Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mensahe ni Propeta Muhammad ﷺ
Ang pangangailangan ng tao sa mga Sugo
Napapaloob sa wagas na layunin ng Allah na kataas-taasan Na magpadala sa bawat pamayanan ng isang tagapagbabala, magpapaliwanag sa kanila ng anumang ibinaba ng Allah sa kanyang mga alipin mula sa relihiyon at patnubay, na magpapabuti ng kalagayan nila sa mundo at sa kabilang buhay, Sinabi ng Allah: {Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang tagapagbabala} [Fãtir: 24].
Dahil Walang paraan tungo sa kaligayahan at tagumpay, maging sa mundo o sa Kabilang Buhay, maliban sa pamamagitan ng mga kamay ng mga Sugo. at Walang paraan upang malaman ang mabuti at masama nang detalyado maliban sa (mula sa) kanilang panig, at hindi makakamit ang lugod ng Allah maliban sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, At Ang mabubuting gawa, salita, at moral ay walang iba kundi ang kanilang patnubay at kung ano ang kanilang ipinarating.
Ang paniniwala kay Muhammad ﷺ bilang isang Propeta at Sugo
Naniniwala kami na si Muhammad ﷺ ay Alipin at Sugo ng Allah, At siya ang pinuno ng una at huli, Siya ang pangwakas ng mga propeta, at wala nang propeta pagkatapos niya, ipinarating niya ang mensahe, tinupad ang ipinagkatiwala, pinayuhan ang mamamayan, at nakipaglaban ng tunay na pakikipaglaban para sa Allah.
Sinabi ng Allah: {Si Muḥammad ay ang Sugo ng Allāh...} [Al-Fat'h: 29]
At dapat natin paniwalaan ang anumang kanyang sinabi, at sundin natin siya sa anumang kanyang iniuutos, at layuan natin ang anumang kanyang ipinagbawal at ikinagalit, At sambahin natin ang Allah ayon sa kanyang Sunnah, At gayahin natin siya ﷺ.
Si Muhammad ﷺ ang siyang pangwakas ng mga Sugo at ng mga propeta, at wala nang propeta pagkatapos niya, at ang kanyang mensahe ay pangwakas sa mga sinaunang makalangit na mga mensahe, at ang kanyang relihiyon ay pangwakas sa mga relihiyon.
Sinabi ng Allah: {Si Muḥammad ay hindi naging ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit siya ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta} [Al-Ahzãb: 40].
at isinalaysay ni Abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- mula sa propeta ﷺ na sinabi niya: "Gaya ko at ng mga propeta na nauna sa akin ay Parang isang tao na nagtayo ng isang bahay at pinabuti at pinaganda niya ito, maliban sa lagayan ng isang ladrilyo sa isang sulok, at hinayaan niyang hanapin ito ng mga tao at sasabihin nila: bakit hindi mo inilagay itong ladrilyo? sinabi niya (ang propeta): "at ako ang ladrilyo at ako ang pangwakas sa mga propeta", Al-bukharie (3535).
Ang pinakamahusay sa mga Sugo at propeta
Ang ating Propeta na si Muhammad ﷺ ay ang pinakamahusay sa mga propeta, hindi bagkus pinakamahusay sa mga nilikha, at pinakadakila sa kanila ang antas sa Allah, Itinaas ng Allah ang kanyang pagkatao at iniangat ang kanyang katayuan, Siya ang pinakamahusay sa mga nilikha, ang pinakamarangal sa kanila sa harap ng Allah, at ang pinakadakila sa kanila sa prestihiyo sa Kanya (Allah), Luwalhati sa Kanya. sinabi ng Allah: {...Nagpababa ang Allāh sa iyo ng Aklat at Karunungan at nagturo Siya sa iyo ng hindi mo noon nalalaman. Laging ang kabutihang-loob ng Allāh sa iyo ay sukdulan} [An-nisã':113], At sinabi ng Makapangyarihan sa lahat, na kinakausap ang kanyang Propeta ﷺ: {Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo} [Ash-sharh: 4].
at siya ang pinuno ng mga angkan ni Ãdam (Adan), At ang unang bumukas sa kanya ang libingan, Unang tagapamagitan, at unang mamamagitan, At nasa kanyang kamay ang bandila ng papuri sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at unang makatawid sa Shirãt (Tulay), at unang kakatok sa pintuan ng paraiso at unang papasok dito.
Ipinadala ng Allah si Muhammad bilang habag sa mga nilalang, kaya ang kanyang mensahe ay pangkalahatan sa thaqalain: Ang tao at jinn, at ang kanyang mensahe ay pangkalahatan sa lahat ng mga tao, sinabi ng Allah: {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang} [Al-Anbiyā’: 107].
At sinabi ng Allah: {Hindi Ka namin ipinadala (bilang sugo) maliban sa kalahatan para sa mga tao...} [Saba': 28], at sinabi niya: {Sabihin mo (O Muhammad): "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ng Allāh sa inyong lahat} [Al-A'rãf: 158].
