Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pag-alam sa (kahulogan ng) banal na Qur'an
Ang banal na Qur'an
Ibinaba ng Allah na kataas-taasan at kapitapitagan ang Qur’an sa pinakamahusay sa Kanyang nilikha at ang pangwakas ng Kanyang mga Propeta, si Muhammad ﷺ upang gabayan ang sangkatauhan at ilabas sila sa kadiliman tungo sa liwanag. sinabi ng kataas-taasan (Allah): {...katotohanang dumatal sa inyo mula kay Allah ang isang liwanag (si propeta Muhammad ﷺ) at isang maliwanag na aklat (ang banal na Qur'an). papatnubayan ni Allal sa pamamagitan nito ang sinumang naghahanap ng Kanyang mabuting kaluguran sa mga paraan ng kapayapaan, at sila ay kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag (ayon) sa Kanyang kapahintulutan at kanyang pinatnubayan sila sa matuwid na landasa} [Al-mã'idah: 15-16].
Ang Kahulugan ng Banal na Qur'an
Ang Banal na Qur'an ay: Ang mahimalang salita ng Allah, na ibanaba (ng Allah) kay Muhammad ﷺ na nakakasamba (sa Allah ang tao) sa pamamagitan ng pagbabasa nito, na nag-uumpisa sa Surah Al-fatihah at nagtatapos sa Surah An-nãs.
Ang Banal na Qur’an ay may maraming mga pangalan na nagpapahiwatig ng karangalan at kabutihan nito. Kabilang sa mga pangalan nito ay:
Ang paghahayag ng Banal na Qur'an
Ipinahayag ang Qur'ãn, Unang ibinaba (Ang Qur'an) sa propeta ﷺ sa laylatol qad'r (ang gabi ng pagtatakda) sa Ramadan, sinabi ng kataas-taasang Allah: {Tunay na Kami ay nagpababa nito (Qur'ãn) sa Gabi ng Pagtatakda} [Al-Qadr: 1] At sinabi ng kataas-taasan (Allah): {Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan} [Al-baqarah: 185]
At ang nagbaba ng Qur'ãn mula sa Allah patungo sa propeta ﷺ, ay si jibreel Alayhis-salãm na isa sa mga malalapit at mahal na anghel sa Allah, sinabi ng kataas-taasang Allah tungkol sa Qur'ãn: {katotohanan, ito (ang Qur'ãn) ay kapahayagan mula sa panginoon ng sangkatauhan. na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang espiritu (si Anghel jibreel), sa puso mo (O Muhammad) upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala, sa pamamagitan ng malinaw na wikang arabik} [Ash-Shu'arã': 192-195]
At ang unang bagay na ipinahayag mula sa Qur’an sa Propeta ﷺ ay ang unang limang talata sa Surat Al-Alaq, at ito ay ang sinabi ng kataas-taasa (Allah); {Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, na lumikha sa tao mula sa namuong patak ng dugo. Bumasa ka! at ang iyong Panginoon ang pinakamapagbigay, na nagturo (ng pagsulat) sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao ng hindi nito nalaman} [Al-Alaq: 1-5].
Pagkatapos ay ibanaba pagkatapos niyaon ang Qur'ãn na hiwa-hiwalay sa propeta ﷺ sa magkakaibang mga panahon sa Makkah at sa Madinah sa loob ng Dalawampo't tatlong taon Ayon sa mga pangyayari at mga kaganapan.
Isinalaysay ni ibn Abbas -kalugdan nawa silang dalawa ng Allah- sinabi niya: "Ang Qur'ãn ay ibinaba ng boo ng isang beses sa pinakamababang langit sa laylatul qadr (sa gabi ng pagtatakda), pagkatapos ay ibinaba (ng magkakahiwalay) pagkatapos non sa loob ng dalampong taon". (Al-Asmã' wash-shifat lil-bayhaqie 497).
Ang mga Surah ng banal na Qur'ãn
Ang bilang ng mga Surah ng dakilang Qur'ãn ay (114) sandaan at labing apat na surah, Una nito ang (surah) Al-Fãtihah at pinakahuli nito ay ang (surah) An-nãs.
Ang mga Surah (na ibinaba) sa Makkah at sa Madinah
Ang mga bahagi ng banal na Qur-ãn ay tatlumpung bahagi, at ang mga party nito ay animnapung party.
Pagsulat ng Qur'an at pagkolekta nito
Ang Pagsulat ng Qur'an at pagkolekta nito ay may tatlong yugto:
Ang Unang yugto: Sa kapanahonan ng propeta ﷺ
At Sa yugtong ito, ang pag-asa sa pagsasaulo ay higit pa sa pagsulat. dahil sa lakas ng memorya at bilis ng pagsasaulo, at dahil na rin sa kakulangan ng mga manunulat, mga paraan at mga kagamitan sa pagsulat. samakatuwid, hindi ito nalikom sa isang aklat Bagkus sa sinumang nakarinig ng talata ay isinasaulo niya ito, O isinulat niya ito sa anumang bagay na madali para sa kanya mula sa mga puno ng palma. sa mga tabas ng mga balat, sa mga gilid ng plat na bato, at sa mga putol ng mga buto. at ang mga mambabasa (ng Qur'ãn sa panahon na ito) ay napakarami.
Ang ikalawang yugto: Sa panahon ni Abu Bakr -kaluguran nawa siya ng Allah-.
