Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Pagmumuni-muni at pagpapaliwanag ng Qur'an
Ang pagpapaliwanag At pagmumuni-muni sa banal na Qur'an
Dapat sa bawat Muslim na tiyakin ang pagbabasa ng banal na Qur'ãn nang tamang pagbasa, Ang pagmuni-muni at pagnilaynilay sa mga kahulugan nito, ang mga kautosan at mga ipinagbabawal nito, ang pag-aaral sa pagpapaliwanag nito at mga tuntunin nito, pagkatapos ay ang paggawa (sa mga napapaloob) nito upang makamit ang kaginhawaan sa mundo at sa kabilang buhay.
Ang kahulugan ng Tadabbur (pagmuni-muni)
At-tadabbur (Ang pagmumuni-muni): ito iyong pagtigil sa mga talata at pagninilay-nilay dito, at pagsasakatuparan nito; sa pakikinabang at pagsunod.
At dapat sa isang nagmumuni-muni sa mga talata ng Qur'ãn Na alamin ang kabuoan ng kahulugan ng mga talata nang sa gayun magiging tama ang kanyang pagmumuni-muni at pag-intindi.
Ang katayuan (antas) ng pagmumuni-muni sa banal na Qur'ãn
dapa sa bawat muslim na pagmuni-munihin ang dakilang Qur'ãn na ito, at intindihin ang mga talata nito at mga kahulugan nito, at mamuhay kasama nito, batay sa sinabi ng kataas-taasan (Allah): {[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip} [Sãd: 29] at sinabi pa niya: {Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān o sa mga puso ay may mga pampinid ng mga ito?} [Muhammad: 24].
Ang Tafseer: ito yaong pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng banal na Qur'ãn.
Ang kahalagahan ng tafseer at ang pangangailangan dito
Kabilang ang kaalaman sa tafseer sa pinaka-kapaki-pakinabang na kaalaman at pinakadakila nito; dahil ito ay may kaugnayan sa Aklat ng Allah, at tumutulong sa pag-intindi sa salita ng Allah, at pag-alam sa tinutukoy nito, at ang kaalaman sa tafseer ay malalaman sa pamamagitan niya ang mga kahulugan ng banal na Qur'ãn, kung saan tinutulungan nito ang isang muslim sa pagpapagabay sa mabuting gawain, at pagkamit sa lugod ng maluwalhating Allah, at tagumpay sa kanyang mga paraiso, at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa pagsunod sa mga kautosan niya na naitala sa kanyang banal na Aklat, at pag-iwas sa mga ipinagbabawal niya, at pagkuha ng aral mula sa kanyang mga kuwento, at pag-papatoto at paniniwala sa mga ibinalita niya. at sa pamamagitan ng kaalaman sa tafseer magiging malinaw sa tao ang katotohan sa kasinungalingan, at maalis ang anumang kalituhan sa pag-abot sa mga kahulugan ng mga talata at totoong mga pahiwatig nito.
Ang pagpapahalaga ng mga shahaba (mga kasamahan ng Propeta ﷺ) sa pag-alam sa kahulugan ng Qur'ãn at pagpapaliwanag nito mula sa propeta ﷺ
Ang mga mararangal na mga shahaba (kasamahan ng propeta ﷺ) -kaluguran nawa silang lahat ng Allah- tinatanung nila ang propeta ﷺ sa anumang mahirap sa kanilang intindihin mula sa Qur'ãn, isinalaysay ni Abdullah bin mas-od -kaluguran nawa siya ng Allah- sinabi niya: nung ibinaba ang talatang ito: {Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang kawalang-katarungan} [Al-An'ãm: 82] naging mahirap ito sa mga kasamahan ng propeta ﷺ. at sinabi nila: Sino ba sa atin ang hindi nakagawa ng kawalan ng katarungan sa kanyang sarili? sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "hindi iyan tulad ng inyong inaakala, ito ay tulad ng sinabi ni luqmãn sa kanyang anak: {..."O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal ay talagang isang paglabag sa katarungan, na sukdulan"} [Luqmãn: 13]". Al-bukharie (6937), at Muslim (124).
Gagawing basihan sa pagpapaliwanag ng banal na Qur'ãn at pag-alam sa mga kahulugan nito ang mga sumusunod na pamamaraan:
Una: Tafseerul Qur'ãn bil-Qur'ãn (Ang pagpapaliwanag sa Qur'ãn sa pamamagitan ng (mga ibang talata rin sa) Qur'ãn)
Dahil ang Allah na kataas-taasan ang siyang nagbaba nito, at siya rin ang pinaka-nakakaalam sa anumang nais niya dito.
Tulad halimbawa: Sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. [Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh} [Yūnus: 62-63] Ipinaliwanag niya ang ibig sabihin ng "mga katangkilik ni Allāh" sa sinabi niya sa talata na {[Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh}.