Samakatuwid ipinadala (isinugo) siya ng Allah na habag sa lahat ng nilalang upang ilabas sila mula sa kadiliman ng Shirk (pagtatambal sa Allah sa lahat ng uri ng pagsamba), kawalan ng pananampalataya, at kawalan ng kaalaman, patungo sa liwanag ng kaalaman, pananampalataya at pagbubukod tangi sa Allah (monoteismo) Upang makamit nila sa pamamagitan niyaon ang kapatawaran ng Allah, at kanyang lugod, at maligtas sila mula sa kaparusahan ng Allah at kanyang galit.
Ang pagka-obligado ng paniniwala sa kanya at pagsunod sa kanyang mensahe
Ang mensaheng Muhammadan ay nagpapawalang bisa sa mga naunang mensahe, Kaya hindi tumatanggap ang Allah ng relihiyon mula sa sinuman maliban sa pagsunod kay Muhammad ﷺ, Walang makakarating sa biyaya ng Paraiso maliban sa kanyang paraan, At siya ﷺ ang pinakamarangal sa mga Sugo, at ang kanyang pamayanan ay pinaka mahusay sa lahat ng pamayanan, At ang kanyang batas ay pinakakompleto sa lahat ng mga batas.
Sinabi ng Allah: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi} [Ãl 'Imrãn: 85].
Isinalayasay ni Abi Hurairah -kaluguran siya ng Allah- Mula sa Sugo ng Allah ﷺ Na siya ay nagsabi: "Sa pamamagitan niya na may tangan ng kaluluwa ni Muhammad, Walang sinumang nakarinig sa akin mula sa pamayanang ito na hudyo O kristiyano, pagkatapos ay hindi siya maniwala sa mensahing ipinadala sa akin, maliban sa siya ay kasama sa mga tao ng apoy sa Impiyerno", Muslim (153).
Kabilang sa mga himala ng Propeta ﷺ na nagpapahiwatig ng kanyang mensahe
Sinuportahan ng Makapangyarihang Allah ang ating Propeta Muhammad ﷺ, sa pamamagitan ng makikinang na mga himala, at mga palatandaan na nakikita, dito ay may patunay at patotoo sa katapatan ng kanyang pagkapropeta at mensahe. Kabilang sa mga himalang iyon:
Ang pinakadakilang palatandaan na ibinigay sa Sugo sa atin ﷺ, ay ang banal na Qur'an, na kumakausap sa mga kaluluwa at isipan, At ito ay mananatiling walang hanggang palatandaan hanggang sa Araw ng Paghuhukom, Hindi mangyayari dito ang pagbabago at pag-iiba, ito ay mapaghimala sa kanyang wika at istilo, At himala sa mga batas at pasya nito, at himala sa mga kuwento nito.
Sinabi ng Allah: {Sabihin mo (O Muhammad): "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn para maglahad ng tulad ng Qur’ān na ito ay hindi sila makapaglalahad ng tulad nito at kahit pa ang iba sa kanila para sa iba pa ay naging tagapagtaguyod} [Al-Isrã': 88].
Sinabi ng Allah: {Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan, at Kung makakikita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: "Isang panggagaway na nagpapatuloy"} [Al-Qamar: 1-2], at tunay na nangyari ang pagkabiyak na ito sa panahong buhay pa siya (si propeta Muhammad ﷺ) at nakita ito ng mga Quraysh at iba pa.
Upang makakain ang sinumang kasama niya at may matitira dito, at isa na doon ang hadith na isinalaysay ni samurah bin jundob, sinabi niya: "Habang kasama namin ang Propeta ﷺ Nagdadala siya ng mangkok na may sinigang", kumain siya at kumain din ang mga tao, at patuloy na ipinamamahagi ito ng mga tao hanggang sa malapit ng tanghali ay kumakain pa ang lahat ng tao, pagkatapos ay nagsipagtayo sila. at may dumating naman na ibang mga tao na sumunod na kumain". musnad Ahmad [20135].
pagkatapos ay mangyayari tulad ng kanyang sinabi, at sa katunayan ay marami nang nangyari sa kanyang mga sinabi, at patuloy natin nakikita ang mga bagay na nangyayari mula sa kanyang mga sinabi ﷺ.
Isinalaysay ni Anas -kaluguran siya ng Allah- Na si Omar bin Al-khttãb -kaluguran siya ng Allah- ay nagsalita ikinukuwento niya sa kanila ang tungkol sa mga tao sa Bad'r, at sinabi niya: Ang Sugo ng Allah ﷺ ay ipinapakita niya sa amin ang mga lugar na babagsakan ng mga tao sa Bad'r nong nakaraan, sinabi niya: "dito babagsak si ginoo bukas, sa kapahintulutan ng Allah", sinabi niya (ni anas): sinabi ni Omar: at sumpa man sa nagsugo sa kanya sa katotohanan Hindi sila nakalampas sa mga limit na itinuro ng Sugo ng Allah ﷺ", Muslim [2873].
