Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Sunnah ng propeta ﷺ
Ang Sunnah ng Sugo ng Allah ﷺ ay kapahayagan na inihayag ng Allah sa kanyang Propetang si Muhammad ﷺ, at ito kasama nang aklat ng Allah na Makapangyarihan ay pundasyon at pinagmumulan ng relihiyong Islam, At ang dalawang ito ay magka-ugnay tulad ng ugnayan ng Shahãdato An-lã ilãha illa-llãh (Ang pagsasaksi na walang diyon sa karapat-dapat sambahin maliban sa Allah) at Shahãdato Anna Muhammadan rasulo-llãh (Ang pagsasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah), at ang sinumang Hindi maniniwala sa Sunnah ay hindi naniniwala sa Qur'ãn.
Ang ibig sabihin ng Sunnah
Ang Sunnah ng propeta ay: Anumang nai-uugnay sa propeta ﷺ mula sa salita O gawa O pagsang-ayun, O katangian sa Ugali O pagkalikha.
Ang katayuan ng Sunnah ng propeta
Ang Sunnah ng Propeta ay may dakilang lugar (posisyon) sa Islam. at ilan sa mga magpapakita ng kanyang posisyon at katayuan ay Ang mga sumusunod:
1. Ito ang pangalawang pinagmumulan (pinagbabasihan) ng batas
Ang Sunnah ay siyang pangalawang basihan sa relihiyon pagkatapos ng banal na Qur'ãn, isinalaysay ni Al-miqdãm bin ma'di karib Al-kindi, sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "di-ba ako ay binigyan ng libro at katulad nito?, di-ba Binigyan ako ng Qur’an at katulad nito. Hindi ba't ang isang lalaki ay muntikan nang makasandal na busog na busog sa kanyang sopa na sinabi niya: Dapat ninyong Sundin ang Qur'ãn, kung anuman ang makita niyo na pinahihintulutan dito ay ipahintulot ninyo, at kung anuman ang makita niyo na ipinagbabawal dito ay ipagbawal ninyo". musnad Ahmad (17174).
2. Ito ay isang kapahayagan mula sa Allah na Makapangyarihan sa lahat
Ang Sunnah ng propeta ay kapahayagan mula sa Allah para sa kanyang Sugo ﷺ, sinabi ng Allah: {Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. Walang iba ito kundi isang kapahayagan na inihayag sa kanya. Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas} [An-Najim: 3-5].
3. Ito ay isang pagpapaliwanag sa Qur’an
Ang sunnah ng propeta ay naglalaman ng pagpapaliwanag sa Qur'ãn. sinabi ng Allah: {... Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip} [An-Nahl: 44].
at tunay na Ang mga talata ng banal Qur’an ay dumating sa maraming pagkakataon na may mga pangkalahatang Alituntunin, at inisa-isa ito ng Sugo ng Allah ﷺ sa pamamagitan ng kanyang salita O pagpa-praktikal nito sa gawa, batay sa kung ano ang nabanggit sa Qur'ãn, katulad halimbawa sa sinabi ng Allah: {Magpanatili kayo (mag-alay kayo) ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh (Obligadong kawanggawa), at sundin ninyo ang Sugo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan} [An-Noor: 56]. Dumating ang utos sa pag-tataguyod ng pagdarasal at pagbibigay ng zakãt ng pangkalahatan, at dumating ang pagpapaliwanag niyaon sa Sunnah, kung saan ipinaliwanag niya ang mga Oras ng limang beses na pagdarasal at pamamaraan nito at lahat ng mga alituntunin nito, at gayundin na ipinaliwanag niya ang mga alituntunin ng zakãt (Obligadong kawanggawa).
Ang Sunnah ng propeta ay kasama sa Az-Zikr (Ang Qur'ãn) na pinamamahalaan ng Allah ang pangangalaga nito, sinabi ng Allah: {Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala (Az-Zikr - Qur'ãn) at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat} [Al-Hijr: 9], at ang Zikr: ay katawagan na maitatawag sa lahat ng anumang ibinaba ng Allah sa kanyang propeta ﷺ mula sa Qur'ãn at Sunnah.
Kabilang sa mga pagpapakita ng pangangalaga na ito ay Na Ang Allah ay naghanda para sa Sunnah ng propeta ng mga Ulama (iskolar) na gumawa ng mahusay na pagsisikap sa paraan ng pagtipon sa Sunnah at pagtala nito, at naglagay ng mga panuntunan na nagsusuri sa pagsasalaysay nito, at tinukoy nila ang anumang nakasama dito na kasinungalingan, kurokuro at pagkakamali, at sinuri nila ito nang masusing pagsusuri, at iningatan nila ito ng matinding pag-iingat, At sinuri nila ang mga kalagayan ng paghahatid nito at ang mga tagapagsalaysay nito.
