Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Pagsusugal at Pagpupustahan
Ano ba ang Pagsusugal o pagpupustahan?
Ang pagsusugal: Lahat ng laro na kikita dito ang isang panig o higit pa at malulugi o matatalo ang iba, at ang lahat ng kalahok ay nasa pagitan ng pagkamit ng kabayaran (ang pera o iba pa), o matatalo at makukuha ito ng iba sa kanya.
Ang pagsusugal ay ipinagbabawal sa Qur'an, sa sunnah at sa napagkasunduan (ng karamihan sa mga pantas).
Makakakuha ng kapakinabangan ang nanalo sa sugal at pustahan, ngunit nilinaw ng Allah na ang kasalanan at pinsala nito ay higit na malaki kaysa sa pakinabang at benepisyo nito. sinabi ng Allah na kataas-taasan: {Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa alak at sugal. Sabihin mo: "Sa dalawang ito ay may kasalanang malaki at mga pakinabang para sa mga tao ngunit ang kasalanan sa dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangan sa dalawang ito."} [Al-Baqarah: 219].
Sinabi ng Allah na kataas-taasan: {O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay} [Al-Mã'idah: 90].
Ang mga pinsala ng pagsusugal at pagpupustahan sa indibidwal at lipunan:
1. Lahat ng laro na kumukuha dito ang nanalo ng isang bagay mula sa natalo: halimbawa Na maglalaro ang isang grupo ng mga tao ng sugal (البلوت أو الكوتشينة) at maglagay ang bawat isa sa kanila ng ilang halaga ng pera, at sinuman ang manalo sa kanila ay makukuha niya ang lahat ng pera.
2- Ang nagpupusta sa pagkapanalo ng isang Koponan o naglalaro at katulad niyaon: at maglalagay ang mga nagpupusta ng pera, at bawat isa ay magpusta sa pagkapanalo ng kanyang koponan o sa kanyang manlalaro, at kung manalo ang kanyang koponan ay kikita siya ng pera, at kung natalo ang kanyang koponan ay natalo rin ang pera.
3- Ang lottery at lucky paper: halimbawa bibili ng isang card sa halagang isang dolyar, at ira-raffle ang mga card at kung manalo ang kanyang card ay makakakuha siya ng higit sa halaga nito, maging kaunti man o marami ang makakuha nito.
4- Ang pakikilahok sa mga paligsahan sa pamamagitan ng tawag sa telepono o mensahe sa cellphone kung saan mas mahal ang singil kaysa sa nakasanayan, at ganon din ang lahat ng mga pisikal, elektrikal at online na mga laro, kung saan ang naglalaro nito ay nahaharap sa Dalawang posibilidad: Ang manalo (kumita) ng pera o matalo.