Ang mga karapatan ng propeta ﷺ sa kanyang mamamayan ay marami, at ilan dito ang mga sumusunod:
1- Ang paniniwala sa kanyang pagkapropeta ﷺ
Ang paniniwala sa kanyang pagkapropeta at mensahe at ang paniniwala na napawalang bisa ng kanyang mensahe ang lahat ng mga naunang mensahe.
2- Paniniwala sa kanya ﷺ
Pagpapatotoo sa kanya sa anumang kanyang sinabi, at pagsunod sa anumang kanyang ipinag-utos, at pag-iwas sa kanyang mga ipinagbabawal at ikagagalit, At na huwag sambahin ang Allah maliban sa kung ano ang kanya ipinag-utos at itinakda, sinabi ng Allah: {...Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo...} [Al-hashr: 7].
3- Pag tanggap sa anumang kanyang ipinarating ﷺ
Obligado sa atin na tanggapin ang anumang ipinarating ng propeta ﷺ, At magpasakop sa kanyang Sunnah, At gawin natin ang kanyang patnubay na lugar ng pagluwalhati at pagdadakila, batay sa sinabi ng Allah: {Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang pinagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos]} [An-Nisã': 65].
4- pag-iingat na malabag ang kanyang utos ﷺ
Dapat tayong mag-ingat na malabag ang kanyang utos ﷺ dahil ang paglabag sa kanyang utos ay sanhi ng sedisyon (fitnah), pagkaligaw at masakit na kaparusahan, sinabi ng Allah: {...Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang pagsubok o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit} [An-noor: 63].
5- Unahin ang pagmamahal sa kanya ﷺ, kaysa sa pagmamahal sa sinumang tao
Dapat nating unahin ang pagmamahal sa Propeta ﷺ, kaysa sa pagmamahal sa sarili, sa ama, sa anak, at sa iba pang nilikha. Isinalaysay ni Anas, sinabi niya: Sinabi ng Propeta ﷺ: "hindi ganap ang pananampalataya ng isa sa inyo hanggat hindi ako ang maging pinakamamahal niya kaysa sa kanyang ama, anak, at lahat ng mga tao", Al-bukharie (15). At sinabi ni Omar bin Al-khattãb -kaluguran siya ng Allah-: O Sugo ng Allah, tiyak na ikaw ang pinakamamahal ko kaysa sa lahat ng bagay maliban sa aking sarili, kaya sinabi sa kanya ng propeta ﷺ: "Hindi, sumpa man sa kanya na may tangan ng aking kaluluwa, hanggat di-ako maging pinakamamahal mo kaysa sa iyong sarili" kaya sinabi sa kanya ni Omar: tunay na ngayon , sumpa man sa Allah, tiyak na ikaw na ang pinakamamahal ko kaysa sa aking sarili, at sinabi ng propeta ﷺ sa kanya: "Ngayon O Omar (ay tunay nang ganap ang iyong pananampalataya)", (Al-bukharie 6632).
6- Ang paniniwala na Siya ﷺ ay naiparating niya ang kanyang mensahe
Dapat na paniwalaan Na ang Sugo ﷺ ay naiparating niya ng buo ang mensahe, natupad niya ang ipinagkatiwala sa kanya, at pinayuhan niya ang mamamayan, walang ni isang mabuti maliban sa ito ay naituro niya sa mamamayan at ipinanghikayat niya ito, at walang ni isang masama maliban sa ipinagbawal niya sa mamamayan ito at pina-iingatan niya ito, sinabi ng Allah: {...Sa araw na ito ay pinaging ganap ko para sa inyo ang inyong Relihiyon, at nilubos Ko sa inyo ang Aking biyaya at pinili ko (at ginawang kalugud-lugod) para sa inyo ang Islām bilang relihiyon...} [Al-Mã'idah: 3].
At sinaksihan ng mg Shahaba (mga kasamahan ng propeta) sa propeta na naiparating niya (ang kanyang mensahe) sa kanilang pinakamalaking pagtitipon sa araw na nagsermon siya (Ang propeta) sa kanila sa Pamamaalam na Peregrinasyon (haJJ), at sa hadith ni jãber Na ang propeta ﷺ ay nagsabi: "At kayo ay tatanongin tungkol sa akin, kaya ano ang inyong sasabihin?" Sinabi nila: Kami ay sumasaksi na tunay na naiparating mo (ang iyong mensahe) at tinupad mo (ang ipinagkatiwala sa iyo), at pinayuhan mo (ang mamamayan), at Sinabi niya gamit ang hintuturo niya, itinaas niya ito sa langit at idinuro niya ito sa mga tao: "Allahumma ish-had, Allahumma Ish-had" (saksihan mo O Allah) tatlong beses. Muslim (1218).