Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pagpapaupa o pagpaparenta
Ito ay ang kasunduan (kontrata) sa isang trabaho, o sa isang tukoy na pinahihintulatan na pakinabang mula sa isang bagay na tukoy, o nailarawan sa isipan, isang tukoy na panahon, sa tukoy na kapalit (o bayad).
Ang hatol sa Pagpapaupa sa islamikong batas
Ang pagpapaupa ay pwede at pinahihintulutan, at napatunayan ito sa Marangal na aklat (Qur'ãn) at sa Sunnah (hadith) at sa ij'mã' (napagkasunduan ng mga pantas ng islam). at ito ay kasunduan na kailangan ipatupad ng magkabilang panig kapag ito ay nagawa na, at nagaganap ito sa kahit anong salita na nagpapahiwatig nito; gaya ng Pinaupahan ko saiyo, at iba pa na salitang nakasanayan na nagpapahiwatig sa pagpapaupa.
Ilan sa mga patunay sa pagpahintulot sa pagpapaupa
Sinabi ng Allah: {Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa: "O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan."} [Al-Qasas: 26].
At isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "umupa ang Sugo ng Allah ﷺ at si abu bak'r ng isang lalaki mula sa Bani (angkan ng) Dail, bilang guide at magtutro ng daan, at siya ay di-muslim mula sa Quraysh, at binayaran nila ito ng kanilang mga gamit, at pinangakuan nila ito na magkita sila sa yungib ng thõr pagkatapos ng tatlong araw , at ibinigay nila sa kanya ang kanilang mga gamit sa umaga ng ikatlong araw", (Al-Bukharie 2264).
Ang layunin sa pagsasabatas ng pagpapaupa
Magbibigay ang Pagpapaupa ng maraming pakinabang sa mga tao sa kanilang pamumuhay; sapagkat sila ay nangangailangan ng mga trabaho para makapagtrabaho, bahay para tirahan, mga pwesto para sa pagtitinda at pagbili, at mga hayop mga sasakyan at mga kagamitan at iba pa para sa pagdala ng mabibigat, pagsakay at kapakinabangan. at ang karamihan sa mga tao ay walang kakayahan na bumili ng ganitong mga bagay, kaya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pagpapaupa ay magkakaroon ng kaluwagan at pagpapadali sa mga tao, at bilang tulong sa kanila sa pagtugon sa mga pangangailangan nila sa pamamagitan ng maliit na halaga ay makikinabang ang magkabilang panig, kaya purihin ang Allah at magpasalamat sa kanyang mga biyaya.
Mga Uri ng pagpapaupa
Mga Uri ng nirerentahan (upahan)
Ang pribadong nirirentahan (o upahan)
Ito ay ang inupahan siya ng isang tao ng sa loob ng tukoy na panahon upang magtrabaho sa kanya, at ito ay hindi pwede sa kanya na magtrabaho sa iba bukod sa umupa sa kanya, at kapag siya ay nagtrabaho sa iba sa loob ng panahon (kontrata) niya ay mababawasan ang kanyang bayad na katumbas ng kanyang trabaho, at kung bumalik siya at nagtrabaho ay may karapatan siya sa sahod niya, at makukuha niya ang kompletong sahod niya kung sakaling itigil ng nagrirenta sa kanya ang pagrenta (o pag-upa) bago pa matapos ang kontrata ng walang sapat na dahilan gaya ng pagkasakit o kawalan ng kakayahan, at kung gayun ay ang makukuha lang niya ay ang panahon na napagtrabahohan niya.
Siya yong naghahati sa pakikinabang sa kanya ang higit sa isang tao; tulad ng panday, tubero, taga print ng mga damit, at mananahi kung siya ay nagtatrabaho sa kanyang sariling kita, at tumatanggap siya ng trabaho sa sinumang nag-aalok nito sa kanya, kaya ito ay walang karapatan ang umupa sa kanya na pigilan siya sa pagtanggap ng trabaho sa iba, at hindi siya nararapat na bayaran maliban sa kanyang trabaho.
Mga haligi ng kontrata ng pagpapaupa
Ang dalawang may kasunduan
Ang tinutukoy dito ay ang magkabilang panig (ang umuupa at ang nagpapaupa) kung saan narapapat sa kanila ang ijab (pag-alok) at Qabol (pagtanggap).
Ibig sabihin ay ang pag-alok at pagtanggap, at kahit anong galaw o gawain na nagpapahiwatig ng paraan ng pagkakasundo sa kontrata maging ito man ay batas o nakaugalian.
Ang pakinabang
At ito ay ang hinahangad sa pagpaparenta; maging ito man ay pakinabang ng tao, hayop, o bagay, yon ang pinagkakasunduan.
Ito ay ang bayad na ibinibigay katumbas ng pakikinabang sa mga bagay o tao, at ito ay katumbas na halaga sa pagbibenta.
Mga kundisyon ng pagkawasto ng pagpapaupa
Oras ng pagkaubliga ng pagbayad
Magiging Ubligado ang pagbayd sa pamamagitan ng kasunduan, at ubligado ang pagbigay ng bayad pagkatapos ng panahon ng pag-upa (pagrenta).
At kung nagkasundo sila sa agaran na pagbayad, o sa pagpapaliban, o hulugan ay pwede (pinahihintulutan). at karapatan ng inupahan na makuha ang kanyang bayad kapag natapos niya ang kanyang gawain (trabaho) ng maayos.
At kapag ang nirentahan o inupahan ay iyong mismong bagay dapat ibigay ang bayad nito pagkatapos pakinabangan. Isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- na ang propeta ﷺ ay nagsabi: <
Mga kalagayan ng pagtatapos ng kontrata o kasunduan ng Pag-upa
At hindi matatapos ang pag-upa sa pagkamatay ng isa sa magkabilang panig, ni sa pagbenta ng bagay ng nirentahan, ngunit ang sinumang inupahan para sa pribadong trabaho pagkatapos ay namatay sa gayun ay matatapos ang pag-upa, at kung kailan tapos na ang pag-upa itataas ng umupa ang kanya kamay at ibalik niya ang bagay na kanyang nirentahan sa nagpaparenta kung ito ay bagay na nadadala.