Kaya ang Sunnah ay pinamamahalaan ng Allah ang pag-ingat (pangangalaga) nito sa pamamagitan nilang mga tagapagsalaysay at iskolar (Ulama') na sila ang pinili ng Allah sa pangangalaga ng Sunnah ng kanyang propeta ﷺ.
Ang Sunnah ng propeta ay siyang pangalawang pinagmumulan (pinagbabasiha) sa batas (paghatol) pagkatapos ng dakilang Qur'ãn. at hindi makukumpleto ang relihiyon ng Allah maliban sa pagkuha ng Aklat (pagsunod sa mga nilalaman ng Qur'ãn) at Sunnah ng propeta ng magkatabi (magkasama).
At ang Sunnah ang pangunahing basihan sa paglabas ng mga legit na alituntunin (hatol), at Obligado ang paggawa (pagsunod) sa mga nilalaman nito, Sa mga usapin ng paniniwala at mga legit na hatol (pagpapasya).
At ang Sunnah ay nakukuha sa pagpapaliwanag sa mga alituntunin ng banal na Qur'ãn, at gayundin na malaya ito sa pagpapasya sa mga alituntunin, at katulad din ng Qur'ãn sa pagpapahintulot sa mga pinahihintulutan, at pagbabawal sa mga ipinagbabawal.
at sa katunayan! tumatayo ang banal na Qur'ãn, at mga hadith ng propeta sa pagpapatunay ng pagiging tunay (basihan) nito, at sa katayuan nito sa pagpapasya (paghatol) sa islam, at my maraming mga talata at maraming hadith na nag-uutos na panghawakan ang Sunnah, at gawin itong patunay (basihan), at pangangailangan ng Pagsunod sa Propeta ﷺ, sinabi ng Allah: {Ang anumang ibinigay (ipinarating) sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway (ipinagbawal) niya sa inyo ay tigilan ninyo} [Al-Hashr: 7].
Isinalaysay ni Al-Miqdãd bin ma'di yakrib al-kindi, Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "muntikan ng humiga ang isang lalaki sa kanyang sopa, na nagsasabi ng isang hadith mula sa aking mga hadith, at sinabi niya: Ang Sa pagitan namin at ninyo ay ang Aklat ng Allah na Makapangyarihan sa lahat, kaya kung anuman ang nakita namin na ipinahintulot dito ay ipinapahintulot namin.at ang anumang nakita namin na ipinagbabawal dito ay ipinagbabawal namin, hindi ba't ang mga ipinagbabawal ng Sugo ng Allah ﷺ ay katulad din ng mga ipinagbabawal ng Allah". Ibn Mãjah (12).
Itinakda ng Allah na obligado sa kanyang mga alipin Ang pagsunod sa Kanyang Sugo ﷺ at pagsunod sa kanyang Sunnah, sa kanyang mga salita, sa kanyang mga gawa, at sa kanyang mga kalagayan, sinabi niya (Allah): {Sabihin mo (O Muhammad): "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} [Ãl 'Imrãn: 31], at sinabi ng Allah: {...Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan} [Al-A'rãf: 158].
At isinalaysay ni Al-'Irbãd bin sãriyah -kaluguran siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Kaya sundin ninyo ang aking Sunnah at ang Sunnah ng mga Caliph (mga humalili sa propeta) na Pinatnubayan na matutuwid, panghawakan ninyo ito at kagatin niyo ito ng mahigpit (ibig sabihin: hawakan ng mahigpit), at iwasan ninyo ang mga bagay na pagbabago (sa pamamaraan ng anumang uri ng pagsamba), dahil ang lahat ng binago (sa mga pagsamba) ay bid'ah (walang basihan na paraan ng pagsamba), at ang lahat ng Bid'ah ay pagkaligaw", Abu dawod (4607).
at ang ibig sabihin ng pagsunod ay: ang panghawakan ang anumang sinabi ng Sugo ﷺ O ginawa, at Ang pagsunod sa pamamaraan ng Propeta ﷺ at ang kanyang paraan sa pagsunod ng mga utos at pag-iwas ng mga ipinagbabawal. at pagpraktikal sa relihiyon at paggawa (sa mga utos) nito.
Ang pagsunod ay Obligado sa mga Obligado, at kanais-nais sa mga kanais-nais, (ang ibig sabihin nito: kung ang ipinag-utos ay Obligado; tulad ng pagdarasal. Obligado rin ang pagsunod nito, at kung ang ipinag utos ay kanais-nais -hindi Obligado- ay kanais-nais din ang pagsunod nito; tulad ng mga Sunnah na gawain).
Ang pagsunod sa Sunnah ay may maraming mga kabutihan at mga bunga, at kabilang doon ang:
Sa paligian na pagsunod sa Sunnah ay may kaligtasan mula sa pagsunod sa mga groupo na tiniyak ng propeta ﷺ na sila ay mga tao ng apoy (sa Impiyerno), isinalaysay ni Abdillah bin 'Amr -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Tiyak na darating sa aking mamamayan ang (fitnah - pagsubok O parusa na) tulad ng dumating sa bani Isrã'el (mga angkan ni propeta ya'kob) na parang magkabilaan na sandaliyas ang pagkapareho (ibig sabihin walang pakakaiba), hanggang sa kung ginawa lang ng isa sa kanila (sa bani Isrã'el) na makipagtalik sa kanyang ina sa publiko ay mayroon din sa aking mamamayan na gumawa ng ganon, at tunay na ang bani isrã'el ay nahati-hati sila sa pitompu't dalawang doktrina, at ang aking mamamayan ay mahahati-hati rin sa pitompu't tatlong doktrina, at lahat sila ay sa Impiyerno maliban sa isang doktrina", sinabi nila: sino iyon o Sugo ng Allah? sinabi niya: "ang sinumang sumunod sa kung ano ang aking ginagawa at ng aking mga kasamahan", At-Tirmizie (2641).
Sa pagpapanatili sa pagsunod sa sunnah ay makakamit ang patnubay at kapayapaan mula sa pagkaligaw, sinabi ng Allah: {Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan} [Al-A'rãf: 158], at isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "katotohanan ako ay nag-iwan sa inyo ng dalawang bagay na hinding hindi kayo maliligaw pagkatapos nito: Ang aklat ng Allah at ang aking Sunnah", mustadrak Al-Hãkim (319).
Ang pagtanggap sa isang mabuting gawa ay nakasalalay sa pagsang-ayun nito sa Sunnah. kaya dapat na ang gawaing ginagawa ng alipin ay naaayon sa Sunnah ng Propeta ﷺ, isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Ang sinumang gumawa ng isang gawain na hindi kasama sa ipinag-utos namin ay ibabalik sa kanya (tatanggihan at hindi matatanggap)". Muslim (1718).
Sa pagsunod sa Sunnah ay mapapalapit sa propeta ﷺ at ang sinumang lumayo sa sunnah ay mapalayo sa propeta, batay sa hadith ni anas bin mãlik -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: dumating ang tatlong grupo sa mga bahay ng mga asawa ng propeta ﷺ, nagtatanong sila tungkol sa pagsamba ng propeta ﷺ, at nang masabi ito sa kanila ay parang minaliit nila ito, at sinabi nila: Saan tayo kumpara sa propeta ﷺ? siya ay pinatawad na sa kanyang mga naunang kasalanan at sa hinaharap! sinabi ng isa sa kanila: katotohanan na ako ay magdarasal sa gabi nang walang hanggan, at sinabi ng iba: ako ay mag-aayuno sa buong taon at hindi ako titigil, at sinabi ng iba: ako ay iiwas sa mga babae at hindi ako mag-asawa kahit kailan, kaya't dumating sa kanila ang Sugo ng Allah ﷺ at sinabi niya: "kayo ay nagsabi ng ganito ganyan, samantalang ako sumpaman sa Allah, tunay na ako ang pinakamatakutin sa inyo sa Allah at pinakanangangamba sa kanya, subalit ako ay nag-aayuno at tumitigil, at nagdarasal ako at humiga, at nag-asawa ako ng mga babae, kaya sinuman ang umayaw sa aking Sunnah ay hindi kasama sa akin". Al-Bukharie (5063).
Sa pagpapanatili sa pagsunod sa Sunnah ay kaligtasan mula sa mga fitnah (pagsubok) at masakit na kaparusahan. sinabi ng Allah: {Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang pagsubok o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit} [An-Noor: 63].
Sa pagsunod sa Sunnah at pagpapanatili nito ay makamit ang kaginhawaan sa dalawang tahanan (sa mundo at sa kabilang buhay), Sinabi ng Allah: {Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya, natatakot kay Allāh, at nangingilag magkasala sa Kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo ng tagumpay} [An-Noor: 52].