Sa ikalabindalawang taon ng Hijrah (paglikas mula makkah patungo sa madinah), nang napatay ang malaking bilang ng mga mambabasa sa naganap na digmaan sa al-Yamamah, ipinag-utos ni abu bakr -kaluguran nawa siya ng Allah- ang pagkolekta at paglikom ng Qur'ãn upang hindi ito mawala.
Si zaid bin thabit -kaluguran nawa siya ng Allah- ay nagsalaysay, sinabi niya: "Nagpadala ng mensahe sa akin si abu bakr sa pagkapatay sa mga tao sa Al-yamamah, at si Umar ibn Al-khattab ay kasama niya, sinabi ni abu bakr -kaluguran nawa siya ng Allah-: dumating sa akin si Umar at sinabi niya: Ang pagkamatay ay nagaganap sa araw ng Al-yamamah sa mga mambabasa ng Qur'ãn, at nangangamba ako na mangyari ang kamatayan ng mga mambabasang mamayan, at mawala ang maraming bahagi ng Qur'ãn, At iminumungkahi ko na ipag-utos mo ang pagkolekta at paglikom ng Qur'ãn, sinabi ko (si abu bakr) kay Umar: "paano mo magagawa ang isang bagay na hindi ginawa ng Sugo ng Allah ﷺ?" sinabi ni Umar: sumpaman sa Allah ito ay mabuti, "at hindi tumigil si Umar sa pagbabalik sa akin hanggang sa liniwanagan ng Allah ang aking dibdib sa gawain na ito, at nakita ko dito kung ano ang nakita ni Umar", sinabi ni zaid: sinabi (sa akin) ni abu bakr: Ikaw ay isang matalinong binata, hindi ka namin inaakusahan, Dati mong isinusulat ang paghahayag sa Sugo ng Allah ﷺ, kaya kolektahin mo ang Qur'ãn at tiponin mo ito, "Sumpa man sa Allah, kung ang itinalaga lang nila sa akin ay ilipat ang isa sa mga bundok, hindi ito magiging mas mabigat sa akin kaysa sa iniutos Niya sa akin na gawin ang pagkolekta ng Qur’an, sinabiko (si zaid): "paano niyo magagawa ang isang bagay na hindi nagawa ng Sugo ng Allah ﷺ?", sinabi niya: sumpaman sa Allah ito ang mas mabuti, at hindi tumigil si abu bakr sa pagbabalik-balik sa akin hanggang sa liniwanagan ng Allah ang aking dibdib tulad ng pagliwanag niya sa dibdib ni Abu bakr at Umar -kaluguran nawa silang dalawa ng Allah- kaya kinolekta ko ang Qur'ãn, tinipon ko mula sa mga puno, mga tabas, at sa mga dibdib ng mga (mambabasa ng Qur'ãn na) kalalakihan... at ang aklat (pagkatapos matipon) ay nasa pangangalaga ni Abu bakr hanggang sa siya ay bawian ng Allah ng buhay, pagkatapos ay nailipat kay Umar habang siya ay nabubuhay, pagkatapos ay nailipat kay hafsah na anak ni Umar -kaluguran nawa siya ng Allah". (Al-bukharie: 4986).
Ang ikatlong yugto: Sa panahon ni Othman bin Affan, -kaluguran nawa siya ng Allah-.
Lumawak ang lugar na sakop ng pamahaalan ng islam sa panahon ni Uthman bin affãn -kaluguran nawa siya ng Allah-, at kinuha ng mamayan ng bawat bansa ang paraan ng pagbabasa ng Qur'ãn sa sinumang nagturo sa kanila mula sa mga Shahaba (mga kasamahan ng propeta ﷺ), At dahil sa maraming paraan ng pagbabasa sa banal na Qur'an; pinangangambahan ang pagkakaroon ng fitnah (hindi pagkakasundo dahil sa pagkakaiba ng pagbabasa ng Qur'ãn), lalo na sa mga hindi nakarinig ng banal na Qur'ãn mula sa propeta ﷺ, kaya't ipinag-utos ni uthman na pagsamasamahin ang mga tao sa isang aklat lamang, upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na maging dahilan ng pag-aaway-away nila sa aklat ng Allah at magkawatak-watak sila.
Si anas bin malik -kaluguran nawa siya ng Allah- nagsalayasay Na si hudhaifah bin Al-yamãn ay dumating kay Uthman at siya noon ay nakikipagdima sa mga taga Sham sa pagsakop ng Armenia, at Ang Azerbaijan kasama ng mga tao ng Iraq, at nagulat si hudhaifah sa kanilang hindi pagkakasundo sa pagbabasa ng Qur'ãn, kaya sinabi ni Hudhaifah kay Uthman: O Pinuno ng mga mu'mini~n, habulin mo ang pamayanang ito, bago pa sila magkawatak-watak sa Aklat ng Allah tulad ng pagkakawatakwatak ng mga Hudyo at mga kristiyano, kaya nagpadala ng mensahe si Uthman kay hafshah: "Na ipadala sa amin ang Aklat kopyahin namin ito sa maraming (kopya ng) aklat, pagkatapos ay ibalik namin sa iyo". kaya ipinadala ito ni hafshah kay Uthman , at inutosan si zaid bin thabit, abdullah bin Az-zubair, said bin Al-Ãsh, At si abdur-rahmãn bin Al-hãrith bin hishãm at kinopya nila at isinulat sa maraming aklat". (Al-bukharie:4987).
At nanatili ang Qur'ãn sa kung ano ang natipon at nakolekta nila hanggang sa kasalukuyan at napagkasunduan ito sa mga muslima at laganap ito sa pagitan nila.