Ikalawa: Tafseerul Qur'ãn bis-sunnah (Ang pagpapaliwanag sa Qur'ãn sa pamamagitan ng Sunnah)
Dahil ang Sugo ng Allah ﷺ siya ang nagpaparating (ng mga kapahayagan) mula sa Allah, at siya ang pinaka maalam sa lahat ng tao sa pakay ng Allah sa kanyang mga salita.
At ilan sa mga halimbawa niyan: Ang pagpaliwanag ng propeta ﷺ sa kahulugan ng (Quwwah) lakas na (Ar-ramy) Ang pagpana. sa salaysaly ni 'Uqbah bin Ãmer -kaluguran nawa siya ng Allah- na sinabi niya: Narinig ko ang sugo ng Allah ﷺ habang siya ay nasa mimbar (Altar), sinabi niya: "{Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo na anumang lakas} [Al-Anfãl: 60], hindi ba't ang lakas ay ang pagpana, hindi ba't ang lakas ay ang pagpana, hindi ba't ang lakas ay ang pagpana". Muslim (1917).
Ikatlo: Tafseerus Shahaba (Ang pagpapaliwanag ng mga Shahaba) -kaluguran nawa sila ng Allah- (sa Qur'ãn)
Dahil sila ang pinaka maalam niyaon: Dahil sa mga nasaksihan nilang mga batayan at mga pangyayari na itinangi lamang sa kanila. At dahil sa taglay nilang ganap na pag-unawa, tamang kaalaman, at mga mabuting gawa.
Isa sa mga halimbawa niyan: Sa sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae} [An-nisã': 43] napatunayan mula kay ibn Abbãs -kaluguran nawa silang dalawa ng Allah-: na ipinaliwanag niya na ang kahulugan ng pagsaling (O paghawak) sa mga babae ay pakikipagtalik", Tafseer At-tabarie (8/389).
Ikaapat: Tafseerut Tãbi'een (Ang pagpapaliwanag ng mga tãbi'een sa Qur'ãn)
Sila ang mga nagpapahalaga sa pagkuha ng paliwanag (ng Qur'ãn) mula sa mga Shahaba -kaluguran nawa sila ng Allah-. dahil ang mga tãbi'een sila ang pinakamahusay na mga tao pagkatapos ng mga Shahaba, At mas malayo sila sa pagsunod sa sariling kagustuhan (kapritso) kaysa sa mga sumunod sa kanila, At sa kanilang kapanahonan hindi pa gaano naiba o nahaluan ang wikang arabik, kaya sila ang mas malapit sa tamang pag-unawa sa Qur'ãn kaysa sa mga sumunod sa kanila.
Ang Obligadong tungkulin ng Muslim sa pagpapaliwanag ng Qur'ãn
Nararapat sa muslim na kapag nag-alinlangan sa pag-unawa ng Qur'ãn at pag-alam sa mga kahulugan nito Na bumalik siya sa mga Aklat ng tafseer, at mga salita ng mga pantas sa kaalaman ng tafseer sa pagpaliwanag at paglinaw sa mga kahulugan ng mga talata at mga kahulugan nito.
Ang pagtafseer (pagpapaliwanag) sa Qur'ãn ay hindi gawain ng lahat ng Muslim; bagkus ito ay gawain ng mga pantas sa kaalaman ng tafseer, kaya nararapat sa mga pangkalahatang Muslim na hindi nila ito pangunahan gawin nang walang sapat na kaalaman, dahil ang nagpapaliwanag (sa Qur'ãn) ay tagasalin ng salita ng Allah, Saksi dito sa anumang nais niya (Allah) sa kanyang mga salita, kaya nararapat na dakilain at igalang ang pagsasaksi na ito at mangamba na makapagsabi tungkol sa Allah ng walang kaalaman, at mahulog siya sa mga bagay na ipinagbabawal ng Allah, at singilin siya dito sa kabilang buhay, sinabi ng Allah na kataas-taasan: {Sabihin mo (O Muhammad): "Nagbawal lamang ang Panginoon ko ng mga malaswa: anumang nalantad sa mga ito at anumang nakubli, ng kasalanan, ng paglabag nang walang karapatan, na magtambal kayo kay Allāh ng anumang hindi naman Siya nagbaba roon ng isang katunayan, at na magsabi kayo hinggil kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman} [Al-A'rãf: 33]
May maraming mga Aklat na isinulat sa pagpapaliwanag (tafseer) ng banal na Qur'ãn, At dahil ito ay hindi sa pare-parehong antas sa mga tuntunin ng pagtanggap, ang Tungkulin ng isang Muslim ay magtiwala lamang sa mga pinagkakatiwalaang tafseer na sumunod ang mga may-akda nito sa mga panuntunan ng pagpapaliwanag sa Qur'ãn, at Kabilang sa mga pinakatanyag sa mga aklat na ito: