Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pautang

Aalamin natin sa aralin na ito ang konsepto ng pautang, at ilang mga hatol nito sa batas islamiko.

  • Ang pag-alam sa konsepto ng pagutang, Hatol nito at mga kundisyon ng pagkawasto nito.
  • Ang pag-alam sa mga kalagayan ng Utang sa pagbayad nito

Hinati-hati ng Allah na kataas-taasan ang mga biyaya sa pagitan ng mga tao ayun sa kanyang pagiging patas at wagas na kaalaman; kaya mayroon sa kanila ang mayaman at mahirap, at ang may kaya at ang nangangailangan, at nakasanayan ng mga tao na umutang sa pagitan nila nang anumang makatulong sa kanila na matugunan ang kanilang mga pangangailangan. at dahil ang batas ng Alah ay kompleto at sumasaklaw sa lahat, nagdala ito ng maraming mga alituntunin na kaugnay sa mga pautang, at tunay na itinangi ng Allah ang pa-utang sa pinakamahabang talata sa banal na Qur-ãn, at ito ay ang talatang 282 sa Surah Al-Baqarah, at tinatawag itong talata ng Utang.

Kahulugan ng Pautang

Ito ay ang pagbigay ng pera bilang tulong sa sinumang makikinabang nito at ibabalik ang bayad nito.

Hatol sa Pautang

Ang pautang ay kanais-nais sa nagpapautang, at pinahihintulutan ito sa umuutang. at ang pag-utang ay hindi kasama sa panlilimos na kinasusuklaman; dahil ang umuutang ay kukuha ng pera upang pakinabangan ito sa pagtugon sa kanyang mga pangangailangan, pagkatapos ay ibabalik niya ang bayad nito.

Ngunit sa kalagayan naman na ang pautang ay tumutubo at kumikita ang nagpapautang ito ay isang Riba (patubo) na ipinagbabawal; gaya ng pautangin niya ng pera sa kundisyon na dadagdagan niya ito sa kanyang pagbayad. at gayundin kapag isinama sa pautang ang ibang kasunduan tulad ng pagbenta at iba pa, ito ay ipinagbabawal, sapagkat hindi pinahihintulutan na pagsamahin ang utang at pagbenta (sa isang bagay lang).

Ang Layunin sa pagkalehitimo ng Pautang

Ipinahintulot ng Islam ang pautang dahil sa napapaloob nito pagpapagaan sa mga tao, at pagpapadali sa kanilang mga gawain, pagpawi sa kanilang kahirapan at pagtulong sa mga nangangailangan, at ito ay isa sa mga paraan ng pagpapalapit ng nagpautang sa Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan, at kung kailan higit na matindi ang pangangailangan; ang gantimpala ay higit na malaki.

Kanais-nais ang paggawa ng katibayan sa pautang -malaki man o maliit- sa pamamagitan ng pagsulat nito at pagpasaksi nito; kaya dapat isulat ang halaga nito, uri nito, at ang takdang araw na pagbayad nito; upang pangalagaan ang utang, at mapanatag ang nagpautang na hindi mawawala ang kanyang karapatan maging ito man ay sa pagkamatay ng umutang o pagkalimot nito, o pagtanggi nito at katulad noon, sinabi ng Allah sa talata ng utang: {O mga sumampalataya, kapag nag-utangan kayo ng isang pautang sa isang taning na tinukoy ay isulat ninyo ito at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katarungan. at Hindi tatanggi ang isang tagasulat na isulat niya gaya ng itinuro sa kanya ng Allāh. Kaya magsulat siya at magdikta ang nasa kanya ang tungkulin, mangilag siyang magkasala kay Allāh na Panginoon niya, at huwag siyang magpakulang mula roon ng anuman} [Al-Baqarah: 282]. at sinabi pa niya sa mismong talata: {...Huwag dumapo sa inyo ang pagsasawa sa pagsulat ng pautang, kaunti man o marami, hanggang sa taning nitong itinakda. Ang pagsulat ng pautang ay higit na makatarungan sa Batas ni Allāh, higit na mariin para sa pagpapatibay sa pagsasaksi at pagsasagawa nito, at higit na malapit sa pagkakaila sa pagdududa sa uri ng pautang} [Al-Baqarah: 282].

