Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang katotohanan ng kamatayan at ang buhay
Ang kamatayan ay hindi katapusan ng isang bagay, bagkus ito ay bagung yugto ng isang tao at simula ng ganap na buhay sa kabilang buhay, at kung paanong ang islam ay nagsisikap na pangalagaan ang mga karapatan simula sa kapanganakan at tiniyak din nito ang mga alituntunin na kung saan ay mapangalagaan ang karapatan ng namatay, at pinuprotektahan nito ang kalagayan ng kanyang pamilya at mga kamag-anak.
Nilikha tayo ng Makapangyarihang Allah at pinaiiral niya tayo sa buhay na ito sa mundo upang subukin tayo at subukan, tulad ng sinabi ng Allah: {siya na lumikha ng kamatayan at ng buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa...} [Al-mulk: 2], kaya ang sinumang nananampalataya (naniwala sa Allah) at nangilag (natatakot) na makagawa ng kasalanan ay papasok sa paraiso, at ang sinumang mas pinili ang kaligawan at paglihis ay papasok sa impiyerno.
At ang buhay ng isang tao sa buhay na ito gaano man ito kahaba; ito ay magwawakas na mawawala, at ang pananatili, kawalan ng katapusan at ang buhay na walang hanggan ay sa kabilang buhay, tulad ng sinabi ng Allah: {at Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay (na walang hanggan), kung nalalaman lang nila} [Al-‘Ankabūt: 64].
At tunay na sinabi ng Allah na makapangyarihan sa pinakamahusay sa kanyang nilikha -ang ating propeta na si Muhammad ﷺ- na katotohanan na siya ay tiyak na mamamatay tulad ng pagkamatay ng mga tao, pagkatapos ay magtitipon-tipon ang lahat sa harap ng Allah upang paghiwa-hiwalayin sila: {Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay. Pagkatapos tunay na kayo sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan} [Az-zumar: 30-31].
At sa katunayan binigyan halimbawa sa atin ng Sugo ng Allah ﷺ ang kanyang kalagayan -at kalagayan ng lahat ng tao- sa mundo at kung gaano ito kaikli kumpara sa kabilang buhay Sa kalagayan ng isang naglalakbay na nagpapahinga at natulog ng kaunti sa ilalim ng silong ng isang puno pagkatapos ay umalis at iniwan din ito. sinabi niya ﷺ: "Ano ang akin at ang sa mundo? Ako dito sa mundong ito ay katulad lamang ng isang mangangabayo na lumilim sa ilalim ng isang puno at pagkatapos ay umalis at iniwan ito", (At-tirmizie 2377, ibn mãjah 4109).
tulad na ikinuwento sa atin ng Allah na payo ni Ya'koob -sumakanya ang kapayapaan- sa kanyang mga anak noong sinabi niyang: {...tunay na pinili ng Allah para sa inyo ang relihiyon kaya huwag niyong hayaan na kayo ay mamamatay maliban na kayo ay mga muslim} [Al-Baqarah: 132].
At kung ang isang tao ay hindi niya alam kung kailan dumating ang kanyang taning na itinakda sa kanya ng Allah at kung saan ito mangyari at walang kakayahan ang isang tao na baguhin ito! Nararapat sa isang matalino na punoin niya ang kanyang mga araw at mga oras ng mabuti at kabutihan at relihiyon; dahil tulad ng sinabi ng Allah: {Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna} [Al-A'rãf: 34].
At ang bawat isa na namatay kapag ang kanyang kaluluwa ay lumabas sa kanyang katawan ay tunay na Naganap ang Kanyang muling pagkabuhay At nagsimula ang kanyang paglalakbay sa kabilang buhay kung saan ito ay kasama sa mga kaalaman na lingid at Hindi malalaman ng isip ng tao ang mga detalye nito nang detalyado.
At kung papaanong ang islam ay pinoprotektahan ang mga alituntunin at mga ugali sa mga tao simula sa kanyang kapanganakan pagkatapos ay ang kanyang paglaki, kanyang kabataan, kanyang pagiging binata at ang kanyang pagtanda, Ay ipinag-utos din sa atin mula sa mga alituntunin at mga pag-uugali ang anumang makapag-protekta sa mga karapatan ng namatay, at inaalagaan din niya ang kanyang pamilya at mga kamag-anak, at ang papuri ay sa Allah lamang na ginawa niyang kompleto ang relihiyon. at ginanap ang biyaya, at ginabayan tayo sa dakilang relihiyon na ito.
Dapat sa sinumang bumisita sa isang may sakit na ipanalangin niya ito ng paggaling at pagiging malusog, at ang sakit na iyon ay magiging pagdadalisay sa mga kasalanan at pagbubura sa mga kamalian, katulad niya ﷺ na sinasabi niya sa may sakit: "walang masamang mangyari, dalisay in shaa' Allah (sa kapahintulutan ng Allah)" (Al-Bukharie: 3616).
at Kailangan niyang pumili ng mga salita at parirala na makakatulong sa may sakit upang labanan niya ang kanyang sakit at maghahanap ng dahilan upang siya ay gumaling, at pagsasamantala ng mga angkop na sitwasyon para sa pag-aanyaya tungo sa Allah, at ipapaalaala sa may sakit ang Allah at ang kabilang buhay sa magandang paraan, at mabuting payo, sa katunayan ay may dakilang halimbawa doon ang Sugo ng Allah, isinalaysay ni Anas -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: may isang batang hudyo na nagsisilbi sa propeta ﷺ, at nagkasakit, kaya pinuntahan siya ng propeta ﷺ para bisitahin, at umupo siya sa bandang ulo niya at sinabi niya sa bata: "mag islam ka", at tumingin ang bata sa kanyang ama na kasama niya, kaya sinabi niya sa kanyang anak: Sundin mo Si abi al-qãsim (ang Sugo ng Allah) ﷺ, kaya nag islam ang bata, lumabas ang propeta ﷺ at sinabi niya: "Alhamdulillahi- Allazi anqazaho minan-nãr (ang papuri ay para sa Allah na siyang nagligtas sa kanya mula sa impiyerno)" (Al-Bukharie 1356).
2. Ang indoktrinasyon ng namamatay
Kung lumilitaw na ang mga senyales na malapit na ang taning at kamatayan sa pasyente, kanais-nais ang pagbulong (pagturo) at hikayatin siya sa pagsabi ng salitang pagbukod-tangi sa Allah (At-Tawheed) at susi ng paraiso (Laa Ilaaha Illa-Allah) ng mahinahon at sa naaangkop na paraan, sinabi niya ﷺ: "ituro (ibulong) ninyo sa mga namamatay sa inyo ang Laa ilaaha illa-Allah" (Muslim 916).
At ito ang pinakadakilang sabihin ng tao sa kanyang buhay at sa kanyang kamatayan, at sinuman ang patnubayan na ito ang maging pinakahuling salita niya ay tunay na nakamit niya ang dakilang karangalan, tulad ng sinabi niya ﷺ: "ang sinuman na ang pinakahuling nasabi niya ay "laa ilaaha illa-Allah" papasok siya sa paraiso" (Abu dãwod 3116).
At kanais-nais ang pagpaharap sa namatay sa dakong qiblah; batay sa sinabi niya ﷺ: "Ang sagradong bahay ay inyong Qiblah buhay man o patay" (Abu dãwod 2875), at gawin ang namatay na nakahiga sa kanyang kanan na tagiliran at iharap sa qiblah tulad ng paglagay sa kanya sa hukay.