulad nila? Bagkus Siya ang Tagapaglikha, ang Maalam}. (Ya-Sin: 81).
Ang ilan sa mga katibayan ng Qur'an sa pagpapatunay sa muling pagkabuhay:
-
Katotohanan, nilikha ng Allah na Kataas-taasan ang mga tao mula sa simula, at ang may kakayahang simulan ang paglikha ay hindi mahihirapan na ibalik ito. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {At Siya ang nagpapasimula sa paglikha, pagkatapos ay ibabalik Niya ito}. (Al-Rum: 27). At sinabi ng Kataas-taasan, na nag-uutos ng pagtugon sa sinumang nagtatwa sa muling pagkabuhay ng mga buto habang ang mga ito ay naibalik na: { Sabihin mo: Muling bubuhayin ang mga ito ng Yaong lumikha sa kanila noong unang pagkakataon, at Siya sa bawa’t likha ay Nakakaalam}. (Ya-Sin: 79).
Na ang lupa ay magiging patay, tigang, na sa loob nito ay walang berdeng puno. at bubuhos dito ang ulan, kaya gagalaw ito at magpapatubo dito ng berde na buhay mula sa bawat magkapares na kaakit-akit, at ang may kapangyarihang buhayin ito pagkatapos ng kamatayan nito ay kayang buhayin ang mga patay. Sinabi ng Kataas-taasan: {At nagbaba Kami mula sa kalangitan (alapaap) ng ulan na puno ng biyaya, at pinasibol Namin sa pamamagitan nito ang mga halamanan at butil na aanihin, at matataas na mga punong-palmera (datiles), na may mga balaybay na magkakapatung-patong ang bunga, bilang panustos sa mga lingkod; at binuhay Namin sa pamamagitan nito ang isang patay na bansa, sa gayon ang paglabas (mula sa mga libingan)}. (Qaf: 9-11).
Lahat ng matalino ay alam na ang sinumang nakayanan ang dakila, ang malaki, samakatuwid higit Siyang may kaya at kapangyarihan sa mas mababa kaysa rito, at tunay na nilikha ng Allah, ang Maluwalhati at Kataas-taasan ang mga langit, ang lupa at ang mga selestiyal sa kabila ng kadakilaan ng katayuan nito at lawak, at ang kahanga-hangang paglikha dito, at samakatuwid ay higit Siyang may kakayahang buhayin ang mga buto na naging gabok na. Sinabi ng Kataas-taasan: {Hindi ba Yaong lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay higit na may kakayahan na makalikha ng katulad nila? Oo nga! At Siya ang Sukdol na Manlilikha, ang Maalam}. (Ya-Sin: 81).
Ang magagandang mga bunga ng paniniwala sa Huling Araw:
1- Ang paniniwala sa Huling Araw ay may pinakamalaking epekto sa pagpaalala sa isang Muslim, sa pagdisiplina sa kanya at sa pananatili niya sa matuwid na gawain, at sa pagkatakot sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, at sa pagkawalay niya sa pagiging makasarili at pagpapakitang tao, at sa kadahilanang ito, ganap na nagkaugnay ang pagitan ng paniniwala sa Huling Araw at ang mabuting gawa sa maraming beses, tulad ng sinabi Niya na Kataas-taasan: {Ang tanging may karapatan lamang na mangasiwa sa mga Masjid ng Allah ay ang sinumang naniwala sa Allah at sa Huling Araw}. (At-Tawbah: 18) at sa sinabi Niya: {At yaong naniniwala sa Huling Araw ay naniniwala rin dito (sa Qur'an), at sila ay nananatili sa pangangalaga ng kanilang pagdarasal}. (Al-An`am: 92).
2- Babala sa mga nakakaligta, na abala sa mga gawain sa buhay at sa kasiyahan nito mula sa pakikipagpaligsahan sa mga gawaing pagsunod, at sa pagsasamantala sa oras sa pagpapalapit sa Allah sa pamamagitan ng mga gawaing pagsunod tungo sa katotohanan ng buhay at kaiklian nito, at na ang kabilang buhay ay ang tahanan ng resolusyon at kawalang-kamatayan. At nang purihin ng Allah ang mga Sugo sa Qur’an at binanggit ang kanilang mga gawa, pinuri Niya sila sa kadahilanang nag-uudyok sa kanila na gawin ang mga gawain at kabutihang iyon. Kaya sinabi Niya: {Katotohanang sila ay Aming pinili dahil sa isang natatanging kainaman, ang pag-alaala sa [huling] Tahanan}. (Sad: 46). Ibig sabihin, ang dahilan ng pagiging mabuti ng mga gawaing iyon, dahil sila ay natatangi sa pag-alaala sa huling tahanan, kaya ang pag-alaala na ito ang siyang nagtulak sa kanila sa mga gawaing iyon at sitwasyon.
Nang ang ilang mga Muslim ay nakaramdam ng katamaran sa pagpapatupad ng utos ng Allah at ng Kanyang Sugo, nagsabi ang Kataas-taasan bilang babala para sa kanila: {Kayo baga ay higit na nalulugod sa buhay sa mundong ito kaysa sa Kabilang Buhay? Samantalang ang kasiyahan ng buhay sa mundong ito ay wala sa kabilang buhay kundi kakaunti lamang}. (At-Tawbah: 38). Kaya kapag naniniwala ang isang tao sa Huling Araw, sa gayon makatitiyak siya na ang bawat karangyaan sa mundong ito ay hindi nasusukat sa karangyaan sa Kabilang-Buhay, sa kabilang banda, hindi ito natutumbasan para sa kanya ng isang paglublob sa parusa, sapagkat ang bawat parusa sa mundong ito - sa landas ng Allah - ay hindi nasusukat sa parusa sa kabilang buhay, sa kabilang banda, hindi ito natutumbasan para sa kanya ng isang paglublob sa karangyaan.
3- Ang kapanatagan na ang tao ay matutugunan ang kanyang bahagi, at kapag nakaligtaan niya ang anumang bagay mula sa kasiyahan ng makamundong buhay na ito, sa gayon ay hindi siya dapat mawalan ng pag-asa at kanyang kitlan ng buhay ang kanyang sarili sa kalungkutan, bagkus dapat siyang magsikap nang husto at tiyaking hindi sinasayang ng Allah ang gantimpala ng sinumang nagpakahusay sa gawain, at kahit na kinuha mula sa kanya ang bigat ng isang atomo nang hindi makatarungan o pandaraya, makukuha niya ito sa Araw ng Pagkabuhay Muli sa pinakamaapurang pangangailangan, kaya paano siya malulungkot kung alam niyang ang kanyang bahagi ay tiyak na darating sa kanya sa pinakamahalaga at pinakamapanganib na mga sandali? At paanong magdalamhati ang sinumang nakakaalam na Siya na humatol sa pagitan niya at ng kanyang kalaban ay ang pinakamarunong sa mga matatalino, Kaluwalhatian sa Kanya at Kataas-taasan?