Mga kundisyon ng pagkawasto ng pautang

١
Na magaganap ang pautang sa isang salita, at ito ay ang Pag-alok at pagtanggap, o anumang magpapahiwatig nito.
٢
Na ang nakikipagkasundo -umuutang o nagpapautang- ay nasa tamang edad, nasa wastong pag-iisip, matuwid, malayang pumili (hindi pinilit), at may alam o kakayahan sa pagbigay at pagkuha.
٣
Na ang pera ng pautang ay pinahihintulutan sa Islam.
٤
Na ang pera ng pautang ay alam ang halaga.

Kailangan sa sinumang umutang ng pera na magsikap sa pagbayad nito, sapagkat ipinagbabawal sa tao na kunin ang pera ng mga tao nang wala siyang balak na ibalik ito sa kanila, at kapag dumating ang araw ng pagbayad nito ay kailangan niya itong ibalik. isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- na ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Sinuman ang kumuha ng pera ng mga tao na may hangarin siyang ibalik ito, ibabalik ito sa kanya ng Allah. at ang sinumang kumuha na gusto niya itong sirain, ay sisirain siya ng Allah". (Al-Bukharie 2387)

Mga kalagayan ng umutang sa pagdating ng oras ng pagbayad ng utang

١
Na wala siyang anumang bagay (na maaari niyang ibayad), ito ay kailangan bigyan ng palugit para makahanap ng pambayad, sinabi ng Allah: {Kung may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam} [Al-Baqarah: 280]
٢
Na ang kanyang pera ay higit na marami kaysa sa kanyang utang, ito ay kailangan magbayad ng kanyang utang, sapagkat ipinagbabawal sa mayaman na may utang na ipagpaliban ang pagbayad ng utang pagdating ng oras nito, at isinalaysay ni abi hurairah -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "ang pagpapaliban ng mayaman sa pagbayad ng utang ay isang pandaraya o pang-aapi". (Al-Bukharie 2288, at Muslim 1564).
٣
Na ang kanyang pera ay katulad ng halaga ng kanyang utang, ito ay kailangan magbayad ng kanyang Utang.
٤
Na ang kanyang pera ay mas mababa o kauti kaysa sa kanyang utang, ito ay bankrupt, ihohold siya kung hihilingin ito ng kayang mga pinagkakautangan, at hahatiin ang kanyang pera sa kanila ayun sa utang niya sa bawat isa sa kanila.

Hatol sa pagdeposito ng pera sa mga bangko

١
Ang pagdeposito ng pera sa mga islamikong bangko na nakikipagtransaksyon ayun sa mga batas ng islam ay pinahihintulutan
٢
Ngunit ang pagdedeposito ng pera sa mga nagpapatubong bangko ay hindi lumalabas sa dalawang kalagayan: Una Na ang pagdeposito ay kapalit ng interes, ito ay Riba (patubo) na ipinagbabawal at hindi pinahihintulutan ang pagdepositong ito, Ikalawa Na ang pagdeposito ay sa account na pinapatakbo ng bangko nang walang interes, at ito ay hindi rin pinahihintulutan sapagkat napapaloob dito ang pagtulong sa bangko sa panggamit ng pera sa kanilang transaksiyon sa patubo, at labas doon ang tunay na pangangailangan; gaya ng Natatakot ang nagdedeposito na mawala ang kanyang pera o manakaw ito, at wala siyang mahanap na ibang islamikong bangko upang itago ang kanyang pera, sa ganitong kalagayan ay pinahihintulutan ang pagdeposito sanhi ng pangangailangan.

Hindi pinahihintulutan na gumawa ng kundisyon na pagpataw ng multa kapag nahuli sa pagbayad sa takdang oras, dahil ito ay Riba (patubo), at hindi pinahihintulutan ang pagpapautang na may ganitong kundisyon, kahit na iniisip ng umuutang na kaya niya itong bayaran sa takdang oras ng hindi sa makamulta, dahil ito ay pagpasok sa kasunduan na maaaring magkaroon ng riba (patubo).

Ang pagiging mabuti sa pagbabayad ng Utang

Ang pagiging mabuti sa pagbabayad ng Utang -tulad ng Pinautang ng isang bagay pagkatapos ay bayaran niya ito ng higit na maganda kaysa sa inutang, o mas malaki sa inutang o mas marami- ay kanais-nais kung iyon ay hindi kundisyon, dahil iyon ay bilang pagpakabuti sa pagbayad, at isa sa mga marangal na moral, at kung iyon ay ginawang kundisyon ay Riba na ipinagbabawal.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit